NASILAWAN ang talukap ng mga mata ko dahil sa liwanag na tingin ko'y nanggagaling sa labas ng aking kwarto. Ngumuso ako dahil do'n.
Kung hindi maingay na alarm clock ang gigising sa ‛kin sa umaga, sikat naman ng araw!
Tinatamad na idinilat ko ang mga mata nang sumalubong sa ‛kin ang haring araw sa umaga mula sa labas ng bintana. Umunat ako tapos ay humikab. Bago ipinikit ulit ang mga mata at humarap sa kabila.
"My, please close the windows. I'm still sleepy," I muttered.
Baka kasi ginigising ako nang maaga ngayon dahil late na ‛kong nag-breakfast kagahapon?
"Sorry for that, sleepyhead."
Dala ng hinihila pang antok, kaya mabagal na nagproseso sa utak ko kung kaninong boses ‛yon nanggaling. Hanggang sa napatakip agad ang magkabila kong kamay paakyat sa aking bibig. Dumilat ako, kumukurap-kurap pa nang sumalubong sa ‛kin ang makisig na Allen sa umaga.
"Good morning."
"What are you doing here?!"
Nagkakandarapa akong bumangon saka tinungo ang C.R. Ngunit bago ‛yon ay narinig ko pa ang halakhak niya na nang-aasar pa yata. Nayayamot ko tuloy na isinara ang pintuan ng banyo at padabog na hinarap ang sarili sa lababo kung nasaan ang nakatapat na salamin.
"What a freaking heck?!" I exclaimed.
Gulo-gulo ang buhok ko at may tuyong laway pa na nagkalat sa mukha. Nang sinubukan ko namang bumuga ng hininga sa palad at inamoy ‛yon ay muntikan na akong masuka.
Geez! Naamoy niya ‛yon? Baka hindi na siya pumayag na makipag-kiss sa ‛kin? Baka magsisi siya dahil bad breathe pala ako?
"Sa umaga lang naman ‛yon..." medyo naiiyak kong saad.
Paano nga kung umayaw na talaga siya?
Letseng ‛yon! Tandang-tanda ko pa ‛yung pagdampi ng labi niya sa ‛kin. He's my first kiss. At sa pagkakaalam ko, alam niya ang tungkol do'n. Aba't talagang nakipag-unahan siya ah?
Pero nagustuhan ko... I saw my face flushed while looking in the mirror. Err.
Ginawa ko na agad ang morning rituals ko. Nag-shower na rin ako at nagpunta sa shortcut kung nasaan ang lokasyon ng aking walk in closet. Thank God at hindi ko na kailangang lumabas pa para kumuha ng pamalit na damit.
Ayokong makita ni aAllen na gano'n ang ayos ‛no! Minsan lang ‛yung saltikin at umamin sa ‛kin. Mahirap na, baka bawiin pa.
May tukador naman ako sa loob nito. Isang malawak na peach themed walk in closet kaya minsan ay dito na rin ako nalilipasan ng oras kaka-selfie at make up practice.
‛Yung make ups? Baka kailanganin ko sa Senior High kaya dapat matuto na rin ako tulad ni Yana.
B-in-lower ko muna ang basang buhok habang naka-bathrobe. Tapos ay isang off-shoulder na blue ang isinuot ko na pinaresan ng puting short. Nag-apply din ako ng lip gloss para hindi halatang maputlang tingnan ang mukha ko. Others said that I looked pale every time I was in school so I should know how to make my lips just define the natural shape or make it reddish.
But, I'm fine with simplicity.
"Tagal mo," bungad sa akin ng magaling na si Allen. He scanned me from head to toes so I mimicked him.
Nakapamewang ito habang nakatayo na mula sa pagkakahiga kanina at ngayon ay nasa sa paanan na ng kama ko. A gray v-neck shirt and a black kaki short suited him. So manly with his exposed biceps and triceps.
"Pake mo," sabi ko na lang at naglakad na palapit sa pintuan ng buong kwarto.
"Did you already bathe yourself? Why? You should've eaten first or just fed your stomach a warm glass of milk. Papasukan ka ng lamig niyan. Tsk!"
Nasa tapat na ako nang pintuan nang hinarap ko siya at nagulat na lang nang yakapin niya ako. His warmness embraced me like it gave my body a protection from coldness. Kasabay din no'n ang mainit na kamay na parang humaplos sa puso ko.
He's concerned and this time, it's true enough.
Concern siya kahit hindi niya ako obligasyon. Kahit hindi siya utusan ni dad na bantayan o alalahanin ako.
He's concerned... gosh! It's just a simple term but can immediately warm my heart and burst my tears.
Akala ko, buong buhay ko na lang pangangarapin na sana bigyan niya man lang ako ng kakaunting pag-aalala like kung umuwi na ba ‛ko galing school? Like that.
"Next time, you'll regret doing that," pagbabanta niya at nakarinig ako ng pag-click ng doorknob sa aking likuran.
"C'mon. Eat your breakfast now."
Ngumuso lang ako at nagpatianod sa pagkakahila niya. Hanggang sa naalala ko ang iba pa naming pinag-usapan kagabi.
I opened the topic,"Nakapag-desisyon ka na ba? Sasama ka sa amin sa vacation?"
Saglit lang itong bumaling sa baba ng kanyang balikat- kung hanggang saan lang ang height ko- bago nagpatuloy sa paglalakad sa pasilyo."I'm still deciding. Tatapusin ko ang mga projects bago ka sundan sa Antipolo."
"Hmm..." Tumango na lang ako. Bakit ko ba siya pinipilit eh, may sarili naman siyang buhay? Immature ka pa talaga, Beatrix.
Bumaba kami sa main staircase at naabutan naming nag-aalmusal na rin sila mommy at daddy. Sakto lang!
Nakisalo na kami at hindi na ako nagulat nang wala man lang reaksyon ang mga magulang ko nang makita kaming magkasama ni Kuya Allen. Okay lang sa kanilang umaakyat siya sa kwarto dahil ang alam nila, mas matanda si Kuya Allen at kaya akong i-handle.
Naku! Kung alam lang nila!
"Trixie, nasaan ang baggage mo?" tanong ni mommy na naghahanda na sa pag-alis.
Nasa sala sila nina daddy na nag-aayos ng inimpakeng mga gamit at pagkain saka isa-isang ni-check. Pababa ako mula sa kwarto pagtapos itali ang sintas ng snickers ko. I'm wearing a white v-neck shirt and a black short. I tied my hair in a ponytail and put a lip gloss.
I jogged then ran to them.
Tulad nga ng napag-usapan, after Holy Week ay pupunta kami sa Antipolo for vacation in a few weeks.
"Pinababa ko na ho kay Mang Ricardo. Are you both done packing?"
"Yep." Dad kissed my forehead. It's his way of greeting me a "good morning"
Nag-spike ang snickers ko sa marmol na sahig kaya hindi ako gaanong nadudulas. I stretched a little kahit nag-yoga na ako kanina, because it's gonna be a long ride!
Nang maayos na ang lahat at nailagay na sa compartment ang mga baggage ay naghanda na kaming umalis. Dad's wearing a long-sleeve and a pants while mom's suited with a fine dress.
Parang makikipag-meeting naman. Hiyang-hiya ako sa suot ko. Mukhang magjo-jogging lang sa kanto eh!
Paandar na ang S.U.V. namin nang binilinan ulit ni dad ang care takers o maids na huwag pababayaan ang mansion. Naiwan si Mang Ricardo dahil hindi na namin kailangan pa ng driver.
Nasa passenger's seat si mom nakapwesto katabi ni dad na nagda-drive. Ako naman ay nasa backseat na nakasalpak ang earphones sa tenga at nag-e-enjoy sa music.
Kung sakaling ma-lowbat man ako ay may dala naman akong power bank so it's okay. Pati parents ko ay may power banks din. Nice! Ako ang nagpakilala sa kanila niyan!
Lumipas ang ilang oras nang maisipan kong kalkalin ang phone. Walang message galing kay Kuya Allen kaya itinabi ko na lang. Yep, ang phone ko ay may purpose lang dahil si Kuya Allen lang naman ang hinihintay ko for update. I smirked kahit naiinis na ako dahil wala pa siyang message simula kaninang umaga.
Makakahabol kaya siya? Sana. May ilang linggo pa naman eh.
In-appreciate ko na lang ang ganda ng paligid. Mula sa kalsada ng syudad ay unti-unting naging liblib na ang dinaraanan ng sasakyan namin. Parang dinalaw tuloy ako ng antok na sinabayan pa ng malamyos din na musika sa aking tenga.
Bumigat ang talukap ng mga mata ko at hindi na namalayang nakatulog sa biyahe. "Trixie, wake up..."
Tapik sa mukha ang gumising sa akin at agad na inilibot ang tingin. Tumambad sa akin ang mukha ni mommy na naka-angat ang kamay sa aking mukha. Nakabukas ang pintuan sa gilid ko habang nasa ibaba na siya.
Amoy ko rin ang mga dahon na parang sa garden nila Allen.
Humikab ako. "N-Nasaan na tayo, my?"
"We're already here. Tara na."
Nauna na itong naglakad bago ako nakababa at sinundan siya. My eyes roamed on the whole place. Puro puno at tahimik ang paligid. Nag-iisang mansion lang ang nakatayo sa gitna ng mayayabong na punong narito.
Lumang ancestral house ito na pagmamay-ari ni daddy kay Lolo Berto, ang ama niya. Dito siya lumaki pero nakapag-aral sa isang sikat na unibersidad sa Maynila kaya doon na nagpasyang manirahan. Saka niya nakilala si mommy.
Dumaan kami sa isang stone pathways para makaakyat sa double doors ng mansion o ang pinaka-main na daanan nito. Ang kalsada ay malayo pa at tingin ko'y nasa gate ‛yon ng mansion na nalagpasan na namin habang nakatulugan ko.
Hapon na kaya nagsimulang bumukas ang mga lamppost na nakapaligid sa labas ng kabahayan. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid dahil nagsisilabasan na rin ang mga kulisap na nag-iingay at nagsisilbing ilaw sa gabi. Napangiti ako.
Sana narito si Kuya Allen para sabay naming makita ang lugar. We're like in a paradise!
"Beatrix, pasok na." "Yeah, dad."
Dala nito ang mga naiwan pa naming bagahe mula sa compartment ng sasakyan kaya hinablot ko sa kanya ang iba. Gulat pa ito sa ginawa ko pero tinawanan ko lang. Si mommy naman ay nauna ng pumasok sa loob ng bahay.
And when I stepped on the tile floor, I gasped on the view in front. Hindi ganito ang huli kong dinatnan nang last summer vacation namin. Mula sa bamboo na dating theme ng bahay ay naging mas presko na itong tingnan ngayon. They must be renovated the whole mansion!
From the sea shell-like chandeliers on the ceiling that were presented on the living room, high creamy walls and under the sea apparatuses displayed on every corner of the mansion.
"Close your mouth if you don't want a dragonfly enter that," dad said behind me so I looked at him with awe.
"Nagpa-renovate po kayo ulit?" namamanghang tanong ko.
He just shrugged and gave our baggage to the assigned caretakers.
Nang walang makuhang sagot ay in-appreciate ko pa ang buong bahay bago makyat para makapagbihis. Pagbaba ay kumain na kami para makapagpahinga rin agad dahil sa haba ng biyahe.
Bukas na namin pupuntahan ang ibang pasyalan dito saka gagawin ang mga nasa to do-lists namin.
Pag-akyat ko sa inuukupahang kwarto ay hindi ko muna binuksan ang ilaw. Nakabukas ang phone ko habang nagsi-search ng horror stories sa w*****d para exciting at ramdam talaga ‛yung katakut-takot na pakiramdam.
"Dahan-dahang binuksan ng bida ang pintuan ng banyo nang bumukas ang television?" natatakot kong banggit. "May T.V. din ako rito eh," saka sinulyapan ang kanang bahagi ng kwarto kung saa'y madilim din.
Under the sea rin ang tema ng aking kwarto nang mailagay ko sa may laman ng closet ang bagahe ko kaninang pagdating. May mga damit na talaga ako rito dahil minsa'y naiisipan naming bumisita rito tulad ngayon.
Lahat ng ancestral house ay may kanya-kanya na kaming nakahandang damit in case.
Binuksan ko ang torch ng phone saka dali-daling umupo sa kama. Pero nahinto ang pagmo-moment ko nang makitang bukas ang balkonahe sa kwarto. Gawa sa kahoy ang pintuan sa balkonahe na may halo ring disenyo ng mga kabibe, pati ang kurtinang nakasabit do'n.
"Hypebeast, nakalimutan ko pala ‛tong isara."
Sa sobrang excited kasi kanina ay sinilip ko pati labas nito at kung kailan nagbabasa na ‛ko, ay saka ko pa naalala.
Puro matatandang puno ng Balete ang matatanaw sa labas bukod sa masikip na kalsadang nasa ibaba. Nag-iingay ang mga kuliglig hanggang sa makarinig na rin ako ng ingay ng isang kotse.
Binalot ako ng kuryosidad kaya pumunta ako sa labas upang makita kung sino ang mapangahas na nag-drive sa likod ng mansion namin.
A familiar Jaguar parked in front and I was shocked when the owner went out from the car. A white long sleeve and a black slack suited him well like a businessman, like before, when he was one of my companions in moving up.
Tumingala siyang nakapamulsa. Tapos ay sumandal sa nguso ng sasakyan na parang isang batikang model sa industriya. He then waved his hand so cool.
Napahalukiphip ako at inirapan siya. May kinuha ito sa kanyang bulsa at tingin ko'y phone niya ‛yon base sa pag-ilaw ng hawak-hawak na bagay. Mayamaya'y nag-vibrate at tumunog ang phone na dala ko.
Hindi na ako nagulat nang siya ang tumatawag. "What?" anas ko na hindi inaalis ang mata sa kanya mula sa kinatatayuan.
"I miss you, love."
Hindi ko alam kung maiinis ako o matutuwa dahil nakarating din siya rito, finally. Alam kasi nito ang daan sa ancestral house namin sa Antipolo dahil noon ay bumibisita sila rito kasama ng parents niya. Coincidence, dahil may binili silang lupa at nagpagawa ng resort sa malapit lang.
"Hindi kita na-miss," pagtataray ko nang may maalala. "Tapos mo na ba ang school works mo? Gabi na ah, kumain ka na ba?"
"Yeah. Galing ako sa resort namin. Doon ako mag-i-stay pero pinuntahan muna kita to check if you're good."
"I'm okay."
"How ‛bout feeling good?"
Natawa ako. "I'm great. Tss." Grabe naman pala talaga mag-alala ‛to. Ano kaya ang ginawa niya kay Tiara kapag nag-aalala siya?
"Stay still. Aakyat ako," and the call ended.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nito. Buong akala ko'y iikot siya sa harap ng bahay namin so dad and mom will know that he's visiting here, but I was wrong. Kita kong walang kahirap-hirap niyang inakyat ang pader na harang sa likod ng mansiyon.
Mga nakatanim na mga halaman at bulaklak sa likod ay natapakan niya kaya bigla itong nag-peace sign. Sinamaan ko siya ng tingin at umingos.
Ang hawak kong phone na may torch ay itinutok ko sa kanyang dinadaanan at aakyatin. Sandali itong natigilan na parang nag-iisip. Nagtaka ako nang umatras siya. Saka ko napagtanto ang susunod niyang gagawin.
"Allen! Please, don't do it!" sigaw ko para marinig niya. Wala na akong pakialam kung may makarinig pa sa akin.
Delikado kung magpa-parkour siya
"I can do it," he mouthed. Napatili na lang ako nang bumwelo at tinalon niya ang balkonahe ng kwarto ko.
Nasa second floor ito ng mansion at masyado pang mataas kaya bilib din ako nang naabot niya nga ang recliner.
Inilapag ko ang hawak na phone sa isang malapit na table at sinalubong siya.
"Sabi ko naman sa ‛yo, ‛di ba? Look what happened?! Paano kung hindi mo naabot ‛to at nabagok ka! What do you think you're doing?!"
Mabuti sana kung may hagdan for emergency dito tulad ng sa balkonahe sa kwarto ko ro'n sa Manila, kaso wala eh! Tinalon niya talaga rito!
"And don't you try boasting your talent to me!" Hinatak ko ang braso niyang kumakapit sa recliner. Nang magtagumpay na naipasok ang kalahati ng katawan sa harang ay saka ko narinig ang boses ni daddy sa pintuan ng kwarto.
I forgot that this mansion isn't a sound proof one.
Nakatingin ako sa loob ng kwarto nang bumukas ang pintuan ngunit nagulat nang hindi dumagan sa akin ang bigat ni Allen at parehas kaming sumalampak sa sahig.
Nasa ilalim niya ako habang pumaibabaw siya. Mabuti na lang at naiharang niya agad ang braso sa magkabila kong gilid.
The cold tiled floor embraced me. Mas lalo pa akong nanlamig nang bumukas ang ilaw sa kwarto at sa balkonahe.
"Allen?" said dad in a shocked but authoritative voice.
"My goodness! Trixie? What are you two doing?!" mom shouted and we immediately got up.
Balisa at nagmamadali naming inayos ang sariling mga postura bago binalingan ang mga magulang na gulat at parehas na nanlilisik ang mga mata.
"Let me explain, tito."
"Let me explain, dad."
Sabay naming sinabi ‛yon ni Allen kahit na hindi ko alam ang susunod na gagawin. Paano ko ‛to ipapaliwanag? Geez! So doomed!
"Go to the library, now!" Dumagundong ang boses ni daddy sa buong kabahayan. Wala na talaga akong nagawa nang binalingan ang mga mata ni Allen na humihingi ng tawad.
Yeah, great! We were just caught! Caught by my parents!