KINABUKASAN ay susuray-suray akong bumaba sa main staircase dahil sobrang aga pa. Maaga like alas nuebe. Kahit ang normal na gising ko talaga ay alas siete. Sisisihin ko talaga si Allen dahil dito.
"Pinuyat ba naman ako!" I hissed.
"Sinong pumuyat sa ‛yo?"
Agad akong napatalon sa nilalakarang sala nang marinig ang sumulpot na si daddy. May hawak itong newspaper na tingin ko'y binabasa niya tulad ng nakagawian na. Linggo ngayon at walang pasok kaya simplehan lang ang suotan ngayon. White shirt, kaki short at tsinelas.
"Si... Lee Dong Wook po kasi," palusot ko na lang. "Sa k-drama ‛yon, dad. Hehe. By the way, good morning!" Kakamot-kamot na lang ako sa ulo dahil sa katarantaduhan ko. Hayp! Naisip mo pa ‛yon, Trixie?
Parang nadi-disappoint na umiling na lang ang kausap ko tapos ay tumalikod. Sinundan ko siya ng tingin at prenteng umupo na ito sa sofa.
"Huwag mong sanayin ang pagpupuyat. Alam mong nakakasama ‛yan sa kalusugan, Beatrix," paalala ni dad kaya sumang-ayon na lang ako at dumiretso na para kumain ng agahan.
Bumungad sa mata ko ang mga nagmamahalang materyales na naka-display sa dining room. Iba rito ay ipinanalo pa sa auction. Imagine the worth of those? Well, I can't count a million on my hands.
Naabutan ko naman si mom na tinutulungang maghugas ng pinggan si Manang. Nilapitan at yumakap agad ako sa kanyang likod. Ipinatong ko ang kabilang parte ng mukha rito. Humaplos naman sa aking balat ang yari sa silk niyang dress.
"Good morning!" I greeted.
She heaved a sigh then stopped. "Late ka ng gumising." Nagpatuloy lang siya sa paghuhugas ng plato nang sinagot ko.
"Sorry po. Hindi na mauulit." I hugged her tightly then went in front of the marble table where breakfast was served.
Bacons, hotdogs, toasted bread, friends rice and a glass of milk. Natakam ako at nagdasal muna bago kumain.
Pagtapos no'n ay nag-shower na ako. Nagbihis ako ng isang floral pink dress na hapit sa aking katawan. Bumaba muli ako habang nag-i-scroll sa i********:.
"One thousand likes. Nice."
Nag-post kasi ako ng full body na picture pagtapos maligo at mag-ayos sa sarili. Sa larawan ay hawak ko ang phone sa kabilang kamay at ang kabila nama'y nakahawak sa bewang habang naka-pose sa tapat ng tukador.
"Yes, maganda nga ro'n! Gusto ko rin kasing bumisita na eh."
I heard mom when I stepped onto the ground. Tumabi ako sa gitna nilang dalawa ng nag-uusap na si daddy sa sofa kahit na magkadikit sila.
Rude? Of course, I'm a princess! Duh!
"Beatrix..." dad said in a warning but a disappointed tone.
Dinilaan ko lang siya at sabay kaming natawa ni mommy. Syempre, tumityempo ‛yan para masolo niya si mommy!
"Sorry, daddy. But mom is mine only," pang-aasar ko pa.
"She's mine, princess."
"No... mine," saka binalingan ang katabi. "‛Di ba, mommy?" Nag-approve sign ito nakipag-apir sa akin. Hehe, I won.
Napahilot na lang si daddy sa kanyang sentido bago umusog nang tuluyan para magkaroon pa ng space sa uupuan kong sofa. I smirked inwardly.
"Saan tayo magbabakasyon? May naiiisip ka na ba, Trix?" asked mom then I pout immediately while thinking.
"Wala pa po eh. Kayo na ho ang bahala."
"Your mom was requesting a vacation after holy week. And I somehow agreed to that. Antipolo?"
Tumango ako pero naiisip ding pwede sa Boracay. But it's my parents who both agreed with the same place so, yeah. Saka may ancestral house rin kami at swimming pool naman. Malawak ang lugar do'n kaya I agreed.
Nang kinagabihan ay bumisita si Kuya Allen sa bahay. At himala, sa gate siya dumaan ngayon para bumisita?
"Good evening po," bati niya sa aming may kanya-kanyang ginagawa.
Nagluluto si mom ng dinner habang pasulyap-sulyap sa pinanonood na teleserye sa television dito sa sala, si dad ay kabababa lang mula sa library because of business matter habang ako ay nagse-selfie lang na ipo-post na sana sa instragam... Kaso nga ay dumating siya.
"Good evening, hijo. Long time no see, napadalaw ka?" tanong ni mommy.
"Good evening, Allen." Tinanguan ito ni daddy saka napunta sa akin ang tingin niya. Tila nang-aasar na naman kaya napanguso ako.
"Ah, pwede ko po bang mahiram muna si Trixie? I mean, can I talk to her?"
Pare-parehas kaming natigilan saka sumingkit ang mga mata ng magulang ko sa akin. Ngumiwi lang ako nang payagan din nila.
"Ibalik mo siya nang buo pa rito, Allen," maawtoridad na ani dad kaya napairap ako.
"Dad!" Sinimangutan ko siya pero umungos lang ito.
Nang makapagpaalam kami ay nagtataka ako kung bakit kami lumalabas ng gate ng bahay. Umaalon pa ang mahaba kong buhok dahil nagmamadali pa yata siyang lumabas na kami.
Nalagpasan namin ang lampposts na nakapaligid sa mansion namin- na nagsisilbi ring ilaw sa gabi bukod sa buwan at mga bituin.
"Saan ba tayo pupunta?"
"Basta."
Kuryoso akong nagpa-ubaya na lang hanggang sa makapasok kami sa katapat na mansion at pinagbuksan ng security guard doon. Binati ko ito ng "magandang gabi" tapos ay dumiretso kami sa malawak na garden sa likod ng mansion nila.
Nagningning ang mga mata ko nang mamataan ‛yon at sumalubong pa ang bango ng amoy ng mga ito.
"Dito tayo." Hinila niya ako sa isang bench do'n na nakaharap sa mga bulaklak na pananim.
Umupo kami saka ko siya tinaasan ng kilay. "O-kay?"
Marahan niyang inilapit ang katawan aa akin kaya napaatras ako. Grabe, sunggab agad?
Laking pasasalamat ko na lang talaga dahil naka-maroon siyang shirt at normal na shorts. Magulo ang buhok niya na parang kagigising lang sa gabi pero nang maamoy ko na ang hininga niya ay napatigil ako. Mint and after shave.
"B-Baka may makakita sa ‛tin?" nababahala kong saad. "Ang landi mo masyado eh."
"Pfft..." Umiling na lang siya at sumandal sa kinauupuan. "Walang tao sa bahay bukod sa ‛kin at sa maids. Nasa business trip ang parents ko, don't worry." His left hand slowly searching for mine and when he reached it, he intertwined our fingers.
Tumingala siya sa makinang na kalangitan. "Naaalala mo pa nang mga bata tayo? Lagi tayong tumitingin sa langit bago matulog, ‛di ba?"
Napangiti na rin ako. Mula sa pagkakatitig sa kanya ay tumingala na rin ako sa kalangitan. "Yeah. I'm the little star and you're the big one beside it. Nakikita mo pa ba sila?"
Magkatapat lang kasi ang balkonahe ng mga kwarto namin kaya kung hindi nagkaka-usap ay nagsesenyasan pa kami niyan bago pumasok sa kwarto. I smiled at that thought. It's always a memorable experience with him.
"Because the big one should protect the little star. Like how I should protect you against the people who'll try to hurt you."
"The little star might be just so far away from the world that's why it looked small. Paano kung mas maliit nga talaga ‛yang star na inaangkin mo?" I laughed then gave him my attention.
Unti-unting nawala ang ngiti ko at napalitan ‛yon ng tipid lang na tango. Naiilang talaga kasi ako sa mga mata niya. Before, I wanted him to give me his attention but when he finally gave it, I trembled. I couldn't breathe. Parang gusto ko ring pagbawalan siyang tumingin sa iba dahil akin lang ‛yan eh.
I want him to own me the way I want to own him. Like an obsessed man.
Hindi ko namalayang nakalapit na pala ang mukha niya sa akin. Ilang dangkal na lang ang layo ng aming mga mukha habang medyo nakasandal na ako at pumapa-ibabaw siya. Ipinikit ko ang mga mata at inihanda ang sarili sa mga susunod na mangyayari.
I felt a soft and sweet kiss brush my lips. Dampi lang ‛yon pero libu-libong boltahe na ang idinulot no'n sa aking sistema.
"Now that I kissed you first, no one is allowed to try your lips. Promise me, Beatrix."
Tumatama pa rin ang mga labi niya sa aking bibig habang sinasabi ang mga katagang ‛yon. Lihim akong kinilig at napangiti.
I stared straight into his eyes. "Promise."
"I kissed you so it should be me who'll just taste that. Kahit magtangka man ang Dencel Herrera na ‛yon. Maliwanag ba?" Gumalaw ang mapanga niyang mukha at nawindang ako lalo dahil din sa lalagukan niyang kitang-kita na nagbibigay lalo ng kakaibang kagwapuhan sa kanya.
Nginisian ko siya. "Mas maliwanag pa sa mga bituin."