ILANG gabi na ring nagpupunta si Allen sa mansion namin- nang hindi alam nila mom at dad. Syempre, inaakyat nito lagi ang balkonahe ng kwarto ko. Pero bago ‛yon ay tini-text muna niya ako saka ko siya sasalubungin upang makasigurado na wala ngang nakakakita sa kanya.
Mabuti na nga lang at gawa sa sound proof ang mga dingding eh. Dahil kung hindi, baka may sumita na sa kanyang security sa ingay ng ginawa niya nang pinagbabato niya ang balkonahe ko nang nakaraan.
"Gusto mong tugtugan kita?" nae-excite kong tanong habang naka-indian seat sa paanan ng kama.
Tulad ng dati ay prenteng nakahiga lang siya at ginawa ulit ang mga braso na unan sa kanyang ulo. Mula sa pagkakatitig sa kisame ay binalingan niya ako sa kanyang paanan.
"Okay. But don't be too loud. Baka puntahan ka nila tito dahil gising ka pa tapos mapalayas ako ng ‛di oras dito," he chuckled.
He's only wearing a white sleeveless shirt and a boxer! That's why his body is exposing like... it's tempting me! Gawd! Nakapaa pa ‛yan lagi tuwing pupunta rito. Bilib talaga ‛ko sa katapangan ng lalaking ‛to!
"Said the man who threw pebbles at my balcony last midnight. Duh!" I glared.
Umungos lang siya at tinapik ang katabing parte ng kama. Queen sized bed naman ito kaya kasyang-kasya talaga kami. Maluwag pa nga eh.
Tumayo muna ako para kunin sa nakasabit na dingding ang gitarang niregalo niya nang 11th birthday ko. Isa itong kulay lila na electric guitar kaya nagustuhan ko talaga dahil madalas ay nae-engganyo ako sa rocks.
Sinunod ko ang gusto niyang pag-upo sa kanyang tabi pagtapos na maialis sa lalagyanan ang gitara. Nag-indian seat ulit ako habang nakaharap sa kanya. Naka-pajama pairs naman ako kaya hindi expose ang mga balat lalo't higit pa na lumalagi ang pagbisita niya sa ‛kin nang palihim.
I started to strum my guitar, checking if the strings are playing right on my ears. Nang makasigurado na ay sinulyapan ko siya na titig na titig sa ‛kin.
"Tss." Umiwas ako ng tingin.
May alam din siya sa pagtugtog ng instruments pero hindi niya hilig ‛yon. Hindi tulad ko na nahanap dito ang talento, pati na rin sa pagkanta.
"Mag-request ka, anong gusto mong tugtugin ko para sa ‛yo?"
"Ikaw? Anong kanta ba ang gusto mong iparinig sa ‛kin? ‛Yung kantang ako lagi ang naaalala mo. Hmm?" mala-pilosopo niyang tanong kaya napabuntong-hininga ako.
Ano nga ba? Madami eh. Tingin ko kasi, lahat ng kanta ay ginawa para makidamdam din sa akin, sa nararamdaman ko sa kanya.
‛Yung mga alaala namin noon, kung gaano ako kasaya tuwing nandiyan siya, kung gaano ako kalungkot kapag binabalewala niya lahat ng ginagawa ko para sa kanya. Kung gaano ako nasasaktan kapag nakikita ko siyang masaya sa iba, kapag hindi ako nag-e-exist sa isip niya.
Kaya masasabi kong... lahat-lahat ng kanta ay kaya kong ialay para sa lalaking unang nagpatibok ng puso ko.
Funny because... I'm too young for this love, for this pain. Mom's right.
But then, I started to strum my guitar. Saka ko lang na-realize kung ano na pala ang tinutugtog ko sa harap niya. A dedicated song for him that no one can ever replace.
I looked at him intently. Because this feeling is serious like a knife's blade- can hurt you, can kill you once you touch it. So serious that playing is not allowed.
And she's got everything that I've had to live without~
I'm serious with my feelings that no one can ever replace him. No one. I'll always choose him and only him.
He's the song in the car I keep singing, don't know why I do~
I continued strumming while putting all my feelings into this song. Because I want him to know that it's not only him who's head over heels for me. I want him to know that I'm crazier for the love he's giving to me, despite our age gaps.
Minutes have passed but I didn't let my eyes lay on the other things, even with the guitar I'm still holding. I just only looked at his enthralling eyes because it has something that I can't name. And I want to know what it is.
"You looked at me, I faked a smile so you couldn't see~" I spoke the last lyrics while giving him a smile.
Nang matapos ang kanta ay saka lamang ako tinablan ng hiya. I flushed then bit my lower lip. Ngumiwi ako saka umayos nang upo.
Akmang ibabalik ko na sana ang gitara nang hilahin niya ang palapulsuhan ko. Kaya hindi ko inakalang babagsak ako sa ibabaw niya. Our eyes met and I gulped.
Ramdam kong tumalbog lang ang gitara pabalik sa kama nang mabitawan ko ‛yon. Nakaramdam ako ng init na pumulupot sa aking bewang kaya hindi ko na talaga alam kung paano makaka-alis sa pagkakayakap niya. Ang mga kamay ko naman ay nasa kanyang matitipunong dibdib. "K-Kuya..."
Wala itong imik habang malilikot ang mga matang inililibot sa buo kong mukha. Mas lalo tuloy akong nailang. Argh! Trixie, don't focus on him!
"Kung gano'n, para sa ‛kin ‛yung kanta nang araw na ‛yon?" he asked then licked his lower lip. Lalong pumula ‛yon sa kanyang ginawa.
"A-Araw?" nalilito kong tanong. What does he mean?
"The day when you performed for Foundation Day. Was that dedicated for me?"
Parang kinain ako ng lamig nang napagtanto ‛yon. Kasi... oo nga. Para sa kanya nga ‛yon. Aamin ba ‛ko?
Then I realized, it's too late because I sang it again for him.
Mayamaya ay umawang ang labi niya tapos ay at kinagat muli ‛yon nang makuha ang sagot- kahit hindi pa naman talaga ako sumasagot. He knew it! Sh*t, Trixie's doomed.
"Thank you..." sa huli ay banggit niya. My left eyebrow raised ‛cause I didn't get his idea. "Thank you for giving me a chance to work some things with you. No, a special thing. Thank you for still waiting for me. Thank you and I'm sorry, Beatrix Isabella. Sorry for the pains I gave you. Sorry for being selfish. Babawi ako sa pagkukulang ko."
Hinawi ng mga kamay niya ang mga takas kong buhok at inipit ‛yon sa likod ng aking tenga. He brushed his thumb on my right cheek then to my lips.
Napapikit siya at napahinga nang malalim. I felt his other hand drawing circles on my back. I smiled at the sight.
"Pagbibigyan kita," ani ko kaya naidilat niya bigla ang mga tsokolateng mata. "Let's start from your ideas. Pero ang tanong, parehas ba tayo ng iniisip?"
Tinaasan niya ako ng kilay kaya natawa ako at nahampas siya nang pabiro sa dibdib. Hinayupak talaga ‛to eh! Baka mag-assume na naman ako! Grabe!
"Iisipin ko talagang f*ckboy ka kung paaasahin mo na naman ako."
"Parehas tayo ng iniisip, Miss Sandoval. Happy?" he smirked kaya inirapan ko.
Umalis ako sa ibabaw niya nang padabog at binuksan ang lampshade bago pinatay ang ilaw ng kwarto. Bigla akong nawala sa mood dahil pakiramdam ko, pinaglalaruan niya lang yata ako!
Itinuro ko ang nakabukas na balkonahe ng kwarto. "Alis na," malamig kong saad kaya nanlalaki ang mga mata niyang sinulyapan ako. Bumalikwas siya ng bangon.
"W-Why?" natatawang aniya kaya lalong naglagablab ang inis ko.
"Layas..." may pagtitimping pagkasabi ko dahil baka anong magawa ko sa kanya at makaladkad ko pa siya sa balkonahe.
"Bakit pinapaalis mo na ‛ko? Tugtugan mo pa ‛ko, love!" Tumayo na siya at tatawa-tawang tumutungo sa direksyon ko.
Ano kamo? Tama ba ‛yung narinig ko? Love?
Umatras na agad ako palabas ng balkonahe dahil sa uri ng tingin niyang ibinibigay sa ‛kin, I know that! Saka sandali nga, siya ‛tong pinapalabas ko ah? Bakit parang mauuna pa yata ako?
Pero nang tumakbo na siya ay napatili ako at kumaripas na ng takbo. Ngunit talagang pinalad siya at naabutan niya ‛ko tapos ay binuhat na parang sako ng bigas. Hinampas-hampas ko ang pwet niya nang maisakay na sa balikat pero parang wala lang sa kanya ‛yon at nag-e-enjoy pa.
"Argh! Bitawan mo nga ‛kooo!" sabay hampas ulit sa kanya at naglikut-likot.
Humalakhak siya, "Ayoko, love. Tugtugan mo muna ‛ko!" saad niya at pakunwari akong binabalibag. Dahilan kaya ako nahihilo na natatawa na parang tanga!
Isang kunwaring balibag pa ang ginawa niya habang nakabaliktad ako sa balikat niya, kaya wala na ‛kong nagawa kundi magpa-ubaya. Jusko!
T*ngina mo talaga, Allen!