Fifteenth Teardrop

2049 Words
“OH, NARIYAN na pala si Allen eh," malakas na tinig ni dad kaya napatalon ako sa kinauupuan.  Grabe naman, mas masahol pa si dad sa alarm clock tuwing umaga eh!  “Sorry, I'm late...” Humalik ang binata sa pisngi ng mga magulang ko tapos ay bumati sa mga kamag-anak ko. Nakatupi na ang long sleeves nito hanggang siko. Kitang-kita na tuloy ‛yung ugat niya at defined muscles! Ih!  Ipinakilala siya ni dad ngunit iilan sa kanila ay nakilala na siya dahil madalas kami noong magkasama. Talagang namangha lang ang iba dahil binata na raw ito ngayon.  Wow! What an exposure!  Pagtapos ng batian ay parang may hinahanap pa siya. At nang dumako ang tingin nito sa akin ay agad kong iniwas ang tingin. Hindi ko tuloy alam kung alin ang madaling malulusaw eh.  ‛Yung ice cream sa harap ko o ako? Err... Lihim akong napairap.  Umupo siya mismo sa tabi ko na parang sa kanya talaga ‛yon pinreserba. Kaya pala hindi ko katabi si dad ha? Hmm...  “Hi, lo-- Trixie," bungad niya sa akin pero hindi ko ‛yon pinansin.  Saka isa pa, ano ba ‛yang “lo" na ‛yan na hindi niya matuloy-tuloy kanina pa? Tss. Ang labo naman niya.  “Uy... Psst...”  Inusog nito ang upuan malapit sa akin kaya nagdulot ‛yon ng ingay dahil sa pagkaskas sa sahig. Napatingin tuloy ang iilang kamag-anak namin pero nagpatuloy din kalaunan sa kani-kanilang kwentuhan.  Narinig ko namang tumikhim si dad kaya kinabahan tuloy ako. Sinundan naman ‛yon ng hagikhik ni mommy kaya napatingin ako sa kanya. Katabi ko lang ito pero parang wala namang nakakatawa sa usapan nila ni Tita Solem?  Bakit kaya?  “Huy," pukaw ni Kuya Allen sa atensyon ko kaya tinaasan ko ng kilay. “Sungit mo," saad niya saka ngumuso.  Napakagat ako sa pang-ibabang labi at umiwas ng tingin. Ang cute niya eh! Kagigil! Pout-pout pa siya riyan, hilahin ko ‛yan eh! Hmp!  “Can you please lay your eyes on mine? Bakit parang nandidiri ka sa ‛kin? Tapos ayaw mo pa ‛kong kausapin? Are you... mad?” sunud-sunod niyang tanong kaya matalim ko siyang tiningnan.  “Bakit ang tagal mong nakabalik? Saan ka pumunta?” pagalit kong tanong.  Am I being immature? Nag-alala lang naman ako sa kanya. Akala ko’y nalipasan na siya ng gutom sa sobrang tagal mag-park ng kotse niya sa labas!  “Pfft...” Agaran niyang tinakpan ang nakangusong labi at parang nagpipigil pa ng tawa.  Ano na naman kayang nakakatawa sa sinabi ko? Kung anu-anong pumapasok na naman diyan sa kokote niya! “Nakakatawa ba ‛ko?” malamig kong saad at tumayo na. “Kumain ka na nga lang." “Saan ka pupunta?” pigil niya.  Napalingon na rin sina mom at dad sa direksyon namin. Si dad ay katabi ni Kuya Dencel— na nasa unahan ng hapag.  “Magpapahangin...” balewala kong sagot at maglalakad na sana papunta sa table nila Yana nang magsalita na naman siya.  “May aircon naman dito, bakit ka pa magpapahangin?”  Sinamaan ko siya ng tingin at napabaling sa mga kamag-anak na natatawa na rin habang pinagtitinginan ako. Bwisit! Ang galing mambara ng lalaking ‛to ah?  This time, ako naman ang ngumuso kaya tumingin ako kay mommy, humihingi ng tulong. Napapailing na lang siya na natatawa. Pati ba naman siya?  Baka isipin nilang naturingan akong with honor student pero tanga? Ayoko na nga!  Umiinit ang pisngi ko habang dire-diretsong naglalakad sa table nila Yana. In-excuse ko siya upang samahan sana akong lumabas lang at maglibot sa buong restaurant. May mga iilan din kasing pasyalan sa labas at may park pa rito.  Ang katanghalian ng araw ay tumama sa aming balat nang makalabas sa babasaging pintuan ng restaurant. Sumilong kami agad sa mga puno kung nasaan din ang park na nakatayo.  Nagningning ang mga mata ko nang may mamataang perya sa kabilang kalsada. Kakaunti pa lang ang mga tao dahil siguro mainit pa. Katabi nito ang mall na tingin ko’y sakop ng lugar na ‛yon. Pero mamaya susubukan ko— namin.  Kinalabit ako ni Yana. “Punta tayo ro’n? Malapit lang naman eh.”  Nagsesenyasan kami tapos ay unti-unting sumilay ang mga ngisi at tumili! “Pero bago ‛yan, magpaalam muna tayoooo!”  Nagkakandarapa kaming bumalik sa loob at nagpaalam na mamamasyal lang sa kabilang kalsada.  “Akala ko ba ay magpapahangin ka lang?” tanong ni mommy.  “Ah... eh, ngayon lang naman mom! Please? Diyan lang naman oh! Ayon ooooh!” sabay turo sa salaming dingding kung saan matatanaw ang katapat na mall na may perya rin sa tabi.  “Are you sure?” namamanghang tanong naman ni dad. “Hindi ba parang delikado naman diyan?” “D-Dad--”  “I’ll accompany her.” Sumingit si Kuya Allen sa usapan kaya napairap ako.  Sipsip naman ih.  “O-Okay? Mabuti pa ngang samahan mo muna, Allen. Baka maligaw pa ang mga bata," natatawang sabi ni dad kaya humaba ang nguso ko.  Tumayo na kami at sumalubong sa akin si Yana na may kasama na rin. Nginitian ko ang lalaking katabi niya at kinawayan.  “Hi!"  “Yow," bati muli ni Dencel.  “Eh, Trixie girl, hinila ko na rin siya para naman makapag-bonding din tayo. You know, minsan lang ‛to. Saka magkakawatak-watak na tayo kapag iba-ibang strand na ang kukunin natin.”  Napatango na lang ako at inangat ang tingin sa katabing lalaki. Siniko ko ito. “Behave," I whispered at nauna nang maglakad.  Hindi naman kami nahirapang tumawid kahit hindi ako sanay na naglalakad sa gitna ng kalsada. May traffic enforcer naman at pedestrian lane sa malapit kaya agad kaming nangunguna ni Yana na tumatalon-talon pa.  Mga dalagang isip-bata. Pero walang dala-dalaga ngayon kung ganitong lugar ang pupuntahan.  “Mainit pa, Yana. Pasok muna tayo sa mall?” pangungumbinsi ko.  “Okay!”  Nang una ay nag-alangan pa ang security guards na papasukin kami dahil estudyante kami. Pero kalauna’y pumayag din dahil wala naman kaming pasok. Dapat pala ay nagdala ako ng pang-extra kung alam ko lang na mangyayari ‛to.  Sumakay kami ng escalator at inilibot ang mga mata. Tumingin ako sa likuran namin at kitang nahuhuli ang dalawang lalaki.  “Saan tayo?”  “Hmm... Parang gusto kong maglaro?" hindi siguradong sagot ko.  “Sure ka na ba? Ayaw mong manood muna ng sine?”  Hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong magsalita dahil hinila ko siya sa Quantum s***h World of Fun s***h play room.  Bumili kami ng mga tokens saka namili ng lalaruin. Maingay ang loob dahil sa mga nagkakatuwaang magkakaibigan at nafu-frustrate na players.  “Nasaan na sina Dencel?” Kailangan pang ilapit ni Yana ang mukha sa tenga ko para marinig ko ‛yon.  Nilingon ko siya at lumapit din. “Baka nandiyan lang ‛yon sa tabi-tabi. Tawagan na lang natin mamaya pagtapos natin dito.”  Tumango na lang ito at itinuro ang machine na pwedeng maglaro ng basketball. Nangingiti kaming sumugod do’n saka binasa ang instruction na nakalagay sa paglulusutan ng token.  May two minutes daw kami para mai-shoot ang bola sa ring at kakailanganin ng two tokens. Kaya naman nagmamadali ko ng ipinasok sa butas ang tokens na binili at nag-start ng kumawala ang mga bola.  Kumuha ako ng isa at pinaningkitan ang mga mata bago ni-shoot sa ring. Napatalon ako ng pumasok ito.  “Yes!” Napasuntok pa ako sa ere at gumigiling-giling. Kumuha pa ako ulit habang si Yana ay tumitili na rin habang natatawa.  “Go! Go! Go!” sigaw ko at muntik ng mangisay dahil nai-shoot ko na naman.  “Aaaaah! Malapit ng mag-time hindi pa ako nakaka-shoot!” si Yana, na sumisigaw na pero natatawa pa rin.  Hanggang sa may dalawang pares na rin na mga kamay ang nakiki-shoot nà ri sa mga bola namin. Isang pamilyar na amoy na pabango ang nagpatigil sa ginagawa ko.  Napukaw lang ang atensyon ko nang kuhanin niya bigla ang bola sa kamay ko at ni-shoot ‛yon sa ring na pumasok naman.  “Tulala ka na naman sa kagwapuhan ko," tawa nito kaya hinampas ko.  Feelingerong medical student! Tse!  Katabi ni Dencel si Yana at napapakamot na rin ng ulo dahil end of time na. Naghulog pa ako ulit dahil natutuwa ako sa mga nangyayari.  Nag-shoot lang ako nang nag-shoot at nang magsawa na ay dumako naman ang tingin ko sa Just Dance na pinagtitinginan ng mga tao ang sumasayaw. Pinanonood ko ang moves hanggang sa makuha ko ‛yon lalo na’t nakaka-engganyo ang piniling tugtog ng sasayaw.  “Huwag mong sabihing susubukan mo ‛yan?”  Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Kuya Allen sa tabi ko. Tinaasan ko siya ng kilay and I saw amusement on his chocolate eyes. Parehas sila ng kulay ng mata ni Dencel pero mas type ko ‛yung kanya. Syempre naman ‛no! Bakit hindi?  Obvious naman sa mga pangalan nilang naka-register sa phone ko. Allen Labidabs versus Dencel the weirdo?  “Sinong may sabi na susubukan ko ‛yan?” I smirked. Parang kinabahan naman ito sa uri ng pagkakatingin ko.  Umatras siya. “No, no...” Itinaas niya ang magkabilang kamay. “I know that look. Don't me, Trixie.”  Pinagsaklop ko ang magkabilang kamay at nag-puppy eyes sa kanya. “Please?” Pigil ko ang matawa pero alam ko may itinatago pa siyang talent bukod sa panggamot. “For meeee? Please, Allen?”  Humihinga siya nang malalim tapos ay tinalikuran na ako. Pero hinabol ko siya kaya bumilis ang kilos niya at sa huli ay naghabulan kami sa mall.  Tawa ako nang tawa dahil bukod sa nakakahiya ang ginagawa namin ay mukha pa akong tanga na nagkakandarapang habulin siya.  Letse! Dapat pala nag-rubber shoes na ‛ko kung alam ko lang na marathon pala ang pupuntahan ko. At ang premyo ay si Kuya Allen. Charotera ko!  “Kuyaaaa!” sigaw ko at nagpatuloy sa paghahabol sa kanya.  Pero nang mapagod na ako ay natatawa siyang binalikan ako sa third floor ng mall at hindi man lang naiilang kahit pinagtititinginan na siya ng mga babae.  Mukha ba namang business man na naligaw sa mall? Sinong hindi mangingisay?  Nang makabalik na kami ay sinalubong ako ng nakasimangot na si Yana at si Dencel na tila nagtitimpi ng kung anong inis. Tinaas ko ang magkabilang kamay.  “Chill. May surprise ako sa inyo," saka humalakhak nang pagkalakas-lakas. Nauna akong maglakad sa kanila nang naka-evil smirk.  Mayamaya ay sabay-sabay na kaming nagtatawanan nang pinagigitnaan ang namumulang si Kuya Allen ng mga tao. Inilabas ko ang phone para video-han siya. We cheered him.  “Go, Allen Madrigaaaaal!” sigaw ko na tumatalon-talon pa.  “F*ck! D*mn!” Nagsunud-sunod pa ang mura nito nang nag-umpisa ng sumayaw. “F*ck! What? Goddamn sh*t!” “Go, Kuya Alleeeeen!" pangchi-cheer din ni Yana pero may halong pang-aasar.  Tatawa-tawa na rin si Dencel sa tabi ko at ayaw ipahalatang naa-amaze siya sa ginagawa ng kasamahan namin.  “T*ngina nakakahiya," bulong niya pero tinawanan ko lang ‛yon.  Imagine him wearing an office suit while dancing Freaky Friday? So, so hot! May iilan na ring naglabas ng kani-kanilang phone at karamihan pa sa umaaligid ay mga babaeng wala man lang panlaban sa ganda ko!  Chos! Akala naman nila maaakit nila ‛yang si Kuya Allen? Kahit nga ako nahirapan eh.  Hindi ko na lang pinansin ‛yon at pinagmasdan ang pagkembot ni Kuya Allen lalo na nang mag-freestyle ito. Humagalpak kami ni Yana sa kakatawa at nakipag-apir pa.  “Woo! The best ka talaga!” sigaw ko nang matapos siya at pawis na pawis.  Umiling-iling lang ito at niyakap ako. Pero lumayo rin ako agad. “Pawis ka kaya!”  Inamoy niya ang sarili tapos ay nakangisi akong tiningnan. “Mabango pa rin naman ako ah? Saka, hindi mo ba nagustuhan ‛yung ginawa ko? Para sa ‛yo lang ‛yung sayaw ko.” “Tse!” inirapan ko siya pero nangingiti na rin.  And that's how our moving up celebration happened. Pumunta kami sa food court pagtapos ng paglilibot na ginawa namin.  Well I think it's one of the most memorable experiences in my life. With my friends, with my loved ones. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD