Fourteenth Teardrop

2109 Words
KAHIT SINONG makakita sa kanya, panigurado ay mahihimatay. Kahit matatanda? Baka malaglag ang pustiso kung ganito kagwapong nilalang ang bubungad sa kanila.  Sa huli ay umiwas ako ng tingin at umayos na ng tayo nang magkatapat na kami. Sarado na ang pintuan pero wala pa ring namutawing mga salita sa amin. Ano? Magsesenyasan na lang kami, gano’n?  Hinangin ang buhok ko at sumilay ang haring araw sa umaga na nagmumula sa mga sanga ng iilang puno ng mahogany. Naiilang akong inaayos ang buhok habang nakasandal sa nguso ng kanyang sasakyan.  Tinitigan ko siya. Muntik na akong mabuwal sa uri ng pagkakatitig niya. Parang... parang nafa-fascinate siya sa nakikita?  “H-Hehe... Maganda ba ‛yung pagkaka-make up sa ‛kin?” tanong ko na pinag-iinitan ng pisngi. Mula sa nakapamulsa niyang porma ay umusod siya papalapit pa lalo sa ‛kin. Naka-longsleeve siya na puti na pinaresan ng itim na slacks. Magulo rin ang kanyang buhok.  Lalo siyang naging hot tingnan. Parang isang bachelor businessman na hinahabol-habol ng mga babae? Gano’n! Dagdagan pa ng pulang-pula niyang labi. Hiyang-hiya ang lipstick ko!  Wala sa sariling nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Nakaka-tempt! Ang bata ko pa para rito eh! Huhu.  “You’re blushing," saad nito kaya nagtaas ako ng kilay.  “Malamang sa blush on ‛yan. Duh! Tara na nga, ang dami mong napapansin eh.” Itinulak ko siya nang bahagya para magkaroon naman ng distansya ang katawan namin.  Dalawa lang ‛yan eh. Baka ma-r**e niya ‛ko o siya ang ma-r**e ko. Kaso mukhang imposible naman yata ‛yung una?  Bahala na nga.  ——*——  “The completers of grade 10- Saint Ignatius that will be introduce by their dear adviser, Mrs. Maria Erica Trinidad.”  Nakarinig ako ng mga palakpakan mula sa completers, teachers, school officials at parents na dumalo ngayon. Sa malawak na gymnasium ginanap ang aming moving up. May aircon naman sa loob kaya hindi mainit kahit punung-puno ng mga tao.  Nakapila na kami sa entrance at handa ng pumasok sa loob. Naghihintay na sa bleachers ang mga magulang namin. Pinayagan naman na kahit ilang companion ang kasama kaya naroon din si Kuya Allen sa loob. Excited na ‛ko lalo’t isa-isa na kaming nagma-martsa.  I heaved a sigh.  “Kinakabahan ka?" tanong ng katabi kong lalaki. Dahil alphabetical ay tumapat ako sa letrang “S" din ang surname— walang iba kundi si Mauricio Joseph Silvestre.  “Excited lang," matipid kong sagot.  “Congrats nga pala, with honor.”  Napangiti ako, “Salamat. Congratulations din.”  Nang kami na ang sumunod na tinawag ay ipinulupot ko na ang braso sa kanyang nakahandang siko. Flashes of different cameras welcomed us together with a loud applauses.  Ngiting-tagumpay akong naglakad kaakibat ng pagtawag sa aking pangalan.  “Sandoval, Beatrix Isabella G., with honor.”  Kumalas ang pagkakahawak ko kay Silvestre and we parted ways. Magkaiba kasi ang pwesto ng mga babae at lalaki.  Pagtapos ng mahabang seremonya ay inisa-isa ng tawag ang mga completers na nagtamo ng karangalan.  Syempre, sa sobrang excited ko, ay ilang oras akong hindi mapakaling umupo. Kaya nang palihim na kaming tinawag ng teachers namin ay tumayo na ako at nakasabay ko pa si Dencel.  “Hello!” I waved at him.  Tumango ito at binigyan ako ng isang tipid na ngiti. “Congratulations, Beatrix. With honor...”  Pabiro ko siyang hinampas nang inaayos na kami kasama ang mga magulang. “Congratulations, with high honor," I smirked.  Unang tatawagin ang mga with honors. Nasa bandang likod namin nakapila ang with high honors kaya tumungo sa likod si Dencel kasama ang magulang nito. I'm with my mom and dad at parehas nila akong binigyan ng mainit na yakap. I hugged them back at umayos na kami ng pila.  Nasa magkabilang gilid nila ako.  “Si Kuya Allen po?” biglang tanong ko. Akala ko kasi kasama siya sa mga aakyat para magsabit ng medal ko. Nagpalinga-linga ako.  “Ha? Sabi niya saglit lang daw siya eh. Nag-C.R. yata o baka lumabas?” sagot ni dad tapos ay tapik sa balikat ko.  Speaking of dad, nagka-ayos na kami niyan after one week ng issue na kinasangkutan ko. Dinala ko ‛yan sa lambing. At kapag sinabi kong lambing, paglinis ng sapatos niya, paglalaba ng damit at pag-asikaso ng breakfast.  Bilib nga ako kay mom at mahaba ang pasensya niya riyan para kay daddy. Or maybe, it's the other way around? Si dad ang sumusuyo kay mom? Sanaol.  “Congratulations!”  “Thank you po!” sabay ngiti ko nang ibinigay ang certificate at medal naman kay mom.  Isinuot ni mom sa ‛kin ‛yon at nakipagbatian si dad sa school officials pati sa adviser ko. Nang magpi-picture taking na ay huminto saglit ang camera man na nakatingin sa gilid ng stage.  “Oh? Mr. Madrigal?”  Sabay kaming napatinging lahat sa direksyon ng kausap nito at nanlaki ang mga mata ko nang makitang papaakyat sa Kuya Allen dito. Bitbit niya ang isang bouquet na tingin ko’y Tulips.  My favorite!  Kanina naman ay hindi ako dinadalaw ng kaba nang umakyat sa stage at ipakilalang with honor, pero ngayon? I don't know. He didn't ever fail to make this to me– to make my heart go thump.  Rinig ko ang tilian ng mga estudyante sa buong gymnasium. At dahil nga narito ang lahat kasama ang school officials at companions, ay makabasag-tenga ang tiling kanilang pinapakawalan.  Sa eksena ba namang nangyayari ngayon at sa gwapong taglay ng lalaking lumalapit na ngayon sa ‛kin? Sino bang hindi mangingisay? Kahit ako gusto ng maglupasay sa stage eh, kung hindi lang talaga nakakahiya.  ‘Langya! May pasabog si big brother!  “Congrats, lo-- Trixie. For you," saad niya saka inabot sa akin ang hawak na bouquet bago tumabi sa pwesto ko dahil pinatabi rin ni dad.  Syempre, manok niya ‛yan eh. Pero... alam na kaya niya ang nangyari sa ex-girlfriend nito?  Pagtapos mag-click nang ilang beses ang camera at nag-wacky pa ay bumaba na rin kami. Habang naglalakad pabalik ay bigla akong niyakap ni Kuya Allen na ikinagulat ko. Jusmiyo, baka masita kami rito. PDA kumbaga?  “I’m so proud of you, Trixie," he whispered.  Kumalas ako ng pagkakayakap sa kanya at nginitian siya. I smiled at him genuinely.  “It’s because of you, Kuya Allen. Thank you... for being my inspiration.”  Ilang sandali pa kaming nagkatitigan tapos ay humahagikhik na bumalik sa pwesto. What the heck? I'm so kinikilig!  ——*——  “Trixie, giiiiirl!” tili ni Alyana nang dumiretso kami sa isang restaurant. Napagkasunduan kasi ng parents namin na sabay ng mag-celebrate at imbitahin na lang ang iba naming relatives.  “Hi, again!” bati ko rito dahil kakakita ko lang sa kanya kanina sa school.  Part two na pagkikita namin at parang hindi man lang siya nagsawang pagmasdan ang mukha ko. Habang ako’y sukang-suka na dahil sa araw-araw na pagsasama ba namin? Joke lang. Hindi ko sasabihin sa kanya ‛to, baka magtampo eh.  “Congratulations, Beatrix hija...”  Hinarap ko ang may-ari ng boses na ‛yon only to find out that it's Tita Solem— the guidance councilor of our school.  I hugged her while she kissed me on my right cheek by the other side of her cheek also. Beso-beso, like that.  The whole restaurant is huge and looked like the long tables were made for every costumers' big event. Chandeliers are shining brightly and the floor was made from marbles. Kahit ang mga upuan at mesa ay halatang mamahalin din. What a nice place!  Pagkaling sa school at diretso rito ay sakay pa rin ako ng kotse ni Kuya Allen. Kaya ewan ko kung nasaan na siya ngayon since ang sabi niya ay aayusin niya lang ang pagkaka-park ng kotse at pinauna na akong pumasok sa loob.  He’s already twenty one years of old kaya naman ay allowed na siyang mag-drive at may lisensya naman.  Hinila ako ni Yana upang ipakilala sa ibang imbitadong kamag-anak. Panay lang ang “thank you” dahil sa tuwing ipinapakilala ako ni Yana s***h Tuko number one, ay hindi nawawala ang with honor sa tabi ng pangalan ko.  Medyo nakakahiya man pero, minsan lang sigurong magmayabang, ‛di ba? Lalo’t pinaghirapan ko naman ito.  Gano’n din ang ginawa ko kay Yana sa iba kong kamag-anak. Iilan sa mga ito ay kilala na siya kaya hindi na ako nahirapan at natagalang mag-introduce pa.  “Psst, si... Dencel ‛yon, ‛di ba?” tanong ng kasama ko kaya binalingan ko ng tingin ang nginunguso niya.  Lalong sumingkit ang may pagkasingkit kong mga mata nang mamataang may kausap ang lalaki habang nakaupo siya sa harap ng table nila.  Nagkatinginan kami ni Yana bago sabay na tumango. Lumapit kami sa hindi kalayuang table. Pinagtitinginan na rin kami ng iilang costumers dahil siguro ay naka-uniform pa kami. But we didn't care until we reached Herrera's table.  “Good afternoon po,” magalang naming bati ni Yana sa mga kumakain. Napunta ang atensyon ng magulang ni Dencel sa amin at iilan din nitong pakiramdam ko’y kamag-anak nila.  “Oh, hello girls! I bet you're from the same school as my son?” tanong ng isang babae na may resemblance ni Dencel. Her brown eyes met mine then slowly wide. Mala-porselana ang kutis nito, halatang nagpapa-derma at nagpapaturok ng gluta. Her hair was in a ponytail kaya nagmukha siyang former beauty queen with her red dress also. “Hmm... You're Beatrix, right? Mr. Siervo Sandoval's daughter?”  “Yes, ma'am," nahihiyang saad ko at siniko si Yana. Kilala niya ako? Baka dahil siguro kay dad? Business matter like that?  “Ah... I'm Alyana Tañez po--”  “I bet you're Arman Ezekiel Tanez’s daughter? From Chain and Hotel’s Corporation?” putol naman ng isang lalaki sa kaibigan ko.  When I gave him my attention, I met his eyes. So intimidating, like a different kind of aura was surrounded by his wholeness. He's like my dad when being serious when it comes to business. He has a plain and neat haircut, growing stubbles and a figure like Dencel’s with his black tuxedo paired with a red necktie. Nakuha nito ang halos lahat ng features ng ama pwera lang sa mata na tiyak ay nagmana sa kanyang ina.  “Y-Yes, sir," kinakabahang sagot ni Yana.  “Hello there, girls," tinig ni Dencel kaya binalingan namin ‛yon ng tingin at nilapitan siya sa kanyang upuan.  His complete and glittering teeth showed us kaya nagkatinginan na naman kami ni Yana. Lagi naming ginagawa ‛yon sa tuwing ngumingiti nang ganyan si Dencel, parang... weird? Normal pa ba ‛yan?  Inayos nito ang suot na eyeglass and seated comfortably wearing his school uniform like us, “Nandito rin pala kayo? Sinong kasama ninyo?” tanong nito.  “Napag-usapan naming sabay na mag-celebrate at mag-imbita ng relatives. We didn't expect na nandito ka rin pala?” si Yana ang sumagot.  Kakaunti lang ang mga kamag-anak na inimbita nito. Halata sa long table nilang hindi napuno. Hindi tulad ng sa amin ni Yana na halos umabot na sa apat na table para lang magkasya ang mga inimbita sa celebration na ‛to.  “Gano’n ba...” tumango-tango ito at tumayo. Iminuwestra niya ang mga kamay sa amin ng kasama ko saka ipinakilala sa mga kasamahan.  Almost all of them are architects, kung hindi naman ay mga engineer o kaya’y business men. Medyo nawindang pa ako dahil mabibigat na tao pala ang mga kaharap namin.  Nakaka-pressure itetch! Buti nakayanan ni Dencel na kumausap nang ganyan sa araw-araw niyang pamumuhay lalo’t unico hijo pa siya? Gawd! My head is spinning!  Kalauna’y bumalik na rin kami sa kanya-kanyang tables upang kumain at makisama sa mga inimbita. Special and unfamiliar dishes were served. Dahil din siguro sa gutom at pagod sa naganap na moving up ceremony kaya nilantakan ko agad ang mga ‛yon.  Kanina pa rin ako pasulyap-sulyap pero hindi ko man lang nakita si Kuya Allen. Nasaan kaya napadpad si big brother?  “Mom, alam mo ba kung nasaan si Kuya Allen?” tanong ko nang mabusog na sa kinakain.  Nag-lunch kaya ‛yon nang mag-isa? Kanina pa ‛yon nagpa-park ng kotse, hanggang ngayon nagpa-park pa rin ba? Baka naging barker na ‛yon do’n sa sobrang tagal?  “Hindi pa eh. Ang akala ko ba, magkasama kayo?” kuryoso nitong tanong at kinausap na ang katabing si Tita Solem. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD