Thirteenth Teardrop

1633 Words
UMAGANG-UMAGA ay ang ingay na sa loob ng kwarto ko. Nakabukas ang balkonahe dahil sa maid na naglilinis pero paminsan-minsa’y napapansin kong sumisilip siya sa antique na tukador kung saan ako nakaharap. Napapangiti na lang ako kay Manang.  “Okay... Pikit ang mata," ani baklang make up artist na inaayusan ako.  Nakaramdam ako ng kiliti at antok habang tumatama ang brush niya sa talukap ng mga mata ko. Tanging bathrobe lang ang suot ko ngayong alas sais ng umaga. Kakatapos ko lang kasing maligo at b-in-lower ang buhok ko kanina bago itali para ma-make up ako nang maayos.  Ngayon kasi ang araw ng moving up naming mga grade 10. Kung wala sanang K-12, ay tinawag na ang event bilang graduation day saka tutuntong sa college life. Noon naman daw ay walang ganitong palakad, pero ang pamahalaan na mismo ang nagpatupad.  Mayamaya lang ay nakarinig ako ng tinig na nanggagaling sa pagbukas ng pintuan sa kwarto. Malawak naman ang lugar kaya kasya kahit ang sampung katao sa loob.  “Hello, madame," maarteng sabi ng make up artist sabay brush ulit. Baka naman sobrang kapal niyan? Moving up lang ang pupuntahan ko, hindi party.  “Gracie, simplehan mo lang ah? Ayaw pa naman niyan ng nagmumukhang clown," mom chuckled and I felt a hand on my head. Paniguradong siya ‛to.  “Of course! But too simple is ugly. I'll make her simple but elegant. Ganern!” tili ng baklang si Gracie at ipinagpatuloy ang ginagawa. “Okay, pwede ka ng dumilat. Now, smile para malagyan kita ng blush on.”  Sinunod ko naman ang sinabi nito kaya ngumiti ako— without exposing my teeth. Ngiti lang naman, hindi ngiting tagumpay.  Umismid si mommy na nakatayo sa gilid ko. Her eyes on the mirror reflected mine. “Alam mo, kahit simple ‛tong anak ko, maganda pa rin ‛yan. Syempre, kanino pa ba magmamana?” she boasted.  Natigilan ang kinuhang make up artist ni mom bago humalakhak. “Syempre naman! Kahit walang make up, ganda pa rin eh, ‛no!”  Si Gracie kasi ay ang personal make up artist ni mom sa tuwing nagkakaroon ng event sa company ni dad. Hindi naman siguro pangit ang kalalabasan sa ‛kin kung hindi siya ang ni-hire ni mom, ‛di ba?  Okay, ya got my trust, vaklang Gracie.  A call interrupted their conversation. Napagtanto kong nasa bedside table ko pala ang sariling phone na siyang tumutunog. Gumawi ang tingin ko kay mommy habang busy sa mukha ko si Gracie.  “Mom, could you please get the phone for me?” I asked politely.  Ngumisi ito saka kinuha ‛yon sa hindi kalayuang table at sinulyapan. “It’s Yana," sabay abot niya sa ‛kin nito nang makarating sa dating pwesto. She kissed the top of my head bago ngumiti. “Baba lang ako. Gracie?”  Sumulyap saglit ang makeup artist sa kanya bago sumagot, “Yes, madam?”  “Ikaw na ang bahala sa kanya. Bumaba na kayo pagtapos. Okay?”  Nagpaalam kami sa isa’t-isa bago sinagot ang tawag mula kay Yana.  “Yes, Sandoval residence. How may I help you?” pabiro kong tanong sa kausap.  “Girl...” Nahimigan ko ang kalungkutan nito sa boses. Bakit kaya?  “Napaka-drama mo kahit kailan. What's up?”  “Kasi...” she heaved a sigh at biglang tumili. “We’re gonna maaarch! Wuhooo! Sanaol with honors hahahaha!” Inilayo ko bigla ang phone sa tenga nang sumigaw-sigaw siya. Aba, loka-loka talaga!  “Mas excited ka pa sa may with honors. Ewan ko sa ‛yo. By the way, congratulations! You did it, Yana!”  Ang emotional talaga sa tuwing nakakarinig ako ng kanta para sa mga magtatapos. Ramdam ko, habang nagpa-practice kami nang nakaraang linggo para sa moving up. And we're so proud of ourselves because we'll finally achieve another stepping stone!  “Yeaaaah! Congratulations to both of us! We did it! Konting tiis na lang.”  “Yep. Mamaya na lang ulit. I'm kinda busy--” “So I am," she cut me off.  “Kitakits na lang mamaya. Take care! Labyu!”  “Labyu, Trixie girl!”  The phone call ended. Hindi pa lumalagpas nang ilang minuto ay nag-pop up na ang sunud-sunod na messages galing sa messenger ko kaya nagdulot ‛yon ng ingay.  “Daming ka-chat ah," Gracie uttered pero tinawanan ko lang ‛yon.  I congratulated all of them including Dencel. Speaking of, ni-register ko na ang pangalan niya sa phone ko. Bukod sa messenger ko ay nag-text pa siya para sa ‛kin. Wow, ha?  Dencel the weido sent a message:  Good morning, Beatrix! Congratulations and have a nice day. See you later.  Nag-type rin ako ng message for him kahit na na-reply-an ko naman na siya sa messenger.  To Dencel the weirdo:  Good morning and congratulations too! Naks! High honor! Kitakits.  Sending...  Sent.  Pagtapos akong maayusan at nakapagbihis na ay bumaba na ako. Pero bago ‛yon, ay nag-spray muna ako ng perfume. Madami kasing tao mamaya. Baka magkahalu-halo ng amoy. Ya know, arte-arte.  Nasa pinakahuling baitang na ako kasunod ng make up artist ay nakarinig pa ako ng ibang boses. Medyo nagkakagulo ang buong bahay dahil sa kanya-kanyang ginagawa ng maids at parents ko.  Kita kong nasa sala si dad at nakatayo habang inaayos ang long sleeve na suit. Si mommy naman ay well-prepared na sa suot nitong white dress na pinatungan ng blazer. Naka-stilettos din siya tulad ng kulay sa kanyang damit.  Napadako pa ang tingin ko sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa malapit kay dad. And to my shock, ay muntik na akong madapa dahil nasa hagdan pa pala ako.  ‘Langya naman, Kuya Allen! Kasalanan mo ‛to eh.  “Are you okay?” sabay-sabay nilang tanong kaya nahihiya akong tumango.  Pigil naman ang tawa ni Kuya Allen at bigla na lang itong tumayo papunta sa direksyon ko. Ang vaklush namang si Gracie ay sinusundut-sundot ang tagiliran ko dahilan kaya ako nagulat at natatawang binalingan ito.  “Pakilala mo naman ako. May fafa pala ditech," kinikilig niyang ani.  Ngumiwi lang ako at diretso ng naglakad papunta sa kanila. Pero hinarangan ako ni Kuya Allen saka hinaplos ang buhok ko.  “Dalaga ka na...” saad niya kaya napairap ako.  Syempre sinusumpong na naman ‛yung mga paru-paro sa tiyan ko! Hindi ko pa nakakalimutan ‛yung gabing umamin siya ‛no. Ayon yata ang dahilan kaya most of my exams got a perfect score. Grr! Kilig-kilig is meeee!  “Nandito ka pala. Akala ko hindi ka makakapunta?” tanong ko.  Nagka-usap kasi kami nang nakaraang araw matapos ang examination na magiging busy siya sa projects nila. Ita-try niya raw makapunta sa moving up ceremony. Pero syempre hindi ako nag-expect.  Weh? Kaya pala hindi ka nakakatulog nang maayos gabi-gabi, Beatrix?  He smirked. “Daldal mo. Tara na at baka ma-late ka pa.”  Kumunot ang noo ko. “Sasabay ka sa amin?”  Obvious naman, self. I should cut my tongue, huh?  “Hindi. Dadalhin ko ang kotse ko. Sa akin ka sasabay.”  Nanlaki ang mga mata ko at aangal na sana nang hilahin niya na ako. Kaya nama’y nagpatianod na ako at lumabas ng gate ng bahay namin upang pumunta sa parking lot ng kanilang bahay. Nadaanan pa namin ang iba pang maids at security guard sa bahay namin na kumakaway-kaway pa. Kinawayan ko rin naman sila pabalik.  Yeah. Magkatapat lang kami ng bahay ni big brother. Kaya minsan sumusulyap-sulyap ako eh. Na-realize ko tuloy na... nakakahiyaaaa!  Nang nasa tapat na kami ng sarili niyang sasakyan ay saka ako nagtanong. “Paano ‛yung magulang ko? Saka... wala ka na namang kasama rito?” sabay tingin sa kabuuan ng kanilang mansion.  Spanish style ‛yon pero nahaluan na rin ng modern. May malawak ding garden sa likod nito dahil mahilig magtanim ang mommy niya— si Tita Rose— ng halaman lalo na ang mga bulaklak. Parang alam ko na kung bakit? Pangalan pa lang eh.  “Nasa ibang bansa si dad para makipag-meeting sa ibang investors. Si mom, nasa boutique shop niya," tipid nitong sagot. “Saka malaki na ang mga magulang mo. May sarili na ‛yong pag-iisip.” Binuksan niya ang passenger seat habang matiim na nakatingin sa ‛kin. “Sakay na.”  Sumimangot lang ako at padabog na pumasok sa loob. Ngunit bago sumara ang pinto ay narinig ko pa siyang bumulong-bulong.  “Pretty brat...” Umiling siya at umikot na rin sa driver's seat para sumakay bago ini-start ang engine.  Hindi ko tuloy alam kung ininsulto ba niya ‛ko sa sinabi niya o pinuri? Hinayupak na ‛to! Pasalamat siya “Allen Labidabs” ang naka-register sa phone ko. Hmp! Pero hindi niya ‛yon alam... till now.  I smirked then looked at the car's window. The car is moving away outside the subdivision.  Kinain ng lamig ang buo kong katawan dulot ng aircon sa loob ng kanyang sasakyan. Mabuti’t nakalugay lang ang kinulot kong buhok na humaharang sa lamig kahit papaano. Pero ang iksi ng paldang suot ko ay nakakapag-padagdag ng lamig na pumapasok naman sa katawan ko. Hindi nakatutulong ang suot kong black long socks.  Ang toga gown ko naman ay dala ni Gracie. Malamang ay kasama nito sila mom sa kabilang sasakyan na si dad ang nagda-drive.  “Anong nginingisi-ngisi mo riyan?” kuryosong tanong niya pero nagkibit-balikat lang ako.  Tahimik lang kami buong biyahe hanggang sa nakarating na kami ng parking lot ng school. Ipinarada niya ang sariling sasakyan kaya naman ay inihanda ko na ang sarili upang lumabas.  Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang magsalita siya.  “Stay still." Bago lumabas at pumunta sa kabilang side. Binuksan nito ang pintuan para sa ‛kin nang may ngiti sa labi. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD