Right time

2010 Words
Right time Tulad ng sinabi ni Uncle alas-singko nga ako nakarating sa Punta Fuego, dalawang stop over lang ang aking ginawa, hindi naman ako inantok sa byahe, sadyang kailangan ko lang ipahinga ang paa sa pag drive at kinailangan ko rin kasing kumain. Inabutan kong umiinom ng kape ang mag-asawa habang nanonood ng balita. Gulat na gulat si Auntie sa pagdating ko,saglit akong pinagalitan dahil sa hatinggabi kong byahe. Pero sa huli ay tinanong kung kumain na ba ako. Hayan sya at halos di makatayo, pero ako parin ang iniisip niya. Pinagtimpla ako ni Uncle ng Kape kahit sinabi kong ako na, ilang beses ko tinignan kung saan ang pilay ni Auntie para masigurong ayos lang iyon, kahit na check naman na ng doktor. "Hindi ba tumama ang ulo mo Auntie?" Hindi ko mapakaling tanong. "Hay nakung bata ka! Hindi. Kumalma ka na at ayos lang ako." Kunyari ay iritadong sabi ni Auntie Noemi. Ngiting asong umiiling naman si Uncle habang nilalapag sa hapag ang tinimplang kape para sa akin. Hindi ko alam kung kailan at paano naging maayos muli ang dalawa, ang mahalaga sa akin ay maayos na sila at hindi nagtatalo. "Okay po." Suko ko. Mukha nga namang maayos na si Auntie kahit hindi pa makalakad. Kaya kapag may kailangan siya ay agad kong kinukuha tulad kunyari ng remote kapag gusto niyang manoond ng tv. "Magpahinga ka muna sa taas at malayo ang naging byahe mo." Sabi ni Auntie pag dating ni Uncle galing sa pamimili sa palengke para sa magiging tanghalian. Hindi na ako tumanggi, ng dumating ako at nakitang ayos si Auntie kanina ay doon ko lang naramdaman talaga ang pagod. Umakyat ako sa aking dating kwarto, naroroon pa ang mga dinikit ko sa wall na mga posters ng hinahanggan kong artista. Inilapag ko sa side table ang aking back pack at kinuha ang dalawa kong cellphone. Balak kong i charge ang mga ito. Nakita kong halos lowbat na ang maliit na phone, habang ang iphone ay empty na talaga. Pag charge ko ay naligo ako sa maliit kong cr, ang mga damit ko sa cabinet ay luma at maliit na, pero kasya pa naman sa akin. Pag higa ko ng kama ay nakatulog ako agad dahil sa pagod. Nagising na lang ako sa araw na dumadampi sa mukha ko, unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakitang mataas na ang sikat ng araw. Tinignan ko ang orasan ng maliit kong cellphone at nakitang alas-dos na ng hapon. Bumaba ako para icheck ulit si Auntie, pagbaba ko ng kahoy na hagdan ay naabutan kong nanonood ng teleserye si Auntie, habang nasa tabi niya si Uncle na may binabasang libro sa sala, sa lamesita ay may bananaque at malamig na tubig. Parehas nila akong nilingon ng lumikha ng langitngit ang hagdan pagbaba ko. "Tasha, kumain ka na, nagluto ng tinola ang Uncle Samuel mo, kung ayaw mo naman mag kanin ay ito ang meryenda, hindi ka na namin ginising para mag tanghalian dahil alam kong pagod ka." Mas pinili kong tumabi sa kanila sa sala at kumain ng bananaque, nakinood narin ako ng teleserye na ngayon ko lang napanood. Ang mga ganitong simpleng bagay sa Punta Fuego ang talagang namimiss ko, lalo na nung nabubuhay pa sila Mama at Papa. Huminga ako ng malalim at inalis na iyon sa aking isipan. Naging magaan ang pakikitungo sa akin ni Uncle hindi tulad dati, mukhang maayos na talaga ang dalawa at pinagpapasalamat ko iyon. Sila na lang ang pamilya ko at ayokong pati silang dalawa ay magkasira pa. Sana ay dito na lang ako ulit tumira, walang problema ang maynila sa akin pero mas dama kong nasa bahay ako kapag narito ako. Kung sana ay pwede kong hilingin ito kay Auntie ngayon pero alam kong hindi ito ang tamang panahon para sabihin iyon. May dinaramdam siya at ayoko siyang pag-isipin. Kinabukasan ay maaga akong naghanda para lumuwas na, bilin iyon ni Auntie para hindi daw ako gabihin muli sa byahe. Ala-singko y media ng umaga ay nagwawalis na ng mga tuyong dahon si Uncle Samuel sa bakuran at inihuhulog iyon sa mababaw na hukay para doon gumawa ng sige. Nagtimpla ako ng kape at dinala iyon sa kawayang papag na nasa bakuran, harap kung saan nagwawalis si Uncle, nakaupo ngayon doon si Auntie. Inabot ko sa kanya ang isang tasa ng kape habang hawak naman sa kabila ang akin. Tinabihan ko siya sa papag. "Tasha, mag-iingat ka sa byahe." Walang tigil na bilin ni Auntie. "Opo Auntie, tuwing stop over ko ay tatawag ako at kapag nasa condo na po ako." Nakangiti kong pangako. Nakatingin si Auntie sa ginagawa ni Uncle, ganoon din ang ginawa ko, ilang sandali lang ay umuusok na sa bakuran likha ng sinindihang dahon. "Hindi ko alam kung kailan ako makakadalaw, pero sasabihan kaagad kita." Ani Auntie Noemi. "Ayos lang po, pwedeng ako na lang ang dadalaw dito Auntie." Suhestiyon ko forty pa lang si si Auntie kaya pa niya ang byahe pero mas magandang ako nalang ang pumunta dito. Agad siyang umiling sa sinabi ko, hinawakan niya ang kamay ko, bumaba ang tingin ko doon. "Pag dalaw ko may pag-uusapan tayo." Malamlam ang kanyang mga mata ng sinabi iyon. Nag-angat ako ng tingin sa kanya sa gulat, wala akong masabi basta nakatitig lang ako sakanya na punong puno ng pag-asa. Ng tumango siya sa akin na para bang nababasa niya ang iniisip ko ay alam ko na. The right time that I am waiting for.. malalaman ko na rin kung bakit ako nasa maynila at saan galing ang lahat ng mayron ako doon. Condo, kotse at pang-aral. Huminga ako ng malalim at hinigpitan ang hawak ko sa kamay ni Auntie. Tumango ako ng naluluha. Yumakap ako kay Auntie at Uncle bilang pagpapaalam. Sinabi ko ring dadaanan ko saglit ang puntod nila Mama at Papa at pumayag naman sila doon. Tulad ng dati ay nagtirik ako ng kandila sa magkatabi nilang puntod. Malinis ang paligid at maayos na natabas ang mga ligaw na damo. Umupo ako at ngumiti sa harapan ng kanilang mga pangalan. "Hi Ma, Pa. malapit na ulit magpasukan. Konti nalang may doktor na po kayo." Sabi ko habang pinupunasan ko ang medyo naalikabukan nilang nitso. "Gusto kong maging spesyalista sa puso. Doon po ako naging interesado, mukhang nanalo Mama si Papa sa pustahan niyo." Natatawa kong kwento. Naaalala noon ang pagtatalo ng dalawa kung ano ang kukunin ko. Kung babalikan ko lahat, napakaraming magagandang alaala, at gusto ko na lang tumigil doon. Sa puso ko buhay parin sila. Ayoko ko ng mabuhay sa lungkot. Alam kong ayaw nila ng ganun ako. Tumuloy na ako sa byahe para hindi masyadong gabihin tulad ng pangako ko kay Auntie ay unang stop over ko para magpa gas ay tumawag ako sa kanya. "Hindi ka ba kakain? Bumili ka ng maraming tubig." Bilin niya. Tumawag din ako sa pangalawa at sa huling stop over, kumain na ako dahil naramdaman ko na ang gutom. Umorder ako ng burger, fries at soda. Nagbukas ako ng mga mensahe sa maliit na phone habang kumakain, una kong binasa ang nasa unahan, galing iyon kay Tam. Tam: Kamusta ang byahe? I Hope you're safe. Ang isa naman ay galing kay Jane. Jane: I want to show you some pictures, send me your old number para sa iphone ko ma-send, and please gumawa ka na nga ng account sa f*******:! Natawa ako sa frustration ng message niyang iyon. Mamaya kapag nakauwi ako ay ipapakalat ko na ulit na nakita ko na ang phone ko at gagamitin ko na ulit ang luma kong number, mahirap nga naman kung itong maliit lang ang gamit kong phone. Nag reply ako kay Tam Ako: Ayos naman akong nakarating Tam, salamat sa pag-aalala. Pauwi na ako ngayon. Agad na nag-ring ang cellphone ko ng ma-send ko iyon kay Tam. Siya ang tumatawag. "Hello Tam." Sagot ko "Hello." Malamig na boses niya ang sumalubong sa akin. "Buti naman at okay ka. Saan ka na niyan?" Tanong niya. "Nasa slex nag stop over lang, pero malapit na rin ako sa manila." Paliwanag ko. "Mabuti naman kung ganon. Kamusta na ang Auntie mo?" "Maayos na siya, kaya pinauwi na rin ako." Matagal siyang nakasagot, bigla kong naisip ang sinabi ko sa sarili nung gabing bago ako bumyahe papuntang Punta Fuego. "Ahm.. Tam, gusto sana kitang makausap.. ng personal. Free ka ba nextweek? "Ha? O-oo free ako." Natataranta niyang sagot. "Itetext ko sayo kung saan, kailan at anong oras." Maingat kong sabi, iniisip ko pa lang ang gagawin ay nahihirapan na ako. Hindi madaling mag turn down ng tao, lalo na kung naging mabuti naman ito sayo. Binaba ko na ang linya pagkatapos magpaalam, tapos ay tinawagan ko naman ang kaibigan kong si Jane. "Hello Tash!" Ani Jane sa kabilang linya. "Ano ang ipapakita mong picture? Naisend ko na sayo ang luma kong number." Paliwanag ko. "Oh my god ang tagal mong nag reply, it's done na! I cut my hair short. I mean.. not that short." Maarte niyang sabi ni Jane. "Akala ko naman kung ano na." Simple kong sagot. "What? It's important! I just cut my hair short, that means I'm about to change my life!" Natawa ako sa rants niya, sumang-ayon na lang ako at ibinaba na ang linya. Palagi niyang pinapakialaman ang buhok niya kapag nalulungkot siya. Ala-una ng hapon ng malapit na ako sa condo, naisipan kong dumaan sa mall para may bilhin sa hardware, nag desisyon akong bilhin na ngayon ang mga kakailanganin kong slab wood para sa gagawin kong hanging book shelf habang dala ko ang sasakyan. May kabigatan din kasi iyon. Gusto ko ring maging busy pag- uwi para maiwasan kong maisip ang mga ibang bagay. Pagtapos nito ay advance reading na talaga ang aatupagin ko dahil malapit na ulit mag resume ang class. Mula sa ipon ay binili ko ang mga kailangan, kung tutuusin ay pwede na akong bumili ng assembled ng book shelf, pero mas makakatipid ng espasyo sa condo kung naka hang nalang ito, my assembled ding hanging book shelf pero mukhang hindi ito matibay, baka hindi kayanin ang makakapal at mabibigat kong mga libro. Nag-ikot pa ako sa hardware ng kaunti baka may makita ako na kailangan ko pala sa condo. Kahit wala namang sira doon. Mula ng pinatira ako ni Auntie doon ay iningatan ko ang lahat ng gamit. Pati mismo ang buong condo, dahil alam kong hindi iyon sa akin. Pag tapos kong magbayad sa cashier ay nag offer ang isang staff na lalaki na ihatid ako sa parking, pumayag naman ako dahil may kabigatan ito. Pag dating sa sasakyan ay kinuha ko sa bag ang wallet ko para mag bigay ng tip. Ng marating ko ang parking sa condo ay nagsimula na ang paghihirap ko. Mabigat nga ito pero malapit lang naman ang parking ko sa elevator, pag akyat naman ng elevator ay konting lakad lang ay unit ko na. Kaya kakayanin ko naman siguro. Nahihiya akong magpatulong sa roving security doon dahil ayokong iwan nila ang kanilang trabaho. Isinarado ko ang trunk at pinindot ang lock sa susi ng kotse. Mula sa baba ay binuhat ko na ang apat na slab wood at mga hook. Palapit pa lang ako sa pintuan ng elevator ay parang hindi ko na kakayanin ang bigat. Ibaba ko pa lang sana iyon ng biglang may kumuha noon sa kamay ko. Agad kong nilingon ang tumulong, handa na akong tatanggi kung isa iyon sa security dahil ayokong maka istorbo. Pero tumigil ang mundo ko ng makita kung sino ang nag-magandang loob na tulungan ako. Jacob is wearing black Rayban shades, gray v-neck shirt, black pants and black boots, ngayon ay hawak na niya sa isang kamay ang mga slab wood na parang gitara lang ang bigat sa kanya. Anong ginagawa niya dito sa parking lot ng condo? Inilibot ko ang tingin at nakita ang red mustang niyang maayos na nakapark sa tapar ng kotse ko. Laglag ang panga ko at nakatingala sa kanya, habang siya naman ay deretcho ang tingin sa pintuan ng elevator habang pinipindot ang up na button.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD