Complicated

2401 Words
Complicated Sa Mansion nila Jane kami tumuloy, pag park ko sa kanilang malawak na garahe ay agad siyang bumaba, ganoon din ang ginawa ko. Lumingon si Jane sa akin at nagtanong "Anong oras ka sa Chapters bukas?." "Alas-dos ng hapon, bakit?" Balik tanong ko. Tumango si Jane sa sagot ko "Dito ka na matulog." Aniya "Ah-" may sasabihin pa sana ako pero agad na naglakad si Jane papasok ng mansion. Sabagay, mas gugustuhin kong may kausap ngayon, paniguradong hindi rin ako makakatulog sa condo agad. Binuksan ko ang trunk at kinuha ang gym bag doon na may mga kompletong damit at toiletries, hinanda ko talaga ito incase of emergency. Agad akong sumunod kay Jane pagkatapos. "Good evening po Miss Jane, Miss Tasha." Salubong sa amin ni Manang Cedes habang inaabot ang gym bag ko, nagaalangan akong bitawan iyon, pero mabilis niya itong nakuha. "Magandang gabi din po." Magalang kong sagot. Ngumiti naman ang matanda. "Ilalagay ko na lang po ito sa kwarto ni Miss Jane. Ang malaking chandelier sa ginta ng grand staircase nila sa tingin ko ay nagbago, noong huli akong nagpunta dito para mag group study kami ay rose gold ito na malaking spiral. Ngayon ay kulay silver ito na pabilog at parang Swarovski. Palaging sa kwarto niya ang tuloy namin, pero this time ay ibang daan kami patungo. "Saan tayo?" Hindi ko na napigilang itanong. "We will drink." Nakangisi niyang sagot sabay bukas ng pinto na hindi ko pa napapasok sa mansion na iyon. Well lagi lang naman ako sa kwarto niya nakakapasok. Pagbukas niya ay bumungad sa amin ang malaking Jacuzzi na may dalawang sun lounger sa harapan, sa gitna nito ay isang center table. Sa gilid ay may Sauna bath, kahilera naman ang bar na puno ng mamahaling alak ang estante. Ang ambi light sa bawat gilid ng kisame,gilid ng jacuzzi at gilid ng bar ay nakaka relax Laglag ang panga ko sa ganda ng kwarto, ni hindi ko alam kung anong tawag sa parte ng mansion na ito. Tumuloy si Jane sa bar at kumuha ng dalawang whiskey glass, binuksan niya ang di ko akalain na refrigerator dahil kakulay ito ng wood na ginamit sa bar, kumuha siya ng ice cubes at nilagyan ang glass. Isang bote ng alak ang kinuha niya na may nakalagay na 'Remy Martin' Bihira kaming uminom ng alcohol, hindi ako pamilyar sa mga alak, pero mukhang matapang na alak ang isang iyon. Nilagyan niya ang parehas na baso at halos mapuno iyon. Sa unang pagkakataon ay gusto kong uminom noon, nakainom na ako ng alak pero hindi pa ako nalasing ng sobra. Sabi nila masarap uminom kapag may problema. Nag-angat ng tingin sa akin si Jane na para bang nababasa niya ang isip ko. Kinuha niya ang isang baso at inabot sa akin. Agad ko namang kinuha iyon at inamoy, napangiwi ako, mukha ngang matapang ang isang ito. Nagpunta si Jane sa kung saan at pag labas ay naka swimsuit na black na ito, tali na rin ang kanyang buhok. "May bagong swimsuit diyan, there's the bathroom, you can change there." Aniya habang papunta muli sa bar para kunin naman ang isa pang baso, tapos ay dumeretcho na ito sa Jacuzzi Tinignan ko ang puting swimsuit na nasa ibabaw ng sun lounger, ang medyo umuusok na tubig sa jacuzzi ay nakaka engganyo. Tinikman ko ang alak at napangiwi ng gumuhit ito sa aking lalamunan. Agad na uminit ang aking katawan. Natawa naman si Jane sa hitsura ko. Inirapan ko lang siya at ipinatong sa center table ang baso at kinuha swimsuit. Sige mag relax tayo! Agad akong nagpalit, ang naka ponytail kong buhok ay ginawa mong messy bun. Naiilang akong lumabas kahit kaming dalawa lang naman dito. Ito ang unang pagkakataon na nagsuot ako ng ganito, noon sa Punta Fuego ay simpleng t-shirt at shorts lang ang pang ligo ko sa dagat. Paglabas ko ay naabutan kong nakahiga ang ulo ni Jane sa gilid ng Jacuzzi tabi ang baso ng alak. Lumusong ako dala rin ang aking baso at pumwesto sa kabilang gilid sa harap niya, hindi nga ako nagkamali. Ang tamang init ng tubig ay nakakawala ng pagod. Hindi naman nakakapagod manood ng concert, ang nakakawala ng lakas ay yung nangyari kanina sa parking, mabuti na lang at dumating si Jane. Speaking of.. "Akala ko hindi ka pupunta ng concert?" Panimula ko. "Nagpahatid ako sa driver, may ibibigay lang sana ako kay Whayne bago mag start ang concert tapos ay uuwi na." Kwento niya habang nakapikit parin. "Tapos?" Tanong ko. Sa wakas ay sumandal siya ng maayos at dumilat. "Ang pakipot na iyon, hindi tinanggap ang regalo ko." Aniya, tapos ay lumagok ng alak na para bang sanay na sanay itong uminom. Napaawang ang bibig ko, hindi ko alam kung ano ang tamang sabihin. Jane is a happy person, magaan lang niyang dinadala ang problema, pero para ayain niya ako ngayon dito, alam kong dinaramdam niya ito. "That's why I waited until the end of the concert in their dressing room. Kahit di niya parin tinanggap, iniwan ko sa ibabaw ng dresser niya. Pinaalis ko na ang driver dahil sasabay nalang ako sayo." Pagpapatuloy niya. Hindi ko talaga alam ang kwento nilang dalawa, pero sa tingin ko ay ipinipilit ni Jane ang sarili niya sa lalaking.. hindi interesado sa kanya? Ewan ko. At ayokong sabihin iyon sa kanya. Pinilit kong uminom ng alak ng makitang halos kalahati na ang sa baso ni Jane. Habang tumatagal ay nasasanay ako sa pait, at nagiging maganda ang hagod nito sa aking lalamunan. "I know he likes me Tash, I can feel it." Malamlam na ang mga mata niya habang nakatingin sa sa kanyang whiskey glass. Hindi ko alam pero kita ko na bigong bigo siya, at ramdam ko siya, alam ko ang pakiramdam ng mabigo. Alam na alam ko. "Why he's so coward to admit it?" Sarcastic siyang tumawa sabay ubos sa alak niya. Ginaya ko siya, inubos ko rin ang sa akin, gusto ko siyang damayan. Pumikit ako sa pait at medyo nararamdaman ko na rin ang hilo. Ang gaan ng ulo ko at tingin ko ay nakalutang ito. "Sinabi ba niya sayong gusto ka niya?" Tanong ko. "Hindi." Agad niyang sagot. "Paano ka nakakasiguradong gusto ka niya kung ganon?" Lito kong tanong "I just know, people may not tell you that they love you, but showing it is inevitable, so pay attention to that. Naive and numb ka pa naman." Halakhak niya. Kumunot ang noo ko at natawa ng mapunta sa akin ang usapan. Muling pinuno ni Jane ang baso namin. Malalasing kami ng sobra nito. Pero sa tingin ko ay kailangan naming dalawa ito. Hindi ko maikailang may punto siya sa kanyang sinabi, but sometimes we tend to misinterpret things, just because we like the person. Minsan ay binibigyan natin ng meaning ang maliliit na bagay na ginagawa nila sa atin, kahit wala naman talaga itong kahulugan. Mas maganda parin talaga kung sasabihin ito mismo kaysa mag-assume "Love is so complicated, you know? Why don't he just admit it, to make it less complicated?" Dagdag pa ni Jane. "Doon lang ba natatapos iyon?" Tanong ko. Nararamdaman kong lasing na talaga ako, kusa ng pumipikit ang mga mata ko. "Bakit si Jacob? Sinabi niyang gusto niya akong maging lihim na girlfriend, hinalikan niya ako at ipinaramdam na gusto niya ako. Pero nasaan ako ngayon? Sa walang kasiguraduhan. Pwedeng sabihin ng tao na mahal ka niya at pwedeng iparamdam ito at the same time, pero at the end of the day, his intention matters most." Pagpapatuloy ko. "What?! What the f**k Tasha?!" Gulantang na sabi ni Jane habang nag lean forward sa akin na para bang nawala ang kalasingan nito. Umiikot na ang pakiramdam ko at sa tingin ko ay bumabagal na rin akong magsalita. "Secret girlfriend? What the hell? Kailan pa? Pumayag ka?!" Hysterical na tanong niya sa akin. "Wala akong natatandaan na sinabi kong 'oo' tulad ng sinabi mo, kahit di sabihin, di maiiwasang ipakita." Nanghihina kong sagot. Inilagay ni Jane ang palad sa noo at litong lito. "That's not the Jacob I know, he's not a playboy. Deretcho siyang tao. He's loyal to Maur-" Hindi naituloy ni Jane ang sasabihin at natuptop ang kanyang bibig. "Maureen.. alam ko, nakita ko sila ni Jacob kanina. Nakakatawa nga eh, nasaktan ako, nasaktan ako kahit wala naman akong karapatan." Humalakhak ako at uminom muli ng alak. "Mabuti nalang ang mabait na si Nate ay inilayo ako doon bago pa ako umiyak na parang aso." Mas lalo akong tumawa ng malakas na parang baliw. Kahit seryoso namang nag-iisip si Jane sa harapan ko. Lasing na lasing na ata ako. Hindi ko na mapigilan ang dila ko. Masyado na akong maraming sinasabi. Si Jane din maraming alam. Biruin mo alam din pala niya ang tungkol kay Maureen? Ako lang ata ang walang alam. Nakakatawa ka talaga Tasha. "Nate as in Nate ng The Chase?!" Mas gulantang na tanong ni Jane, this time ay inilagay na niya sa sintido ang kanyang kamay na para bang ang sakit sakit na ng ulo niya. "Oo,si Nate, teka? Bakit mo pala kilala si Maureen?" Natutumba tumba ang ulo ko habang tinatanong ko siya. Patay ako neto bukas promise! Hello hangover! Pagkatapos kong i-straight na inumin ang nasa baso ko ay hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari. Nagising na lang ako sa malaking kama ni Jane, katabi ko siya at nagising narin sa pag galaw ko. Pareho kaming umupo sa kama galing sa pagkakahiga. "Awwww." Sabay naming daing habang nakahawak sa masakit naming ulo, nagkatinginan kami at parehas nalang natawa sa aming mga sarili. Inom pa! Twelve noon na at heto kami nagkakape pa lang sa malaking dining table nila Jane, dinalhan kami ng advil ng isa sa mga katulong kasama ang baso ng tubig tulad ng utos ni Jane. Buti ay sakit ng ulo lang ang mayron kami, hindi kami nasusuka, kung hindi ay hindi ako makakapag trabaho ng maayos. Pagtapos naming kumain ay naligo at nag handa na ako para umalis papuntang Chapters, habang si Jane naman ay may kausap sa kanyang cellphone na mukhang importante. Ng matapos ako ay inihatid na ako ni Jane sa aking sasakyan at nagpaalam na, na parang walang nangyari kagabi. Pero alam kong bubuksan niya ulit ang topic na iyon, hindi lang ngayon dahil late na ako. "Ingat! I'll see you sa party!" Habol niya habang paandar na ang sasakyan ko. Oo nga pala at ngayong week ang party na iyon. Tumango ako at kumaway na. Malapit na ang two o'clock at kailangan ko ng mag madali, medyo malayo pa ang village na ito sa Chapters. Ni hindi ko na naisipang i check ang phone ko, baka magalala si Auntie kapag wala akong message. Pag break ko na lang mamaya ay tatawagan ko siya. Pag dating ko sa Chapters ay nagmamadali na akong pumunta ng locker room, naroon na si Tam at mukhang kanina pa siya dito. Agad siyang tumayo ng makita ako at ngumiti, ganon din ang ginawa ko bago pumasok sa changing room para mag palit ng uniform. Nagsimula ang trabaho, at marami ang customer, may isang grupo pa ng kabataan na nag occupy ng long table, sa book lounge naman ay may meeting na nagaganap kung kaya narito si Yas, ang may -ari, siya ang nasa kaha habang si Thea ay katulong ni Rix na gumagawa ng mga orders. Si Steven ang off ngayong araw. busy'ng busy kami ni Tam sa pag serve. Natapos ang araw trabaho at sarado na kami ng alas-diyes ng gabi. Agad kong kinuha ang maliit kong cellphone na walang tigil sa pag ring. Nakita kong si Auntie iyon. "Hello Auntie! Pasensya po at hindi na ak- "Ang Uncle Samuel mo ito." Putol ni Uncle sa akin sa baritonong boses. Napaawang ang aking bibig at kinabahan bigla. Iniisip na may masamang nangyari kay Auntie. "Nadulas ang Auntie mo sa hagdan, tumama ang likod niya pero walang fracture. Palabas narin kami ng ospital. Walang paglagyan ang pag-aalalang nararamdaman ko sa sinabi ni Uncle. Kahit na sinabi niyang walang bali o kung ano si Auntie. "Ka-kamusta po si Auntie? Pwede po ba siyang makausap?" Natataranta kong tanong "Nasa loob pa siya ng kwarto at kinakausap ng doktor. Kinulit niya lang akong ipaalam na agd sa iyo ang nangyari." Paliwanag ni Uncle. "Pupuntahan ko po kayo ngayon sa Punta Fuego. Pakisabi na lang po kay Auntie." "Ngayon? Gabi na baka ano pa mangyari sayo sa byahe." Ani Uncle. "Hindi rin po ako mapapakali kung hindi ako pupunta ngayon Uncle." "Ikaw ang bahala, hindi ko na lang sasabihin na babyahe ka ngayong gabi para hindi na rin siya mag-alala. Malamang alas-singko ng madaling araw na ang dating mo. Gising na ako non." Paliwanag ni Uncle. "Okay po Uncle, salamat." Tumango ako habang sinasabi iyon. "Mag-iingat ka." Mahina pero maawtoridad na bilin ni Uncle Samuel, ibang iba sa galit na Uncle Samuel na nakita ko nung huli akong pumunta sa Punta Fuego. Mabilis akong nagpalit ng damit at kinuha na ang bag ko sa locker. "Ayos ka lang Tasha?" Takang tanong ni Tam ng makita ang sobrang pagmamadali ko. Pumasok na rin si Yas, Thea at Rix doon. Agad ko nilapitan si Yas at nagpaalam. "Yas, baka hindi ako makapasok bukas, nasa ospital ang Auntie kong nasa Punta Fuego, pupuntahan ko siya ngayon." Tuloy tuloy kong salita. "Oh my god. Malala ba ang nangyari?" Concern na tanong ni Yas. "Nadulas lang pero wala naman daw fracture." Agad kong sagot. "Okay, mag-iingat ka, hindi ba ay malayo yun para ibyahe mo ngayon gabi?" Ani Yas. "Kaya ko." Sigurado kong sagot. Ang pagtango ni Yas ang signal ng pag-alis ko. Nagmamadali kong nilagay ang gamit ko sa sasakyan pasakay na ako ng pahabol akong pinuntahan ni Tam. "Tasha, gusto mong ipag drive kita? Hapon pa naman ang duty ko bukas." Alok ni Tam at kitang kita ang pag-aalala niya. "Hindi na Tam, kaya ko na ito, maraming salamat." Tumango siya kahit nag-aalala. at binuhay ko na ang makina. Kita ko sa side mirror ang bahagya niyang pag kaway para mag-paalam. Lumunok ako at naisip na kailangan ko ng linawin kay Tam. Mabait siya at kung sa ibang pagkakataon ay hindi siya mahirap magustuhan. Gusto kong maging patas sa kanya at wag ng paasahin pa. Dahil mahirap ang umaasa. Pag balik ko ay sasabihin ko na sa kanya. Sa ngayon ay kailangan kong makarating agad sa Punta Fuego.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD