Gabi na nang makarating si Roxie sa isang tahimik at eksklusibong restaurant na overlooking sa mga ilaw ng bayan. Pagpasok niya, nakita niya si Atlas na nakatayo sa tabi ng veranda, tila malalim ang iniisip habang nakatanaw sa malayo. Wala ang kanyang salamin, at mas lalong lumitaw ang pagod ngunit matikas niyang anyo bilang isang 6'1" na morenong alkalde.
Nang marinig ni Atlas ang yabag ng mga takong ni Roxie, agad siyang lumingon. Bahagyang natigilan ang binata; sa ilalim ng liwanag ng buwan, ang puti ni Roxie ay tila kumikinang, at ang kanyang voluptuous na pangangatawan na balot ng isang simpleng black silk dress ay nagpapakita ng isang klaseng ganda na hindi kayang tapatan ng kahit anong alahas.
"Ms. Russo... salamat at dumating ka," bungad ni Atlas, ang boses ay puno ng senseridad.
"I heard about what happened, Mayor," diretsong sabi ni Roxie habang lumalapit.
"Lina told me you turned down a dinner invitation from the Albarandos just to see me. You didn't have to do that. Alam mong malaking gulo ang maidudulot niyon sa posisyon mo."
Bahagyang ngumiti si Atlas—isang ngiting may halong pait pero paninindigan. "Hindi lang ito tungkol sa dinner, Roxie. Tungkol ito sa pagpili sa kung ano ang tama. Hindi ko kayang sikmurain na ginagamit nila ang utang na loob ko para lang gipitin ang isang taong may mabuting intensyon sa bayan ko."
Napahawak si Roxie sa rehas ng veranda, damang-dama ang kaba sa kanyang dibdib.
"But Paula is your girlfriend. At si Weston... siya ang nagluklok sa iyo. You’re risking your entire career for a land permit and a woman you barely know."
Lumapit nang kaunti si Atlas, sapat na para maamoy ni Roxie ang kanyang panlalaking pabango na humahalo sa simoy ng hangin.
"Barely know? Siguro nga bago ka pa lang dito sa San Sebastian. Pero sa loob ng ilang oras na nakasama kita, nakita ko ang isang babaeng mas matapang at mas tapat kaysa sa lahat ng politikong nakilala ko."
Tinitigan ni Atlas ang mga mata ni Roxie. "I’m choosing my integrity, Roxie. And if choosing my integrity means choosing to protect you... then I’m willing to take that risk. Ayaw kong maging tuta ng mga Albarando habambuhay."
Ramdam ni Roxie ang init na dumadaloy sa kanyang puso. Sa New York, sanay siya sa mga lalakeng nakikipag-ugnayan sa kanya para sa pera o kapangyarihan. Ngunit si Atlas? Ang lalaking ito ay handang mawalan ng lahat para lamang sa kanyang prinsipyo at para sa kaligtasan niya.
"Mayor..." bulong ni Roxie.
"Atlas na lang, please," pagtatama ng binata. "Sa labas ng munisipyo, tao lang din ako na naghahanap ng totoo."
Sa sandaling iyon, tila naglaho ang ingay ng politika at ang galit ni Paula. Ang tanging nandoon ay ang dalawang pusong nagsisimula nang makaramdam ng koneksyong higit pa sa business at land permits. Alam ni Roxie, sa gabing ito, hindi na lang basta lupa ang ipinaglalaban niya rito sa Pangasinan—ipinaglalaban na rin niya ang lalaking naglakas-loob na panindigan siya.
Dahan-dahang inalalayan ni Atlas si Roxie at pinaupo ito sa silyang gawa sa inukit na kahoy. Ang titig ng binata ay nananatiling seryoso ngunit may halong kuryosidad.
“Ms Roxie, kailangan nating maging tapat sa isa’t isa,” panimula ni Atlas habang dahan-dahang nauupo sa tapat ng dalaga.
“Hindi ko itatago sa ’yo—galit na galit si Weston Albarando. Masyado siyang naging vocal sa akin na hindi siya pabor sa pagbili mo ng lupa rito sa San Sebastian. Para sa kanya, ang pagpasok mo ay isang banta sa kontrol na hawak nila sa loob ng maraming dekada.”
Tumingin si Atlas nang diretso sa mga mata ni Roxie, tila binabasa ang bawat emosyon nito. “Kaya gusto kong malaman... ano nga ba ang totoong rason? Bakit dito sa lugar namin ang napili mo? With your wealth and status, you could have bought a prime lot in Tagaytay or a private island in Palawan. Bakit sa isang tahimik na bayan sa Pangasinan, na alam mong magdadala lang sa ’yo sa gitna ng gulo ng pamilya Albarando?”
Huminga nang malalim si Roxie, hinayaang sumagi sa kanyang isip ang ingay ng New York bago muling tumingin kay Atlas.
“Dahil dito nakatira ang puso ko, Atlas,” malumanay na sagot ni Roxie. “Sa New York, mayroon akong lahat ng materyal na bagay, pero wala akong katahimikan. Ang San Sebastian ang lugar kung saan nakahanap ng bagong buhay ang ina ko. Gusto kong bumuo ng isang bagay na hindi dictates ng RayfordR Corp. Gusto kong magtanim ng mga bulaklak, magtayo ng shop, at gumising na ang naririnig ko ay huni ng mga ibon, hindi busina ng mga taxi.”
Bahagyang sumandal si Roxie, ang kanyang kagalang-galang na postura ay nagpapakita ng isang klaseng pagod na tanging ang mga taong nasa itaas lang ang nakakaalam.
“I’m not here to take over Weston’s kingdom, Atlas. I’m here to reclaim my own peace. At siguro... tadhana na rin na dito kita makilala. Kaya kahit harangan pa ako ng mag-amang Albarando, hindi ako aatras. This isn't just a business move anymore; it's personal.”
Ramdam ni Atlas ang katapatan sa bawat salitang binitawan ng dalaga. Higit pa sa isang CEO ang nakikita niya ngayon; nakikita niya ang isang babaeng uhaw sa tunay na tahanan.
“Kung ganoon,” sabi ni Atlas na may determinasyon sa boses, “asahan mong hindi lang ang permit mo ang pipirmahan ko. Paninindigan ko rin ang pananatili mo rito. Haharapin natin ang gulo na dala ni Weston at Paula, pero gaya ng sabi mo, gagawin natin ito nang maayos para hindi tayo ang masira sa huli.”
Habang nag-e-enjoy sila sa kanilang hapunan, tila naging komportable na ang pakiramdam ni Roxie kay Atlas. Ang bawat kuwento ng binata tungkol sa kanyang mga pangarap para sa San Sebastian ay nagpapakita ng kanyang busilak na puso—isang bagay na bihirang makita ni Roxie sa New York.
“Hindi ka lang pala magaling na abogado, Atlas. Tunay kang nagmamahal sa bayan mo,” nakangiting sabi ni Roxie habang hinahati ang kanyang pagkain.
Ngunit sa gitna ng kanilang tawanan, isang mabilis na kislap ng liwanag ang nagmula sa madilim na bahagi ng garden ng restaurant. Isang flash mula sa camera.
Agad na naging alerto si Atlas. Tumingin siya sa pinagmulan ng liwanag, ngunit tanging ang mabilis na pag-alis ng isang motor ang kanyang narinig.
"May kumuha ng litrato," bulong ni Atlas, ang kanyang panga ay nag-igting sa galit.
"Sigurado akong tauhan iyon ni Paula."
Huminga nang malalim si Roxie at dahan-dahang ibinaba ang kanyang kubyertos. Alam niya ang takbo ng isip ng kanyang kapatid. Gagamitin ni Paula ang litratong iyon para palabasin na may anomalya o panunulot na nangyayari sa pagitan ng Mayor at ng bagong investor.
"Atlas, makinig ka," seryosong sabi ni Roxie habang hinahawakan ang kamay ng binata sa ibabaw ng mesa.
"Huwag nating hayaang lumaki ang gulong ito. Kilala ko si Weston, at mas lalong kilala ko si Paula. Hindi sila titigil hangga't hindi ka nila nasisira o hangga't hindi ako lumalayas dito."
Tumingin si Atlas sa kanya, bakas ang pag-aalala. "Anong gusto mong gawin ko, Roxie? I won't let them drag your name into their dirty politics."
"Mas mabuting harapin kaysa iwasan ang mag-ama," mungkahi ni Roxie, ang kanyang boses ay puno ng awtoridad at karanasan sa pakikipagtuos.
"I am a businesswoman, Atlas. In my world, we don't run from conflict; we manage it. Gusto kong makipag-usap ka nang maayos kay Winston. Puntahan mo siya. Ipaliwanag mo ang panig mo bago pa nila baluktutin ang kwento gamit ang litratong iyon."
Umiling si Atlas. "But Roxie, Winston will demand that I stop seeing you."
"Hayaan mo siyang magsalita," putol ni Roxie.
"Ang mahalaga, naging tapat ka at pormal. Huwag mong bigyan si Paula ng bala para sabihing nagtatago tayo. If we act guilty, we look guilty. Pero kung haharapin mo sila nang taas-noo, ikaw ang may hawak ng alas. I don't want your career to be ruined because of me. Iwasan nating lumaki ang gulo hangga't maaari."
Napaisip si Atlas. Tama si Roxie—ang pag-iwas ay lalo lamang magbibigay ng dahilan kay Weston na isiping tinatraydor siya ng kanyang bata.
"You're right," pagsang-ayon ni Atlas, habang hinigpitan ang hawak sa kamay ni Roxie.
"Bukas na bukas din, pupunta ako sa mansyon. Haharapin ko si Weston. Pero tandaan mo ito, Roxie... kahit anong sabihin nila, hindi magbabago ang desisyon ko tungkol sa mga permit mo. At lalong hindi magbabago ang paghanga ko sa 'yo."
Ngumiti si Roxie, isang matapang na ngiti.
"Sige na, ihatid mo na ako sa hotel. Bukas, magsisimula ang totoong laban."
.
.
.
~ITUTULOY