Chapter 41 Ralix POV “Teka, C-carl. T-tama na,” Itinulak niya ako sa aking dibdib. Hindi ako pumayag at mas lalo lang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya. Mas pinag-igihan ang ginagawa ko. “Tanghali na. Uy, tama na!” “No!” Lumuhod ako sa harap niya. Sa gitna ng mga hita niya. Hinila siya pababa dahil nakakalayo na siya sa akin kakapumiglas niya. “Ilang araw akong walang vitamins baka nakakalimutan mo,” paalala ko. Bumaba muli para mahalikan siya. Natatawa naman niyang hinarang ang kanyang kamay sa mukha ko. “Vitamins lang pala, madami d’yan binili ni tita,” patawa niya na ‘di naman nakakatawa. “Mommy. Masanay ka nang tawagin silang mommy at daddy.” paalala ko. “Nagpaalam naman ako kay ti-mommy na hayaan muna ako kung ano ang maitatawag ko sa kanila dahil hindi pa ako sanay.” Pin

