Chapter 40 Ralix POV Tumagilid ako at kinapa ang malambot kong kama. Nangunot ang noo ko nang wala na sa tabi ko si Pia. Napadilat ako gamit ang isang mata ko. Hinanap ko siya, nasaan kaya siya? Nakita ko siyang nakatayo sa may beranda. Naka-suot ng robang puti. Hinahangin ang kanyang hangang dibdib na buhok. Umupo ako sa kama, sandaling pinagmasdan siya mula sa kanyang likuran. Nakita kong nagtaas baba ang mga balikat niya tanda na huminga ito ng malalim. Kung kaya ko lang bilhin ang isip niya para malaman kung ano ang laman noon, ginawa ko na, asap. Mukhang ang lalim ng iniisip niya. Tumitingala pa ito, ilang sandali siya sa ganoon bago muling lumebel ang kanyang ulo. Napangiti ang puso ko sa natatanaw kong magandang imahe. Ang mga matataas na puno sa kanyang harapan ay nagmistulang b

