My Lady Guard Chapter 48 Part-2 Ralix POV “Oo galit ako sa iyo. Bakit hindi, love? Halos liparin mo iyong lalaki kanina. Paano kung mas higit pa diyan ang natamo mo? Paano ko pakikiharapan ang pamilya mo? Kakayanin ba ng kunsiyensa ko na masaktan ka dahil lang sa akin?” Magkayakap kaming nakahiga sa aming kama. Nakaunan siya sa braso ko, habang ang kaliwang kamay namin ay magkasalikop sa isa’t isa. Mataas na ang araw na sumisinag sa buong kwarto. Hinalik-halikan ko ang kanyang sentido, feeling her, loving her. Galit ako sa kanya ng sobra pero ‘di ko rin siya matiis. Ang kunsensiya ko ang gumugulo sa akin. Anong oras na ako nakatulog kagabi, at nang makatulog ako man, madaling araw na. Takot ako na baka paggising ko, wala na siya sa aking tabi. Iyon ang kinakatakutan ko. Baka malingat l

