Chapter 47 Ralix POV “Huwag! Huwag!” sigaw ko sa kawalan. Nang magmulat ako ng mga mata ko, hindi ko mapag-isa ang nararamdaman ko. Galit at takot. Napahilamos ako sa mukha ko, habol-habol ko ang hininga ko. Hindi ako makahinga. “A-ayos ka lang ba? Nanaginip ka.” Iniwas ko ang tingin sa kanya. Hindi ko pa rin siya kayang kausapin. Nagagalit ako. Hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko sa kanya. Bumaba ako sa kama at tumayo doon, nais ko sana pumunta sa beranda para sumagap ng sariwang hangin ngunit ang paa ko, ‘di iyon ang nais. Nagpamaywang ako sa gitna ng kwarto. Pinakalma ang sarili ko na ‘di makapagsalita sa babaeng wala naman akong gustong gawin kung hindi ang alagaan at protektahan siya buong buhay ko ngunit. . . ang tigas ng ulo niya. Ang mga nangyari kanina sariwa pa rin sa i

