Chapter 34 Ralix POV Pinagmamasdan ko ang pamilya kong masayang nagku-kwentuhan. Nagkukwento sila mommy ng mga bagay na ayaw kong marinig ni Pia. Hindi ko nga alam ang mga bagay na iyon, ewan ko ba kung gumagawa lang ba sila mommy ng mga kwentong kasumpa-sumpa. Dinagdagan pa nitong si Kuya. Tsk! Mga traydor. “Hindi ka maniniwala, Pia. Mahilig ang anak ko na ‘yan sa mga laruang manika noon.” saad ni mommy. Tumawa nang malakas si dad. Ngumisi naman ang magaling kong kapatid. “Mom, stop.” Warning ko. Dapat pa ba sabihin iyon? Mas gusto ko pang sabihin nila kay Pia ang mga sakit ng ulo na hatid ko sa kanila noon. Kaysa naman ang mga ganitong nakakasira ng puri. Tsk! Bata pa ako noon, alright? “Akala ko noon may sister na ako,” I scoffed sa sinabi ni kuya. Nilagok ko ang alak na hawak ko.

