Chapter 28 Ralix POV Mabilis akong naligo, inayos ko ang buhok ko patagilid sa aking ulo. Malapit ko na itong ipagupit. Nang sa tingin ko pwede na, agad akong nagbihis ng isa sa mga naging paborito kong damit. Isa ito sa mga napili ni Pia sa ukay-ukay na madalas namin puntahan sa kabilang bayan. Amazingly, branded siya. Magaling siya mamili’t matiyaga maghalungkat. Maayos at kung hindi lang sa amoy nito at sa pagkagusot ng tela maganda na ihelera sa mga class A sa palengke. Mura na branded pa. Napangiti ako ng makita ang itsura ko sa salamin. Magustuhan niya kaya ang inihanda ko sa kanya? Pero tang ina, kayanin ko kaya ang speech ko. Sana nawa h’wag naman ako mautal. Hindi ako torpe, ‘di lang sanay sa babae ang tawag dito. Hindi sa ganitong paraan. s**t! Para akong isang teenager na una

