Chapter 33 Ralix POV “Ahh!” Hindi ko nailagan ang sipa at suntok na iyon. Hinawakan ako ng isa pang lalaki sa kamay ko. Sinubukan niyang palipitin ito. Gamit ang paa ko, sinipa ko siya. Agad itong tumumba kasama ang kasamahan niyang nasa likuran nitong akmang susugod din. “Mga gago kayo!” sikmat ko sa kanila. Lumayo ng kaunti para makabwelo at makahinga na rin sandali. “Ang kapal ng apog mong kalabanin si boss,” sita ng isa. Hawak niya ang kanyang ulo na may dugo. “Wala akong ginagawa sa kung sinong boss niyo.” “Wala na kami paki kung ano pa ‘yang atraso mo. Ang mahalaga lang sa amin ngayon iyang ulo mo.” Akma silang lalapit sa akin nang tumakbo ako sa isang estante. Pinagbabato ko sila ng mga naaabot kong ‘de-bote ng softdrinks. Bahala na mamaya. Ang dami ko yatang babayarang damage

