Chapter 47 Ralix POV “Ang sabi mo, nagpunta ka sa bar na iyon para magliwaliw kasama ang mga kaibigan mo. Therefore, walang nag-aya sa iyong sumama?” tanong ng attorney sa kabilang kampo para sa cross examination ni Lizzel. Nagdugtong ang mga kilay ko sa tinanong niya. Tanong nga ba iyon? Obvious naman ang sagot dahil nasabi na niya iyon kanina habang sinasalaysay niya ang lahat ng nangyari. “Oo.” Diretsong sagot ni Lizzel. May tunog ng pagkaditerminado sa kanyang boses. Tama iyan, Liz. Lalaban tayo. Ika ng isip ko na sana, na hagip ni Lizzel. “Palagi ka bang umiinom o nasa bar gabi-gabi, Ms. Cristobal?” sunod na tanong niya. “Hmm, o-oo. Kapag nagpapawala ng stress.” “At kapag ba naka-inom ka, anong ginagawa mo?” tanong muli ng Attorney. Nanghuhuli sa butas na bubuksan ni Lizzel.

