Chapter 46 Ralix POV Parang huminto ang paligid ko sa labis na gulat nang makita ang isang taong araw-araw kong pinapanalangin sa itaas. Umaga’t gabi, hindi siya nawawala sa panalangin ko. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nadamay ko siya sa sitwasyong ito. Maraming nagsasalita sa paligid ko ngunit parang isang magnet ang isip, mata at katawan ko sa babaeng ito lamang nakatingin. “Lix,” tawag sa akin ni Kuya. “Ralix,” tawag nila sa aking pangalan. Ang lalim ng mga boses nila, parang ang layo-layo nila. Halos ‘di ko na nga iyon marinig. “Maupo ka.” Doon lang ako napatingin sa katabi kong si Attorney. Malakas niyang pinalo ang braso ko para mabalik sa mundo. Napapalatak si Miguel sa tabi ko, si attorney naman umiling-iling. Umupo ako ng mabilisan sa pagkapahiya. Napatingin sa kabilang pan

