"Lover, gising." Naramdaman ni Jess na may yumuyugyog sa kaniyang katawan pero tinampal lang niya kung sino iyon. "Pupunta tayo sa bahay ngayon dahil magluluto si Mommy." Umismid lang siya nang marinig niya ang boses ni Ken. Napatakip siya ng kumot sa mukha nang masilawan siya ng araw. "Ken, please! Puwede bang mamaya na, ang aga-aga pa." Naramdaman niyang lumindol ang kama niya at paghaplos nito sa kaniyang ulo. "Ken naman, antok na antok ako kaya please lang naman! Gusto ko munang matulog." Pilit nitong hinihila ang kumot na nakatakip sa kaniyang mukha pero ayaw niya dahil gusto niyang humihalata sa kama ngayon. "Lover, gusto mo bang ako na ang magpaligo sa 'yo?'' Rinig niyang napabuntonghininga ito at ramdam niyang tumayo na ito at ang pagbukas ng pinto. Nakahinga siya nang mabuti.

