Nakita ko ang dalagitang naiiyak sa kung anong hinahanap mula sa loob ng kaniyang bag.
Humakbang ako palapit sa kaniya at narinig ko ang hinanaing niyang hindi matagpuan ang pitaka.
Napansin ko ang maliit na pitakang nasa gilid ng daan, ilan metro lamang ang layo mula sa kinauupuan ng dalagita.
Nilapitan ko ang pitaka saka agad na dinampot upang tiyakin kung iyon ba ang hinahanap ng dalagitang umiiyak.
Binilang ko ang halagang laman niyon at iilan lang naman ang halagang nakapaloob doon.
Narinig kong muli ang malungkot na tinig ng dalagita na ngayo’y nananalangin na sana’y matagpuan niya na ang pitaka dahil kailangan ng kaniyang mga kapatid sa eskwelahan ang pera upang ipanggastos.
Isasara ko na sana ang pitaka nang maagaw ng pansin ko ang larawang nakaipit sa loob. May kung anong magneto ang humihila sa’kin na tingnan ang larawan.
Bumilis ang pintig ng puso ko at tila tinutukso akong haplusin ang mukha ng babaeng nasa larawan.
“Nasaan na ba kasi ‘yon?!” hinaing ng dalagita ang nagpabalik sa natutulala kong diwa.
Dumukot ako ng pera sa aking wallet at saka
pasimpleng inipit ang ilan libong halaga ng pera sa loob ng pitaka upang kahit papaano’y makatulong sa pangangailangan ng dalagita.
Kinuha ko naman ang larawang tinititigan ko kanina at isinilid iyon sa loob aking pitaka.
“Hi!” bati ko sa dalagita para agawin ang nalulumbay niyang pansin.
Muntik nang malaglag ang panga ko nang lumingon siya sa’kin saka nasilayan ko ang taglay niyang kagandahan.
Mas maganda pa pala siya sa personal!
“A-ano iyon?” basag ang kaniyang tinig na tanong at halatang galing sa pag-iyak.
“Palagay ko, sa iyo ang gamit na ‘to.” Inilahad ko ang palad upang iabot sa kaniya ang pitaka.
“Salamat!”
Nagitla ako ng bigla niya akong niyakap. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya masuyo ko na lamang hinagod ang kaniyang likuran.
“SANDRO!!!”
Nagbalik sa hinaharap ang aking isipan nang marinig ko ang malakas na hiyaw ni Angela.
Mabilis akong tumakbo papunta sa silid naming dalawa at pabalyang binuksan ko ang pintuan.
“What happen, Hon?” taranta kong tanong.
“M-ma-nga-nga-nak na ya-ta a-ko...” hirap na hirap niyang sabi.
Nakita ko ang pagkalat ng likido sa kaniyang mga binti kaya madali ko na siyang binuhat at inilabas mula sa loob ng aming silid.
Tinawag ko ang mga kasambahay upang tulungan akong ayusin ang mga gamit na kinakailangang dalhin sa ospital.
Aligaga kong isinakay si Angela sa loob ng sasakyan saka sinuutan ng seatbelt sa kaniyang katawan.
“Da-han-da-han sa pag-ma-ma-ne-ho, Hon,” nahihirapang wika ng aking asawa.
Sa sobrang pagkataranta ko kasi ay halos paliparin ko na ang sasakyan para lang makarating agad ng ospital.
“Sorry, Hon.”
Binagalan ko ang pagpapatakbo ng bigla siyang humiyaw dahilan para muli akong mataranta.
*****
“Hello, Sander! Hello, Angeline! Pinahirapan niyo ba si mommy sa pagpapadede sa inyo?” Kausap ko sa mga anak na payapang natutulog sa loob ng crib.
“Hindi po!”
Nilingon ko ang aking asawa kasunod nang paglunok ng laway nang makita kong nakatapis lamang siya ng tuwalya.
“Sandro...” Naging mapang-akit sa’king pandinig ang kaniyang tinig na animo’y inaakit akong lapitan siya.
Nagngalit at biglang humindig ang nasa pagitan ng mga hita ko na animo’y susugod sa giyera.
“Sandro!” untag sa’kin ni Angela.
“Sh*t!” Ipinilig ko ang ulo para alisin ang lumulukob na matinding init sa loob ng aking katawan.
“Ano’ng nangyayari sa’yo?” nakataas ang isa niyang kilay na tanong.
Lumabi ako bilang pagtugon sa kaniya at saka naglakad patungo sa loob ng banyo.
Kinakailangan kong mailabas ang init na lumulukob sa’king katawan para ‘di ako masakitan ng puson.
Hindi ko pinipilit makipagtalik sa’kin si Angela dahil hindi biro ang kaniyang naranasan at pinagdaanang hirap na maisilang ang aming mga anak.
Mahal ko siya kaya handa akong magtiis at maghintay kung kailan ang tamang oras na maaari kaming magkaroon muli ng mainit na pagroromansa.
Itinapat ko ang sariling katawan sa tapat ng lumalagaslas na tubig upang pawiin ang nararamdamang init.
“Hon!” bulalas ko ng mula sa’king likuran ay bigla na lamang pumulupot ang mga braso niya sa aking baywang.
“I miss you,” malambing niyang sabi.
“Handa naman akong magh--” Naputol ang anumang sasabihin ko ng hawakan niya ang naninigas kong kahandaan sabay siil ng halik sa’king labi.
“I love you, Hon...” malambing niyang anas.
“Pero...” May pag-aalala akong tumitig sa kaniyang mga mata. “Pwede na ba?”
“Dalawang buwan na sina Sander at Angeline kaya pwede na natin silang sundan agad.” Kumindat pa siya sa’kin.
Nadadarang ako sa panunuksong ginagawa niya, ngunit pinipilit kong magpigil at baka kung ano ang maaring kahinatnan niyon. Kaya ko pa namang magtiis alang-alang sa kalusugan niya. Alam ko kung gaano kahirap maging isang ina.
“Pangit na ba ako, Hon?” nakalabing tanong niya na sinabayan pa nang paggapang ng kaniyang mga daliri sa’king dibdib.
“Hindi!”
Totoo ang sinabi kong iyon dahil mas gumanda ang hubog ng kaniyang katawan at dumoble rin ang laki ng mga dibdib niya.
Lumiit ang sukat ng kaniyang baywang kahit pa nga madalas siyang pinapakain ni mama dahil kinakailangan raw iyon ni Angela at mahirap daw ang mabinat.
Hindi ko siya hinahayaang gumawa ng kahit anong gawaing bahay kaya naman kumuha ako ng mga kasambahay na siyang gagawa niyon.
Pagdating sa mga anak namin doon mas tutok si Angela dahil ayaw niya talagang ipaalaga sila sa iba.
“Mahal mo ba talaga ako?” tanong niya sa’kin.
“Ano bang klaseng tanong ‘yan?” Pinisil ko ang ilalim ng kaniyang baba. “Alam mo kung gaano kita kamahal.”
“Maniniwala lang ako kung hahalikan mo ako,” may himig tampo niyang sabi.
Tuluyang napigtas ang pagtitimpi ko nang magpataas baba ang kaniyang kamay sa aking pagkalàlakì.
Agad kong siniil ng halik ang kaniyang labi sabay nang paulit-ulit kong pag-usal ng mga katagang mahal ko siya.
Tinugon niya ang halik kong ‘yon at saka pinalalim nang pinalalim hanggang sa tuluyan na kaming nauwi sa mainit na pagtatalik at pagsasanib ng aming mga katawan.
Hindi lamang sa loob ng banyo natapos ang aming mainit na pagtatalik dahil hanggang sa loob ng aming silid ay nagpatuloy kami.
“Happy?” tanong niya matapos isiksik ang kaniyang sarili sa aking dibdib.
Katatapos lamang ng mainit naming pagniniig kaya pareho pang hinihingal ang aming mga paghinga.
“Hindi pa ba ako magiging masaya gayong bawing-bawi na ang ilang buwang pagkatigang ko sa’yo?” natatawa kong sabi saka iniyakap sa kaniyang baywang ang isa kong braso.
“Deserved mo naman, Hon.” Ipinagapang niya ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng aking dibdib.
Pinatakan ko ng maliliit na halik ang tuktok ng kaniyang ulo saka hinagod ng isang kamay ko ang makintab niyang buhok.
“Thank you for loving me,” madamdamin niyang saad. Naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa aking dibdib.
“Hey!” Marahan akong kumalas mula sa pagyakap sa kaniyang katawan at saka bumangon upang harapin siya.
“Bakit ka nagpapasalamat?” Pinahid ko ang mga luhang nagkalat sa kaniyang pisngi gamit ang mga daliri ko sa kamay.
“Dahil minahal mo ako sa kabila ng mga pangit kong ginawa sa’yo.”
Tipid na ngumiti ako saka inalalayan ko siyang tumayo mula sa pagkakahiga.
“Ako nga ang dapat magpasalamat sa’yo dahil kung hindi mo ginawa iyon, hindi ko pa maaalalang hanapin ang kabiyak ng aking puso.”
“Sandro...”
“Lahat tayo ay nagkakamali at dahil sa pagkakamaling iyon marami tayong natutunan. H’wag na natin balik-balikan pa ang nakaraan upang patuloy tayong umusad sa hinaharap.”
Tumabi ako ng upo sa kaniya saka kinabig ko siya upang ihilig sa aking katawan.
“Ang mahalaga na lang sa ngayon ay ganap na tayong nagkakaunawaan at naging isa ang ating mga puso,” madamdaming wika ko.
Isinandig ng husto ni Angela ang kaniyang ulo sa’king dibdib saka masuyong hinaplos ako roon.
“Punuin natin ng pagmamahalan at masayang alaala ang ating pamilya,” aniko.
“At least kung mawala man ako sa mundong ‘to ay mayroon naman akong babaunin sa kabilang buhay,” dagdag ko pang sabi.
“Matapos mo akong baunan ng mga semilya mo ay saka mo hihilinging mawala ka!” Malakas akong hinampas ni Angela sa aking dibdib dahilan para mapaigik ako.
“Fertile ako! Kaya huwag na huwag kang magbibiro ng ganiyang mga salita. Dalawang buwan pa lang ang mga anak natin!” asik pa niya.
Natatawang niyakap ko siya at kinintilan ng halik sa kaniyang labi.
“Huwag mo naman sana akong iwanan.” Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang kaniyang mga luha.
“Hinding-hindi iyan mangyayari dahil maraming Sandro at Angela pa tayong bubuuhin,” nakangiti kong sambit.
Tinuyot ko ang nagkalat niyang mga luha sa kaniyang pisngi gamit ang aking labi.
“I love you, Hon!” madamdamin niyang pahayag.
“I love you too!” Sinelyuhan ko ng halik ang kaniyang labi.
Kinilala man ako ni Angela bilang maloko sa mga babae ay siya pa rin ang bukod tanging babaeng bumihag sa’king puso.
Sa nakakatawang sitwasyon man kami nagkakilala ay hindi naman iyon naging hadlang upang mauwi kami sa tunay na pagmamahalan.
May mga pagkakataong nakakalimutan natin ang mga pangyayari mula sa ating nakaraan, pero may nakatalang panahon ang Panginoon para muli natin iyong sariwain at balikan.
Hindi man natin makuha sa paraan na ating ninanais ang isang bagay, darating at darating din talaga ang nakatakdang panahon upang magkaroon iyon ng kaganapan.
Kung papipiliin akong muli kung pa’no kami magkakakilalang dalawa ni Angela, muli kong pipiliin ang malaswang gabi ng aming pagtatagpo.
Bukod kasi sa nasilayan ko ang aking mapapangasawa ng gabing iyon ay nagkaroon pa ako ng pagkakataong mahawakan ang kaniyang katawan na matagal kong pinagnasaan.
Hinding-hindi ko malilimutan ang gabing iyon na pwede ko na ngang pamagatang ‘The Lustful Encounter’ kung ito’y maisasapelikula lamang.
Ako si Sandro Concepcion Dela Cruz na kilala bilang matinik sa babae, ngunit baliw na baliw sa pagmamahal sa aking asawa na si Angela Montez Dela Cruz.
==== Wakas! ====