Hindi maampat-ampat ang mga luhang patuloy lamang sa pag-agos sa mga mata ko habang naglalakad sa gitna ng pulang carpet.
Titig na titig ako sa harapang bahagi ng altar kung saan nakikita ko ang masayang mukha ng mga magulang ko pati na rin ni Angeline.
“Tumahan ka na Ate, nakakahiya na sa pamilya ni Sandro. Mamaya isipin nila napipilitan ka lang magpakasal dahil iyak ka ng iyak,” bulong sa’kin ni Alex.
“Masaya lang akong makita sina Mama, Papa at Angeline na nakatunghay sa ‘tin.” Pinahid ko ang mga luhang namamalibis sa’king pisngi.
“Sus maryosep!” malakas na bulalas ni Alex at nag-antandang krus pa.
“Bakit?” maang kong tanong sabay hinto sa’king paghakbang.
“Araw ng kasal mo ngayon Ate, kaya huwag kang manakot. Malayo pa ang buwan ng Halloween,” nakangiwi niyang turan.
Napangiti ako sa tinuran ni Alex kaya naisipan kong biruin siyang lalo.
“Sabi nina mama at papa, ligawan mo na raw iyong babaeng nagpapatibok diyan.” Tinuro ko ang tapat ng dibdib niya kung saan naroon ang kaniyang puso.
Natigilan si Alex at kapagkuwa’y taimtim na tumitig sa’kin.
“Magiging asawa mo na si Sandro kaya hindi maaari ang relasyong ibig ko. Ayokong makagulo sa pamilya ninyo,” malungkot niyang turan.
Masuyong hinaplos ko ang kaniyang pisngi. “Big boy na talaga ang kapatid ko, alam na niya kung ano ang tama at mali.”
“Pero, bakit mo kailangang isipin ang sasabihin ng ibang tao kung alam mong mahal niyo ang isa’t isa?”
Kinunutan niya ako ng noo at nagpatuloy lamang ako.
“Parati mong isipin Alex na walang pagkataong tinitignan ang pag-ibig. All is fair in love. Just be yourself!”
“Ate...”
Isang matamis na ngiti sa labi ang gumuhit sa’king labi saka patuloy ko siyang hinaplos sa kaniyang pisngi.
“Kayang paamuin ng Alex Montez, ang mataray na spoiled brat!” Kumindat pa ako sa kaniya.
Alam kong gusto ni Alex si Cristel. ‘Di niya lamang magawang magtapat dahil na rin sa iniisip niya ang sasabihin ng pamilya ni Sandro.
Wala akong nakikitang mali kung magkatuluyan man silang dalawa. Bukod sa pareho nilang gusto ang isa’t isa, hindi rin naman kontra si Sandro sa bagay na iyon.
Palagay ko ay hindi rin naman kokontra ang pamilya Dela Cruz kung magkataon dahil kaya namang patunayan si Alex ang kaniyang sarili sa kanila.
“Ano ba’ng pinag-uusapan niyong dalawa ni Alex? Hindi niyo naman siguro pinaplanong tumakbo ‘di ba?”
“Pa’no ako tatakbo kung ganitong malaki na ang tiyan ko?” nakalabi kong tanong kay Sandro ng aking harapin.
“Pasensiya na tol, masyadong weird magbuntis si Ate. Kung anu-ano ang nakikita sa altar,” ani naman ni Alex.
Kunot-noong tumingin sa mga mata ko si Sandro at tila humihingi ng paliwanag sa sinabing iyon ni Alex.
“Sabay na tayong maglakad patungo sa altar at nang maikasal na tayo agad. Gusto ko ng mag-honeymoon.”
Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kaniyang labi na sinabayan naman ng malakas na hiyawan ng kaniyang mga kapatid.
Ginanap ang kasal namin sa malawak na hardin ng pamilya Dela Cruz. Mas pinili ko ang ganitong klase ng kasal sapagkat mas nais kong pamilya at malapit na kaibigan lamang ang aming mga bisita.
Ipinulupot ko ang braso ko sa braso ni Sandro saka sabay kaming naglakad patungo sa may altar.
“I love you, Hon.” Humigpit ang hawak ni Sandro sa kamay ko. “Huwag mo na sana akong takbuhan pa.”
“Kanina mo pa bukambibig ang salitang iyan. Pa'no kita tatakbuhan kung ganito kahigpit ang hawak mo sa kamay ko?” natatawang tanong ko sa kaniya.
“Nanaginip kasi akong tinakbuhan mo raw ako habang nakasuot ka ng wedding gown,” malungkot niyang sabi.
“Baka naman kasi ganito iyong nasa panaginip mo.” Hinila ko siya upang tumakbo palapit sa harapan ng altar.
Malakas na pagsinghap at tawanan ng mga taong naroon ang maririnig. Dinampot ko ang mikropono sa ibabaw ng lamesa at saka nagsalita.
“Ikasal mo na po kami Father at ng matahimik na rin po ang kalooban ni Sandro. Ayoko pong nakikita siyang malungkot dahil mahal na mahal na mahal ko siya,” madamdaming wika ko.
Malakas akong napatili nang kabigin ni Sandro palapit sa kaniyang katawan at saka siniil ako ng halik sa aking labi.
“Ti-to Po-gi...”
Naghiwalay kami ni Sandro nang marinig ang cute na tinig ni Sab.
“Basbasan mo na lang po sila Father at nang makakain na tayo,” wika ni Seb na siyang may karga kay Sab.
Tumango-tango si Father bilang pagsang-ayon at saka sinimulan ang seremonyas ng kasal.
Panay ang dampi ni Sandro ng halik sa’king pisngi kahit pa nga nakaharap sa’min si Father.
“You may now kiss the bride!” malakas na sambit ni Father matapos kaming basbasan ni Sandro.
Kinabig ako ni Sandro at saka siniil ng mainit na halik sa’king labi. Halik na halos ayaw niya nang itigil pa.
Umugong ang malaks na palakpakan kasabay nang paghiyaw ng mga taong naroon.
“Tama na ‘yan, Sandro!” sigaw ni Sandra sa kaniyang kakambal.
“Kuya bilisan mo na at nang makakain na tayo!” nangingiting sabi ni Sonny.
“Bilisan mo na, Bro!” hiyaw naman ni Benjie na nakilala kong kaibigan ni Sandro. Siya sana ang pupuntahan nito ng gabing magkakilala kaming dalawa sa daanan.
Humarap si Sandro sa mga taong naroon saka matamis na nginitian ang mga ‘to. Itinaas pa niya ang kamay naming dalawa kung saan nakasuot ang mga singsing sa aming daliri.
Umani si Sandro ng kantiyaw mula sa kaniyang mga kapatid.
“Sa wakas nakatali na rin si Kuya Sandro!” buska ni Cristel na katabi ng kapatid kong malagkit ang titig sa kaniya.
“Oo nga! Wala ng malakas ang hangin sa bahay,” natatawang komento ni Carmi.
“Wala na rin babaero sa kumpanya!” wika naman ni Sanjo na umani ng malakas na tawanan mula sa iba pa nilang mga kapatid.
“Ikaw ba Sandra ang susunod na ikakasal?” tanong ni Seb kay Sandra.
“Kung pahihintulutan mo, Bro!” sabat ni Jerome na matiyagang nanliligaw sa dalaga.
“Magtigil ka!” asik ni Sandra kay Jerome.
Napuno ng malakas na tawanan at kantiyawan ang buong paligid.
Hindi ko masasabing hindi masaya ang araw ng kasal namin ni Sandro dahil kahit nasa hardin lamang kami ay napuno naman iyon ng masayang kaganapan.
Simpleng pagdiriwang lang talaga ang nais ko. Ang mahalaga ay alam kong mahal namin ni Sandro ang isa’t isa.
“Halika na, Hon. Baka nagugutom na rin sila baby riyan sa tiyan mo,” untag sa’kin ni Sandro.
Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga at saka malambing na nagsabi, “pwede bang ikaw muna ang kainin ko?”
Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang magkabilaang pisngi kasabay nang pamumukol ng hinaharap niya dahil sa pasimple ko iyong hinimas.
“H-huwag mo akong akitin Hon at baka ‘di ko iyan matanggihan,” nahihirapan niyang sabi.
Malakas akong humalakhak saka mabilis ko siyang dinampian ng halik sa kaniyang labi.
“I love you, Hon!” namumungay ang mga matang sambit ko.
Matamis na ngumiti siya saka kinabig ako payakap sa kaniyang katawan. “I love you, Mrs. Angela Montez Dela Cruz!”
********
“Ready na ba kayong malaman ang gender ng mga baby niyo?” masayang tanong sa’min ni Linda.
Sabay naming itinango ni Sandro ang aming mga ulo saka mahigpit na humawak sa kamay ng isa’t isa.
Excited na talaga akong malaman ang gender ng mga baby namin dahil ang tanging alam ko lamang ay kambal ang mga ito. Kaya nga wala pa kaming nabiling mga gamit na pang-baby.
“Sabayan niyo akong magbilang hanggang tatlo. Pagkatapos, sabay niyong hilahin ang ribbon na nasa inyong harapan.” Muli kaming tumango ni Sandro.
Si Linda ang ginawang emcee ni Nena para sa gender reveal party na ‘to. Natutuwa rin akong siya ang naging host dahil bentang-benta sa’kin ang mga segwey niya, lalo na noong birthday party nina Sab at Neri.
“Isa... Dalawa... Tatlo!” Sabay naming hinila ni Sandro ang ribbon na pareho naming hawak.
Nagkalat ang kulay asul at pink na confetti sa sahig kasabay nang sunod-sunod na pagputok ng mga lobo sa’ming paligid.
“Yes!” malakas na sigaw ni Sandro sabay buhat sa’kin saka ipinaikot-ikot ako sa ere.
“Congratulations to both of you!” bati sa’min ni Linda.
Sunod-sunod ding bumati sa’min ang mga kapatid ni Sandro at bawat isa sa kanila ay may mga regalong iniabot.
Lumapit sa’kin si Alex saka mahigpit akong niyakap. “Congratulations, Ate!”
“Meron na ba kayong ipapangalan para sa mga bata?” nakangiting tanong ni Mama Cassy.
“Wala pa po.”
“Meron na, Ma!”
Sabay naming sagot ni Sandro na agad ko rin kinunutan siya ng noo.
“May pangalan ka na para kila baby?” ‘di makapaniwalang tanong ko sa kaniya.
Hinapit niya ako sa baywang dahilan para mapalapit ako ng husto sa kaniyang katawan.
“Matagal nang nakahanda ang mga pangalan ng anak natin,” nakangiti niyang sabi.
“Ha? Ano’ng pangalan nila?” manghang tanong ko sa kaniya.
Wala akong maalalang napag-usapan namin ang tungkol sa pangalan ng mga bata, kaya nakapagtatakang mayroon siyang pangalan.
“Sander ang ipapangalan natin para sa’ting baby boy at Angeline naman para sa’ting baby girl.”
“S-Sandro...” Gumaralgal ang tinig ko nang marinig ang kaniyang sinabi.
Mabilis na nag-unahan sa pagpatak ang mga luha mula sa’king mga mata dahil sa hindi ko inaasahang isusunod niya sa pangalan ni Angeline ang pangalan ng una naming anak na babae.
“Salamat, Tol!” Tinapik ni Alex si Sandro sa kaniyang balikat.
“Hindi mo kailangang magpasalamat. Angeline will remain in our hearts.” Pabalik na tinapik din ni Sandro si Alex.
Luhaang niyakap ko ang asawa at paulit-ulit kong ibinulong sa kaniya ang mga pasasalamat na salita.
“Hindi mo kailangang magpasalamat, Hon. Si Angeline ang dahilan kung bakit tayo nagkakilala at magkasama ngayon,” madamdamin niyang wika saka pinagdikit ang aming mga noo.
Ilang sandali kaming nasa ganoong posisyon nang tawagin kami ni Nena para sa picture taking.
Labis na kasiyahan ang nadarama ko at wala na akong ibang mahihiling pa dahil binuo na ni Sandro ang malaking kakulangan sa’king buhay.
Si Sandro ang siyang niloob sa’kin ng Maykapal upang makita ang mga pagkakamaling nagawa ko sa buhay.
Walang sinumang tao ang perpekto, lalo pa’t maraming pagkakataon na maaaring magkamali ang mga ‘to.
Ang Panginoon lang talaga ang siyang tunay na nakakaalam sa lahat ng pwedeng mangyari sa ating buhay.
“One, two, three, say cheese!” bulalas ng photographer.
“Cheese!!!”