Chapter 15

1788 Words
“Nasaan na kaya ‘yon?” tanong ko sa sarili. Panay ang kalkal ko sa loob ng bag upang hanapin ang pitaka ko. Gusto ko nang maiyak dahil sa hindi ko iyon makita-kita. Kinakailangan kong makita iyon dahil kakailanganin nina Alex at Angeline nang panggastos para sa kanilang project. “Hi!” Nilingon ko ang taong nagsalita at muntik nang malaglag ang panga ko sa nakitang kakisigan nito na may simpatikong ngiti sa kaniyang labi. “Palagay ko sa’yo ‘to.” Inilahad ng lalaki ang kamay niyang may hawak sa’king pitaka. Maliit na halaga lang naman ang laman niyon. Maliit pero marami nang paggagamitan. “Salamat!” naiiyak kong sabi. ‘Di ko naiwasang yakapin ang lalaki bugso ng labis na katuwaan pagkakita sa nawawala kong pitaka. Naipikit ko ang mga mata nang tugunin niya ang yakap ko saka masuyong hinagod ang aking likuran. Sa pagdilat ng mga mata ko, nakayukyok na ulo ni Sandro ang aking nasilayan sa tabing bahagi ng kama. “Sandro...” Marahan ko siyang niyugyog upang gisingin. “Thank God, you’re awake!” Mahigpit niya akong niyakap at naramdaman ko ang pagpatak ng kaniyang mga luha sa’king mukha. “Sshh...” Masuyong hinagod ko ang kaniyang likuran. “Kalma, Boss. Gising na ako at maayos kami nila baby.” Pinasaya ko ang sariling tinig upang madama niyang maayos na ang aking kalagayan. Labis na saya ang aking nadama dahil sa matinding emosyon na nararamdaman ko mula sa kaniya. Marahan siyang kumalas mula sa pagyakap sa’kin saka malamlam ang kaniyang mga matang tumitig sa mga mata ko. “P-pa’no mo nalamang kambal ang anak natin?” manghang tanong niya sa’kin. Pinisil ko ang matangos niyang ilong saka masuyong hinaplos ng aking palad ang kaniyang pisngi. “Kataka-taka pa ba na hindi lang iisa ang nasa loob ng sinapupunan ko, gayong inaaraw-araw akong punlaan ng kanilang ama?” nakangiti kong tanong sa kaniya. Sumilay ang simpatiko niyang ngiti sa labi na labis kong nagustuhan mula pa man noong ibalik niya ang pitaka ko. “Kahit hindi mo aminin, alam kong ikaw ang kahati ko sa restaurant. Ikaw rin ang dahilan ng pag-asenso niyon,” nakangiting pahayag ko. Nakita ko ang pagtakas ng kulay mula sa kaniyang mukha nang hayagan kong ipahayag ang tungkol sa restaurant. “S-si Alex ba ang nagsabi?” tanong niya kapagkuwan. Iniling-iling ko ang ulo ko. “Matagal ko ng alam na ikaw iyon.” Masuyong hinagod ko ang kaniyang kamay na hawak-hawak naman ang isa kong kamay. “Alam ko rin na matagal mo nang itinatago at pinagnanasaan ang larawan kong kinuha mo mula sa loob ng aking pitaka.” Pagkagulat ang mababakas sa kaniyang mukha na sinamahan pa ng labis na pagtataka. “Hindi mo naman siguro ginawang panakot sa daga ang larawan ko, noh?” patuloy kong sabi habang ‘di maalis-alis ang ngiti sa’king labi. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Nakakalokong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi. “Tinititigan ko iyon sa tuwing nasa loob ako ng banyo habang nagkakamay. Iniisip ko kasing kaharap kita at totoong ginagawa natin iyon.” Nanlaki ang mga mata ko sa tinuran niya saka mahinang hinampas ko ang kaniyang kamay. “B*stos ka! Ibalik mo litrato ko!” asik ko sa kaniya. “I love you, Hon!” madamdamin niyang sabi na nagpangiti sa’kin. Sinenyasan ko si Sandro na ilapit ang kaniyang mukha sa’kin naman niyang sinunod. “Iuwi mo na ako at mas gusto kong maramdaman ang init ng katawan mo kasabay ng malakas nating pag-ungol na dalawa,” mapang-akit kong bulong sa kaniya. “Parinig muna ng ungol mo, Hon.” “S-San-dro...” Tuluyan nga akong napaungol nang pumisil ang palad niya sa isa kong dibdib. “I love you,” malambing niyang sabi. “I love you too!” Sinelyuhan niya ng halik ang aking labi. “Sabi ko naman sa’yo Ma, ayos lang sila Sandro rito sa ospital.” Sabay kaming tumingin sa pintuan ni Sandro nang marinig namin ang tinig ni Sandra. “Mainam pa rin na makita ko ang kalagayan ni Angela,” turan naman ni Mama Cassy. Lumapit siya sa kinahihigaan ko saka masuyong ginagap ng kamay niya ang aking kamay. “Kumusta na ang pakiramdam mo, Angela?” malambing na tanong sa’kin ng ina ni Sandro. “Mabuti na po, Ma.” Matamis na ngumiti ako kay mama Cassy bilang pasasalamat. Mapalad akong makatagpo ng ikalawang ina sa katauhan ni Mama Cassy dahil itinuring niya akong tunay na anak kahit pa nga sinaktan ko si Sandro. Hindi ipinaramdam sa’kin ni Mama Cassy ang pagkakamaling ginawa ko bagkus ay buong puso niya akong tinanggap. Sa kabila ng dalawang dosenang anak niya ay hindi niya kami itinuturing ni Alex na ibang tao. Palaging bukas ang kaniyang palad sa aming dalawa at pati si Papa Baste ay ganoon din ang turing sa’min. “Alisin niyo ang staff na iyon sa loob ng kumpanya at baka makilala niya ang totoong ugali ko,” may pagbabantang wika ni Mama Cassy na humarap pa kay Sandro. “Talagang aalisin ko siya dahil hindi ko kinakailangan ng empleyadong hindi marunong lumugar sa dapat niyang paglugaran,” matigas na wika ni Sandro. “You don’t need to worry about that girl, because I already fired her!” ani naman ni Sandra. “Hindi niyo na sana siya pinaalis pa.” Sabay-sabay silang tumingin sa’kin na may pagtatanong sa kanilang mga mata. “Kailangan siyang alisin dahil kung may nangyaring masama sa baby natin ay tiyak na mapapatay ko si Niña,” tugon ni Sandro. “Nadala lang siya marahil ng kaniyang damdamin dahil sa mga sinabi ko. Isa pa, kasalanan ko naman talaga kung bakit kami umabot sa sakitan. Ako ang unang nanakit sa kaniya dahil tinulak ko siya at gumanti lamang siya,” mapagkumbaba kong wika. “Sabay naming pinanood ni Sandra ang pangyayari sa CCTV. Napanood at narinig ko ang lahat ng mga palitan ninyo ng salita. Wala kang pagkakamali!” mariing hayag ni Mama Cassy. Masuyong ginagap ko ang kaniyang kamay saka dinala ko iyon sa’king pisngi. “Ma hayaan na lang po natin si Niña na magtrabaho sa kumpanya. Ang mahalaga na lang po sa’kin ngayon ay masayang makasama kayo pati na rin ang magiging mga anak namin ni Sandro.” Nagpakawala ng malalim na buntonghininga ang ina ni Sandro saka hinagod din nito ang kamay ko. “Hindi nagkamali ang anak ko sa pagpili sa’yo.” “At hindi rin po ako nagkamaling mahalin siya,” nakangiting tugon ko kay Mama Cassy sabay baling ng tingin ko kay Sandro. “Ay sus, lintik! Kinikilig si Sandro!” mapang-asar na saad ni Sandra na tinawanan naman naming dalawa ni Mama Cassy. Matapos ang ilang oras na pagproseso ng dischargement paper, pinalabas na rin ako ng hospital. Masayang-masaya si Sandro na pauwi na kami at sa sobrang katuwaan niya ay tinanong pa ang OB Gyne, kung pwede pa ba kaming magkaroon ng mainit na aktibidad sa isa’t isa. Binilinan kaming dalawa ni Sandro ng OB Gyne na mag-ingat sa bawat pagkilos dahil sa kambal ang nasa sinapupunan ko. Sinabihan din niya si Sandro na kung gagawin ang mainit naming aktibidad, kinakailangan nitong maging maingat lalo na sa pagbayo. “Narinig mo’ng sinabi ng doctor, may pagkakataon pa akong paungulin ka.” Humaplos ang kamay ni Sandro sa ibabaw ng aking tiyan. “Ang libog mo talaga!” Pinong kinurot ko siya sa kaniyang tagiliran na ikinahiyaw naman niya. Sa bahay nila kami dumiretso ayon na rin sa kagustuhan ni Mama Cassy. Gusto kasi nitong paglutuan ako ng masarap na hapunan kaya naman pinaunlakan ko iyon. Pagpasok pa lamang namin sa may pintuan ay sinalubong na kami nina Neil at Nick na pawang mga naglalaro. Nagmano sila sa’min ni Sandro pati na si Noel na biglang sumulpot. “Kumusta ka na, Angela?” malambing na tanong sa’kin ni Nena. “Mabuti na ako,” nakangiting tugon ko sabay upo sa bakanteng upuan malapit sa kaniya. Malaki na ang tiyan ni Nena at ilang buwan na lamang ay malapit na rin siyang manganak muli. “Siguro ganito rin kalaki ang tiyan ko pagkalipas ng ilang buwan, noh?” Masuyong hinimas ko ang maumbok niyang tiyan. “Oo, tiyak iyan! Kambal din siguro iyang nasa loob ng sinapupunan mo,” humahagikhik niyang sabi. “Hala! Pa’no mo nalaman?” mulagat kong tanong sa kaniya. “Nasa lahi na kasi ng mga asawa natin. Isa pa, hindi naman makukuntento ang mga iyan ng walang nangyayaring putukan tuwing gabi,” pabulong niyang sabi sa huling salita habang patuloy sa kaniyang paghagikhik. Nakakatuwa si Nena kausap kaya hindi na nakapagtataka pang madaling mahulog ang loob ko sa kaniya. Pareho na rin kaming ulila sa magulang at halos parehas din kami nang pinagdaanang hirap. “Sa gabi nga lang ba nangungulit sa’yo si Kuya Seb?” tanong ni Sandro kay Nena nang maupo siya sa’king tabi. “Ako kasi oras-oras kong kinukulit si Angela, para siguradong lumaki pa ang lahi natin.” Kumindat pa sa’kin si Sandro. “Sandro!” nahihiyang bulalas ko sabay hampas sa kaniyang braso. “Anong palagay mo sa’kin, mahina ang tuhod?” mayabang na sabat ni Seb. “Isa ka pa!” “Agh! Masakit, Baby!” Nakangiwing reklamo ni Seb nang dibdiban siya ni Nena. Sabay-sabay kaming nagtawanan hanggang sa lumapit sa amin si Linda na karga ang cute na si Neri. Agad namang binuhat ng kaniyang ama ang cute na bata at saka pinupog ng halik sa pisngi nito. “Habang lumalaki si Neri ay nagiging kahawig na ng husto ni Nena,” natatawang sabi ni Linda. “Si Sab naman ay kuhang-kuha ang itsura ng kaniyang ama,” mula sa likuran ni Linda ay sumulpot naman ang kaniyang ina na karga ang batang si Sab. “Come to Tito Pogi, Sab,” malambing na wika ni Sandro sabay kuha sa cute niyang pamangkin. Totoo ang winika ni Tiya Melba na halos nakuha ng bata ang feature ng kaniyang ama. Lalo na iyong mga mata nitong may hawig din kay Sandro. Napasinghap kaming lahat nang marinig ang malakas na paglagapak ng palad ni Sab sa pisngi ni Sandro. “Aray! Bakit parang favorite mo na yata akong saktan ngayon, Sab?” nakangiwing reklamo ni Sandro. Tumitig si Sab kay Sandro sabay haplos sa pisnging sinampal nito na animo’y humihingi ng paumanhin sa kaniyang nagawa. “Ti-to Po-gi...” bulol na wika ni Sab. “Ay! Narinig niyo ‘yon? Tinawag niya akong Tito Pogi,” natitilihang bulalas ni Sandro. “Sige Sab, ayos lang kahit palagi mong sinasaktan si Tito Pogi. Love naman kita!” aniya pa kay Sab. Sabay-sabay kaming humagalpak ng tawa ng muling sinampal ni Sab sa kaniyang pisngi si Sandro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD