"YES, it is true." Napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng baritonong boses na iyon at napatda ang lahat nang makitang puno ng otorisasyon na naglalakad patungo sa nagkakagulong mga empleyado ang big boss ng Sancho Group of Companies na si Zack Zachery Sancho. Lahat ay tila naestatwa at hindi makakilos dahil sa lakas ng dating ng presensya nito. Madilim din ang anyo ng lalaki at makikita sa kulay kapeng mga mata nito ang galit habang nakatingin sa mga empleyado. “Mr. Sancho!" anang Ms. Debby saka natatarantang sinalubong ang boss. "What are you doing here, Sir?" kaagad na tanong ni Ms. Debby nang makabawi sa pagkabigla. Tila namutla ang manager nang makita ang galit sa mukha ng boss. Subalit sa halip na sumagot ay dumako ang tingin nito kay Calley na nakayuko lamang habang humihikbi

