Kabanata 40

1948 Words

NAGING maayos ang lahat para kay Calley pagkatapos ng eskandalong kinasangkutan niya. Nawala ang usap-usapan tungkol sa kanya kaya naman mas naging magaan ang loob niyang magtrabaho. Naging maayos din ang lahat para sa kanila ni Zack, subalit hindi mas dumalang ang pagkikita nila dahil busy ito sa trabaho. Isa pa'y sinabihan din niya ang nobyong mag-lay low muna sila sa pagkikita sa loob ng resort dahil baka maging mitsa na naman iyon ng chismis tungkol sa kanila. "Bruh, happy monthsary sa inyo ni Sir Zack," bulong ni Maggie sa kanya habang magkatabi sila sa upuan at nagkakape. Breaktime nila ng mga oras na iyon sa trabaho. "Sana all may monthsary," kinikilig pang dagdag nito. Napangiti naman si Calley dahil sa sinabi ng kaibigan. Tama ito. Isang buwan na lang magkarelasyon ni Zack ng ar

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD