Kabanata 6

1861 Words
SIMULA noong makatanggap si Calley ng sulat at bulaklak sa hindi nakikilalang lalaki, naging regular na ang pagpapadala nito ng kung anu-ano sa kaniya. Nagsimula na tuloy siyang ma-curious sa kanyang secret admirer. Naging malaking palaisipan sa kaniya kung sino ang lalaking nasa likod niyon. Bukod pa roon, hindi rin niya maiwasang mag-asam na baka galing iyon sa ama ni Callyx. Sapagkat ang inisyal na "Z" na nakalagay sa mga sulat ay kapareho ng pangalan na ipinakilala ng ama ni Callyx nang gabing ipinagkaloob niya ang kanyang sarili rito. Ngunit posible nga kaya? Iyon nga kaya ang ama ni Callyx? Pero bakit kailangan pa nitong idaan sa ganoon ang lahat? Bakit hindi na lang ito magpakita sa kaniya at magpakilala? Alam kaya nito na nagkaroon sila ng anak? Nahulog sa malalim na pag-iisip si Calley habang nagpapahinga sa employees lounge at hinihintay sina Tristan at Maggy na lumabas mula sa locker room. Alas-otso na iyon ng gabi at off-duty ng 'tulad nilang morning shift. Hindi tuloy niya namalayan ang pagdating ni Tristan. "Girl, okay ka lang?" Napukaw ang malalim na paglalakbay ng kanyang diwa nang marinig ang kaibigan. Binalingan naman niya ito ng may alanganing ngiti sa labi. "Nandiyan ka na pala," aniya sabay muwestra ng bakanteng upuan sa tabi niya, "Si Maggy?" Napansin kasi niyang hindi nito kasama ang babae. Umirap pa muna ang kaibigan bago naupo sa kanyang tabi. "Nasa wash room pa. Ewan ko ba r'on," sagot nito matapos ay ibinaling ang tingin kay Callyx na noon ay tahimik na nakaupo sa kanyang tabi. "Hello, baby boy. How are you?" nakangiting nito sa musmos. Nag-angat naman ng tingin ang kanyang anak na noon ay naglalaro ng laruang robot nito. "Hi po, Tito Tristan," anang paslit na sinamahan pa ng simpleng ngiti at kaway. "I'm fine po, Tito Tristan," dagdag pa nito. "May time ba kayo ni Maggy mamaya? Mag-bonding naman tayo. Tutal, day-off natin bukas," mayamaya ay alok niya kay Tristan. Simula kasi noong dumating siya at magtrabaho sa Paradise Island ay hindi pa sila nakapag-bonding. Ni wala pa siyang alam masyado sa buhay ng mga ito, maging ang mga ito sa kaniya. Kaya sasamantalahin niya ang kanilang day-off para makapag-bonding sila sa gabing iyon. "Game ako, girl," ani Tristan na halatang excited. "Sa wakas, may girl bonding na rin tayo." "Yeah, hindi pa nga tayo nakakapag-heart to heart talk," aniya saka binalingan si Callyx nang mapansin niyang humikab ito. "'Antok ka na ba, baby?" malambing niyang tanong sa anak saka pinisil sa baba. "Medyo po, Mommy. Uuwi na po ba tayo po?" tanong nito sa kanya habang namumungay ang mga mata. "Una na kaya kayo, girl. Mukhang antok na si baby boy," suhestiyon ni Tristan. "Okay lang ba?" paniniguro niya, "Patulugin ko lang si Callyx then text ko kayo. D'on tayo sa quarter namin." Ang tinutukoy niyang quarter ay ang kwarto nilang mag-ina sa employees quarter. "Okay, sure!" MATAPOS malinisan at mapalitan ng damit-pantulog ni Calley ang anak ay kaagad din itong nakatulog. Good thing, nakakain na sila ng hapunan kanina sa lounge kaya pagdating sa tinitirhang quarter at magpapahinga na lang sila ng kanyang anak. Komportableng tirahan ang employees quarter para kay Calley, at kahit nga 45 square meter lang ang laki niyon ay sobra na para sa kanilang mag-ina. Aside from that, kumpleto rin sa pangunahing kagamitan ang quarters mula sa sala, silid-tulugan, at kusina. Nang masiguro niyang nahihimbing na ang kanyang anak ay saka siya nag-text kay Tristan. At makalipas lang ang sampung minuto, nakarinig na siya ng mahinang pagkatok sa pinto. "Tagal mo namang buksan, girl. Ang bigat pa naman nitong dala ko," nakairap na reklamo ni Tristan ng pagbuksan niya ng pinto. "Hello, Calley!" bati naman ni Maggy. Sabay na pumasok ang dalawa at nagtuloy-tuloy sa sala, matapos ay inilapag ang mga plastic bag na dala ng mga ito sa center table. "Ano 'yan? Bakit ang dami niyong dala?" usisa niya saka naupo sa tabi ng mga kaibigan. "In-can beer and junk foods," sagot ni Tristan. "Maglalasing daw si Maggy." Nang marinig iyon ay binalingan ni Calley ng tingin sa babae. "Why? May problema ka ba, Mags?" Sumimangot si Maggy nang itanong iyon ni Calley, saka kumilos para buksan ang isa sa mga plastic bag at kumuha ng in-can beer at tinungga. "Nakipag-break kasi 'yong jowa ko," ani Maggy na bakas ang matinding lungkot sa tinig. "Kaya pala namumugto ang mata mo kanina," si Tristan na kumuha na rin ng beer at binuksan. Nagbukas din ito ng isang sitsirya. Bumuntong-hininga naman si Calley saka gumaya na rin sa dalawang kaibigan. Kumuha rin siya ng beer at binuksan iyon. "Iinom na lang natin 'yan," ani Calley sa mga ito. Hindi siya sanay uminom. Umiinom man siya, occasionally lang kaya naman madali siyang malasing kahit light beer lang iyon. Natuto siyang uminom dahil sa mga company parties sa dati niyang trabaho. "Kwento mo na, girl... Ano bang nangyari?" si Tristan habang panay ang nguya ng sitsirya. Si Calley naman ay nakikinig lang sa dalawang kaibigan. Humugot muna nang malalim na buntong-hininga si Maggy saka tumungga sa hawak na beer. "E, 'di ba nga? Long distance relationship ang peg namin? Then 'yon, kanina sinabi niyang nagsasawa na raw siya sa setup namin..." malungkot na kwento nito. "Gaano na ba kayo katagal, Mags?" singit ni Calley. "Two years na, girl..." "And nasaan siya ngayon?" "Nagwo-work siya abroad as an engineer." "Sus! Baka kamo kaya siya nakipag-break dahil nakahanap na ng ipapalit sa'yo sa abroad! Nakaka- imbiyerna 'yang jowa mo!" tahasang singit ni Tristan sa pag-uusap ng dalawa. "Kung ako sa'yo, maghanap ka na lang dito sa Paradise Island. Ang daming Papables dito like Sir Zayne and Sir Zack," sabi pa na animo'y kinikilig. "Oo nga naman, Mags," segunda naman ni Calley. "Maganda ka, marami ka pang makikitang iba." "Hindi naman kasi gan'on kadali 'yon, e. I love him so much at hindi ga'non kadaling i-let go ang two years relationship..." sagot ni Maggy na tila maiiyak na. Natigilan naman si Calley nang marinig iyon. Alam niya ang pakiramdam niyon. Totoong mahirap kalimutan ang taong minamahal. Naranasan na niya sa 'yon... sa ama ni Callyx. Minahal niya si Z kahit hindi niya ito nakilala. Minahal niya ang lalaking pinag-alayan niya ng kanyang p********e kahit nangyari iyon sa hindi magandang paraan. At hanggang ngayon, mahal pa rin niya ang hindi nakikilalang ama ni Callyx. Iyon din ang dahilan kung bakit hanggang sa mga sandaling iyon ay hindi pa niya magawang magmahal muli. Alam niyang mahirap paniwalaan ngunit umaasa pa rin siyang isang araw ay magku-krus ang landas nila ni Z at maipapakilala niya ito sa kanyang anak. "E, hindi pa naman kayo nagkikita, 'di ba? Sa dating app lang kayo nagkakilala. Malay ba nating may asawa talaga ang hayop na 'yon?" ani Tristan na bakas ang galit sa tinig. "Yeah, you're right. Pero kahit gan'on, minahal ko siya, 'no?" katwiran naman ni Maggy sabay lagok muli ng beer. "Alam mo, Mags," singit ni Calley sa pagtatalo ng mga ito, "Ang punto ni Tristan is wala pa naman kayong malalim na pinagsamahan. Ni hindi mo nga alam kung nagsasabi ba sa'yo ng totoo 'yang boyfriend mo, e. Concern lang kami ni Tristan sa'yo, girl. Kung gusto niya ng breakup, e 'di go! Mahirap ipilit ang sarili sa isang taong ayaw na sa atin," mahabang litanya pa niya sa kaibigan. Tila naman nabuhayan ang babae sa sinabi niya. Ngumiti ito at saka tumango-tango. "You're right, girl! Sa ganda kong 'to?" Tinuro pa ni Maggy ang sarili. "Hindi dapat ako nagmumukmok dahil lang sa isang lalaki!" "Hay salamat! Natauhan din ang haliparot!" sabat naman ni Tristan. "E, ikaw naman girl, ano ang kwento mo?" pakli ni Tristan kay Calley. "Oo nga, girl. Curious kami ni bakla sa love life mo," excited namang singit ni Maggy na animo'y walang iniindang heartache. "Maka-bakla ka naman, wagas!" reklamo ni Tristan kay Maggy sabay palo sa braso nito. "E, bakla ka naman talaga. Bakit may matres ka ba?" pambabara ni Maggy na sinamahan pa ng malutong na tawa. Inirapan lang ni Tristan ang bruha saka lumagok ng beer na hawak. "Hindi nga ako babae sa panlabas na anyo, babae naman ang puso ko," katwiran nito sabay baling muli kay Calley. "O ano, girl? Magkukuwento ka ba or makikinig ka na lang sa asaran namin ng bruhang 'to?" Nakangiwi pa nitong itinuro si Maggy na noon ay umirap lang ng bongga sa kanila. Hindi naman mapigilang matawa ni Calley sa closeness ng dalawa. Na-miss tuloy niya ang bestfriend na si Thea. Ganoon na ganoon kasi sila kung mag-asaran ng kanyang kaibigan. "Ikaw muna ang magkuwento, Tris," aniya sa kaibigan sa sinabayan pa ng ngisi. "Masyado kasing mahaba ang talambuhay ko, baka ma-bore kayo." Muling nagbukas ng panibagong lata ng beer si Tristan bago sumagot sa kaniya. "Well, bukod sa ako ang bread winner sa family ko 'gaya nitong haliparot," sabay turo kay Maggy na tinugon naman nito ng irap, "e wala akong jowa." "Ga'non? Bakit?" usisa ni Calley sa kaibigan. "Ay naku, girl! Kahit ganyan 'yan si Bakla, may ginintuang puso iyan," singit ni Maggy pagkatapos ay inangkla ang sariling braso sa braso ni Tristan, saka ngumiti. "May apat na kapatid siyang gusto munang mapagtapos," dagdag pa nito saka isinandal ang ulo sa balikat ni Tristan na tila magkasintahan ang dalawa. Naisip nga ni Calley na bagay ang dalawa. Gwapo kasi si Tristan at hindi mapagkakamalang gay kung hindi magsasalita. Bukod pa roon, kahit laging on-fleek ang mga kilay nito ay natural naman iyon. Hindi rin ito nagkokolorete kaya sa unang tingin ay lalaking-lalaki ang dating nito. Si Maggy naman ay maganda kahit may pagkabaliw iyon kung minsan. Sa tingin niya, magiging mabuting magkarelasyon ang dalawa kung sakali. Hinayaan naman ni Tristan na ganoon lang ang ayos ng mga ito. "At 'tong haliparot na itey," anito pagktapos ay dinutdot ang noo ni Maggy, "sinusuportahan din ang pamilya sa probinsya. Sayang nga e. Maganda pa naman at mabait, tanga naman pagdating sa papa," prangka pang dagdag ni Tristan saka sinulyapan si Maggy. Hindi malaman ni Calley kung bakit kinikilig siya sa dalawang kaibigan. Para kasing may something sa mga ito na higit pa sa magkaibigan. At kung sakali mang malaman niyang magkakaroon ng relasyon ang dalawa, tiyak na siya ang unang matutuwa. NANG matapos ang iniinom ay napagpasyahan ng magkakaibigan na magpunta sa bar ng naturang resort at doon ituloy ang kasiyahan. Dahil doon, naiwaglit na rin ni Calley sa kanyang isipan na naiwang mag-isa ang kanyang anak sa quarter. Exactly 11PM nang magpasya ang magkakaibigan na umuwi sa tinutuluyan. At dahil si Calley ang pinakamababa ang alcohol tolerance sa tatlo, siya ang pinakatinamaan ng nainom na tequila. Pasuray-suray na ito sa paglalakad habang tinutungo ang kanilang quarter. Subalit nawala ang lasing ni Calley at nagbalik sa katinuan ang kanyang isipan nang makitang wala si Callyx nang pumasok siya sa kwarto. Kaagad siyang inatake ng matinding kaba at takot nang hindi makita ang paslit sa kabuohan ng bahay. At kahit bahagya pang nahihilo dala ng nainom, patakbong lumabas si Calley at hinanap ang anak sa labas niyon. Oh my god! Nasaan ka, anak? tanong niya sa kanyang isipan habang tila tinatambol ang dibdib dahil sa matinding kaba.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD