Chapter 08 :

982 Words
October 01, XXXX (Day 8) "UHMM..." naalimpungatan ako at napainat ng katawan. Parang may kakaiba sa paligid ko ngayon, ah. Ano kayang mayroon? Hindi kaya.... Agad akong napamulat at napabangon mula sa pagkakahiga sa napakalambot ng kama. Makailang ulit din akong nagkusot ng mata at makailang ulit din akong napakurap ng mata. Okay.. Mukhang nananaginip yata ako. Imposible naman na natulog akong nasa rest house pa nila Tita Thallia tapos pagkagising ko, boom! Nandito na agad ako sa bahay nila? Pero, kung panaginip man ito kailangan kong ma-enjoy ito. Atleast sa panaginip ko walang halimaw na dakila pa sa pagkaepal at pagkapampam sa buhay ko. Buhay ko? Eh, in the first place ako yata ang dakilang epal dito. Dahil ako lang naman 'yung taong may mission na turuan magmahal ang halimaw. At turuan na rin kung paano magpahalaga sa mga taong nasa paligid niya. Naglakad-lakad ako at bumaba na ng hagdan. Habang ang dalawa kong mga mata ay masayang pinagmamasdan ang paligid. Maglalakad-lakad pa sana ako nung may marinig ako na nagpa-piano. "Wow! Ang galing naman mag-piano. Kainggit!" Hinanap ko kung saan nanggagaling 'yung nagpa-piano. Habang naglalakad ako ay napapapikit nalang ako at pinapakinggan ang magandang tugtog. Lalo na 'yung magandang boses na sinasabayan ng pag-piano. "I know 'bout the way life plays out" Nang marating ko ang lugar kung saan ko ito naririnig ay nakapikit pa rin ako. Grabe, parang anghel ang boses niya. "I take one step away and I find myself coming back to you" Napadilat ako bigla nang mag-iba ang boses niya. May nakita akong tao na nakaupo sa tapat ng piano pero hindi ko makita ang mukha niya. Teka! Umiiyak ba siya? Sa pagka-curious ko ay lumapit ako sa may piano. Maraming instruments sa loob ng kuwartong pinasukan ko. "Now I know that I know not a thing at all except the fact that I am yours and that you are mine" Halos mapanganga ng malaki ang bibig ko at maging parang kuwago na sa laki ang mga mata ko nung makilala ko siya. Hindi nga? Si halimaw may mala-anghel na boses? Hindi mala-halimaw? "Oh, if you told me that this wouldn't be easy and Oh, I'm not one to complain" Lumapit pa ako nang lumapit hanggang sa inches nalang ang mukha ko sa kanya. Nakatungo siya. Napansin ko na may tumutulo galing sa mukha niya. "Hoy!" sabi ko habang pino-poke siya. Napaangat siya ng mukha kaya nagulat ako nang makita ko siyang umiiyak. "What are you doing here pangit?!" halos napatalon na ako sa pagkagulat nang bigla siyang sumigaw. Tingnan mo itong lalaking ito. Nagagawa pa akong sigawan. Di ba? panaginip ko ito? Bakit umeepal na naman siya? Tsk! "Sorry naman, hindi ko sadya." sabi ko nalang at tumayo na ng maayos. Psh! Maka-exit na nga. Baka maging bangungot pa ito kapag nanatili pa ako dito. Tinalikuran ko na siya at nagsimula ng maglakad palabas ng kuwartong ito. Sa dinamirami ng tao na pupwedeng biyayaan ng magandang mukha at boses. Bakit siya pa? Bakit sa halimaw pa? Nakakapagtaka talaga. "Stop!" narinig ko ang pagpigil niya sa akin. Neknek mo! Tsk! Panaginip ko kaya ito! Naramdaman kong may humawak sa akin sabay hatak palapit dito. "Ano ba, halimaw! Bitawan mo nga ako." pagpupumiglas ko. Tofu naman ito, oh! Sarap niyang iluto sa kumukulong mantika talaga, eh, nakakainis na talaga! "Hoy pangit! Anong nakita mo?" tanong niya na mahigpit na nakahawak sa magkabilang braso ko. Anong tinatanong ng halimaw na ito? Ano ang nakita ko? Nakitang ano? Pilit akong kumakawala mula sa pagkakahawak niya sa akin. Sinipa ko ang paa niya kaya napaluwag ang hawak niya. "Kainis!" tinalikuran ko siya at naglakad na ako palabas ng kuwartong 'yon. "Yuuki, gising ka na pala. Kumusta ka na? Okay ka lang ba?" nagulat ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Tita Thallia. "Pangit, humarap ka nga sa akin." muli ay hinila na naman ako at pinaharap sa kanya. "Ano ba halimaw!" inis na sabi ko na tinulak pa siya. "Nathaniel James!" sigaw ni Tita Thallia pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Kaasar naman, argch! Tatapakan ko na sana ang paa niya kaya lang bigla niya itong iniwasan. "Akala mo makakaisa ka pa, ah." sabi niya sa nakakainis na tono. Naramdaman ko na nag-slide ang paa ko kaya napa-out balance ako pero mabilis niya akong naalalayan. "Tss! Mag-diet ka nga! Ang bigat mo! Nahirapan ako kanina na buhatin ka pauwi." sabi niya nang bitawan ako. Okay.. ano bang ibig sabihin nito? "Nathaniel James! Be gentleman to her!" sigaw muli ni Tita Thallia. "Tss!" 'yan lang ang sinabi niya bago kami iniwan dalawa ni Tita Thallia. "Pagpasensiyahan mo na ang anak ko." sabi ni Tita Thallia sa akin na tinapik pa ako sa kanang balikat ko. "Ah, okay lang po iyon." medyo naguguluhan pa rin ako. Panaginip ba ito? Bangungot? o totoo? Pinipilit kong i-sink in sa utak ko ang mga nangyayari. Pero parang ayaw tanggapin ng utak ko. "Okay ka lang ba? Pasensiya na kung iniwan ko kayo sa rest house." panimula niya. Huh? Teka? Ano daw? "Nag-alala na ako sa inyo kaya sinundo ko na kayo." pagpapatuloy niya. Sinundo niya kami? Parang wala naman akong maalala ng ganoon. "Kaya lang hindi ka namin magising kaya binuhat ka nalang ng anak ko. Ayoko naman na ipabuhat ka pa sa bodyguards namin. Kahit na pinagkakatiwalaan ko sila, iba pa rin ang anak ko na mas pinagkakatiwalaan ko na walang gagawin sa'yo." sabi pa niya. Huh? So hindi ito panaginip? Totoo na nakita kong nagpa-piano at kumanta siya? Pati 'yung pag-iyak niya? Matapos masabi sa akin ni Tita Thallia ang lahat. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang hindi 'yon panaginip. Parang lutang pa rin 'yung isip ko dahil hindi pa rin maproseso ng isip ko na totoong nasa mansion na uli kami ni halimaw. Isa lang katanungan sa isipan ko ngayon. Bakit siya umiiyak habang nagpa-piano at kumakanta? Bakit?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD