October 02, XXXX (Day 9)
NASA opisina ako ngayon ni Tita Thallia dahil gusto niya raw akong makausap.
Bakit ba lagi akong kinakabahan tuwing kakausapin niya ako dito sa opisina?
Napabuntong hininga nalang ako.
"Oh, nandito ka na pala. Pasensiya na kung natagalan ako." bungad na sabi sa akin ni Tita Thallia. Kailangan sanayin kong tawagin siyang Tita Thallia. Baka malaman pa ni Halimaw kung ano 'yung pinapagawa ng Mama niya sa akin.
"Hindi naman po ako nainip kaya okay lang po." tugon ko habang sinusundan siya ng tingin.
Ano kaya ang pag-uusapan namin? Tungkol ba ito sa kung ano na 'yung nagawa ko na sa mission ko?
"Kaya kita pinatawag dahil may gusto akong sabihin sa'yo."
Nakaramdam ako ng matinding kaba sa sinabing iyon ni Tita Thallia. Para bang isang bomba na sasabog 'yung malalaman ko na gusto niyang sabihin.
Oh, Jesus, sana hindi negative.
"A-ah, ano po bang sasabihin ninyo?" tanong ko na halatang tense na tense.
"Kaya ko kayo iniwan sa rest house ay para makilala mo ang anak ko. Kung ano ba ang ugali niya at kung paano mo siya matuturuan." sabi niya na umupo sa couch na nasa harapan ko.
Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Okay, hindi naman niya ako isasabak sa digmaan di ba? Hindi naman din niya ako ipapakain sa mga lion o tigre di ba?
"Ah, eh, ano po bang dahilan kung bakit ninyo po kami iniwan doon?" tanong ko na sobrang curious dahil hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung ano ba ang dahilan niya.
May inilapag siyang brown envelope sa harapan ko. Napalunok laway ako habang halinhinan kong tinitingnan si Tita Thallia at ang brown envelope.
"Tingnan mo." sagot niya na may ngiting namutawi sa kanyang labi.
Sinunod ko ang sinabi niya. Kinuha ko ito at buong tapang na tiningnan ang laman.
Heto na. Bubuksan ko na. Sana walang nakakadiring bagay ang nandito.
Pagkakita ko sa laman ng envelope ay agad akong napatingin kay Tita Thallia.
"Ah, eh, Tita Thallia." hindi pa rin ako makapaniwala.
Bakit may school requirements dito? At talagang kumpleto siya. Ang kulang nalang ay ipasa ko ito o i-enroll na.
"Sa school na pinapasukan ng anak ko, doon ka rin papasok. Ayoko naman na maging tambay ka nalang dito. Para kahit nasa school at bahay ay magkasama pa rin kayo. Kaya maraming oras na pupuwede mong ituro sa kanya ang dapat niyang matutunan." saad ni Tita Thallia.
"Nag-aaral pa rin po pala siya. Akala ko po kasi graduate na siya." sabi ko sa kanya.
"Nagloko kasi 'yung anak kong 'yon. Dalawang taon nagbulakbol kaya ayan nag-aaral pa rin kaya graduating palang." sabi niya na halata sa mukha at tinig ang panghihinayang.
Tss! Hindi lang pala masama ugali niya na mala halimaw. Tamad pa siyang mag-aral. Tsk! Wala na siyang future pero mayaman nga pala siya. Kaya kahit magbulakbol siya buong buhay niya. Mayaman pa rin siya.
"Ah, ganoon po ba, pero October 2 na po kaya hindi na ako pupuwedeng pumasok." sabi ko.
October na eh, makakahabol pa ba ako? O kaya tatanggapin pa kaya ako?
"Don't worry Yuuki, makakapasok ka pa sa second semenster. BS Tourism ang course mo na tingin ko ay bagay sa'yo. Maganda ka at may height hija. Pasensiya ka na kung ako na ang pumili ng course mo." paliwanag niya kaya tumango nalang ako.
Matapos namin makapag-usap ay bumalik na ako sa kuwarto ko at naupo sa kama.
Tiningnan ko ang papel na nagpalaki ng dalawang mata ko.
'Di nga? Totoo ba itong nababasa ko na bukas na ang start ng class ko? Teka! Hindi pa ako ready.
Napatingin ako sa pinto dahil may kumatok.
"Ma'am Yuuki si Amy po ito. Puwede bang pumasok?" tanong ng isang tao na nasa kabilang pinto.
Tumayo ako sa kama at pumunta ng pinto. Pinagbuksan ko si Ate Amy, ayoko namang magpaimportante.
"Pasok po Ate Amy." sabi ko. Nakita ko ang pagkagulat niya. Siguro ay dahil tinawag ko siyang Ate Amy o dahil pinagbuksan ko siya ng pinto? Masyadong feeling close yata ako tingnan.
"Ah, pinapabigay ni Madame." sabi niya na may inabot na paper bag. "Sabi niya sukatin mo raw ito at pumunta sa kanyang opisina." dagdag pa niya.
"Ah, okay." matipid na sagot ko habang tinitingnan ang paper bag.
"Maiwan na po kita Ma'am Yuuki." paalam niya bago tuluyang lumabas ng kuwarto ko.
Ang awkward ng feeling na tinatawag niya akong Ma'am. Hindi naman kasi ako teacher. Joke!
Pumunta na ako sa CR para makapagpalit ako ng damit.
Wow! Ang ganda ng uniform. Ang cute tingnan sa akin. Parang kumi-K-pop or J-pop lang ang tema ko rito, ah.
Ngiting-ngiti ako habang papunta sa opisina ni Tita Thallia. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Tita Thallia!" masayang sabi ko na agad napawi nung makita ko si Halimaw.
Naalala ko ang mga kamalasang nangyari sa akin sa rest house na kasama siya.
"Mom! Ano na naman ba ito?" tanong ni Halimaw kay Tita Thallia.
"Calm down, Nathaniel." sabi ni Tita Nathallia sa Halimaw niyang anak. "Maupo ka Yuuki sa tabi ng anak ko." sabi ni Tita Thallia ng tingnan ko siya.
Ang hirap naman tanggihan si Tita Thallia pero kailangan sumunod. Tsk!
Labag man sa loob ko ay umupo ako sa tabi ni halimaw na halatang nandidiri pa sa akin.
Makapandiri naman ito wagas. Naliligo naman ako araw-araw.
"Good. Okay, smile kayong dalawa at pi-picture-an ko kayo." nagulat ako sa sinabing iyon ni Tita Thallia.
What? Pi-picture-an kami?
Tiningnan ko ang katabi ko na masarap ilagay sa banga. Para puwede ko na siyang tawagin na 'Halimaw sa banga'. Haha, hard ko masyado. Naka-uniform din pala ang halimaw.
"Hindi ko kasi kayo maihahatid ng school. Kaya pi-picture-an ko nalang kayong dalawa. Para naman kapag tiningnan ko parang naihatid ko na rin kayo." sabi ni Tita Thallia.
Weird ni Tita Thallia guma-ganoon talaga?
Ngumiti ako para hindi naman ako pangit tulad ng sinasabi ng katabi ko.
"Hoy pangit! Huwag ka masyadong lumapit sa akin." mariing sabi niya pero mahina lang.
Makapangit naman siya tsk! Yayks! Ayoko ngang dumikit sa kanya, no! Wow, ha! Spell KAPAL. Tsk!
Ngumiti nalang ako kaysa magpaapekto sa halimaw na nasa tabi ko.