October 03, XXXX (Day 10)
"MA'AM 'yung gamit ninyo po." iniabot ng driver ni Tita Thallia 'yung hand book ko na naiwan ko sa loob ng sasakyan. Sa sobrang pagmamadali kong bumaba ay nakalimutan ko ito sa tabi ng inupuan ko.
"Maraming salamat, Kuya Raymond." nag-bow head ako bago pumasok ng gate.
Medyo bad trip talaga ako. Sabi ni Tita Thallia isabay daw ako ng anak niya. Tingnan mo 'yon, tama bang iwanan ako?
Mabuti nalang nagmagandang loob si Kuya Raymond na driver ni Tita Thallia. Kararating niya lang matapos ihatid sa opisina si Tita Thallia. Nang makita niya ako na kulang nalang magdamo na sa garden sa kakahintay sa halimaw na maagang umalis at iniwan akong nganga. Si Kuya Raymond na ang nag-offer na ihatid ako sa school ko. Kahit medyo nakakahiya ay nagpahatid na ako kaysa naman na hindi na talaga ako makapasok.
Tss! Mukhang mahihirapan akong turuan na magmahal si Halimaw. Lalo na't mahahati ang attention ko. Dahil mag-aaral na nga ako. Grabe, kung dati daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Ngayon pinagpapala na ako, dahil sa mga biyayang natatanggap ko. Tunay nga ang kasabihang, hindi sa lahat ng pagkakataon ay malas ka. Darating 'yung araw mo na pagpapalain ka. Haha. Mayroon bang ganoon? Psh! barbero ko naman tsk!. Teka nga, bakit parang nag-iiba ang pag-uugali ko?
Naglakad-lakad na ako habang binabasa ang hand book ko na binigay ni Tita Thallia. Hahanapin ko lang naman ang room ko dito sa malaking school.
"Hmm.. mukhang dito na nga." sabi ko habang nakatayo sa tapat ng pinto.
Tofu, bakit ba ako kinakabahan. Kung kailan nasa tapat na ako ng pinto. Sumumpong pa ito, asar!
"Miss, okay ka lang ba?" nagulat ako nang may nagsalita sa gilid ko with matching hawak pa sa balikat ko.
"Ay tofu!" gulat na usal ko nang mapalingon ako sa kanya parang nanliit ako bigla.
Oh, my tokwa! Ang tangkad at ang.. guwapo niya.
"Miss?" tiningnan niya ako ng maigi bago hinawakan sa pisngi.
Bakit niya ako hinahawakan? Hindi naman ako manikin.
"Ah, ano, okay lang ako." sabi ko na nagmamadaling pumasok ng room. Para makaiwas sa kanya. Baka magka-heart attack pa ako kapag tumitig pa lalo sa guwapo niyang mukha.
Nagulat ako nung pandilatan at tarayan ako ng mga tao sa loob pati 'yung professor ay nagtaray din.
Bakit ang susungit nila? At parang ayaw na ayaw nila sa akin. Bakit? Ano bang kasalanan ko?
Tinarayan na naman ako ni Professor at sinabing magpakilala daw ako.
"Hi! I'm Yuuki Shane De Vera, nice to meet you." pakilala ko sa kanila na medyo lutang pa. Kasi late na talaga ako tapos aligaga pa hanapin 'yung room ko.
Imbes na ngiti ang masilayan ko sa kanila. Biglang naging kuta ng mabangis na tigre na pinapatay na ako sa isipan at tingin.
Hala! school ba itong pinasok ko? Ang weird, parang selda na yata ito, psh! Selda ng mga mababangis na nilalang.
Naglakad na ako at naghanap ng mauupuan dahil may mga bakante pang upuan.
"Miss dito ka nalang umupo." biglang nagsalita 'yung lalaki na kumakausap sa akin kanina.
"Ah, eh, baka may nakaupo na diyan. Salamat." pagtanggi ko sa alok niya. Nakarinig ako ng mga gasps sa paligid.
Ang weird naman ng school na ito. Kakaiba at parang kahit anong oras pupuwede kang mawalan ng buhay.
"Walang nakaupo dito kaya puwede kang maupo dito." sabi ng lalaki.
Hmm.. uupo ba ako o tatanggi?
Habang pinag-iisipan ko kung uupo ba ako o hindi. Naramdaman ko ang kamay na humila sa akin. 'Yung lalaki pinaupo niya ako sa upuang 'yon. Parang nakuryente ako sa ginawa niyang paghawak sa wrist ko.
"Ah, eh, ba't mo ginawa 'yon?" naguguluhang tanong ko. Dahil kung titingnan ay akala mo magkaibigan na kami, o sa madaling salita akala mo close na kaming dalawa kahit ngayon ko lang naman siya nakilala.
"Baka matagalan ka pa sa kakaisip." sagot niya na umayos na ng upo. Nakita ko pa 'yung pa simpleng pagtawa niya.
Ramdam ko na hindi ako gusto ng mga tao sa loob ng silid na iyon. Sa mga next class namin, lagi akong hatak ng lalaki na daig ko pa yata ang isang alalay na dapat laging kasama niya.
PAPUNTA na ako ng cafeteria nung may lumapit sa akin.
"Hi! I'm Aaliyah Natazha Montenegro. Puwede bang makipagkaibigan sa'yo?" tanong ng babae na naglahad pa ng kamay.
Hindi ko maiwasan ang magulat dahil sa paglapit at pagkikipagkaibigan niya sa akin. Pero siya 'yung unang tao na lumapit at kumausap sa akin bukod sa lalaking kanina pa ako kinakausap at kasa-kasama.
"Ah, hi! I'm Yuuki Shane De Vera. Ah, sige, friends." nakipagkamay ako sa kanya.
Wala namang mawawala kung makikipagkaibigan ako. Mas okay na may nakakausap at kakampi naman ako.
"Thank you!" sabi niya na ngiting-ngiti.
Magkasabay kaming pumunta ng cafeteria. Matapos naming makapag-order ay naupo na kami sa bakanteng mesa na pang-apatan na tao.
"Grabe! idol na kita, Yuuki." biglang sabi niya na ikinagulat ko. Hindi ko in-expect na bigla siya magsasalita matapos naming makaupo sa table na inukupa naming dalawa.
Huh? Idol niya na ako? Artista ba ako?
"Ha? Bakit?" tanong ko na naguguluhan.
"Alam mo bang Campus Heartthrob lang naman ang lalaking kumakausap sa'yo kanina. At never na nagpapatabi 'yon sa upuan na katabi ng upuan niya. Wala ka naman ginawa para makuha ang attention niya. Hindi tulad ng iba na kulang nalang maghubad sa harapan niya. Hehe." sabi niya na manghang-mangha na nakuha pang tumawa.
"Hindi nga? Kaya pala ganoon makatingin 'yung mga nasa paligid ko." sagot ko nang maalala ang mga nangyari kanina. Ipinagpatuloy ko pa rin ang pagkain ko dahil nagutom talaga ako sa kakalipat-lipat ng room para sa next subject ko.
"Hehe, inggit much lang sila. Biruin mo ikaw na ngayon palang nakapasok ay close ka na agad sa kanya without putting an effort na mapansin niya!" sabi niya with matching hawak ng tinidor na kinukumpas-kumpas sa ere.
Close na agad kami? Hindi naman kami talagang close non. Sadyang mabait siyang tao. Ano kayang pangalan niya? Campus Heartthrob pala siya, ha. Hmm...