October 04, XXXX (Day 11) 'YUNG pakiramdam na ang sarap-sarap niyang balatan ng buhay at ipakain sa gutom na crocodile. Tsk! "Hoy! pangit, sumakay ka na. Huwag kang pabebe, hindi bagay. Tch!" sabi niya na nasa driver seat ng sasakyan habang nakababa ang bintana niya. "Mauna ka na! Pabayaan mo na ako dito. Kaya kong pumasok ng hindi sasabay sa'yo." pagmamatigas ko pa rin. Kanina pa niya ako pinapasakay pero ayoko talaga. Sino ba naman tatanggap ng alok niya. Kung may kasama naman na panglalait. Tss! Kakayanin ko pa kayang gawin 'yung pinapagawa ni Tita Thallia? "Ang arte mo, akala mo naman maganda." sabi niya na nagtaas na ng bintana ng sasakyan niya. Tsk! Ewan sayo, kuwento mo sa may pake. Maglalakad na sana ako palabas ng gate nang bumalik ang sasakyan ni Tita Thallia. Pata

