October 05, XXXX (Day 12) NASA Cafeteria ako ngayon at kasama ko sina Ally at Reito na kasabay kong kumakain ngayong break time. Kahapon kasi kami lang dalawa ni Ally dahil may practice si Reito na isang basketball player. "First time ito, Reito, na nakasabay kitang kumain," sabi ni Ally na parang inaasar pa yata si Reito. "Masama na ba Ally, ayaw mo non? May guwapo kayong kasabay na kumain." pabirong sagot ni Reito. Na pansin kong may pagka-sense of humor din siya. Pero hindi naman as in nakakatawa, maybe ang cute lang ng ginagawa niyang pagbibiro. Kaya siguro maraming nagkakagusto sa kanya dahil para siyang Oppa sa South Korea. 'Yung nakaka-inlove bawat ginagawa niya. Idagdag na guwapo pa siya. "Sus! Oo nga, pero tingnan mo. Halos patayin na kami sa titig ng mga crazy GF mo," s

