October 06, XXXX (Day 13) "TOTOO bang nangyari 'yon?" sabi ko na parang tanga. "Hoy! Halimaw! Bakit mo ko iniwan!" sigaw ko nang maalala na sasabay ako sa kanya. Walang hiya naman, oh, paano ako uuwi? Bigla akong napayuko at parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa ng bigla nalang umulan nang malakas. Ay, tofu! Wrong timing ka naman, eh. Napaangat ako ng mukha at may nakita akong sasakyan na paatras ang takbo. "Huh? Ganyan na ba usong maneho ngayon?" tanong ko sa sarili. Pero hindi iyon ang dapat kong isipin. Kailangan kong makauwi ngayon dahil baka sa kalsada ang uwi ko nito. Papatalikod na ako ng biglang magbusina ang sasakyan kaya napatingin ako rito. Habang ang ulan ay malakas na bumubuhos. "May nakalimutan pala ako." sabi niya na lumapit sa akin at hinawakan ako sa br

