Chapter 04 :

1072 Words
September 27, XXXX (Day 4) "SH*T! Ano'ng ginawa mo sa akin?" Napamulat ako ng dalawa kong mata dahil sa may narinig akong malakas na sigaw na gumambala sa aking pagtulog. Teka! Ano bang sinisig—— "Tofu! Anong ginagawa mo?" napatakip ako ng katawan ko gamit ang dalawa kong kamay. 'Yung pakiramdam na pagkagising mo ay nasa tabi mo na ang isang lalaki. And take note, nasa iisa kayong kama na dalawa. "Hoy! Hinding-hindi kita pagnanasaan!" binato niya ang unan na hawak papunta sa mukha ko. "First of all, ako dapat ang magtanong niyan! Ano'ng ginagawa mo rito sa kama ko?" sigaw niya na naman sa akin. Lakas manigaw ng halimaw na ito. Lalaki ba ito? Daig pa yata 'yung bunganga ng mga nanay na napapanood ko sa TV, ah. Sus! Ako? Pagnanasaan siya? Tiningnan ko siya mula ulo hanggang tiyan niya. Napalunok laway ako sa nakikita ko dahil halata sa katawan niya na alagang gym siya. Nai-imagine ko na rin na naka-topless siya ngayon. Kahit nakasuot siya ng short na lagpas tuhod at polo shirt. Bakit ang hot ng halimaw na ito? Napailing ako ng ilang beses dahil kinikilabutan ako sa mga tumatakbo sa isip ko. Tipong gustong-gusto kong hawakan 'yung pandesal niya sa tiyan na nai-imagine ko. Nasapian na yata ako ng baliw na kaluluwa. Naramdaman ko na naman na may bagay na tumama sa mukha ko. "Huwag mo akong tingnan ng ganyan! Pinagnanasaan mo ko!" namumula siya habang sinasabi 'yon. "What the! Ano bang problema mo?" sigaw ko ng malakas. Bumwelo pa talaga ako para mapalakas talaga 'yung sigaw ko. Nakaramdam ako ng pagsakit ng lalamunan ko dahil sa ginawa ko. "Sh*t! Huwag kang sumigaw!" sabi niya sa katamtamang lakas ng boses niya. "Sino ba ang nauna, ha? Ako ba? Baka nakakalimutan mo na natutulog ako tapos sinisigawan mo pa ako! Tapos hindi ka pa na kontento na sinisigawan mo na nga ako, binabato mo pa ako ng unan. My God! Halimaw ka talaga!" sigaw ko sa kanya sa pinaka-high volume ng boses ko. Ang sakit sa lalamunan, ugh! "What did you say?" nagliliyab ang kanyang mata na para bang susunugin niya ako. "Halimaw!" ulit ko ng salitang halimaw ng may masamang tingin sa kanya. Akala mo, ha! Hindi mo ako masisindak sa pagtingin ng ganyan sa akin, sus! "What?" namumula na siya. Namumula na siya, which mean galit na siya. Hindi naman puwedeng sabihin na nagba-blush siya. Ang halimaw ay hindi nagba-blush. "Halimaw!" ulit ko pa. Aasarin ko lang kahit isang araw lang. May 96 days pa naman ako. "Stop!" wala na siyang madampot na ihahagis sa akin kaya napangisi ako at nakaisip ng maipangpipikon pa sa kanya. "Halimaw! Halimaw! Halimaw ka Nathaniel James Grear! Isang kang halimaw!" paulit-ulit na asar ko sa kanya. Para akong bata na nagpapaiyak ng kalaro pero hindi ko mapapaiyak itong lalaki na ito. "Shut up!" nanlilisik na ang mga mata niya. Hindi ko alam pero nag-e-enjoy akong asarin siya dahil sa pagkapula ng mukha niya. Woah, may kahinaan din pala ang halimaw na ito? Takot na maipamukhang halimaw talaga siya! Magsasalita pa sana ako nang bigla niya akong hinawakan sa bandang batok ko. Isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya. Nanginginig ang mga kamay ko sa magkahalong inis, galit at pagkaasar sa kanya. Parang gusto ko siyang sakalin at itali ng patiwarik. "Halimaw ka talaga!" sigaw ko sabay alis sa kama at tumakbo palabas sa kuwarto niya. Anong karapatan niya para halikan ako? Ang kapal ng mukha niya! Pumasok ako ng C.R. na naiiyak sa inis. Naghilamos na ako ng mukha sabay sinabon ng paulit-ulit ang bibig ko. Kahit na nalalasahan ko ang sabon ay sige pa rin ako sa pagsabon. Gusto kong mawala 'yung halik ng halimaw na 'yon. Tofu! Pasalamat siya sampal lang ginanti ko. Tinitigan ko ang mukha ko sa salamin. "Teka lang, parang may mali sa akin." sambit ko. "Dalawa pa naman ang mata ko, isa pa rin ilong at bibig. " sabi ko at tumingin pa sa gitnang bahagi ng katawan ko. "Bakit wala akong bra? Bakat na bakat sa damit ko!" hindi makapaniwalang sabi ko. Bigla kong naalala ang mga nangyari. Alas dos na ng madaling araw nung magising ako sa kuwartong tinulugan ko dahil nauuhaw ako. Magsusuot sana ako ng jacket dahil tinanggal ko ang bra ko kanina bago ako natulog. Kaso uhaw na uhaw na ako kaya hindi na nakapagsuot pa ng jacket ko. Nakaugalian ko ng tanggalin ang bra kapag matutulog simula nang magdalaga ako. Pagdating ko ng kusina ay uminom na ako ng tubig. Nang pabalik na ako ay nakita ko na nakabulagta na si Halimaw sa sahig malapit sa kusina. "Halimaw! Ano'ng ginagawa mo diyan?!" niyuyogyog ko na siya pero ayaw magising. "Hoy! Halimaw sa sahig! Bumangon ka na!" sigaw ko. "I Love You... asdfgjkl!" sabi niya. Para akong poste na hindi makagalaw. Parang may tumama na kung ano sa puso ko. Matagal rin bago ako natauhan. Pinilit kong isinampa siya sa likod ko at dahan-dahan na naglakad. Kahit sumasayad 'yung paa niya, go lang para madala ko siya sa kuwarto niya. Pagkadating namin ng kuwarto niya ay inihiga ko na siya. "Buti nalang walang second floor ito." sabi ko na akmang hahakbang palayo ng kama niya nang biglang hawakan ako ni halimaw at hinatak palapit sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit. Ang baho, amoy alak siya! Papatayin pa ako sa yakap! Teka, paano nagkaroon ng alak dito? Pinilit kong makawala kaso wa-effect! Napapagod na ako sa kakawala hanggang sa makatulog na ako. "Oh, God! Which mean, kaya siya namumula ay dahil sa nakikita niyang bakat sa damit ko. At hindi ito dahil sa galit?" napakuyom ako ng kamay at parang gusto kong magwala. "Ah!" sigaw ko. "Ano bang nangyari?" Nagulat ako nang bumukas ang pinto ng C.R. at nakita ko siyang pumasok. "Ayaw kitang makita!" sigaw ko sabay bato ng mga bagay na nahahawakan ko sa loob. "Sh*t!" panay ilag niya. Nang pambomba na ang hawak ko mabilis siyang lumabas. Ano bang kamalasan ba ang nangyayari sa akin? Una, nahalikan ako at pagkatapos nakitaan o nabakatan ng dibdib. Waah! Simula ng mangyari 'yon, maghapon na hindi ko siya pinansin. Nagkulong ako ng kuwarto hanggang gabi. Panay katok pa niya sa pinto ng kuwarto ko dahil gutom na raw siya. Wala akong pakialam kung gutom siya! Hindi ko hawak ang kusina para sabihin na gutom siya! Argch! Puwede bang mag-backout? Pero 'yung kalahati ng pera nagamit ko na.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD