September 26, XXXX (Day 3)
MAAGA akong gumising dahil may pupuntahan daw kami sabi ni Tita Thallia. Wala akong ka ideya-ideya kung saang lugar o hindi kaya saang planeta kami pupunta. Dahil hindi naman ako masyadong gala hindi tulad noon na kasama ko pa ang totoo kong magulang.
Madalas kaming pumunta sa ibang bansa. Mayaman kasi ang pamilya ko pero noon 'yon, hindi na ngayon. Four years na rin akong nasa pangangalaga ni Mama Mira. Ang Ninang ko na tumayong Mama ko na. Namatay ang parents ko noong araw mismo ng graduation ko nung high school, 15 years old lang ako nang maulila sa magulang. Nag-iisang anak lang ako ng De Vera at dahil nag-iisa lang ako, 'yung mga gahaman at mapagsamantalang partners ng parents ko ang umangkin sa mansion at company namin. Wala man lang ako nagawa, si Mama Mira naman ay hindi naman mayaman. May kaya sila dati pero nung magkasakit si Mama Mira five years ago. Unti-unting nawala ang magandang buhay nila at nanirahan sa isang eskwater area.
"Yuuki, may problema ka ba?" napatingin ako sa babaeng katabi ko sa upuan.
"Ah, may naalala lang po, Tita Thallia." ngumiti nalang ako kahit fake lang dahil ayoko naman sabihin ang tungkol sa buhay ko.
Isang reason lang kung bakit ako nandito. 'Yon ay ang maturuan magmahal ang anak ni Tita Thallia. Kaya bang turuan ang puso na magmahal? Parang imposible 'yon pero kailangan kong gawing posible. Teka, na saan na ba kami? Bakit parang gubat na ito?
"Ah, eh, mangangaso po ba tayo rito?" tanong ko pagkababa namin ng sasakyan.
"Ah, hindi Yuuki, nakakatuwa ka talaga para maisip 'yon." sagot niya sa akin habang tinitingnan ang dalawa niyang bodyguards na magkatuwang na bumubuhat kay Nathaniel.
Ayaw niya talagang sumama sa amin kaya napilitan ng gumamit ng ibang paraan si Tita Thallia. Gumamit siya ng gamot pampatulog kay Nathaniel. Kasi hindi niya ito mapakiusapan ng maayos.
Pagkababa ko ng sasakyan ay napanganga ako ng makita ang isang bahay na sa itsura palang ay matatawag mong rest house dahil nasa gitna ito ng gubat.
"Uminom muna tayo ng tea para makapag-relax." sabi ni Tita Thallia sa akin nung makapasok kami sa loob ng rest house. May nagsilbi sa amin na nandoon sa loob kaya naman nakapag-relax na agad kami.
May naramdaman akong kakaiba sa aking katawan matapos kong makainom ng tea.
May kakaibang nangyayari sa akin. Bakit kaya parang inaantok ako?
Matapos kong inumin ang tea na iyon ay nakaramdam ako ng pagkaantok hanggang sa magdilim na ang paningin ko.
"HOY! Pangit gising!" may kung ano sa mukha ko na nakadagan.
"Uhmm.." hindi ako makapagsalita dahil sa antok.
Parang gusto ko pang matulog pero parang ayaw yata akong patulugin ng taong gumigising sa akin.
"Hoy! Gumising ka!" may kung anong bagay na dumiin sa mukha ko kaya napamulat ako.
Tofu! Ano'ng ginawa niya?
Napabalikwas ako ng bangon dahil sa paa niyang nakadampi sa mukha ko.
"Tulog mantika! Na saan si Mom?" tanong niya na tumigil na sa kanina pa niyang ginagawang pagtapak sa mukha ko.
"Ha? Hindi ko alam, kanina umiinom pa kami ng tea." sagot ko bago napatayo.
Teka nga, na saan sila? Si Tita Thallia? Ang dalawang bodyguards at driver nito? Pati na rin 'yung Butler na nandito at saka 'yung iba pang tauhan?
"Sh*t!"
Nagulat ako nung magmura siya na may binato pa. Nakita ko kung paano nawasak ang cellphone niya na siyang binato niya sa wall.
"Chillax lang, hahanapin ko lang si Tita Thallia." sabi ko na nagmamadaling makalayo sa kanya dahil baka ako na 'yung sunod niyang ibato.
Grabe! Halimaw talaga siya! Tama bang tapakan ang mukha ko? Para lang gisingin ako? Tss! Tinawag pa akong pangit. Makapangit siya akala mo kung sinong guwapo!
Napaismid ako.
Pinagpala nga pala ng kaguwapuhan ang anak ni Tita Thallia. Pero kahit na pinagpala siya, wala siyang karapatan na magsabi ng pangit sa kapwa niya! At isa pa, hindi ako pangit dahil may itsura naman ako. Sadyang hindi lang ako pala ayos tulad ng pagme-make up at pagsusuot ng sexy s***h revealing na damit. Hmp!
Nagsimula na akong maghanap kay Tita Thallia na kamuntikan pa akong maligaw dahil sa malaki nga ang rest house na 'yon. Bahay bakasyunan sa gitna ng kagubatan. Nakakatakot ng lumabas dahil gabi na at nung tingnan ko ang oras sa cellphone na bigay ni Tita Thallia, 8:15 PM na.
"Mukhang iniwan tayo rito." malungkot na sabi ko nang bumalik na ako sa living room kung saan ko siya iniwan.
"Sh*t! Ano ba naman ito! Pagkagising ko nandito na ako. At ang nakaka-badtrip pa ikaw na pangit ang kasama ko!" sabi niya na nagdadabog pa.
Ouch, lang talaga, tinawag na naman niya akong pangit. Halimaw talaga siya! Dapat sa kanya iniluluto sa kawa ng kumukulong mantika. Tsk! Parang witch naman ako non.
Umalis nalang ako sa living room at pumunta ng kusina. Nakakaramdam na ako ng gutom dahil nagwawala na yata ang mga alaga ko. Kailangan ko na silang mapakain dahil kung hindi, kawawa ang stomach at atay ko.
Nakahawak na ako sa handle ng refrigerator para tingnan kung anong available na pagkain nang may sticky note akong nakita.
______________________________
To: Yuuki,
Sorry, kung iniwan kita kasama ng may pagkahalimaw kong anak. Naisip kong gawin ito para makilala mo siya. Dahil naniniwala ako sa kasabihang,
"Makikilala mo ang isang tao kapag nakasama mo na siya sa iisang bubong."
Kaya naman ginawa ko ito para makilala mo siya para madali mo na siyang matuturuan na magmahal. Don't worry hija, hindi kayo magpapasko diyan. Ingat! Pakialagaan ang pinakamamahal kong anak.
- Tita N.
______________________________
"Anong ginagawa mo?" nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Nataranta tuloy ako at dali-daling itinago sa dibdib ko ang sticky note.
"Ah, eh, titingin ng pupuwedeng lutuin." sagot ko sabay bukas ng refrigerator. Nalaglag ang panga ko sa nakita ko.
Tofu! Ang daming pagkain. Hala! Talagang pinaghandaan ni Tita Thallia ito. Nakatira naman kami sa iisang bubong sa mansion, ah. Bakit kailangan pa na umabot sa kami lang dalawa ang magkasama?
"Marunong kang magluto pangit?" sabi niya na medyo ikinapikon ko pero hindi ko naman pinahalata.
Tama! May kasabihan na mapapa-ibig mo ang isang lalaki sa pamamagitan ng pagluluto di ba? Ayos! Makakapagsimula na rin ako ngayon.
"Oo naman!" proud pa na sabi ko.
"Baka lagyan mo ng gayuma 'yan o ng lason. Kaya papanoorin kita. Mahirap na." sabi niya.
Siya na siguro ang pinaka-judgemental na tao na nakilala ko sa balat ng lupa. Bakit ko siya lalasunin? Baka makulong pa ako. At saka bakit ko siya gagayu—bakit nga ba hindi ko na lang gawin 'yon? Gayumahin ko kaya ng matapos na ang kasunduan namin ni Tita Thallia. Ay, wag na pala, baka habulin ang beauty ko nito. Ayoko sa halimaw!
Pinabayaan ko siya na magsalita ng kung ano-anong pangit na salita hanggang sa matapos ako.
"Dinner is ready!" sabi ko ng matapos maghain.
Kaninang umaga palang ng uminom kami ng tea ni Tita Thallia tapos pagkagising ko dinner na ang dadatnan ko.
Tofu! Matapang 'yung pampatulog na pinainom sa akin pati kay Halimaw.
Una ayaw niya pang kumain pero ng rumaguok na ang tiyan niya. Wala na siyang nagawa kundi ang kumain ng luto ko. Napangiti pa nga ako dahil nakatatlong plato na siya.
Yes! Mukhang nagustuhan niya, kaya may pag-asa akong magawa ang mission kong turuan siyang magmahal. Pero kailangan, hindi ako mahulog sa kanya. Kanino ko kaya siya itutulak para doon siya mahulog? Hindi puwedeng sa akin siya mahulog, ew! Tuturuan ko lang siya magmahal, hindi 'yung papaibigin ko siya. Magkaiba 'yon! Spelling pa lang magkaiba na. Paano pa kaya ang meaning. Tsk!