Chapter 23 :

1434 Words

October 16, XXXX (Day 23) Paglabas ko ng pinto ng bahay ni Tita Thallia napansin kong wala na ang sasakyan ni Halimaw. Huh? Pumasok na naman ba siya ng maaga? Napapadalas na 'yang pagpasok niya ng maaga. May hinahatid kaya siya? May nililigawan? Tsk! Kailangan kong malaman 'yon! Para matapos ko na ito. Sana lang may nililigawan na 'yung halimaw na 'yon. Pero teka nga, kung mayroon na pala siyang nililigawan. Walang k’wenta 'yung ginagawa namin ni Reito. Tsk! "Hinahanap mo ba si Sir Nathaniel? Kanina pa siya umalis Yuuki, isang oras na ang nakakalipas nang umalis siya dito." Napatingin ako sa taong nasa harapan ko na nakangiti. "Ah, ganon ba, tara na, Darren baka mahuli pa ako sa class ko." sabi ko. Pinagbuksan niya na ako ng pinto kaya pumasok na ako sa loob. "Salamat, Darren."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD