bc

The Long Run

book_age18+
38
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
drama
bxg
city
highschool
office/work place
office lady
engineer
gorgeous
passionate
like
intro-logo
Blurb

Evanie came from a small family. She never saw her mother, and her grandma was the only person she had growing up. Levon, her best friend, is her completely opposite because he comes from a wealthy family and can get whatever he wants. But despite of having the different status of life, that didn't affect their friendship. Because they grew up together and Levon has always been in her side. Her one and only bestfriend.

But everything changed between them when they get into college. Levon finally like a girl. And he didn't know that Evanie has a secret feelings to him. Because of that they became more distance to each other because he has a girlfriend now.

But one day, Evanie's life became more tragedy than it was before. She just disappeared without saying goodbye to Levan.

7 years later, they met again. But this time they're not just friend. Some accidental thing happened that change their relationship

chap-preview
Free preview
1
FRIENDS "Levon, teka lang!" Iritadong sabi ko habang hinahabol siya. Nakakainis! Andami ko nang dalang libro tapos sa akin niya pa pinadala iyong sakanya. Mabuti nalang talaga at bestfriend ko siya. "You know what, Evanie? Gusto ko rin matry magkaroon ng girlfriend. Magdiet na kaya ako?" Nandito naman ako. Parang bigla kong gustong sampalin ang sarili ko sa biglaang isipan na 'yon na pumasok sa utak ko. Hindi maaari, hindi puwede. "Hey! What do you think? Huwag kang tulala riyan. Alam mong may exam tayo mamaya naglilinga-linga ka nanaman," Saad niya at pinitik pa ang noo ko para lamang mawala ako sa iniisip ko. Sinamaan ko siya ng tingin, "Hindi mo na kailangan magpapayat para maghanap girlfriend. Guwapo ka naman e." "Oh shut up. Ikaw lang nagsasabi niyan at si Mom. Sabagay ay nanay ko siya at kaibigan kita malamang ay sasabihin niyo 'yan sa akin." "Sa college marami. Grade 12 naman na tayo at last sem na ngayon. Marami-rami ka na makukuha," Sabi ko nalang. Sa totoo lang ay ayoko siya mag ka girlfriend kaya nga kapag may nagpapatulong sa akin na mapalapit sakanya ay sinasabi ko na sakanya lumapit huwag sa akin. Mabuti pa itong si levon lapitin. Paano naman kaya ako e 'no? Katamtaman nga lamang ang kulay ko at sakto lang din ang ganda, hindi rin ako ganon kaganda kagaya ng makikita mo talaga sa labas. Sobrang average looking ko lang. Oo nasasabi ko 'yan kasi wala namang nagkakacrush sa akin o lumalapit. Nakapasok na kami sa room at nandon na lahat ng kaklase namin. Kanya-kanyang basa nagrereview dahil may exam kami mamaya sa general chemistry. Kahit takot ako ay pachill chill pa din. Sa totoo lang ay sa arts lang talaga ako magaling at math. Kahinaan ko lahat ng tungkol sa math. Pinagpapatuloy ko lang din siguro ang pagiging with high honors para hindi nakakahiya sa magulang ni Levon na iniisponsoran ang pag aaral ko at para na din kay lola na gusto kong makita ako na grumaduate. Malapit na rin naman ang pictorials namin, at mukhang maghihirap nanaman ang lola ko rewards sa graduation day. No joke, may pagkamatalino ako. Nagumpisa nang magbigay ng exam papers kitang-kita ko ang kaba sa mata ng mga kaklase ko. Habang kami ni Levon na magkatabi ay pachill chill lang. Tinitignan ko ang exam at nakakapagtakha dahil parang alam ko lahat. Mabilisan lang ako nagsasagot hanggang sa ibaba ko na ang ballpen ko at nakita ko ang mga kaklase ko na nagsitinginan sa gawi ko maski ang bantay sa amin. Wala manlang sakanila ang gulat dahil simula first year highschool ay ako na ang nagtotop sa school hindi dahil sa gusto ko kundi kailangan ko. Ayoko maging nakakahiya sa magulang ni Levon 'yon lang un. Ilang sandali pa ay si Levon naman na ang nagbaba ng ballpen niya. Nakakaboring dahil kalahating oras lang pala kami nagsagot. Bawal rin naman magingay kaya sumandal nalang ako sa upuan ko habang naghihintay na ang isa sakanila ay matapos na dahil sa boredom na nararandaman ko. "Pwede nang lumabas ang tapos na," Rinig kong sabi ng nagbabantay sa amin. Parang isang magandang musika 'yon sa tenga ko. Kaya agaran akong tumayo kasama si Levon. "Saya ah? Mukhang hindi ka manlang nahirapan," Nagbibirong sabi niya sa akin. "Sinapian lang ako. Tanga talaga ako, okay? Joke joke lang 'yon." Kunyaring seryoso na sabi ko. "Okay sabi mo e." "Wala lang akong choice. Kailangan ko mag outstanding sa class. Nahihiya ako sa mama mo," Sabi ko. "You know it doesn't really matter right? It doesn't matter if you have lower grades or higher grades," "Iyon nangalang ang pambayad ko? Magiging baliw pa ako sa pag aaral? Ikaw naman! Huwag mo nga sinasabe 'yan. Pampalubag loob lang e." "What are your plans this weekends?" Tanong niya. "Wala. Wala naman akong friends, ikaw lang. So sinong sasamahan ko? Syempre as usual matutulog," Nayayamot na sabi ko. Palibhasa kasi siya ay may mga ginagawa hindi nabobored. May mga pinupuntahan sila magpapamilya. Hindi naman ako naiinggit minsan lang dahil talagang may mga araw na kapag walang klase ay sobrang sarap nalang tumalon sa building dahil sa boredom na nararandaman ko. "Punta ka nalang sa bahay namin bukas. Alam kong wala kang gagawin," Nakangising sabi niya sa akin. "Ge," Maikling sagot ko. Sanay naman na ako sa bahay nila. Hindi lang ako ganon kaclose kay Lathan dahil masiyadong seryoso ang isang 'yon. Abm ang strand niya kaya 'di ko siya madalas makita. Marahil dahil siya ang mag aasikaso ng company nila na wala namang interest si Levan na gawin. Napagisipan nalang namin ni Levan na huminto sa canteen kaya nagumpisa na rin siyang umorder ng makakain. Siya lang din naman ang magbabayad non. Nakakahiya nga dahil may baon naman ako pero siya ang nagbabayad ng lunch ko at mga meryenda. Ginagawa ko tuloy sa baon ko ay iniipon ko nalang pambili ng mga kailangan sa school. Tinanaw ko si Levan na lumalapit na sa akin hawak hawak ang mga pagkain na dala niya. Napakaputi ng isang 'to. Pag magkasama kami ay walang wala ang kulay ko sakanya. Nakakainis lang. Bukod ron ay chinito siya at may dimples. Doon ko nakikita ang mukha niya kapag payat sa kambal niya na si Lathan. Pero i like him this way better. Tahimik lang kaming kumakain ni Levan. Walang pansinan busy lang sa na ninamnam ang mga pagkain. Mabilis na rin na lumipas ang oras at narinig ko nang nag ring ang bell. Mukhang lunchbreak na. Naunahan pa naman sila ni Levon. Sila ay kakain pa lang habang kami naman ay ito, aalis na. Bumalik na kaming dalawa sa room. Walang pansinang nagaganap. Mamayang 1:30 pa ang exam. Ngunit tinatamad din akong lumabas dahil wala rin naman akong pera. Eh itong si Levon ay sunod sunod lang naman sa akin. Kung saan ako ay doon lang din siya. Gusto ko na lang talagang hilingin na sana walang magbago. "Here, dito ang room nila..." Rinig ko na boses sa labas, ngunit hindi ko pinansin sa halip ay pumikit nalang. "What are you doing here, Lathan?" Kusa akong napaayos ng upo ng marinig ko ang pangalang 'yon. Hindi kami ganon kaclose. Kaya nahihiya pa ako sakanya, kaya sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya ay napapaayos kaagad ako. "Don't come home late tonight. May gagawin tayo mamayang gabi. We'll be having lunch with Zoren's family," Zoren? Familiar. Siya siguro 'yong Cuevas. Narinig ko ay Relatives 'yon nila Levon. Isang poging law student ang isang 'yon. Kahit hindi siya dito nag aaral ay syempre kilala ko siya. Poging-pogi ako sakanya. 'Yon nga lang daw ay masungit. "Okay. Pero kailan ba ako umuwi ng late?" Nakakunot noong tanong sakanya ni Levon. Oo nga. Pansin ko ay parehas lang naman kami ni Levon na umuuwi ng Alasais. Parehas na parehas lang. Tumingin ako kay Lathan at nakita ko ang pagsasalubong namin ng tingin pagkatapos 'yon itanong sakanya ni Levon. Curious lang naman ako. "You just wanted to see someone here right?" Sabi pa ni Levon. Sino naman kaya 'yon? May crush ba siya na STEM student? Pero hindi rin imposible 'yon ha. Andaming magaganda dito, pero kasi ay nakita ko na tinutukso na sila ni Erika isa sa sikat dito na estudyante. Natahimik na si Lathan sa sinabi niyang 'yon at hindi na muling sumagot pa. Nagpaalam nalang siya sa aming dalawa at dali daling lumabas ng room. Kita ko pa ang paglingon niya sa labas ng bintana sa gawi ko bago siya tuluyang umalis. Weird. May gusto ba siyang sabihin? Or talagang gusto niya lang tumingin? Ganon din naman ako paminsan minsan. "I think he has a crush on you," Si Levon. Bahagya naman akong natawa sa sinabi niya. "Sira kaba? Sa akin talaga? Baka talagang natyempohan lang! Tingin ko nga sila na nung Erika," "Sige sabi mo e, believe what you want to believe." Aniya, nagsusungit nanaman. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to ay sobrang bilis magbago ng mood. Buti nalang talaga at kaibigan ko kung hindi ay hindi ko talaga siya mapagtitiisan. Bumalik na kami sa dating gawi at katahimikan nanaman. Hanggang sa ang iba naming kaklase ay nagsisipasukan na siguro malapit nanaman mag start ang exam kaniya kaniya nanaman silang review e. Alam ko itong mga 'to ay talagang nageeffort ngayon. Mahirap din talaga siguro maghanap ng mapapasukang university sa college. Nagpapasalamat talaga ako at salo ako ng pamilya ni Levon. Utang na loob ko sakanila lahat ng 'to. Maya-maya pa ay nag start na ang exam. Maghapon ata kami dito ngayon. Habang isa isang nagbibigay ng papers ay talagang wala ako sa focus dahil kitang kita ko ang stress sa mukha ng mga kaklase ko. General mathematics ba naman e, kahit sino masstress. Maski ako ay hirap na hirap dito. Naalala ko kahit gaano ako katalino ay meron pa rin akong hindi maisagot at naranasan ko pa din na hindi makauwi ng maaga sa bahay dahil 'di ko masugatan ang dapat kong sasagutan. Matagal-tagal kaming natapos lahat dahil na rin siguro sa stress. Meron nangang gusto umiyak. First sem pa lang ay ganito na kami, talagang pasuko na. Iba talaga ang stem lalo na't kailangan mo nang general average na 85 pataas para makapasok sa grade 12. Hindi ko lang alam kung ganoon sa ibang school ngunit sa amin ay ganon. Sobrang higpit. Mabuti nga at ito sabay sabay kaming angat. Sabay na kaming lumabas ni Levon, hinihintay niya nalang din si Lathan na may sariling sasakyan na. Ako naman ay naghihintay nalang din ng pedicab na masasakyan. "May maghahatid sa'yo?" Aniya ni Lathan na kakarating lang. "Walang maghahatid sakanya," Si Levon ang sumagot. Sinamaan ko naman ito ng tingin, alam naman niyang naghahanap lang ako ng pedicab na masasakyan! "Hindi wala pero naghihintay nalang din ako ng masasakyan. Huwag niyo na ako alalahanin mauna na kayo," Nahihiyang sabi ko habang nakasama pa rin ang tingin kay Levon. "You sure? Puwede naman kita ihatid. Besides ay paderetso na rin kami sa restaurant," Si Lathan. Bahagya ko namang nilakihan na nang mata si Levon. Nakakahiya kung sasabay pa ako sakanila. Sa kabilang village pa 'yong bahay namin. "Don't mind her, makakauwi rin 'yan, baka malate tayo sa dinner. You don't want dad's to be mad right?" Si Levon na ang nagsabi. "Alright. Take care, Evanie." Saad ni Lathan at pinaandar na ang sasakyan. Sinundan ko lang nang tingin ang sasakyan nila papalayo sa amin. Kahit kailan talaga ay sobrang bait niya sa akin. Mas mabait pa siya sa akin kesa mismo sa kaibigan kong si Levon. Siguro ay baka trinatrato na niya rin ako bilang kaibigan o kapamilya. Sumakay na ako sa pedikab at nagaabot na nang kinse pesos ng makarating kami sa bandang kanto. Lalakarin ko nalang din 'yon dahil malapit rin naman. Paparating pa lang ako sa bahay ay iniisip ko na kung ano ang ulam. Si lola kasi ang nagluluto talaga. Masarap ang luto dahil may sarili rin kaming karinderya. Sana ay hindi nga ubos dahil makita talaga ang mga lutong ulam niya ansasarap ba naman kasi. "Nandito na po ako, la." Usal ko. Sarado na kami ngayon kaya marahil ay baka nanonood ang lola ng tv. Pagpasok ko sa loob ay tama nga ako nanonood lang siya doon. At prenteng nakaupo. Nakangiti akong lumapit sakanya at umupo. "Oh apo, kumusta naman ang klase mo?" "Maayos naman po. Malapit na po matapos ang klase at magpreprepare na rin kami nextweek para sa graduation day," "Oh siya siya. Kumain ka na muna, nandoon na ang niluto ko para sa'yo," Saad niya habang tinuturo ang lamesa na may nakatakip na ulam. "Sige po," Bago ako kumain ay dumiretso muna ako sa loob ng kuwarto para makapaghalf bath na rin. Para deretso na rin ako sa tulog, alam kong masama matulog kaagad kapag bagong kain pero talagang nakasanayan ko nang gawin e. Tsaka pupunta rin ako kila Levon bukas, hindi ko nanaman alam kung ano ang gagawin namin sa bahay nila pero nafefeel ko na baka makikipag laro lang sa akin 'yon. Isipin mo disi otso na kaming dalawa ngunit ang laro namin ay XOX at bato bato pick? Ang childish niya talaga pero naeenjoy naman ako basta siya ang kalaro. At ang alam ko lang din ay masaya ako na kasama ko siya at ang lola ko. Masaya ako sa buhay basta sila ang kasama ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
104.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook