SLEEPOVER
Kakarating ko lang sa bahay nila ay itong si Levon ay inaya agad ako na mag grocery. Mag grocery daw kami ng mga pagkain at pagkain ko na rin daw na iuuwi ko. Sa tuwing pupunta nalang ako sa bahay nila ay may uwi uwi akong mga grocery. Mukha tuloy akong namamalimos sakanila.
"Iyan lang?" Aniya ni Levon matapos makita na isang malaking 1l na chuckie lang ang kinuha ko.
"Oo bakit?"
"Kuha ka lima. Alam kong paborito mo 'yan," Sagot niya sa akin at siya nanga mismo ang kumuha ng apat pa non dahil alam niyang hindi naman ako kukuha.
Nakikita ko ang ibang tao na nagtitinginan sa amin. Mukha nga kaming mag nobyo nitong si Levon kung tutuusin. Dahil tulak tulak niya ang cart habang nakasunod lang sa akin, bukod pa ron ay hanggang balikat niya lang ako. Napakatangkad ng isang 'to.
Natapos na kami ni Levon at nakita ko ang puno na cart. Syempre ay naglagay nanaman siya doon ng iuuwi ko na lingid nanaman sa kaalaman ko.
"Do you think pwede mag f*******: dyan?" Turo niya sa parang computer na pinagaanohan ng cashier. Dahil parehas kami ngayon na nakatayo sa counter.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Ano nanaman kanonsesan 'yang lumalabas sa bibig mo?"
"Curious lang ako e,"
Napailing-iling nalang ako sa kawalan. Hinintay lang namin saglit matapos ang mga binili namin, kinuha ko na ang supot non at tsaka inunahan si Levon na makalabas. Nandon pa siya nagbabayad. Ako na rin ang naglagay sa loob ng kotse ng mga pinamili namin pagkatapos non ay pumasok na ako sa loob nang sasakyan. Tinignan ko ang driver nila na prente lamang na nakaupo sa driver seat. Hindi pa marunong mag drive ng sasakyan si Levon dahil wala pang interest 'to dito kahit ngayon na 18 na kami.
Tumingin ako sa bintana at nakita ko si Levon na papalapit sa amin. Kahit saang anggulo ay napakasarap niyang titigan. Alam kong mali ang magkaroon ng onting paghanga sa kaibigan ngunit nasisiguro ko namang hanggang dito lang ang nararandaman ko sakanya. Wala akong balak umamin o kung ano pa man. Ayoko malayo sakanya, dahil alam kong kapatid ang nararandaman niya sa akin. Sa paraan pa lang nang lagi niyang paglibre sa akin at pagbili sa akin mga pagkain.
Paminsan-minsan nga ay naghahatid pa siya pagkain. Doon pa lang sa mga way na 'yon ay trato niya na sa akin ay parang isang babaeng kapatid. Halatang-halata ko naman.
-
"Kamusta naman kayo sa school? Malapit na ang graduation niyo. Ano nga ba ulit ang kukunin mo sa college evanie anak?" Wika ni Tita lonia habang nasa hapag kainan.
Oo hapag kainan. Kasalukuyan kaming nagdidinner ngayon. Nahihiya nga ako sumabay pero sanayan nalang, sayang lang at wala ang daddy nila Levon. Balita ko ay nasa business trip daw. Napakapogi rin non, at itong si tita lonia ay napakaganda din naman. Hindi na ako magtatakha kung bakit pogi ang magkapatid.
"Architecture po tita. Iyan naman pong si Levon ay engineering. Gusto po related sa akin ang kurso niya," Sagot ko.
"Ganon ba? Ikaw talaga, Levan. Hindi naman kita mapipilit... pero galingan mo sa kursong 'yan ha? Gusto ko rin magkaanak na engineering," Nakangiting sabi ni Tita Lonia kay Levon. Kahit kailan talaga ay nakapasuportado sakanya ng mama niya.
Minsan ay hindi ko maiwasang mainggit. Pero hindi ko naman alam ang salitang pagiging mag isa dahil lagi namang nandyan si Lola at Levon sa tabi ko at thankful ako sa bagay na 'yon.
"Yes mom. Besides hindi lang naman si Evanie ang dahilan kaya ko kinuha ang kursong 'yon. You know, Tiffany? Mag eengineering siya. Dagdag po siya sa inspiration ko," Ngingiti-ngiting saad ni Levon sa mama niya.
Hindi ko maiwasang hindi masaktan sa narinig kong 'yon. Pero dahil magaling naman akong magkimkim kunware nalang akong nakitawa dahil tumatawa si Tita Lonia sa sinabi ng anak. Mukha rin namang gusto niya si Tiffany dahil kilala 'yon ng pamilya niya. Mayaman ang pamilya ni Tiffany. Bagay na bagay siya kay Levon.
"How about you, Lathan? Wala ka pa rin bang girlfriend or natitipuhan? Mukhang mauunahan ka na nitong kapatid mo," Nang aasar na sabi ni Tita Lonia sa anak.
Napansin ko naman ang biglaang pagtingin sa akin ni Lathan ngunit kaagad rin siyang nag iwas ng tingin.
"You know how much focus i am to my studied mom," Walang reaksyon ngunit magalang na tugon ni Lathan.
"Don't stress yourself too much to your studies. Hindi ka namin prinepressure ng daddy mo," Si Tita Lonia.
"But i needed to. Ako ang mag mamana lahat ng business natin," Wala ulit reaksyon na sabi niya.
Kahit kailan ay napakalamig ng presensya siya. Wala panga talagang naging babae sa buhay nitong si Lathan. Marami namang nagkakacrush sakanya na magaganda ngunit ewan ko kung bakit wala siyang natitipuhan. Nakita ko naman ang pagtahimik ni Tita Lonia sa sagot ng anak niya. Pansin ko ay lahat talaga sila natatahimik at hindi kayang biruin si Lathan. Minsan ko nga lang siya nakita tumawa. Parang pasan niya lahat ng problema sa mundo. Hindi naman siya masungit, mabait pa rin naman kausap. Iyon nga lang walang reaksyon ang mukha at parang laging malamig ang pakikitungo.
Natapos na kaming kumain at napagisipan muna namin ni Levon na lumabas para magpahangin.
"Bakit parang laging anlamig ng presensya ng kapatid mo?" Tanong ko kay Levon.
"Ganon talaga siya. Noong mga bata kami ay hindi naman. But since we turned 18 he starts being distanced and mas naging cold. Ganon na rin naman siya dati mas lumala lang ngayon," Natawa ako sa sinabing 'yon ni Levon.
Totoo nga naman. Hindi ko lang talaga mawari dahil sobrang opposite ng ugali nila. Buti nalang talaga at pogi si Lathan, kahit ganon siya kadistansya sa lahat at kalamig ay may nagkakagusto pa rin, pero mukha naman siyang walang pakialam sa mga 'yon.
"Tingin mo, Levon.. May papatol kaya sa akin sa College?"
"Oo matalino ka naman e," Mabilis na sagot niya.
"Matalino lang walang mag..?" Aniya ko, hinihiling na sana maintindihan niya ang nais kong iparating.
"Oo naman meron. Magaling ka din bukod don ay masipag pa," Aniya tila nananadya pa
"Alam mo... ansarap mo nalang minsan bigwasan," Napipikon na usal ko sakanya.
"Biro lang. Maganda ka naman. Ilang beses ko nang sinasabe 'yan ngayon ay tinatanong mo pa rin?" Palihim akong ngumiti sa sinabi niyang 'yon.
Iba talaga kapag siya ang pumupuri sa akin parang ansarap paniwalaan kahit bestfriend ko siya kaya natural lang na baka minsan inuuto niya ako. Pero napakasarap talaga sa pakirandam masabihan niyang maganda. Iyon na 'yon.
"Do you think Tiffany will actually like me back too?" Biglaang tanong niya.
"Oo, maitsura ka naman at mabait bukod nga ron ay," Crush din kita.
"Pakagaling mo talagang mambola e," Aniya, natatawa.
Kung alam niya lang talaga. Hindi naman ako 'yong tipo ng tao na nambobola. Kapag may sinasabe ako ay talagang totoo 'yon. Bukod ron ay hindi ako namemeke ng compliments.
Wala na kaming iba pang nagawa bukod sa magkwentuhan lang habang nakatingin sa kalangitan. Minsan ay hinihiling ko na sana ganito nalang palagi, dahil kapag nasa tabi ko siya ay parang sobrang tahimik ng mundo. Randam na randam ko ang katahimikan at kalma.
Ilang oras pa kaming nandon bago niya naisipang pumasok na kami sa loob ng bahay nila. Doon ako sa guest room nila matutulog, dahil hindi nga rin ako sanay na may katabi at baka imbis na tulog ang gawin namin ni Levon kapag katabi ko siya ay bangayan o baka naman ay mag tawanan lang kami hanggang sa walang makatulog. Nangyari na 'yon noon kaya simula noon ay hindi na kami nagtatabi matulog ni Levon.
Pumasok na ako sa guest room nila at kitang-kita ko ang kalinisan non. Siguro ay nagpaayos nanaman si Tita Lonia dahil alam niyang darating ako. Nakakahiya minsan dahil parang nakakaabala pa ako. Mas maganda panga ang kuwarto na ito sa kwarto na kinalakihan ko pero masaya pa rin ako sa kung anong meron sa harapan ko.
Saglitan muna akong naghilamos bago ko naisipan nang mahiga upang makatulog.
Nagising ako sa tumatamang araw sa mukha ko. Nalimot ko rin pa lang isara ang bintana kagabi kaya ngayon ay sinag na sinag sa akin ang araw. Wala tuloy akong choice kundi bumangon na kahit alasais pa lang. Nasisiguro kong hindi pa gising si Levon dahil hindi naman morning person ang isang 'yon. Mabuti nga at 9:30 ang start ng klase namin. Sa lagay nga na 'yan ay eksaktong 9 pa rin siya darating, habang ako ay alas otso na dumadating sa school, marami na ang estudyante nang ganong oras.
Bago ako lumabas ay naisipan ko munang maligo. Mabuti at may shampoo at sabon na rin dito sa banyo nila. Nahihiya rin kasi akong lumabas para humingi. Gusto ko na rin lumigo dahil mamayang tanghali ay uuwi na ako para tumulong sa karinderya namin, alam kong ayaw ako patulungin ni lola don dahil may nakuha naman siyang nagsisilbing taga tulong niya pero mas gusto ko pa rin talagang nandon ako kapag walang pasok. Ito nga lang ngayon at naaya sa bahay nila Levon wala akong choice.
Pagkabukas ko nang pinto ay bumungad sa akin si Lathan na bagong ligo. Ito ata ang morning person. Grabe sobrang kabaliktaran nila. Amoy na amoy ko ang pabango niya.
"Goodmorning," Sabi nito na siyang ikinagulat ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagulat, siguro dahil kami ni Levon ay bardagulan agad kahit umaga pa wala nang goodmorning goodmorning.
"Ah hello, goodmorning." Nakangiting sabi ko naman sakanya.
Nakita ko ang pagiwas niya ng tingin. Nahiya ba siya sa akin dahil ngumiti ako?
"Saan ang punta mo?" Tanong ko, gusto ko sanang mag start ng conversation dahil kaming dalawa lang ang nandito na magkaharap.
"Wala. Gusto ko lang maligo ng umaga. Nakasanayan," Sagot niyq sa akin.
Tumango-tango nalang ako. Naawkward na ako at nahihiya. Kaya ang ginawa ko nalang ay sumunod sakanya papunta sa hapag kainan nila. Umagahan na rin daw, para talaga akong nakikipamilya dito e.
Nakita ko si Tita Lonia na nandon at kakalapag pa lang ng mga pagkain sa lamesa. Parang hindi nga nila gustong gisingin si Levon, sanay na ata sila lahat sa lalaking 'yon na hindi gumigising ng umaga. Sabagay maski ako ay sanay na.
"Goodmorning, Mom." Si Lathan.
Ngumiti lang si Tita Lonia sa aming dalawa. Maski siya ay nakaligo na. Mukhang lahat sila dito ay naliligo na.
"Where are you going later, Mom?" Tanong ni Levon sa ina.
"Wala, may lunch lang with friends,"
"Hmm. I see kaya maaga ka naligo," Tanging isinagot nalang ni Lathan.
Ngayon ay alam ko na kung saan nag mana si Levon. Kaya nagtatakha din ako bakit gising si Tita Lonia ganito kaaga e. 'Yon pala ay may pupuntahan lang at sinabay niya na ang paghahanda ng pagkain.
"Kamusta ang Lola mo, evanie anak?"
"Maayos naman po ang lagay niya, Tita. Malakas pa din po, ayaw pa din akong patulungin sa karinderya namin," Nakatungong sabi ko.
"Gusto niya lang maenjoy mo ang buhay mo, evanie. Kaya dapat ienjoy mo ang buhay mo at tsaka na ang pagmamahal na 'yan," Nakangiting sabi niya sa akin. "Ayan sige kain ka pa dyan."
"Opo tita, wala pa rin naman po sa isip ko ang pag ibig na 'yan. Tingin ko ay masiyado pa po akong bata para dyan. Tsaka na po siguro kapag graduated na ako at settled na ang lahat,"
"Maganda 'yan. Basta huwag mong kakalimutan na nandito lang kami ng Tito mo Luxon para sa'yo,"
Hindi ko alam pero narinig ko kay Levon na iba rin daw ang buhay na pinag daanan ng mama niya. Hindi rin daw nito nakilala ang mga magulang niya at walang katuwang sa pag tanda. Kaya pala ganon nalang siya kabait sa akin at ituring ako na parang anak. Alam niya din pala ang pakirandam nang mag isa. Pero hindi naman ako ganon mag isa dahil meron akong si Levon, at hinding hindi ako magsasawang maging thankful sa bagay na 'yon. Sana nga lang ay walang mag bago sa samahan namin.