3

2012 Words
LIKE Lumipas na ang mga linggo at ilang linggo na din simula no'ng graduation day namin. May papasukan nanga akong university para sa college. Syempre ay magkasama kami ni Levon. Andaming requirements na kinailangan mabuti nalang at nandyan na din ang pamilya ng kaibigan ko para tumulong sa akin. Kung wala sila ay natitiyak kong mahihirapan talaga ako maghanap ng university na papasukan. Dalawang linggo nalang mula ngayon ay mag uumpisa na ang klase. Halo ang nararandaman ko. Kinakabahan at excited. Siguro ay marami na rin akong makikilang kaibigan at hindi na lang ako dikit kay Levon dahil hindi kami parehas ng field. At ngayon nandito ako nakaupo sa labas namin nagmumukmok. Kakatapos ko lang kasi mag punas ng mga lamesa dahil magbubukas na ang maliit na karinderya namin. Alas-otso na din kasi. Sanay naman na ako sa kaboringan pero ang lala ngayon. Nasa bakasyon sila Levon. Mag iisang linggo ko na siyang hindi nakikita, bukas pa ata ang uwi non. Mukhang magugulo nanaman ang buhay ko dahil sakanya. "Wala kabang magawa, apo?" Biglang tanong ni Lola. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala "Wala po, la. Mag hihintay nalang po ako customer at ako na ang mag aasikaso sakanila," "Bakit hindi ka muna gumala kasama ang mga kaibigan mo? Bibigyan kita pera," Sagot ni Lola akma pang nagbibigay ng limang daan sa akin. Agad ko naman 'yong tinanggihan. "Wala naman po akong kaibigan, Lola, bukod kay Levon." "Aling Laureta, isang lugaw po!" Hindi na siya nakasagot sa akin dahil don. Tinignan ko kung sino 'yon at iyon nanaman pala si Luis. Hindi 'yan nagsasawang magpapansin sa akin lalo na kapag nakikita niya ako. Hindi ko nga alam kung ano ba ang trip niya sa buhay. Nang mag tama kami ng mata ay agad na sumilay ang ngiti sa labi nito, labas na labas pa ang ngipin. Kitang kita ko pa nga ang gilagid niya. Napapangiwi nalang tuloy akong nag iwas ng tingin. Kahit ayaw ni Lola na tumutulong ako ay tumayo na ako para ako na ang maghatid nang mga pagkain nila. Dahil dumadami na rin ang mga tao na pumapasok. Madami dami kasi kapag umaga, lalo na 'yong may mga work na naguumagahan. Halos inabot din ako ng hapon na tumutulong lang. Nagpahinga lang ako noong kinailangan ko na maligo at kumain. Wala naman nang nagawa si Lola dahil nag kusa na ako sa sarili ko. Ganito ang ginagawa ko araw araw tumutulong nalang. Kung ako ang masusunod ay mas magandang mag pahinga nalang siya sa loob at ako na ang mag aasikado dito. Kahit malakas pa ang Lola ko ay feeling ko mahina na siya, pinapakita niya lang na malakas siya sa harapan ko. Nang mag gabi na ay nag sara na kami ng lahat. At heto ako ngayon prenteng nakahiga sa kama ko habang nag sscroll sa f*******:. Sa i********: ko naman ay wala ring masiyadong post. May 300 followers ako doon at isang followings. Tanging finofollow ko lang ay si Levan. Hindi ko alam kung bakit 300 ang followers ko sa samantalang picture lamang naman namin ni Levan ang nakapost roon. Panay stalk ako sa kung sino-sino. Kitang kita ko naman kanina sa stories ng mga kaklase ko na nagsasaya sila kaya lumipat ako dito sa f*******:. Ngunit ganon din naman pala, lahat sila nagsasaya dahil malapit na ang pasukan. Hindi ko alam pero kusa akong nalulungkot kahit tanggap ko naman na ang estado ng buhay na meron ako. May parte sa akin na nalulungkot dahil hindi ko mararanasan ang kasiyahan sa labas lalo na ang labas kasama ang maraming kaibigam. Si Levon lang naman kasi ang natatangi kong kaibigan. Napahinto ako sa pag sscroll nung nakita ko ang post ni Tiffany. Kasama niya si Levon. Parehas silang nakasakay sa bangka. Kitang kita ko kung gaano katuwa si Levon dahil abot mata ang ngiti niya. Nakita ko ang caption ni Tiffany at nakalagay ron ay simpleng heart lamang. Sa ngiti ni Levon ay parang natitipuhan niya nga si Tiffany. Kakilala rin naman ng pamilya nila si Tiffany. Family friend ata nila ang pamilya nito. Hindi ko naiwasang hindi mainggit dahil sa nakita. Hindi kaya ansaya kung ako ang kasama niya? Gaano kaya siya kasaya ngayon? Napapantayan ba 'yon tulad ng saya pag magkasama kami bilang mag kaibigan? Imbis na magpupuyat nanaman ako kakafacebook ay mas pinili ko na lang ibaba ang cellphone ko. Aaminin ko nasaktan ako sa nakita ko. Wala din naman ako karapatan, dahil hindi naman ako mayaman. Wala din naman akong pera para pumunta sa kung nasaan sila ngayon. Nandito lang ako, nanonood sakanila. - KINABUKASAN ay naririnig ko na kaagad si lola sa labas. Tila parang may kinakausap siya. Dali dali akong lumabas para tignan kung sino ang kasama niya at lumabas agad ang ngiti sa labi ko no'ng makita kong si Levon ang kasama niya. Kaagad akong yumakap dito at napangisi naman ako ng sinuklian niya rin ang yakap na binigay ko. "Kumusta ang bakasyon?" Nakangiting sabi ko. "I know for sure nakita mo ang post ni Tiff. It was so good, she's already close to my mom. And yeah naging friends din kami," Nakangiting sabi niya habang nagkukuwento. Inabot naman niya sa akin ang nakapaper bag na hawak niya. "Here's my pasalubong. Tinulungan ako ni Tiffany mamili pasalubong mo. Alam kong choosy ka e," Noong narinig ko nanaman ang pangalan na 'yon ay parang nawalan ako gana kunin ung pasalubong niya. Ngunit wala din akong magagawa kaya hinablot ko na lang 'yon sa kamay niya. Binuksan ko at nakita kong nakagarapon na yema at may isang summer dress pa. Napakaganda non, halatang si Tiffany nga ang namili. Kinuha ko ang dress at sinuri ang itsura, halatang sakanya lang babagay ang isang 'to e. Inilagay ko na lang ulit 'yon sa paper bag at iginilid. Pinaupo ko muna Levon. Na ngiting ngiti pa rin na nakatingin sa akin. Dapat ata masanay na ako kasi ito na siya nagkakacrush na. For sure magkikita rin sila dahil engineering ang kinuha ni Tiffany at same school. Siguro ay ito nanga talaga, ito rin naman ang matagal na hiling ni Levon. Ang magkagusto na, wala akong choice kundi sumuporta. Kaibigan lang ako. "Oh? Salamat sa pasalubong!" Pilit ang ngiti na sabi ko sakanya. "Kumain ka na ba, Levon apo?" Tanong ni Lola kay Levon. "Hindi pa po 'la e. Dito kasi agad ako dumiretso, kakauwi nga lang namin." Aniya habang nakatingin sa akin, sinesenyas na dapat kong Iappreciate ang bagay na 'yon. "Nako! Aba'y nag effort papala ang batang ito para sa'yo, Evanie?" Makahulugang sabi ni Lola. "Ah, ganon po talaga ang magkaibigan, Lola. Kami nalang din naman ni Levon ang nagkakaintindihan sa mga ganyang bagay," "Mabuti pa ngarod ay ipaghanda mo na siya ng pagkain. Mukhang hindi pa nag-uumagahan ang batang ito," Aniya ni lola habang tinitignan si Levon na nakaupo lang. Tumango nalang ako at dumiretso na sa kusina. Naghanap nalang ako sa mga lutong ulam ng p'wede kong ipakain sakanya. Nakita ko ron ang igado, mahilig siya dito. Ito ang pinapakain ko sakanya palagi tuwing nandito siya. Kahit naman expensive foods lang mga kinakain nila sa bahay nila. Napahinto ako sa pagsasandok ng pagkain sa plato na hawak ko nang makita ko si Lathan na may dalawang isang malaking paper bag. "Naparito ka, Lathan?" Nakangiti ngunit nagtatakhang tanong ko. "Uh. My mom said to give this to you," Aniya at itinaas ang malaking paperbag na hawak. "Since Levon forget to take it with him. Pasalubong niya lang ang dinala niya." "Ah ganon ba? Pakisabi kay Tita lonia salamat ha?" Nakangiting sabi ko at kinuha sakanya ang paper bag na hawak. Wala na siyang isinagot at tumango nalang. Akmang aalis na siya ngunit bigla kong naalala na baka hindi pa din siya kumakain. Magkapatid na talaga ang naabala ko dahil lang sa may pasalubong ako. Hindi talaga nila ako nalilimot. "Ah nga pala! Kumain ka na ba?" Nanaas ang kilay ni Lathan. "Not yet," "Kain ka muna dito," Saad ko at hindi na siya hinintay makasagot hinila ko na siya agad papasok. Alam ko namang tatanggi rin siya kaya hihilain ko na lang siya kahit hindi kami close. Alam kong awkward na ang magiging kalabasan nito pero bahala na. "Ayan upo ka muna dyan," Aniya ko at binitawan siya. Nakita ko lang siya na blanko ang mukha na nakatingin sa akin. Hindi naman siya mukhang galit kaya bahala na. Sana nga ay hindi, worried lang din naman ako dahil hindi pa siya kumakain nautusan pa siya dito. Kumuha na lang ako nang pagkain at ihinanda na ang mga 'yon sa lamesa. Naglagay na rin ako ng tubig at lumapit na sa kanila narinig ko pa ang dalawa na nag uusap. "You just want to see her aren't you?" Si Levon. Anong kabaliwan ang sinasabi ng kaibigan kong 'to? "Stop exaggerating things, Mom told me to came here because you forgot to bring her pasalubong," Kaswal na sabi ni Lathsn sa kapatid. Sobrang haba rin ng pasensya niya e 'no? Pero mukhang silang dalawang magkapatid ay sobrang mapag pasensya. Hindi pa napikon sa akin si Levon sa loob ng 10 years of friendship naming dalawa. "Kain na kayo," Tawag ko sakanila, inistorbo na ang maaring usapan pa. Maingay na tumayo si Levon at sumunod si Lathan na parang sobrang gentle gumalaw. Halos wala manlang ingay maski yapak ng paa niya. Hindi ko tuloy naiwasan mapatitig kay Lathan, sobrang pogi. Hindi naman halata na twins sila dahil chubby si Levon at si Lathan ay hindi. Sa tangkad naman ay magkasing tangkad lang sila. Nakaupo lang ako sa harapan nila habang pinapanood silang kumain. Wala manlang kakibo kibo si Lathan ito namag si Levon ay kung ano ano ang idinadaldal sa akin. Nakikinig naman ako pero napapatingin lang talaga ako dito kay Lathan sa may side view ko. Sobrang pointed ng ilong niya. Napahawak tuloy ako sa ilong ko na katamtaman lang ang tangos. Kita ko rin ang paglabas ng dimples niya bawat pag nguya meron nga din dimples si Levon pero mas halata ung kay Lathan. "Why are you looking at my brother why i'm telling a story?" Natigilan lang ako sa pag usisa sa mukha ni Lathan nang marinig ko ang pagseseryoso ni Levon na 'yon. "Huh? Nakikinig naman ako sa'yo. Tinitignan ko lang anong itsura mo kapag payat ka," Pagdadahilan ko kahit hindi naman 'yon ang dahilan. Gusto ko lang tignan ang mukha niya dahil madalas ko siyang 'di tinititigan. "I'm done," Nakangiting sabi ni Lathan sa akin labas ang dimples. "Thanks for the food." Aniya at lumabas na. Narinig ko pa ron na parang nagpaalam siya kay Lola. "You know? Ikaw ang type niya in girls. He likes a girls who's morena na singkit," Nakangisi na sabi ni Levon at ibinaba ang kutsara. Napangiwi ako. Wala naman akong pakialam sa type ni Lathan. Edi kung si Levon meaning type niya ay mestiza na maiksi ang buhok? Dahil ganon si Tiffany. Maputi ito at maiksi ang buhok ngunit sobrang bagay na bagay. Marami rin nagkakagusto kay Tiffany dahil mayaman na at maganda pa. Nakakahiya tuloy sa'ming mga average looking. "You know? I don't care," Sagot ko ginagaya ang pagsasalita niya. "Mukha ngang may crush ka kapatid ko e. I honestly don't buy your reason why you're looking at him but since you're my bestfriend and i don't want you na mapahiya nanahimik nalang ako," Parang bigla ko pa ata naging utang na loob na nanahimik siya. Eh mali naman talaga ang iniisip niya. Halos wala nga ako maisip na anything romantic habang tinititigan ang mukha ni Lathan. Gusto ko lang talaga suriin kung gaano kagwapo ang isang 'yon. Mas malakas talaga dating niya kay Lathan. Napaka soft looking niya kaya hindi na ako magtatakha kung bakit sobrang lapitin. "See? see? lumalalim ang isipan mo! Iniisip mo siguro paano magpapalusot sa akin 'no? I've known you for years hindi ka pa nagkagusto sa kahit sino pero ngayon mukhang magkakaroon na!" Masayang masaya pa na sabi niya. Iyon nga e, kilala mo na ako for years pero hindi mo mahalata na ikaw ang gusto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD