CHANGED
First day of school. Hindi ko alam kung ano ang dapat marandaman. Mixed emotions ang nararandaman ko, hindi ko alam kung dapat bang kabahan or maexcite. Umaga lang naman ang klase ko. Tinignan ko ang schedule at at unang subject namin ata ay AMA 1108 7:30 to 9:40am. At ang susunod naman don ay 10:30 to 12:45pm. Ayos lang namab ang schedule, hindi ko rin masasabi na overtime o kung ano dahil 1st year pa lang ako ngayon. Hindi ko nakita si Levon ngayon dahil hindi kami same ng field. Magkaiba pala dito ang building ng architecture at engineering.
Pagkapasok ko pa lang sa room ay nakita ko agad ang mga kaklase ko na ang gagara ng damit. Next week pa lang ata required ang uniform. Sana pala ay bumili nalang ako bagong damit, nahiya tuloy ako sa suot ko. Naka highwaist jeans lang kasi ako at white tshirt nakatuck in lang habang nakasabit sa akin ang ID ko. Ang mga buhok ko naman ay nakatali lang paitaas. Wala naman nagsabi sa akin na required pala maging maganda kapag archi student ka.
Umupo lang ako sa pinakalikod. Sure ako na walang uupo doon mas gusto ko na 'yon. Wala rin naman ako balak makipag kilala masiyado. Chineck ko ang oras at 7:10 pa lang mukhang matagal-tagal pa mag sstart ang class kaya mas maganda na dito na lang ako.
Lumipas na ang oras at nakita ko na halos nandito na rin sila kasunod ang professor namin.
"Hello class. I'm Sally Villanueva just call me Ma'am sally. I am more comfortable into that name," Walang kangiti-ngiti na sabi niya. Halatang sobrang strikta e.
Sinuri ko ang itsura nito mukhang bata pa at short hair ang buhok. Maganda rin ang ayos niya.
"I'm sure aware na kayo sa subject na tatangkilin natin ngayon sa first day," Aniya ulit. Lahat naman ay nag oo sakanya.
"Okay so let's start. What are we gonna discuss today is about table of formulas about mensuration and general definition of properties. First, What is table of formulas of mensuration? Anyone that has any knowledge about this?"
Seryoso ba siya? Sino kaya ang may knowledge tungkol sa lesson na ito?
"You," Natigil ako sa pag iisip nang marinig ko 'yon. Tumingin ako sakanya at na sa akin ang paningin niya.
"The girl from the back. What do you know about this lesson?" Nakataas ang kilay na tanong niya sa akin.
Tumayo naman ako at sumagot kahit hindi ako sure doon. Wala talaga akong idea dito. Mabilis ako lumimot.
"Is it the formulas of the areas and line values, Ma'am?" Sagot ko. Alam kong parang common sense na ung sagot ko pero bahala na.
Wala naman ako nakita na bakas na galit sa mukha niya or ano. Pero nawala lang ang sama sa mukha nito at nag umpisa ulit mag turo. Parang wala manlang akong sinabi e.
Nakinig nalang ako sa itinuturo niya. Sobrang mabuti nga at kahit papaano ay may naiintindihan ako. Nagtatake notes na rin ako sa bawat tinuturo niya hindi ko alam baka bukas ay iparecall niya ito lahat sa amin. Nababasa ko lang talaga na ganon siya. Mabuti nang sigurado para hindi managot.
Nang nag ring na ang bell ay nauna nang lumabas si Ma'am. Inayos ko muna ang mga gamit ko at lumabas na rin. Mukhang first day pa lang ay mga magkakaclose na sila. Mas mabuti na ata ito, kaso ang masama ay 'di na ako tipid sa baon wala nang Levon na manlilibre baka mamayang lunch time ko na 'yon makita. Hindi ko alam ang schedule niya.
Pumunta na ako sa cafeteria at marami agad na tao doon. Magkakasama nga ang mga magkakaibigan na halatang mayayaman. Nakakapanliit talaga makasalamuha ng mga ganitong tao. Umupo lang ako mag isa sa table na wala pang nakaupo nahihiya din ako makiupo sakanila.
Habang tahimik akong nakaupo ay nagulat ako sa babaeng biglang nagbaba ng pagkain niya sa harapan ko. Chuckie 'yon at tinapay. Parang bata lang ang style e.
"Hi, ako si Mea," Pagpapakilala niya out of knowhere.
Ayoko maging bastos kaya sumagot ako. "Evanie name ko."
"I see. Ilan taon ka na, Evanie?"
"18. Ikaw?" Tanong ko rin pabalik. Bigla ako naging interesado.
Ang cute ng itsura niya. Curly ang hair na may clip sa gilid na kulay pink. Maski ang top niya ay pink.
"19," Sagot niya pabalik.
"Wala ka ring friends?" Tanong niya.
"Meron isa nasa engineering department," Sagot ko.
"Ah ako wala e. Ikaw mukhang mag isa ka kaya sa'yo nalang ako nakiupo," Nakangiting sabi niya sa akin.
"Ah," Tipid na sagot ko at kumain na.
Nakita ko naman siyang kumain na rin. Napatitig ako sakanya ng kaonti at naglilibot libot ang mata niya hanggang sa tumingin sa akin at mukhang may sasabihin nanaman ulit.
"Kaklase kita. Ikaw ung tinawag ni Ma'am sally kanina diba?"
"Oo,"
"Makikupo ako sa'yo mamaya! Gusto kita katabi," Nakangiting sabi niya.
Tumango nalang ako. Hindi ko naman inaasahan na may tao rin pala na gusto makipag kaibigan sa akin. Paano'y prestigious university ito sino ba naman gusto makipag kaibigan sa akin kung pareparehas silang mayaman? Hindi ko kayang makipag sabayan sakanila.
Natapos na ang meryenda at pumasok na ulit kami sa room para sa susunod na subject. Ibang prof nanaman at luckily mas mabait ang isang 'yon ngunit malabo siya mag turo pero mabuti nalang nagegets ko dahil binabasa ko na lang sa harapan ang nasa power presentation niya na itinuturo. Mas maayos papala na terror, kadalasan kasi sa kanila ay sobrang gagaling mag turo at mataas rin naman magbigay grades. No hate sa kanila, sila ang favorite ko.
"Goobye class! Hope you enjoy my lesson," Malawak ang ngiti na sabi nito sa amin. Miss hernandez daw ang itawag namin sakanya.
"Saan mo gusto mag lunch, Brianna?"
"I don't know. Labas nalang tayo ng campus. I don't want to eat in cafeteria. Let's eat in our resto. Kakaopen lang kasi namin kahapon. Husgahan niyo ang food," Aniya ni Brianna sa mga kaibigan.
Sobrang yayaman talaga. Ganito pala ang estado ng buhay ng mga kaklase ko. Mga pribilihiyado.
"Hey Evanie. Sino kasama mo mag lunch?" Tanong no'ng mea sa akin na kakakilala ko lang kanina.
"Uhm oo. 'Yong kaibigan ko," Sagot ko.
"Can i eat with you guys? Wala kasi akong kasama mag lunch e," Aniya, parang nagpapaawa pa.
"Sige ba, sunod ka na lang sa akin. Tara muna sa engineering department," Sagot ko sakanya at nauna maglakad.
Tinignan ko ang cellphone ko para itext sana si Levon kaso may text na pala siya.
Bff 4 life :
Kita nalang tayo sa gate. I'm with Tiffany. Mag kaklase pala kami! Let's eat nalang din sa isang fast food chain. Don't worry it's my treat!
Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang name ni Tiffany. Hindi naman ako against pero hindi maitatago ang selos na nararandaman ko sa puso ko. Kahit alam kong magkaibigan kami. Pero ilang ulit ko bang ireremind ang sarili ko na ayos na 'to? At wala ako isang persyento na karapatan sakanya.
Nang makarating kami ni Mea sa gate ay sinalubong ako ng ngiti ni Levon at ni Tiffany. Tumingin naman si Levon sa likod ko.
"Ah si Mea 'yan. School mate ko. Nakilala ko siya kanina. Wala raw siya kasabay mag lunch kaya gusto ko sana isabay," Saad ko.
"Hello Mea," Aniya ni Tiffany at Levon.
"Hi. I already know your name guys do don't need to introduce," Nakangiting sabi ni Mea sakanila.
Wala na ako naging imik pagkatapos non. Nasa kotse kami ngayon ni Levon. Kinuhanan na siya sariling kotse bilang service niya na rin siguro sa school. Mayaman talaga. Nakakalungkot lang din na hindi na ako makakasabay sakanya kagaya noon. Tinititigan ko sila ni Tiffany, nasa likod kaming dalawa ni Mea. Aminin ko man o hindi, nakakainggit. Pakirandam ko ay onti-onti na siyang lumalayo. Masanay na ako dapat, sobrang naging close na rin sila ni Tiffany. Pero babalik ulit ako sa dapat na ipako ko sa utak ko. Kaibigan lang ako at wala akong karapatan sakanya.
Kumain lang kami doon at nagkwentuhan lang ng kung ano-ano. Sila lang ang nag uusap habang ako ay tahimik lang. Sobrang dali nila nakaget along si Mea. Hindi halatang walang kaibigan ang babaeng ito.
"And for my Bestfriend. Kamusta ang first day of school as a student archi?" Tanong ni Levon sa akin.
"Ayos naman. Hindi naman pala ganon kahirap kagaya ng ineexpect ko. Normal day lang," Sagot ko. Hindi na siya tinanong pa pabalik. Nakwento na rin kasi niya kanina pa.
Pagkatapos non ay hindi na ulit ako nagsalita. Nagsasalita lang siguro ako kapag nasasali ako sa usapan. After nitong lunch namin ay uuwi na lang din naman ang gagawin ko. Sigurado ay aalis sila, ewan ko lang dito kay Mea.
"Ano plano niyo after nitong lunch?" Tanong ni Levon.
"Wala uuwi," Sagot ko.
"Wala? amboring mo naman! Sumama ka dapat sa akin mamaya, Evanie!" Ngumiti nalang ako sa sinabing 'yon ni Mea. Ayoko tumanggi o Umuoo ayoko na lang sumagot.
"How about you, Levan? What are your plans mamaya?" Si tiffany.
"Wala e baka uuwi lang din. Do you want to go to the mall ba after this lunch?"
Hindi ko nanaman naiwasang mainggit. Parang dati lang ay ako ang tinatanong niya non at ngayon ay parang nalimot niya na din atang tanungin kung gusto ko ba sumama o hindi. Parang si Tiffany na ngayon ang bagong gaganituhin niya. Kahit sa'ng parte naman ay wala talaga akong magagawa. Ito ang taong gusto niya. Matagal niya nang crush. Pagkakakilala ko naman dito kay Levon ay torpe. Baka malabo niya ring ligawan o ano. Baka hanggang dito lang din sila.
Natapos na kami sa pagkain at nagkahiwalay na. Kami na ngayon ni Mea ang magkasama.
"Gusto mo si Levon 'no?" Biglang tanong ni Mea habang naglalakad kami.
"Huh? Hindi ha. Friends lang," Sagot ko.
"Weh? Halata naman na nagseselos ka pero sige mukhang ayaw mo iadmit sa akin kaya papayag nalang ako dyan," Saad niya at kumapit sa braso ko.
Hindi ko alam pero hindi manlang ako nakarandam ng pagkailang. May pagka comforting ang presence ni Mea.
Pumasok na kami sa mall at halos lahat ng madadaanan namin ay mga couples. Inaya ako ni Mea na mag shopping sinabi ko na wala akong pera at wala rin naman siyang sinabi sa sagot ko. Mukhang gusto niya lang magpasama at mukhang mayaman din ang isang 'to dahil nasa isang branded shop kami ng mga damit and bags.
Panay sunod lang ako sakanya. May pagkamalalim ang iniisip ko kaya hindi ko masiyado marandaman ang pagkayamot habang hinihintay si Mea.
Napalingon naman ako sa gilid ko nang marinig ang isang familiar na tinig. Si levon at Tiffany 'yon. May hawak hawak si Tiffany na bag at tinatanong niya kay Levon kung bagay ba 'yon sakanya.
"Anything suits you,"
May pagkamagaling na rin pala mambola ang kaibigan ko. Gustong-gusto talaga si Tiffany. Kung sa tutuusin ay first crush niya ito. Ngayon lang siya nagkagusto sa buong pagkakaibigan namin.
"Hoy Evanie tara na!" Mahinang sigaw ni Mea sa akin. Napakarami niya nang paper bags na hawak. Puro branded talaga, napakaswerte.
Sumunod na ako sakanya at inaya niya naman ako maupo sa isang tabi. Doon daw muna kami. Inorderan niya rin ako ng drinks dahil treat niya raw. Hindi ko inaasahan na mayaman si Mea.
"By the way kaya ako matagal dahil binildihan kita isang dress at isang bag," Aniya at inabot sa akin ang dalawang paper bag. "I won't take no for answer. Bayaran mo 'yang drink mo if you'll say no."
Ibang klase talaga siya. Ung drinks pa naman na inorder niya ay nasa halagang 300 ewan ko nga anong inumin ang may halaga na ganon. Baon ko lang naman ay wala pa sa kalahati non kaya paano na ako sa ganyang lagay.
"Salamat," Nahihiyang sabi ko at iginilid ang mga 'yon. Gagamitin ko na lang siguro iyon bukas bilang appreciation sa binigay niya.
"Mabait ka naman bakit wala kang friends?"
"I don't know. Is it because I'm too kind? They and see me as a loser,"
Mas maganda na siguro na totally na kakaibiganin ko siya. Ngayon pa na parang lumalayo na si Levon sa akin. Mas maganda nang meron ako kahit isang kaibigan na maayos. Okay na sa akin si Mea bilang isang kaibigan ko kahit kanina ay nag aalinlangan pa ako ngayon ayos na.