5

2061 Words
DISSAPPOINTMENT "That's our lesson for today. Make sure na nakikinig kayo, and you're taking notes. Thank you for listening to my lecture today," Nakangiting sabi ni Ma'am Sally. For the first time ay ngumiti siya. Noong first week of classes ay halos wala siyang kangiti-ngiti. Daig niya pa pinagsakluban ng langit at lupa. Marami na silang pinapagawa noong firstweek mabuti nalang at nagagawa ko naman lahat on time. Kinakaya pa ng schedule kahit parang naging buntot ko na si Mea. Bilis rin naman naging mag close e. At si Levon naman nangako siya ngayon na ililibre niya ako since hindi nga kami nagkita noong nakaraang linggo ng ilang kumbaga last lunch na pala namin 'yon. Last class na rin naman itong kay Ma'am Sally. Kapag monday ay tatlo lang naman ang papasukan kong class which is tapos na kaya naman ay kikitain ko si Levon ngayon. Pinauna ko na rin si Mea dahil may plano na kami ni Levon e. Kinuha ko ang folder ko sa table ko sa loob non ay may laman na plate ko na halos pinaghirapan kong gawin mag damag. First plate ko 'yon ngayong first year. Kaya pinaghirapan ko talaga tsaka nakakatakot rin na baka mabigyan pa ako ng mababang grade. Lalo't bukas na gragradean 'yon. Sobrang time is gold talaga e. Nang makalabas pa ako sa school ay may mga classmate pa ako na nangharang sa akin para magtanong about sa activities. Sinagot ko naman lahat ng tanong nila ng walang pag aalinlangan. Mas maganda nang makatulong ako. Nang makapunta na ako sa napagusapan naming kikitaan ni Levon ay nandon na pala siya may hawak na payong. Napatingin ako sa kalangitan, nagdidilim nga. Mukhang uulan. "Wow! Mala boyscout may dalang payong kasi alam na uulan!" Nang-aasar na sabi ko at lumapit na sakanya. "Syempre alangan naman mabasa tayo diba?" "Ano tara naba?" Tanong ko "Upo muna tayo dito saglit," Saad niya. "Okay sabi mo e," Sa sobrang saglit niya ay inabot kami ng minuto ron. Si Levon naman ay nagkwekwento lang ang hirap raw ng math nila. Napunta pa nga ang mata niya sa folder na hawak ko. "Ano 'yan?" Tanong niya. "Plate ko. First plate ko ngayong first year of college sa architecture. Angas diba?"Aniya ko at ipinakita sakanya 'yon. "Maganda nga baka 100 pa makuha na grade mo dyan e," Natawa na lang ako sinabi niyang 'yon. Nakausap ko ung ibang third year. Kahit nga raw 80 ay malaki na para sakanila dahil talagang mababa magbigay grades ang mga prof. Bahala na ang mahalaga ay ilang oras ko rin ginawa 'to. Nag effort ako dito. Nakaipit nga lang siya sa folder mas malaki pa ron, wala naman kasi akong size non na pwede paglagyan. Sa sobrang paguusap namin ay umulan nanga ng malakas. Isa lang ang dala nitong payong pero ayos na siguro dahil malaki pero sana dinalawa niya na kinakabahan kasi ako sa plates ko. Kung alam ko lang sana ay iniwan ko na lang 'to sa school. Madedehado pa ata ako e. Habang naglalakad kami sa gilid ay talagang sobrang ingat ako sa plates ko dahil talagang sobrang halaga nito sa akin. "Si Tiffany ba 'yon?" Biglang sabi ni Levon. Inaninag ko naman para makita kung sino at si Tiffany nga 'yon. Libro niya ang ginagamit niya pantabil sa ulo niya. "Evanie, i think kailangan ko pumunta sakanya. I'm sorry," Paalam pa ni Levon bago tumakbo papunta kay Tiffany. Hindi ko na siya napigilan dahil masiyadong naging mabilis ang pangyayari. Para na akong mangiyak ngiyak noong nakita ko ang plates ko na basang-basa na dahil sobrang lakas ng ulan, wala pa namang masisilungan dito agad kaya wala na rin akong magagawa. Wala na rin akong magagawa dahil ang pinaghirapan kong plates ay nabasa na. Nagmamadali nalang ako na nag hanap ng pagsisilungan. Tumakbo nalang ako hawak hawak pa din ang plate ko na sobrang basa na. Nang makahanap ako ng masisilungan ay hinanap ko ang cellphone ko sa bag na basa na rin. Tinext ko na lang si Mea, wala rin akong masasakyan e, siya lang ang mahihingan ko tulong. Mea : Mea, asan ka? Pwede mo ba ako sunduin? Nandito ako sa may bandang ###### Thanks. Lakas talaga ulan e, nabasa rin ung plates ko. Habang naghihintay kay Mea ay hindi maiwasang hindi tumulo ng luha ko. Halo-halong emosyon ang nararandaman ko. Hindi ko alam kung malulungkot ba ako dahil sa nasirang plates ko na halos tatlong oras kong ginawa dahil first time o ang pag hindi tupad ni Levon sa usapan namin dahil nakita si Tiffany at hindi siya nag dalawang isip tumakbo sakanya kahit alam niyang hawak na hawak ko ang plates ko at alam niya ring mababasa si Tiffany na mukhang ayos pa naman. Ngayon niya lang ginawa sa akin 'to at hindi ko alam pero nasaktan ako. Kakaibang dissappointment ang nararandaman ko sakanya. Pinunasan ko ang luha na tumutulo sa pisngi ko at tinignan ang plates ko na sirang-sira na. Binasura ko na lang 'yon sa gilid. Sobrang saya ko pa naman don. Ilang sandali pa ay dumating na si Mea may dala siyang payong at agad ako inayayahang pumasok sa kotse niya may tuwalya pa na nakalagay sa loob non. "Itapal mo 'yan sa'yo baka magkasakit ka. Baka 'di ka pa makapasok bukas. Limang subject pa naman papasukan natin bukas... at ung plates mo pa," Aniya onti-onting humina ang boses sa huling salita. Nag sa walang kibo nalang ako at hinintay na lang na makarating kami sa bahay. Bukas nalang ako na lubusang magpapasalamat kay Mea. At bukas na lang din ako mag iisip-isip ng mga bagay bagay. Alastres na rin mabuti na gawin ko na agad ang plates ko at ibang activities ko pa. Nang makababa na ay nag mano agad ako kay lola. "Basang-basa ka ata, apo?" Tanong nito, may pag aalala sa boses. "Ah wala lang po 'yan. Inabutan po kasi ako ulan nung nasa gate na ako ng school," Pagsisinungaling ko. Pumasok na agad ako sa kwarto at saglitang nag half bath at nagpalit ng damit. Hinanda ko na ang mga materials na gagamitin ko. Kahit anong gawin kong pag aliw sa sarili ko sa ginagawa at hindi ko maiwasang hindi madissappoint kay Levon sa ginawa niya, naiintindihan ko naman na gusto niya si Tiffany pero kinailangan niya ba talagang gawin 'yon? Alam kong wala akong karapatan pero nakakasakit siya ng feelings. Minadali ko nang tapusin ang plates ko. Hindi na 'yon kasing ganda nung nauna kong gawa pero maganda pa rin naman. Hindi ko na talaga kaya pang patagalin oras ko sa pag gawa non dahil marami pa akong activities na kailangang gawin. Halos mga gabi na rin ako natapos sa mga gawain ko sa school. Inaya na ako kumain ni Lola ng gabihan at nakita ko ang pagod sa mukha niya. "Ako na po ang maghahanda ng mga pagkain at mag huhugas ng mga plato pagkatapos," Saad ko habang naghahanda ng pagkain. Sinandukan ko na din si lola ng pagkain at sa gilid ng mata ko ay nakikita ko lang ito na nakatingin sa akin pinapanood akong pagsilbihan siya. Tumingin ako kay lola pabalik at parang gumaan na ulit ang pakirandam ko. Kung dati ay kay Levon at Lola ko nakukuha ang kalma ngayon mukhang kay Lola nalang. Gaano ba naman kabilis ang araw para ganon din kabilis magbago ang pagitan sa aming dalawa diba? "Napagisipan kong mag-sara muna ng karinderya bukas, apo. Ayos lang ba iyon? Hindi ba magkukulang baon mo?" Tanong ni lola sa akin na siyang ikinagulat ko rin. Ano kaya ang dahilan? Pero hindi ko na lang din 'yon pinansin. Matanda na rin si lola kaya mas maganda na relax nalang ang ginagawa niya hindi nagpapapagod sa karinderya namin. "Lola, ayos lang po. Sa sabado at lunes nalang po tayo magbukas para ako na ang bahala mag tinda. Para po kahit papaano ay may baon na ako kapag. Ayos na po 'yon marami ka naman na rin pong naipon 'la," Mahabang sabi ko sakanya habang nakangiti. "Hindi rin po ako nagkukulang sa mga projects dahil suportado po ako ni Tita Lonia at Tito Luxon palihim pa din po nila akong binibigyan nagugulat nalang ako ay meron na. Kaya huwag po kayong mag alala sa akin at magpahinga po muna kayo," Dagdag ko pa. "Salamat apo kung ganon," Sagot ni lola sa akin. Wala na akong isinagot pa at nilagyan na lang siya ng ulam sa pagkain niya. Nang matapos kaming kumain ay ginawa ko na lang din ang mga dapat kong gawin bago humiga. Pagkahiga ko ay binuksan ko ang cellphone ko at may text doon si Levon. Levon : I'm sorry kung hindi natuloy ang plano. Try ko bumawi next time. Pero may good news ako! Si Tiffany sleep over sa bahay sa saturday and sunday. Tinawag siya ni Mom, this is the best evanie! Pinalitan ko na ang name niya sa cellphone ko. Hindi ko rin alam ang dahilan pero bigla ko na lang naisipang gawin 'yon. Binasa ko lang 'yon. Hindi ko alam kung magrereply ba ako o hindi. Mas lalo lang sumasama ang loob ko sa ginagawa niya. Kailan pa naging good news ang bagay na iyon sa akin? Ganunpaman ay nagreply na lang din ako para hindi mag mukhang galit. Ako : Ah talaga? Enjoy. Ganon kaikli lang ang inireply ko at ibinaba na ang cellphone. Hindi ko alam kung gusto ko pa bang dalhin 'yan bukas, ayoko makareceived ng kahit anong message. Kahit anong gawin ko ay sobrang bigat talaga sa dibdib ng ginawa niya sa akin. Alam kong wala akong karapatan marandaman 'to pero ito talaga ang nararandaman ko ngayon. - "Okay pa din naman 'yang grade na 85 e. Buti at hindi 77 ang nilagay dyan! Ayos na ayos na 'yan!" Si Mea. Akala niya malungkot ako sa nakuha kong grade sa plate ko. Siya kasi ay 84 at ako 85 para talaga kaming magkaibigan e. "Salamat, Mea." Nakangiting sabi ko at sinandal ang ulo sakanya. Wala siyang idea sa nararandaman ko ngayon. Nalulungkot ako ngayon ng sobra kasi nafefeel ko na parang lumalayo na si Levon. Hindi pa sila pero malayo na siya. Alam kong mangyayari 'to pero bakit doble ang sakit kapag nangyari na talaga? Mas mabuti nang isipin niyang dahil nalang sa 85 ang ikinalulungkot ko kesa kay Levon. "Andito lang ako lagi para sa'yo," Saad niya habang hinahagod ang likod ko. Nawala ako sa pagkakasandal kay Mea nang maaninag ko si Levon na papalapit sa amin. Anong ginagawa niya dito? "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakhang tanong ko sakanya. Kitang-kita ko ang guilt sa mukha niya. Ano sa tingin niya ang nagawa niya para maging ganito kaguilty ang mukha niya? "I heared na sobrang nabasa ka kahapon at maski ang plates mo na pinaghirapan mo ay nabasa ng sobra. I'm really sorry about that, Evanie. Nawala sa utak ko na hawak mo pala ung plates mo. Because I was really too excited to help the girl that i liked that i forgot about my bestfriend," Nakayukong sabi niya. Pinagkatitigan ko si Mea at nag kibit balikat lang 'to. Alam kong siya nag nagsabi wala namang iba na magsasabi kung hindi siya. "Baliw! Okay na 'yon! Kahapon pa naman 'yon tsaka nagawa ko naman ulit 'yong plate huwag ka nang maguilty dyan," Nakangiting sabi ko sakanya ngunit labis pa rin ang pag kaawa nito sa mata niya sa akin. "Are you sure? How do you want me to make it up? Gusto mo itreat kita sa favorite restaurant mo? Or buy you your favorite drink? Chuckie?" Sa sinasabi niya ay mas lalo akong nalulungkot. Nakakamiss tuloy ung nag nag grogrocery kaming dalawa ng mga pagkain tapos ipapauwi niya sa akin sa bahay. Kung alam ko lang na hindi na pala mangyayari ulit 'yon dahil nagbabago na ang lahat ngayon. Sana sinulit ko na lahat. Hindi ko manlang naisip na imposible ding magkagusto si Levon. "Or a hug?" Aniya na ikinagulat ko. Hindi na ako sumagot. Ilang segundo lang ay niyakap na ako nito. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Halatang natuto na rin maging mabango ang kaibigan kong 'to dahil sa nagugustuhan niyang si Tiffany. Iintindihin ko na lang na kaibigan lang ako at sa ngayon, si Tiffany ang nagugustuhan niya at nililigawan kaya nararapat lang na ito ang maging priority niya. Suporta lang ang nararapat kong gawin, wala akong karapatan sa lahat sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD