LEVON'S BIRTHDAY
Ilang araw na ang nakalipas at umayos naman kami ni Levon. Kaso ako naman ang naging malayo. Si Mea na lang ang nakakasama ko lagi. Sobrang busy din ako literal na time is gold na sa akin. Bukod sa marami akong plates ay marami ring activities. Mabuti nga at hindi pa kami pinapagawa ng practical research o kaya naman ay thesis. Ikakamatay ko na talaga ng maaga.
Talagang sobrang nawalan din ako oras dahil kapag sabado at linggo naman at busy din ako sa kalinderya. Si Lola ay talagang hindi na nag open at wala naman akong reklamado do'n. Palagi lang din siya nanonood. Iyon lang ang natatangi na gusto kong gawin niya. Kayang-kaya ko rin namang gumalaw. Lalo't ngayon na Friday na at wala namang given activities.
Bukas rin ay napag isipan kong huwag muna magbukas ng kalinderya dahil may pera na rin ako. Mabenta kasi ulam namin at marami din kumakain do'n. Rest day ko na lang din siguro bukas. Ngayon ko na lang ulit maieenjoy ang rest day ko.
Gabi na ngayon at nandito lang ako sa salamin. Tinitignan ang mukha ko. Nagmumukha pa ako lalong singkit dahil sa inaantok kong mata. Halatang wala akong tulog.
Natigil ako sa pag-usisa sa mukha ng makita kong nag ring ang cellphone ko na na sa gilid ko lang. Si Levon iyon.
"Yes my dear bestfriend?" Aniya ko, pagkasagot pa lang ng tawag.
[It seems like you forgot something] Sagot nito sa akin.
Natigil naman ako at biglang nag-isip. Ano ang nakalimutan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang birthday niya. Birthday niya na ba? Aha! Sa sunday na ang birthday niya! At mukhang ngayon ko nga lang naalala, kung hindi siya tumawag ay tuluyan ko nang nalimot.
"Birthday mo sa sunday? Congrats 19 ka na! Malayo-layo pa sa akin,"
[Kailangan mong pumunta. I'm going to throw a party. And i need to ask for your favor]
"Malamang pupunta at pupunta ako doon. Tsaka anong favor ba 'yan?"
[I'm planning to ask Tiffany to be my girlfriend]
Parang nawala ang ngiti sa labi ko nang narinig ko ang sinabi niyang 'yon. Hindi ko alam pero natigilan ako. Siguro ay dahil na lang din 'to sa may gusto ako sakanya na pilit ko nang iniignore nitong mga nakaraan.
"At? Ano maitutulong ko?" Tanong ko.
Wala naman ako magagawa kundi tumulong na lang. Consider ko na lang siguro iyon bilang birthday gift. Talagang seryoso siya kay Tiffany.
[Mawawala ako sa party before she even arrived. At pag nakapunta na siya doon, I'm sure that you're the she'll ask kung nasaan ako. Dalin mo siya sa balcony. I want to ask her to by my girlfriend when it's just the two of us. Ayoko siyang mapressure lang na sagutin ako]
Kakaiba ang nararandaman ko sa mga naririnig kong sinasabi niyang 'yon. Totoong gusto niya talaga si Tiffany. At ngayon nagbabalak na siyang gawing nobya ang dalaga. Nakakatuwa nga naman.
Huminga ako ng malalim bago magsalita ulit. "Sige. Makakaasa ka sa akin na gagawin ko 'yan."
[Thank you! Ganyan ang kaibigan!]
Natawa na lang ako sinabi niyang 'yon. Rinig na rinig ko kasi ang sigla sa boses niya. Alam ko rin na excited na siya. At sa pagkakakilala ko dito kay Levon, tiyak na tatanggapin niya kahit ano mang maging sagot ni Tiffany.
"Isasama ko rin si Mea," Paalam ko.
[I already invited her. For sure, baka sabay pa kayo makapunta dito]
"That's nice of you, Mr. Solivar. So cool diba?" Sarkastikong sabi ko sakanya, ginagaya ang pananalita.
Mas lalo na siyang naging englishero. Bagay talaga nila nitong si Tiffany. Sobrang bagay. Hindi siya lugi kay Tiffany at hindi rin lugi si Tiffany sa kaibigan kong ito. Sobra nga ang kaibigan ko.
-
"Ah so birthday na ni Levan bukas? Kaya mo ako inaya ngayon mag mall kasi gusto mo mag-suot magandang damit?" Aniya ni Mea, talagang dinedetalyo pa masiyado ang sinasabi.
"Oo nga diba?"
"Alam mo ba kung magkano mga dami dito?" Tanong niya. Umiling naman ako dahil wala akong kaalam-alam.
"3k na ang pinakamura," Nakangising sabi niya. "Pero huwag kang mag alala. Alam kong babackout ka once na sinabi ko 'yon, pero I'm here to treat you na din."
Hindi na ako nakasagot dahil inaya niya na ako pumasok sa loob. Kausap niya ang isa sa staff ron.
"Can you give me some good green dresses? As you can see my friend is kind of tanned skin. Green would suit her," Nakangiting sabi ni Mea sa staff.
"Okay Ma'am," Sagot sakanya nito.
Hinintay ko lang si Mea sa gilid. Medyo inabot ng kalahating oras ang paghihintay ko dahil matagal siya. Wala na din naman akong reklamo dahil nilibre niya ako isusuot. Hindi nga ako aware kung alam ko lang ay sana nag ukay na lang ako, nakakahiya kay Mea.
"Here, Isuot mo 'yan. Huwag mo munang buksan ngayon. Bukas na lang kapag isusuot mo na," Saad niya. Tumango na lang ako at kinuha ang paper bag na 'yon sakanya.
7pm nga lang naman ang start ng birthday party ni Levon. Sa bahay pa nila 'yon. For sure nandon si Tito Luxon at Tita Lonia. Antagal ko na silang hindi nakikita. Nakakamiss.
Kumain pa muna kami ni Mea at hindi ko na hinayaang libre niya pa 'yon dahil inunahan ko na siya magbayad. Masama pa nga ang tingin niya sa akin no'ng ginawa ko ang bagay na 'yon.
"Nakita ko si Tiffany kanina. Naghahanap ata siya gift. Kasi dress for mid age women daw ung babagay. I think para sa mama ni Levon 'yon. Ang effort niya 'no?" Kwento ni Mea habang kumakain.
Ngumiti lang ako sa bagay na 'yon. Tiyak na matutuwa si Tita Lonia na magkaroon ng ganong nobya ang anak niya. May paregalo pa kahit si Levon lang ang may birthday. Samantalang ako ay wala manlang dala. Tsaka ko na lang susuklian ang kabaitan nila sa akin kapag nakapag tapos na ako. Sa ngayon ay iiwasan ko muna ang panliliit na nararandaman sa sarili.
Mabilis na lumipas ang oras at napag pasyahan na din namin na umuwi. Napagkasunduan pa nga namin ni Mea na 6:50 niya daw ako susunduin. Alam ko namang 7:30 'yon. Ayos lang naman dahil 9pm pa ang plano ni Levon na ayain si Tiffany maging girlfriend niya. Sana nga lang ay maniwala sa akin iyong si Tiffany. Mukha naman siyang mabait.
"Lola, birthday po ni Levon bukas. Pupunta po ako doon. Hindi ko po kayo maisasama pero magdadala po ako madaming pagkain," Wika ko kay Lola na nakaupo habang nanonood.
"Sige apo, salamat at nagawa mo pang mag abala," Sagot nito sa akin.
"Nakaluto na din po ako, kaya wala na kayo nararapat na gawin. Magpahinga na lang po pagkatapos," Sabi ko pa bago tuluyang pumasok sa kuwarto ko.
Gusto ko na matulog kaagad. May excitement din kasi akong nararandaman kahit papaano. Mukhang nalilimot ko na nga talaga ang lihim na nararandaman ko kay Levon. Kailangan ko panagutan kung ano talaga kami. Magkaibigan.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. Maaga na ako nagigising simula ngayon dahil ako na ang kumikilos sa lahat. Hindi lang din muna ako mag bubukas ng kalinderya dahil may pupuntahan pa ako mamayang gabi. Mukhang mag gagabi din ako do'n kaya hindi ako puwedeng mapagod.
Lumapit ako sa cellphone ko na ikadalawang beses na atang nagring. Narinig ko kanina pero hindi ko pinansin dahil si Levon o Mea lang naman ang tatawag. At tama nga ako si Levon lang 'yon at si Mea ung nauna.
"Oh levon bakit?"
[Don't forget about later, okay?]
"Oo. Ang kulit mo tinext mo na nga 'yan kagabi sa akin e."
[And mom and dad missed you. Ewan ko lang kung ganon din kay Lathan. But maybe he does? My dear friend?]
Rinig ko ang pang aasar sa himig ng boses niya. Nakakainis pakinggan. Ayaw niya kasi talagang paniwalaan na hindi ko gusto ang kakambal niya. Baka nga mamaya ay may gawin pa 'yang kalokohan sa amin ng kapatid niya.
"Huwag kang gagawa ng kung anong kalokohan. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala akong gusto sakanya–"
[How many times do i have to tell you that I'm not gonna buy your excuses. I'm hanging up bye!]
Inis akong binaba ang cellphone ko sa lamesa. Kahit kailan talaga 'yon! Ang alam niya lang gawin ay inisin ako.
"Lola, kakain na po labas na po kayo diyan!" Tawag ko kay lola dahil nahanda ko na din ang mga pagkain.
"Ikaw nanaman ang nagluto, apo? Masiyado mo nang inaako ang responsibilidad na 'yan. Ako dapat ang gumagawa,"
"Na'ko lola! Ako na po ano? 18 years niyo na po akong pinagsisilbihan. At next month ay ika 19 na! Kaya ako na ang magsisilbi para sainyo dahil matanda na din ako. Kaya ko na gawin 'to," Nakangiting sabi ko kay lola at pinagsandok pa siya nang makakain.
Kakatapos ko lang maligo at ngayon ko lang din titignan kung ano nga ba ang bagay na binigay ni Mea sa akin. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita kong isang Green satin backless dress iyon. Hindi naman siya ganon kaiksi ngunit tiyak na kitang-kita pa din ang balat ko. First time ko din magsusuot ng ganito! May kasama pa doon na accessories at heels.
Gusto ko mang ilagay iyon lahat sa paperbag pabalik. Ngunit 6pm na at baka hindi pa ako umabot sa pupuntahan dahil wala akong maisusuot. Kailangan ko na lang talaga pag tiisan ang isang bagay na 'to ngayon.
Nang matapos na ako magbihis at inilagay ang earrings at necklace na nandon ay parang hindi ko makilala ang aking sarili. Mas lalong parang kumintab ang kulay ko.
Parang nagmukha akong mayaman kahit sa oras lang na 'to. Pumunta ako sa drawer at hinanap ang lipstick na binili ko na hindi ko din naman ginagamit. Inaapply ko 'yon sa labi ko at okay na 'yon siguro dahil nadagdagan naman ang ganda ko.
Ilang minuto din akong nagpapahingan pa muna hanggang sa makita ko na ang text ni Mea na nasa labas na raw siya. Tulog si lola kaya nag iwan na lang ako nang letter sa lamesa incase na nalimot niya ang paalam ko.
Lumabas ako at kitang-kita ko naman ang tuwa sa mukha ni Mea nang makita ang itsura ko.
"You really looked good! Magaling talaga ako pumili. Baka may makuha ka pa do'n. And you know fail ka man kay Levon. Pwede ka naman sakambal niya," Aniya ni Mea na siyang kinagulat ko.
Tawa lang siya nang tawa sa naging reaksyon ko habang nakaupo kaming dalawa sa likod. Iyong driver naman niya ay parang walang reaksyon lang lagi ngunit napansin ko na tumitig din sa akin.
"I heared kaya na Lathan's type is singkit na morena. I mean if i were a boy iyon din ang type ko. Iba ang ganda niyo," Nakangiting sabi ni Mea at inayos ang buhok ko.
Kaya pala Singkit na moreno din ang lalaki na lagi niyang pinapakita sa akin. Iba iba ang kadate niya. Iba ang first impression ko sakanya.
Nang makarating kami sa bahay nila ay Lathan ay pinagbuksan kami agad no'ng guard nung nakita ako. Ni hindi nanga kailangan magpakita nang invitation. Kilala na kasi nila ako. Dahil lagi naman akong nandito noon
Hindi na familiar sa akin ang ibang tao pero masasabi ko na puro engineering ang mga nandito. Iba talaga ang kapogian ng engineering students.
"Hi, I'm Mea. I'm archi student, and you?" Napalingon ako kay Mea na nakikipag kilala na agad. Ang bilis talaga.
"I'm a student Lawyer. I'm Levon's cousin," Nakangising sagot naman sakanya nung lalaki.
Tinignan ko kung sino 'yon at tama ako. Si Zoren nga! Pogi ang isang 'to. Tama talaga sila malakas din ang charisma niya.
Iniwan ko muna si Mea ro'n dahil nakita ko si Tita Lonia na tila may hinahanap. Nakita ko namang lumapit sakanya si Tiffany na may hawak na paper bag kaya napatigil ako.
Mamaya na lang siguro ako lalapit dahil nakakahiya kung sisingit ako. Baka si Tiffany din ang hinahanap ni Tita Lonia. Mapahiya pa ako kung sakali na lalapit agad ako dahil baka hindi rin mahalaga kung nandito ako o wala.