GIRLFRIEND
"Thank you, Hija. I appreciate this gift. You must be my Levon's girlfriend ano?" Tanong ni Tita Lonia kay Tiffany. Wala namang isinagot si Tiffany sakanya kundi ngiti lang.
Narinig ko pa sila nag-usap sa ibang bagay bago nag excuse si Tita Lonia sakanya. Nagkasalubong kami ng mata ni Tita Lonia at nagulat ako nang mabilisan siyang lumapit sa akin.
"Are you really, Evanie? Napakaganda mo sa suot mo, anak! I almost didn't recognized you. Kanina pa kita hinahanap!" Napangiti naman ako no'ng marealized na ako pala ang hinahanap niya.
"Kakadating ko lang po kasi. Hinahanap ko din po kayo," Nakangising sabi ko kay Tita Lonia.
Nakarandam ako nang hiya no'ng tinawag ni Tita Lonia si Tito Luxon papalapit sa amin. Kahit nahihiya ay yumakap ako dito dahil isinalubong niya ang dalawang kamay sa akin. Batang babae pa din talaga na kalaro ni Levon noon ang tingin ni Tito Luxon sa akin.
"You're a student archi, right? Mabuti sa iyo 'yan. Me in your Tita Lonia are very proud of you. We're like your parents, Hija." Nakangiting sabi ni Tito Luxon sa akin. Ganon din si Tita Lonia na parang proud na magulang ang tingin.
"Opo, pagbubutihan ko po." Sagot ko sakanila. "Excuse ko na din po ang sarili ko. Igregreet ko si Levon at Lathan,"
Muntik ko na malimot na Birthday din ni Lathan ngayon kaya sobrang daming bisita. Nakakalimutan ko ata minsan na kambal sila.
Tinanaw ko si Lathan sa malayo na nakatayo mag isa. May hawak siya na wine glass. Kahit sa malayuan ay makikita mong guwapo at maappeal siya. Bukod pa do'n ay siya ang magmamana ng kompanya nila. Napakaswerte nang magugustuhan niya. Perfect package na si Lathan.
Kinuha ko na ang opportunity na lumapit syempre. Mamaya lang ay sasalubungin na 'yan ng mga bisita.
"Happy birthday, Lathan. Wala akong gift so maybe hug na lang?" Nakangiting sabi ko at yumakap sakanya.
Pagkayakap ko nga sakanya ay naamoy ko agad ang pabango niya at ang tinginan ng mga tao.
"Thank you," Nang marinig ko 'yon ay humiwalay na ako nang yakap.
"Maiwan muna kita ha? Babatiin ko rin si Levon. May plano kasi kami mamaya," Malaki ang ngiti sa labi na sabi ko.
Tinanguan lang ako nito kaya umalis na ako sa gawi niya at nakita ko si Levon na nandon lang pala na mukhang pinapanood kami kanina pa. Malaki ang ngiti sa labi niya e.
"Ikaw ha! Sabi mo hindi mo gusto ang kapatid ko pero niyayakap mo? Ikaw lang ang babaeng nakalapit sakanya ng ganon," Aniya ngiting-ngiti.
Baka ako lang ang nakalapit dahil magkaibigan lang kami ni Lathan. Randam ko din na 'yon ang tingin niya sa akin. Pero dahil birthday naman ng kaibigan kong 'to ay pinagbigyan ko na lang sa gusto niyang isipin.
"Your birthday is next month na din pala. I will give you an expensive gift if maganda ang naging plano natin ngayon," Ngumiwi ako sa sinabi niyang 'yon.
Iyong regalo niya sa akin last year ay relo. Suot ko pa din 'yon hanggang ngayon. Paano'y 100k daw 'yon. Ayaw ko man tanggapin pero wala e may nakaengrave pa doon na pangalan ko. Sinong matinong teenager na kaibigan ang mag bibigay no'n hindi ba? Pero hanggang ngayon ay wala pa ding gasgas itong regalo niya na 'to. Sobra ang pagpapahalaga ko.
"What do you mean by expensive? Kita mong halagang 100k binigay mo no'n!" Aniya ko at itinaas ang kamay ko. Napapenglish na din ako dahil sakanya e!
"Mura pa 'yan. I'll give you a gift worth million next time. Baka pag 'yang kapatid ko ang naging asawa mo in the future, baka regalo sa'yo niyan buong mall. He's Solivar heir after all," Saad niya habang nakangiti na nakatanaw sa kapatid niya na kasama no'ng Erika.
"And i invited Erika here. Gusto kita makita magselos," Dagdag niya na ikinasira ng mood ko.
Bakit naman ako magseselos e wala ako ni isang titing na nararandaman? Grabe talaga maging maissue kaibigan ko. Nasspot niya na gusto ko siya pero noong gusto ko siya hindi.
Pero nagtatakha pa din ako. Engineering ang kinuha ni Levon e pwede rin naman siya magmana? Pero dapat ko nga ba kalimutan na ma connection ang pamilya nila? Baka nga magkaroon pa 'to ng sariling engineering firm in the future.
"Do what you want. Makaalis na nga. Itext mo na lang ako,"
Hindi ko na makita si Mea. Kaya sinubukan ko siyang hanapin. Napakadami kasi masiyadong tao dito. Pero lahat naman sila umiinom lang. Lumingon ako patalikod at nakita ko si Levon na pinagkaguluhan na ron. Inaantay lang nila ako umalis? Bumalik na lang ulit ang atensyon ko kay Mea na kausap pa din si Zoren. Mukhang magiging close pa sila at this point.
Imbis na makigulo sa moments ni Mea ay naisipan ko na lang kumain. Humanap na ako ng sariling table para doon na lang ako kumain mag isa. Binaba ko ang nakuha kong pagkain doon at nagpasalamat sa waiter na binigyan ako maiinom.
Habang tahimik na kumakain ay napatingin ako sa kamay na nagbaba rin ng drinks niya sa table ko. Nag-angat ako ng tingin at nakita na si Lathan iyon.
"Oh Lathan? Asan friends mo?" Nakangiting sabi ko.
"My brother thinks that you like me. But he doesn't have any idea that he's the one you like. My brother is fool right? But you can't confess your feelings to him right now because he's already courting Tiffany," Mahabang sabi niya.
Masiyado siyang matalino para malaman agad ang mga bagay na ganon. Tahimik siya pero observant.
"Saan mo naman nakuha 'yan, Lathan?" Nakangiting sabi ko dahil alam ko namang lasing lang siya.
Humarap siya sa akin, kitang-kita ko ang
pamumungay ng mata nito. Masiyado siyang guwapo. Ang hirap naman baka sa lagay na ito na parang tinitignan niya ang mukha ko ay baka sakanya na ako magkacrush. Napangisi ako sa kalokohan na dumadaloy sa isip ko.
"Because I'm observant," Aniya. "And if you think that I am drunk. I am not drunk."
Tumango na lang ako at mas lalo pang ngumiti. Natatawa ako sa ginagawa niya. Bagay naman niya maging ganito. Tinitigan ko ang mukha niya na seryoso lang, kahit saang anggulo ay pogi. Hindi ako magsasawang sabihin na good looking siya.
Kaya nakakatakha bakit si Levon ang nagustuhan ko. Dahil si Levon ay gwapo din at bukod do'n siya lang ang nandyan para sa akin noong mga araw na wala akong makapitan. Pangalawang tao na nagmamahal sa akin.
Nawala ang tingin ko sa mukha ni Lathan nang makita na ang text ni Levon. Ganon kabilis lumipas ang oras? Agad na akong tumayo, nalimot na magpaalam kay Lathan.
Hinanap agad ng mata ko si Tiffany. Pero mabuti at nakita ko siya, mukhang may hinahanap din siya.
"Have you seen Levon? Hindi ko pa kasi siya nakikita simula kanina," Aniya, halatang concern.
"Ah oo. Nasa balcony siya, dalhin daw kita doon," Sagot ko.
Napangiti naman ako nang hinawakan niya ako sa braso. Mukhang mabait si Tiffany. Nang makarating kami ay si Tiffany lang ang pinapasok ko sa balcony. Isinara ko ang pinto ngunit hindi muna ako umalis. Gusto ko makinig muna.
"Tiffany, can i ask something?" Rinig kong sabi ni Levon.
"I can't express it through words so I'm gonna express it through the song i write for you,"
Nagulat ako sa narinig ko. Marunong siya mag guitara? O prinactice niya para kay Tiffany? May talent din pala na ganito ang kaibigan ko.
Narinig ko na lang ang pag strum ng guitara. Hindi ko alam kung maganda ba o hindi ang boses niya pero sana maganda. "
"When we first met i already know that its you.. Who will make me happy, you're the only person who make me feel this way. You're the first that i like and it will remained that way, Because girl.. I'm planning to make you my last.." Rinig kong kanta niya habang sumasabay sa guitara. Maganda pala ang boses niya.
Pero hindi ko din malaman ang dahilan pero tila may narandaman akong kirot sa puso. Last? Kilala ko si Levon. Gustong-gusto niya talaga si Tiffany. Hindi pa ako umalis at hinintay na matapos ang kanta. Para malaman na din ang sagot ni Tiffany.
"So Tiffany, will you be my girlfriend? I'll accept kung ano mang isasagot mo. I may not be as skinny or handsome katulad ng boys na nagkakagusto sa'yo but i promised I'll treat you better," Gustong gusto ko malaman ang reaction ni Tiffany habang sinasabi niya 'yon. Randam na randam ko kasi ang sincerity.
"Yes. I'm willing to be your girlfriend, and please don't compare yourself sakanila. You hit different," Mapait na lang ako na napangiti sa sagot ni Tiffany na 'yon.
Ito na siguro ang best gift para kay Levon. Noon lang ay ayaw ko siya mag ka girlfriend pero ngayon ay meron na. Ganon na talaga lumipas ang panahon. Naglakad na lang ako palayo na parang walang nangyari. Sobrang masaya ako para sakanila. Iyon lang ang dapat ko marandaman wala nang iba.
"Hoy! Kanina pa kita hinahanap. Pasensya na kung napatagal usap namin ni Zoren. Kinuha ko pa kasi number niya so nakinig talaga ako ng mga alam niya na about laws," Usal ni Mea sa akin at pinakita pa ang cellphone niya na may number na ni Zoren.
"Ayos 'yan. Lahat kayo swinerte ngayon," Sabi ko lang at nilagpasan na siya.
Babalik na lang ako kay Lathan para ikuwento lahat nang nangyari. Mas maganda pa kesa lokohin ang sarili ko na hindi ako nasasaktan. Gusto ko mag sorry dahil wala ako ni isang katiting na karapatan para marandaman 'to, ngunit mas mahirap kung pipigilan ko ang sarili. Mas magiging maayos pa ako kung madidistract ko na lang ang sarili sa ganitong bagay.
Napatigil naman ako sa paglapit kay Lathan nang makita ko na kasama niya na si Erika sa table na inuupuan namin kanina. Nakita ko ang malaking ngiti sa mukha ni Erika. Napakaganda din ng isang 'to. Mukhang may kanya-kanya na ang magkapatid na magpapasaya sa kanila.
At ako nandito lang. Pinapanood silang sumaya sa buhay. Mukhang hindi talaga sa akin ang ganitong klase ng buhay. Sa lagay ko ay baka malabo din ako magustuhan ngayon o magkagusto. Ang role ko na lang din siguro dito ay panoodin sila na sumaya. Siguro ay darating din naman ang time ko, hindi ngayon pero sa susunod.
Bahagya akong nagulat ng may umakbay at humagod sa braso ko at nang makita ko kung sino 'yon at si Tita Lonia iyon.
"You like one of my son ano? I know you, anak. I can see it from your eyes. Gusto din kita para sa kanila. But i can't do anything about it," Sabi niya pa habang hinahagod ang braso ko.
Wala akong isinagot sa sinabi niyang 'yon. Si Levon lang ata ang hindi nakapansin sa bagay na 'yon. Iniisip niya na si Lathan ang gusto ko. Mas maganda na din iyon ayoko rin masira ang friendship namin. Mas magandang nasa malayo nalang ako pinagmamasdan sila.
"At ako muna ang magiging kasama mo ngayon. Ayoko na iniisip mo ang pagiging mag isa. I can see in your eyes how lonely you are. And I don't think my son lathan's like Erika. Ikaw pa lang ang nakayakap sakanya na babae bukod sa akin. And to my son Levon, he really likes Tiffany. Bukambibig niya ang batang iyon,"
Mukhang pati si Tita Lonia ay iniisip na gusto ko si Lathan. May pinagmanahan nga talaga si Levon. At si Lathan naman ay sa papa niya tahimik lang pero observant.
"Girlfriend na po ni Levon si Tiffany, Tita. Nagpropose lang po siya dito kanina," Kwento ko kay Tita Lonia sa nangyari kanina.
Nakita ko naman ang pag usbong ng saya sa mukha niya. "Pwede bang puntahan ko muna sila, Anak? I am just really happy for my son,"
"And wala na si Erika doon kay Lathan. Samahan mo na ang anak ko. You can do it!" Ngiting-ngiti na sabi niya bago umalis sa harapan ko.
Napabuntong hininga na lang ako. Wala akong gusto kay Lathan. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero parehas lang naman kaming walang gusto sa isa't-isa.