8

2016 Words
ACCESS Dalawang linggo na lang ay birthday ko na. Malapit lapit na din ata ang midterm namin. At ngayon naman ay tambak ako ng plates, nandito ako sa bahay nila Mea. Sabay kaming gumagawa. Puro crampled paper nanga ang basurahan e. Nakakailan na siya, wala pa ring nagawa. Ako naman ay pangalawa na 'to. Nahihirapan siya sa linings and letterings sa taas. Siguro ay passion ko na talaga 'to kaya nadadalian na ako. "Alam mo ang effortless mo gumawa. Ang ganda ganda nyan! Pero nakangisi ka lang habang gumagawa! Hindi ka ba nasstress?" Usal nito. "Hindi ka masstress kung naeenjoy ka sa ginagawa mo. I can't wait to get that architect to my name okay?" Sagot ko sakanya at pinagpag ang natapos ko na. Sobrang mahal ng mga ganitong paper kaya ayoko nagtatapon. Nakakahinayang. Nahihirapan din naman ako mag gawa ng ganito pero kinakailangan din kasi. Hindi nga siya makapaniwala na pinapagawa na kami ng designs. Madali na lang din iyon para sa akin, naeenjoy ako. "Nga pala. Kumusta na si Levon?" Natigil ako sa pag-aayos sa plates ko na natapos ko na sa itinanong niya na 'yon. "Hindi ko alam. Wala na akong balita sakanya," Sagot ko na totoo naman. Noong birthday niya pa nung last na nagkita kami. Napapatext naman siya minsan para mangamusta pero ganon lang. Nasa iisang university kami pero 'di kami nagkikita. Nagegets ko naman dahil may girlfriend na siya ngayon, tsaka nakita ko rin ang mga nakapost na Pictures nila sa i********:. Inarchive ko nga din ang mukha naming dalawa, pinalitan ko iyon ng kami ni Mea. Para walang maisip ang ibang tao. I respect their relationship alot. Even if its lowkey hurting me, ayos lang. Kaibigan niya lang ako e. "Sabagay. Nakita ko nga si Tiffany na kasama ang Mom niya sa mall nung nakaraan. Mukhang nagshoshopping together, close agad siya sa Mom ni Levon e 'no?" Mahabang sabi niya sa akin habang busy sa ginagawa. Hindi ko pinansin ang sinabi niyang 'yon. Wala akong interest pag-usapan ang buhay ni Levon. Siguro masasabi ko na baka may sarili na din kaming buhay, at kung malimot niya ang birthday ko ay ayos na din iyon sa akin. Siguro tanggap ko na nga talaga. "You know what? We should go to the bar mamaya. And 18 ka naman na ah? Pwede ka na do'n. Besides just have fun with me kahit hindi ka uminom, i am really just super bored!" "Walang kasama si Lola sa bahay," Pagdadahilan ko. Ayos lang naman kay lola na walang kasama. Baka nga mas gusto pa non na sumama ako kay Mea. "Pasamahan ko siya sa isa sa helper namin? Kahit onting oras lang. Ano kaba? This past few weeks masiyado kang busy sa pag aaralan. Look at your face! Stress na!" Saad niya. Parang mas stress pa sa akin. "And? Libre nanga ang pag-aaral ko. Tsaka wala akong pera pang bar. Alam kong sa highclass mo ako ipupunta. Ayoko maki associate sa mayayaman," Seryosong sagot ko. Ayoko na pilitin niya pa ako dahil kahit ano naman ang sabihin niya ay aayaw ako. Pag-aaral lamang ang dapat ko atupagin. Iyon lang ang tanging magagawa ko, para kahit papaano ay pasasalamat sa parents ni Levon. Gustong-gusto ko din maging dean's lister. Kaya walang magagawa si Mea sa akin. Bahala siya kung gusto niya mag party. Wala naman akong kontra tungkol doon. Gusto ko din iyon gawin kung parehas kami estado ng buhay. Ngunit sobrang magkaiba. Ayoko isiksik ang sarili ko sa buhay na hindi naman talaga para sa akin. "Okay. I'll go alone, pero gusto ko sana sabihin sa'yo na you can also enjoy ha? Life is not all about studying. Breathe!" Ngumiti lang ako sa sinabi niyang 'yon. Alam ko naman iyon ngunit mas gusto ko magfocus sa main reason kung bakit ako nag papatuloy. I have my principles and priorities at mas gusto kong ipagpatuloy 'yon. Nakakaguilty mag saya para sa akin. - "You mean you spend overnight doing that research work, tapos binasura lang ni Sir Ryan?" Hindi makapaniwalang sabi ni Mea sa akin. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin. Binigyan niya naman ako ng chance gawin ulit. Siguro ay gagawin ko na lang ulit ngayong gabi kesa bumagsak. "What's the reason?" Sabay kaming napatingin ni Mea sa biglang umupo sa tabi namin. It's Levon. "Nakakagulat ka naman bigla ka nakikiupo!" "I overheard your conversation. I'm ordering a coffee kanina," Aniya. Hindi ko masiyado magawa matuwa na nandito si Levon sa harapan ko dahil na din siguro sa frustration na nararandaman ko ngayon. "So what's the reason?" "May nakita siyang isang mali. Inaantok na kasi ako, hindi ko napansin 'yong mali. Kasalanan ko pa din bakit nabasura," Wala sa sariling sabi ko. "Should i do it for you?" Nagulat ako sa sinabi niyang 'yon kaya binaling ko agad ang tingin ko sakanya. "Hindi na. Kaya ko," Sagot ko, nagmamatigas. Gustong-gusto ko nang umu-oo na lang, no'ng shs din naman kami ay tinutulungan niya ako sa mga ganito. Alam niya kasing sa math ako magaling at sa mga research making ay nalulutang na'ko. "Oh come on. Don't even say no to me. You're still my best friend. Nagkagirlfriend lang ako pero, i'll not forget you," Napangiti ako sa sinabi niyang 'yon. Right? I am still surrounds with people who truly care for me. "Salamat," Tanging naisagot ko na lang. "Hay! Ako nga din, Levon. Pagawa!" Singit ni Mea. "You doesn't have Evanie's Access to me," Kunyari pang seryosong sagot nito kay Mea. Sumimangot ang dalaga sa sinabi niyang 'yon. "Kumusta si lola?" Tanong ni Levon. "Okay naman siya. Mahina lang pero ayos pa din. Ako na rin ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nag aasikaso sa kalinderya namin kaya hassle," I ranted. "I see. That must have been so hard for you," Saad niya at tinapik pa ang braso ko na agad kong iniwas. Natawa siya nang mapansin ang ginawa ko. "You're getting too distance you know?" "Hindi ako sanay," Palusot ko. Kahit ang totoo ay ayoko lang magkaroon ng kahit anong feelings sakanya. I'm completely getting rid of the lingering feelings that i had for him. Tinignan ko siya ng mabuti at nakita ko na medyo pumayat siya. Dati ay mas chubby siya pero ngayon ay parang nabawasan ng timbang. "Mag lalate na. Evanie, may sasakyan ka na pauwi?" Tanong ni Levon. "Wala pa," Sagot ko. Siguro ay baka isasabay niya ako sakanya. "You know. Lathan is gonna pick me up right now. I think you should come with me," Aniya nagiging excited nanaman ang tono ng boses. Hanggang ngayon pa din pala ay iniisip niya pa ding may gusto ako sa kakambal niya. "Sure. Sino ba naman ako para tumanggi e kasama siya," Aniya ko nakikisabay na lang sa kalokohan niya. Dito siya matutuwa e. "Nagbago ka na! You're open to your feelings now!" Wika niya, tila isang malaking balita ang natanggap sa tuwa. "You like lathan, Evanie?" Tanong ni Mea. Tinignan ko naman ito na parang sinasabi ko na makisabay na lang sa kalokohan ni Levan. Na mabuti din dahil nagets niya agad. "Oh! Oo nga pala you told me kahapon na gusto mo siya. That's nice of you! Kasabay mo pa talaga!" Tuwang-tuwa na sabi ni Mea. Saglitan pa kaming nagpaalam bago umalis na sa loob non. Nakita ko naman agad ang sasakyan ni Lathan na nasa harapan lang pala ng coffee shop na pinuntahan namin. Akala ko kung ano ang gagawin ni Levon ngunit pinapaupo niya lang pala ako sa passenger seat. Ibang klase talaga siya. Paniwalang-paniwala. "Hello, Lathan." Tinignan ko ang kabuuan nito. Mas lalong pumopogi. Kung sakali ay wala din ako balak na gustuhin siya. I'm way out of his league. "Hi, Evanie. Long time no see," Sagot naman niya sa akin. Ngiti na lang ang isinagot ko don. Nakita ko naman si Levon sa salamin na iba ang tingin. Kapag ganyan siya ay baka isipin talaga ni Lathan na may something ako na nararandaman sakanya. Iba talaga ang tama ng kaibigan kong 'to. "Do you guys mind if i answer this call?" Tanong ni Levon bago sagutin ang tawag sa cellphone niya na nag riring. "No/no," Sabay naming sabi ni Lathan. Ngumisi-ngisi nanaman 'to sa akin. Para pa siyang naging shipper namin ng kapatid niya. Ibang klase talaga ang utak ng kaibigan kong 'to, ang hirap talaga intindihin. "Hmm, Tiffany. Why did you call?" Sabi niya dito. Hindi ko naman marinig ang sagot ni Tiffany dahil hindi naman nakaloud speaker ang cellphone niya. Tinignan ko na lang ang view sa daan kesa makinig pa sa usapan nila. "Alright. I'll meet you tommorow morning. And maya-maya pa darating dyan ung pinadala ko na favorite food mo, because i know kakalimutan mo nanaman kumain because of being busy sa schoolworks. Hmm, yes. Goodbye," He said all those words with a gentle voice. Kahit talaga anong move on ko ay mahirap hindi hilingin na sana marandaman ko ang ga'nong pakirandam. Na hindi hilingin na sana ako na lang siya. Ngunit paulit-ulit ko ding sasabihin sa sarili ko na dapat hanggang dito lang ako. I can't overboard. "How are you, Evanie?" Biglang natanong ni Lathan. Sa totoo lang ay awkwardness ang nafefeel ko. "Ah? Ako? I'm doing good. How about you? How's your studies?" Aniya ko, pinilit pa gawing malambing ang boses ko. Iyon ang gusto ng kaibigan kong parang fans namin ng kaibigan niya. "I'm glad you ask that. I'm doing good aswell." Sagot nito sa akin. Ngumiti na lang ako sa sagot niyang 'yon. Kitang-kita ko ba naman ang ngiting-ngiti na mukha ni Levon sa rear mirror. Wala na nagsalita sa amin hanggang sa makauwi sa bahay. "Ah Evanie. Email mo na lang sa akin ung about sa research mo para magawa ko ngayon. Tapos bigay ko na lang din sa'yo bukas. Print ko na din so you don't need to na," Pahabol ni Levon nang makalabas ako. "Thankyou, Levon. Ililibre talaga kita!" Sagot ko dito na malawak ang ngiti. Hinintay kong makaalis ang sasakyan nila sa bahay namin bago ako pumasok sa loob. Nakitako naman si lola na nililinis ang sink namin at ang kamay niya. Lumapit ako sakanya at nangunot ang noo ko nang may makita akong dugo sa manggas ng damit niya. "Ano po 'yang nasa damit niyo?" Tanong ko. "Ah wala 'yan apo. Ketchup lang 'yan. Magpahinga ka na don at kumain, nagawa ko na lahat ng gawain sa bahay." Sagot nito sa akin. Kahit sinabi niya 'yon ay hindi ko maiwasang hindi kabahan. Wala naman kasi kaming ketchup sa bahay dahil alam niyang hindi ako mahilig don. Ganon pa man ay hindi ko na din masiyado iisipin. Maniniwala na lang ako sa sinabi ni lola na 'yon. Nagbihis lang ako saglit at kumain na sa labas. Pagkatapos non ay prente na akong humiga sa kama. Nagpapasalamat ako kay Levon ng sobra sobra. Dahil sakanya ay makakapag pahinga ako ngayon. Best friend ko pa din talaga siya. Iyon nga lang ay we have to set boundaries nga talaga and accept that everything has changed now. Nakita ko ang chat ni Levon sa akin agad ko namang tinignan 'yon. Levon Solivar : Hey, ipapadala ko kay Lathan bukas itong mga research paper mo. Ito na ang bawi ko sa'yo kasi i haven't been able to spend time with you since nagkagirlfriend ako. Don't forget to thank me my dear best friend. Agad naman ako nag type ng ichachat. Kahit kailangan talaga ang isang 'to. Baka magkaissue pa ako bukas e. Bahala na kung saan ibibigay ni Lathan. Pero sana ay makasalubong ko na lang siya sa labas ng university para iwas issue. Evanie Valencia : Really? Napakabait mo talagang kaibigan. Makikita ko nanaman siya, mukhang ikaw ang cupid. Ililibre talaga kita promise. Sa bday ko 'di mo na kailangan mag gift. Nakita ko naman agad ang pagseen nito at typings agad. Mukhang wala nanaman siyang ginagawa. Levon Solivar : I already bought you a gift. Late ka na nang sabi. Anyway, it's not like u owe me anything. I'm doing this because u have a thing called Evanie's Access to me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD