9

2091 Words
Tw : This chapter contain explicit words, such as body shaming. LIKE "Hey, since wala ka naman ng problema sa schoolworks. At wala ka na idadahilan sa akin para 'di masama kasi weekends na," Si Mea. "Oh?" Hindi interesadong sagot ko. "Punta tayo sa birthday party this saturday," Nag-angat ako tingin. "Saturday? Hindi ba bukas iyon?" "Oo. Sumama ka, just so you know. I'm not taking no as an answer," Saad niya at umirap "Saka you owe me din kaya. Ako ba naman ang pinasalubong mo kay Lathan!" "Osige, nakakahiya naman sa'yo." Sinagot ko na lang. Baka iguilt trip lang ako nito ng malala kapag tumanggi ako, kilala ko pa naman siya talagang hindi niya ako titigilan. Birthday party naman kaya baka siguro ay sa bahay lang 'yon gaganapin. Hindi naman siguro sa mga club, 'wag lang sana dahil hindi pa ako nakakapasok sa ganon. "Hello po, Lola! Good evening po!" Ngiting-ngiti na sabi ni Mea. Dumiretso siya sa bahay namin. Ayaw niya daw umuwi dahil walang tao sa bahay nila, hindi ko alam kung ano ang balak niya. Wala namang problema kung dito siya matutulog. Nginitian naman ito ni Lola. "Apo, dito mo na patulugin ung kaibigan mo. Mag-gagabi na din, hindi na ligtas umuwi." Saad ni Lola at nag paalam muli sa amin na dederetso na daw sa kwarto niya. Hindi na ako magtatakha na dito siya matutulog. Dito na nga siya nag dinner e. Kaya kulang na lang talaga ay sleep over. "Feel ko talaga gusto ako ng Lola mo. Hehe. Tsaka alam mo ba kanina, pinaalam kita sakanya. Nag oo na nga e! Hindi mo alam 'yon ano?" Tuwang-tuwa na kwento niya. Tumango na lang ako dito kunyare. Tinatamad ako makipag lokohan sakanya, hindi ko na talaga maisip minsan kung ano ba ang trip ng kaibigan kong 'to. Ang hirap niya ifigure-out minsan. - SATURDAY Nagsuot lang ako ng jeans at croptop. Ayos na 'yon. Tinatamad ako mag dress or maging sophisticated tignan ngayon dahil hindi ko nga kilala kung sino ang mag bibirthday. Napakadami talagang kilala ni Mea, ngunit nakakatakha na ako lang ang kaibigan niya? "Ang simple naman ng suot mo!" Nakatingin na sambit ni Mea sa suot ko. Inirapan ko lang siya at hindi na nagsalita. Inayos ko na lang ang buhok ko dahil naiinitan ako at nakita ko naman siyang binuksan ang aircon ng kotse niya. "Salamat," Tanging naisagot ko. Ang haba na nang buhok ko. Minsan ay gusto ko na itong gupitan ngunit wala pa ako sa isip gawin 'yon. Nanghihinayang kasi ako, ikekeep ko na lang muna ang long black hair ko at tsaka ko na kukulayan at gugupitan pag kontento na ako sa buhay ko. Nagpapatugtog lang si Mea ng kantang sinasabayan niya habang nagdridrive. Nasanay na ako sa ganito niya, nasabi niya na sa akin na mas masaya daw mag drive kapag kumakanta. Umayos lang ako nang upo ng makita ko na huminto na kami. Sinundan ko lang siya habang nilalagay ko sa tenga ko ang buhok ko na nagkalat sa mukha ko. Napahinto ako sa paglalakad ng makita ko na club ang pinuntahan namin. "Sa club 'yong birthday party?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo," Sagot niya at hinawakan ako sa kamay. "Bakit hindi mo sinabi?" Naiinis nang tanong ko. "Nagtanong ka ba?" Sagot naman niya sa akin at mas hinigpitan ang hawak. Wala na'kong nagawa dahil hinila niya na ako papasok sa loob. Hindi nanga kami tinanungan ng ID dahil may ipinakita lang na invitation si Mea ay ipinapasok agad kami. Unang pasok ko pa lang ay dama ko na agad ang amoy ng alak at ingay ng sounds sa loob. Hinila niya ako papalapit doon sa may celebrant. Kaya pala ako kasama dito ay si Jinho ang may birthday. Sikat siya sa field ng architecture ngayon. Napopogian din ako sakanya. Mayaman din ang isang 'to. "Happy birthday, Jinho!" Nakangiting sabi ni Mea at inabot ang paper bag. Bigla tuloy ako nahiya dahil wala manlang ako dalang regalo. Siniko naman ako ni Mea, parang sinasabi niyang batiin ko na ang lalaki. "Happy birthday!" Nakangiting sabi ko na lang. "Sorry wala akong gift." "Don't worry. A kiss would do," Sambit niya habang matamis na nakatingin sa akin. Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang pamilyar na boses. Nagpapasalamat na din ako sa pamilyar na boses na 'yon dahil maliligtas ako sa sitwayon na 'to. "Happy birthday," Si Lathan pala iyon. "Did Levon came here?" "Yes, he's with his girlfriend. They greeted me kanina," Sagot nito kay Lathan. "Oh by the way. What's your name again?" Muli nanamang bumaling ang atensyon sa akin nito no'ng akmang aalis na kami ni Mea. "Kausapin mo na lang basta, ako bahala." Bulong ni Mea sa akin. "Her name is, Evanie. What do you need from her, Jinho?" Si Lathan ang sumagot. "Planning to hit on her?" Saad pa nito at nag bitaw ng nakakalokong ngisi. Seryoso ba siya? Sa itsura kong ito? Gusto niya ako? "I like her. Can't you just find another girl?" Seryosong sabi nito kay Jinho. Jusko, nasa anong sitwasyon ba ako? Seryoso ba ang mga gwapong lalaki na ito na halos sikat sa lahat ng field? Ibang kabaliwan. Nasa utak nila siguro ay naive ako dahil hindi ako katulad nila, ngunit hindi ako basta basta mag papauto sa mga katulad nila kahit gaano pa kagwapo. Hinila na ako ni Mea papaalis don. Tinignan ko naman si Lathan nang may papasalamat noong lumingon siya sa akin. "Ang ganda mo ha! Jinho at Lathan? Astig! Maski nga si Laura iyong sumisikat na teen celebrity ngayon, may crush diyan kay Lathan e!" Sambit ni Mea. "Gusto lang nila makakita ng hindi nila kalevel at inosente. Mahirap maniwala sa lalaki ngayon," Tanging isinagot ko. Inirapan niya ako. "Ang nega mo! Ang ganda ganda mo kaya! Morena na singkit! Bukod do'n ay maganda pa ang kurba ng ka—" Tinakpan ko ang bibig niya. Ayan nanaman siya sa pagsasabi ng itsura ko. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako ro'n, mahirap sa akin paniwalaan ang mga ganyang bagay dahil natrato lang ako na outcast sa highschool life namin. "Ewan ko sa'yo. Pupunta muna ako sa comfort room," Nakasama ang tingin na sabi ko sakanya. Papasok pa lang sana ako doon nang marinig ko ang mga babaeng nag-uusap sa loob kaya pinili ko na mag stay muna sa harap ng pinto. "Are you serious about Levon being your boyfriend? You know i get it naman na he's rich and smart. Pero you could've done better. Pwede namang si Lathan? Lathan is hotter!" Rinig kong sambit ng babae sa loob. Mukhang si Tiffany at mga kaibigan niya ang nandito. Dahil mas lalo pa akong kinain ng curiousity ay nanatili ako sa labas para makinig. "They're twins. What's the difference about that?" Sagot naman ni Tiffany dito. "Err! He's fat. Do you really want the ugly version of Lathan?" Parang nag-init ang dugo ko sa sinabing 'yon ng kaibigan niya ngunit wala akong magawa. Ang mas nakakainis pa lalo ay nag-tagal ako doon, ngunit wala manlang sinabi si Tiffany. Inibahan niya lang ang topic at nag tanong sa lovelife ng kaibigan. Gusto kong pumasok doon at makialam ngunit labas na ako doon. At kapag sinabi ko kay Levon ay baka ako rin ang mapasama at mag mukhang sinisiraan ko ang nobya sakanya. Ayoko rin masaktan siya sa maririnig. Iritado akong umalis doon at nag tungo sa table namin ni Mea. Nakita ko agad na may alak sa table namin at pagkain. Hindi ako nag dalawang isip kunin ang bigger size ng baso at salinan 'yon ng alak at nilagok ko agad. Ito ang first time ko na iinom, ito na lang ang maaari kong gawin para mawala ang inis na nararandaman. "Hoy! Ano ang nangyari at inis na inis ka at napainom ka pa ng alak!" Usal ni Mea sa akin. "Wala, narinig ko lang 'yong mga kaibigan ni Tiffany na binobody shame si Levon. Wala akong magawa," Sagot ko at uminom ulit sa pangalawang baso. "Mataas alcohol percentage niyang iniinom mo. Dibale! Mag lasing ka! Kaya naman kitang ihatid!" Sabi niya. "At nakakainis iyong mga 'yon ha? Kung wala nga lang girlfriend 'yang si Levon ay baka nag papansin ako dyan. Crush ko 'yan e. Iba ang dating niya 'no!" Sambit niya, naiinis na din. Sabay naming tinignan sila Levon sa kabilang table. Ngiting-ngiti sakanya ang kaibigan ni Tiffany na parang walang sinabi ito na kasamaan sakanya kanina. Iba talaga ang kaplastikan na meron siya. "You're drinking?" Si Lathan. "Hayaan mo na. Badtrip 'yan kasi," Si mea ang sumagot. Hindi ko namalayan na nakakalahati ko na pala ang alak sa harapan ko. Kaya pala nahihilo na ako. Hindi ko naman alam na dahil sa inis na nararandaman ay susunudsunurin ko ang pag inom. "It's my first time seeing you drink. By the way, becareful of jinho. He likes sleeping with girls then just throw them after being done with them. It's like doing a business," Sabi niya sa akin na parang hindi niya ang kaibigan ang binabanggit. "Sure! Sure!" Nakangiting sabi ko. Tinatamaan na ata talaga ako. Muli akong uminom. At sa pang limang inom ko ay randam ko na talaga ang hilo. Ganito na ba kababa ang alcohol tolerance ko? "Wala ako regalo sa'yo nung birthday mo. Lapit ka na lang sa akin, I'll give you your gift!" Nakangising sabi ko. Natuwa naman ako nang lumapit talaga siya sa akin. Nilapit ko ang sarili sakanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi. "That's my gift!" Tuwang-tuwa na sabi ko na may kasabay na palakpak. "Evanie!" Aniya ni Mea at agad akong pinaupo ulit. "Jusko ito ba ang habit niya kapag lasing? Nang hahalik? Pagsisisihan mo talaga 'to bukas!" Rinig kong sabi nito, ngunit parang wala manlang ako pake sa sinasabi niya dahil hindi na 'yon clear sa akin. Hinalikan ko din siya sa pisngi. "That's my gift for you!" "Thank you ha?! Ibang klase ka mag bigay ng regalo," Sarkastikong sabi nito sa'kin. "Ah lathan. Iuuwi ko na 'to ha? Mali pala na sinama ko itong kaibigan ko na 'to sa party. Sa susunod ay hindi na talaga!" Inis na sabi no Mea na akbay-akbay ako sakanya. "I'll help you with her. Buhatin mo na lang ang mga gamit niyo," Narandaman ko naman na ipinasan ako ni Lathan. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Levon at Tiffany. Nakita ko ang nakasandal na ulo ni Tiffany sakanya, pinanood ko silang dalawa at nakita ko na itinuro ni Tiffany ang noo niya kay Levon na para bang hinihingan niya ito ng kiss. Nakita ko naman ang ilang beses na pag halik ni Levon sa nobya. Nawala lang ang paningin ko sakanila no'ng nakapag paalam na si Mea. "What's the reason she drink?" "Hindi ko rin alam e. First niyang uminom kaya, mabilis malasing. Hindi manlang ako nakapag saya dahil sa kaibigan kong naging impulsive sa actions," Narandaman ko ang pagbaba ni Lathan sa akin sa passenger seat. Bago niya isara ang pinto ay iniharang ko ang kamay ko dahilan para lumapit siya sa akin. "Gusto mo ba ako, Lathan?" A sudden question just popped into my head. Hindi ko alam saan ako kumuha ng lakas na itanong 'yon. "Kung oo? Will you able to handle it? Are you willing to like me back?" Tanong niya. Kahit malakas na ang tama ko ay nagawa ko pa din 'yong pakinggan. "No, I only like Levon my whole entire life! Alam mo 'yon? Tipong i'm willing to stay as like this para manatili lang ako sa side niya," "Then why bother asking? If you can't why bother asking, Evanie?" Seryosong sagot nito sa akin at inilapit ang mukha. "I can't reciprocate the same feeling but i can do this," Saad ko at inilapat ang labi ko sakanya. Alam kong hindi siya gumalaw kaya mas hinawakan ko ang braso niya para mapalapit sa akin. narandaman ko na lang ang pag hila sa akin ni Mea papalayo sakanya. I don't know if he likes it or not. Kung hindi ay bakit wala siyang ginagawa? Isn't that weird? "Lathan sorry, Lathan sorry! Sisigaraduhin ko na mag sosorry ang kaibigan ko sa'yo bukas. Lasing lang talaga kaya niya nagawa 'yon. First time kasi uminom," Rinig ko pang pag hingi niya ng tawad kay Lathan, bago magmaneho papaalis sa club. "Bwisit ka talaga, Evanie!" Natawa lang ako sa ginawa nitong pag hampas sa akin. "Bukas ay baka mahihiya ka na ipakita mukha mo kay Lathan!" Natawa lang at ako at the next i knew, sobrang nawasted na ako sa kalasingan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD