10

2068 Words
CHUCKIE Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Kahit masakit ang ulo ko ay pinilit kong ilibot ang paningin, doon ko lang napagtanto na nasa kwarto pala ako ni Mea. "Mea, anong nangyari kagabi?" Tanong ko sa kanya dahil nakita ko siyang mukhang kakaligo lang dahil nagsusuklay ng buhok. Malinaw naman sa akin ang narinig ko kagabi tungkol kay Levon, kaya ako nag lasing. At naalala ko pa kung paano ako uminom ng marami nakita ko pa nga si Lathan. Ang problema ay hindi ko na alam ang problema pagkatapos ng mga bagay na 'yon. "Hinalikan mo lang naman si Lathan sa pisngi! At alam mo pagkatapos ha? Hinatid ka na nung tao sa kotse, tapos ang ginawa mo hinila mo siya tapos hinalikan mo sa labi! Isa kang malaking gaga, Evanie!" Walang pigil ang bunganga na sabi niya. Unang rinig ko pa lang sa unang word na sinabi niya ay parang gusto ko na mamatay sa hiya. Ano naman ang kinain ko para halikan si Lathan? Siraulo ba ako? Baka kung ano na talaga ang isipin niya sa akin! "Ano namumula ka dyan e 'no? Mamatay ka dyan sa hiya. Itext mo na lang siya at mag sorry ka," Sabi pa niya ulit. "Pahiram ng damit mo, maliligo muna ako," Sabi ko at dumiretso na sa banyo. Hindi ko nanga alam kung ano paba ang dapat kong isipin. Nalimot ko na din ata si Lola na baka nag-aalala sa akin, dahil hindi ako nakauwi. Nakakaloko naman kasi ang ginagawa kong 'yon. Ano nga ba ang pumasok sa isip ko at ginawa 'yon? Hindi ba dahil nakikita ko lang siya kay Levon? Pero kahit saan ko tignan ay mali. Hindi lang isang beses na hinalikan ko siya kundi dalawa. Nang dumampi sa balat ko ang malamig na tubig ay doon lang ako nahimasmasan. Hindi ko alam kung paano haharap kay Lathan ngayon. Ang gagawin ko na lang muna siguro ay mag sorry sa text, nahihiya pa ako humarap sakanya. May pasok pa naman ako bukas. Mabilisan lang ako nagbihis gamit ang damit na pinahiram ni Mea. At saglit na ding nag-ayos. Pinakain niya pa nga ako bago ihatid sa amin. Nakakahiya na ihahatid niya pa ako dahil inalagaan niya pa ako nung lasing ako. Salamat talaga at meron pa din akong si Mea. "Bye! See you bukas!" Paalam ni Mea bago paandarin ang sasakyan papaalis sa bahay namin. Pagpasok ko sa pinto ay nakita ko si Lola na natutulog sa upuan nakasandal siya do'n. Walang nakalutong pagkain kaya kahit kakauwi ko lang ay pinaglutuan ko siya. Nang matapos ako ay ibinaba ko lahat ng pagkain sa hapag. Hindi ko na inoopen ang karinderya namin dahil wala akong time. May ipon naman na kami ni Lola na pera na ginagamit namin pangkain ngayon. Sa allowance ay hindi ko na kailangan mag worry dahil kay Tita lonia at Tito Luxon. Sila naman ang nag papaaral sa akin, at sobrang laki talaga ng utang na loob ko sakanila. Saglit pa akong nag-linis ng bahay. Wala namang masiyadong kalat. Habang nag lilinis ay napatingin ako sa picture naming dalawa ni Levon. Nakasandal siya sa akin habang nakapeace sign kaming dalawa. Hindi ko namalayan ang nag babadyang luha sa mata ko na agad ko ding pinunasan. Ang hirap talagang intindihin. Hindi ko maisip kung bakit kailangan natin magkagusto sa taong hindi kaya ibalik ang nararandaman natin. Ngunit ang pinaka mahirap ay kahit gaano mo sila kagusto, mahirap silang pilitin na gustuhin nila tayo pabalik. Maraming beses kong iisipin na kontento na ako sa ganito. May mga taong nag mamahal sa akin. Kailangan ko nang tigilan ang pag-iisip na mararandaman ko lang ang kasiyahan kapag nandyan siya dahil buong buhay ko ay siya na din ang nag bigay kasiyahan sa akin. Napakahirap kumbinsihin ang sarili ko na okay lang. Bumuntong hininga na lang ako at hinanap ang contact name ni Lathan sa cellphone ko. To : Lathan Lathan, sorry kagabi. Hindi ko na talaga alam ginagawa ko. Sorry sana wala kang isipin na mali sa ginawa ko, sorry. Iyon lang ang tangi kong sinend na text sakanya at tinignan ang text sa akin ni Levon. From : Levon Hey! I heared from Mea, na hinalikan mo si Lathan. See! Antagal mong dineny pero bigla ko mababalitaan na hinalikan mo? How could you keep a secret from me? Natawa na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Wala nga siyang alam na hindi siya ang dahilan kung bakit nangyari 'yon. Binasa ko ang isa niya pang message na siyang ikinangiti ko. From : Levon Birthday mo na next week sa monday. I know hindi ka mag hahanda. But if you don't mind! Kain tayo sa labas, isama mo si Lola and Mea. Of course isasama ko si Mom and Lathan. Dad wouldn't be there because he's on a business trip. Dahil sa ganitong gawain niya ay nafefeel kong may pamilya ako. Hindi ko tuloy maiwasan marandaman ang excitement pero nahihiya ako humarap kay Lathan dahil sa ginawa ko sakanya. Nakakahiya talaga. Ano na lang kaya ang inisip niya sa ginawa kong 'yon? Ang lakas naman kasi ng apog ko halikan siya. Nag tipa ako ng irereply ako sa text ni Levon. Ako : Thank you, Levon! Pagkatapos non ay ibinulsa ko na ang cellphone ko. Tumingin naman ako kay lola na hindi pa din gising. Inayos ko lang ang buhok niya at dumiretso sa pintuan namin. Narinig ko kasing may kumakatok. Pag bukas ko ng pinto ay iniluwa non si Levon na may dalang pagkain. Nakita kong dalawang malaking chuckie 'yon at sa isang kamay niya ay mansanas. "Pasalubong ko sa'yo at kay Lola," Aniya at nakangiting itinaas ang dalawang supot na hawak. "Asan si Tiffany?" Tanong ko. Napakabiglaan naman kasing nandito siya. Nasanay na ako na lagi niyang kasama 'yong si Tiffany. "Ah nasa birthday siya ng friends niya. Wala siya dito mag damag. All girls daw 'yon so hindi niya ako masasama," Sagot nito sa akin at pumasok na sa loob. Tumango na lang ako sa sinabi niya kahit iba ang kutob ko, dahil sa narinig ko kagabi. Ngunit ngumiti na lang ako dahil ayoko makialam sakanilang dalawa. "And, how does it feel to kiss your crush?" Biglang tanong nito na siyang ikinaiba ng expression ko. Nangangasim ang mukha na tinignan ko siya. "Pumunta ka ba dito para asarin ako kasi wala si Tiffany? Nandon ang pinto," Natawa naman ito sa ginawa kong pag turo sa pinto sakanya. Seryoso ako sa bagay na 'yon. Aba'y wala talaga akong balak na makipag lokohan sakanya. Lalo't pagod nanaman ako bukas. "Okay okay! Hindi na kita aasarin okay? Is it bad to miss my best friend?" Tanong nito sa akin at inakbayan pa ako. "Oo masama. Lalo na kung balak mo lang bwisitin," Sagot ko at inalis ang pag kakaakbay niya sa akin. Kahit anong gawin ko ay hindi na ako sanay sa ganito. Kaya wala na akong magagawa. Tinignan ko ang mukha niya. Ang inosente at masaya, walang kaalam-alam na ayaw ng mga kaibigan ng nobya niya sakanya. "Levon," "Hmm?" "Ano gagawin mo kapag nag hiwalay kayo ni Tiffany?" Tanong ko. Nanaas naman ang kilay niya na napalitan din ng ngiti. "Edi lalapit ako sa'yo? Saan nga ba ako hahanap ulit ng fun? Edi sa best friend ko! You're like a home to me. But Tiffany is just my everything," Ngumiti na lang ako sa sinabi niyang 'yon. Ako pa din ang naiisip niyang lapitan sa oras ng kalungkutan. Mahal na mahal niya na talaga siguro ngayon si Tiffany. Sana ay huwag niya saktan si Levon. Dahil nakikita ko kung gaano kapure ang intention niya dito. A love like this don't always come. Sa panahon kasi ngayon ay halos lahat may iba ibang issue. So i hope Tiffany won't hurt someone like him, at sana 'di niya din saktan si Tiffany. "Inlove na inlove ah? Habang ako single pa din!" "Sus. Gumagawa ka na nga ng move kay Lathan. Nag cocomplain ka pa din?" Sagot niya sa akin. Gumagawa ng move? Iba talaga ang utak niya. Napakamaissue din e. Ang kagagawan ko no'ng lasing ako ay move na? Kulang na lang ay sasabihin niya na din ata kay Lathan ang nararandaman ko dito na wala namang katotohanan. Bahala nanga basta masaya siya sa ginagawa niyang kalokohan. "Puro ka kabaliwan," Tanging isinagot ko na lang. Naglibot-libot lang ito sa bahay at nag mano kay Lola na gising na. Ngayon lang ulit nangyari ang ganitong eksena. Ngayon ko lang siya ulit nakasama na kami lang. Hindi ko alam pero habag tinitignan ko si Lola ay napapansin ko talaga ang pang hihina niya nitong mga nakaraan. Ilang beses ko na siyang tinatanong tungkol dito ngunit puro 'wala lang ito' ang isinasagot niya kaya ayoko na din kulitin. Baka matanda na lang talaga ang lola ko kaya nang hihina. Pansin ko din ang madalas niyang pag tulog na naiintindihan ko naman dahil baka nabobored siya dito. Tinignan ko si Levon na kinukulit na si Lola at pinagbabalatan pa ito ng mansanas dahil natapos na ito kumain. Lumapit ako sakanila at inayos ko na ang mga pinag kainan ni Lola. "La, ano gagawin mo kapag 'yang si Evanie ay nagkanobyo?" Tanong ni Levon dito. Bigla ko tuloy ito gustong bigwasan dahil sa mga tanong. "Matutuwa ako apo, dahil may mag aalaga na sakanya," Nakangiting sabi ni Lola na hindi ko ineexpect. Bakit naman niya agad ineexpect ang mag aalaga sa akin? Pero nawala din ang nasa utak kong 'yon ng nagsalita si Levon ng kalokohan. "Si Lathan, la? Ayos lang po ba siya kay Evanie?" "Mas gusto ko kung ikaw. Dahil matagal na kayong magkakilala, Levon apo." Sagot ni lola na syang kinagulat ko. Napabilis tuloy ako sa pag-aayos ng mga plato sa lalagyanan dahil sa gulat sa sinabi ni Lola. "Naku! Masama po 'yan dahil may nobya na ako, Lola. Mahal ko 'yon," Nakatalikod man ako pero alam kong nakangiti si Levon dito. Randam ko sa boses niya ang tuwa. "Ganon ba? Edi sayang naman kung ganon, apo," Gusto ko talagang lamunin nalang ng lupa. May idea ba si lola na may gusto ako kay Lathan kaya ganito ang sinasabi niya ngayon. Ngunit nakakahiya talaga. Lumapit na ako sakanilang dalawa at nakisali sa usapan. Nakita ko naman na nag hiwa si Levon ng mansanas at isinusubo pa sa akin ang nahiwa niyang 'yon. Para sa amin ay normal na ang aksyon na ganon, dahil wala na ring malisya. Binuka ko na lang ang bunganga ko para kainin ang isinusubo niya. Tinignan ko si Lola na nakangiting nakatingin sa amin. "Ansarap nito ha? Sarap talaga ng mga mansanas na dinadala mo!" "Syempre. Galing 'yan ibang bansa e," Aniya, nagbibiro. Dati ay nagdala siya dito ng pagkain. Akala ko nagbibiro siya nung sinabi niyang galing 'yon sa France ngunit totoo pala. Kaya ngayon ay nag dadalawang isip ako kung nagbibiro ba talaga siya. Nag usap-usap lang kaming tatlo doon. Hanggang sa naisipan naming manood ng movie. Hindi ko alam kung ano 'yon ngunit si Lola ang namili kaya talagang old movie na 'yon. Kami naman ni Levon ay tumabi na lang sakanya. "Wow si Fernando poe. Astig, gusto ko maging tatay 'yan e," Saad ni Levon na siyang ikinatawa ko. Mahina ko naman siyang tinapik. Kita niyang seryoso kaming nanonood dahil nag babarilan, siya naman ay nag iisip ng kalokohan na sasabihin. "La, kung ganyan lang ako kay Fernando Poe. Ipagyayabang mo ba ako?" Tanong niya kay Lola. Nakita ko namang natawa si Lola sa sinabi niyang 'yon. "Oo, apo." Nakikisabay na lang na sabi ni Lola. "Sige, la! Ipapapalit ko na din ang pangalan ko. Gagawin ko talagang fernando poe, at aaralin ko bumaril," "Puro ka kabaliwan," Bulong ko. "Hoy! 'wag kang ano dyan, Evanie! Hindi mo alam baka ako ang reincarnation ni FPJ!" Tuwang-tuwa nanaman si Lola sa kabaliwan ng kaibigan kong 'to. Natigil lang si Levon sa pagiging baliw ng mag ring ang cellphone niya. "Sagutin ko muna 'to, Lola, Evanie?" Tinanguan ko lang 'to. "Yes, Tiffany? Hm? I'm in my friend's house right now. Kumain na'ko. And you? You should eat okay? Hindi ka makakatas sa pagkain dahil lang nasa party ka. Dadalhan kita pagkain pag-uwi mo mamaya," Narandaman ko na lang ang mahinang pag hagod ni Lola sa likod ko. Mukhang pati siya ay nararandaman ako. Kahit pala anong pigil mo sa sarili mo na marandaman ang isang bagay. Hindi mo pa din maiiwasang hindi masaktan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD