11

2023 Words
BOTHERSOME "Evanie, narinig ko kay Lola kahapon na bumisita daw si Levon sainyo. Ano ginawa niya?" Aniya ni Mea, nakikisusyo. "Wala, bumisita lang," Tanging isinagot ko. Tinatamad ako mag-salita dahil nagrereview ako ngayon. Kaya sa halip na kausapin pa siya ay itinutok ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng libro. "Ano kaba dyan! Weekend nagbabasa ng libro? Tsaka birthday mo bukas! Napaalam ko na kay Levon na sasama ako." Tumango na lang ako. Hindi ko alam kung anong meron sa akin ngayon at parang wala akong gana gawin ang lahat. Siguro bukas ay aayos din ako. Dapat nga talaga ay masaya ako ngayon at hindi ganito na parang wala nanaman sa mundo. "Sinama kita dito sa Coffee shop na 'to para ilibre sana. Kaso ikaw ang ginagawa mo naman ay dala dala ang libro at nagbabasa," Ungot niya na hindi ko na lang pinansin. Nasanay na ako sakanya. "Uy 'yong girlfriend ba ni Levon 'yon?" Bulong sa akin ni Mea. Tinignan ko naman tinitignan niya. Si Tiffany nga 'yon. Malapit lang ang inupuan nila sa amin. Mukhang hindi niya rin ako napansin. "When are you planning to break up with Levon?" Rinig kong sabi ng kaibigan niya. Napatingin naman sa akin si Mea. Mukhang hindi niya rin nagustuhan ang narinig. Sinensyasan ko siya na makinig lang at wag gumawa ng kung ano. "I don't know. By the way, I saw Vince yesterday. He's still handsome as ever. Should i get back to him, and break up with Levon?" Si Tiffany. Maiintindihan ko pa sana kung mga kaibigan niya lang ang nagsasabi nito. Ngunit siya na mismo, ang girlfriend ni Levon. Ang nag sasabi. Ako ang nasasaktan para sakanya. Sobrang mahal siya ng kaibigan ko. "Its your choice. Tsaka huwag muna. That boy Levon. May pakinabang pa siya. Too early for him to know that you're just playing with him," Hindi na ako nakapag timpi kaya tumayo ako. Gustong-gusto ko siyang buhusan ng tubig sa mukha. Mabuti na lang at talaga na meron si Mea na hinila ako papalabas doon. Hindi ko alam kung makakapag pigil pa ako. "Gaga pala 'yon e! Grabe naman siya kay Levon, paano niya nasasabi 'yon?" Galit na ding sabi ni Mea. "Hindi ko alam. Kailangan ko puntahan si Levon. Samahan mo ako," Tanging naisagot ko na lang. Nakakuha naman agad si Mea ng taxi na sasakyan namin. Sumakay ako kaagad don at sinabi ko na ang address ng pupuntahan namin. Tanging galit lang ang nararandaman ko ngayon dahil buong akala ko ay mahal niya talaga ang kaibigan ko. Ibang klase ang babaeng 'yon. Nang makarating kami ay saktong nasa labas na si Levon. Nakita ko siya na nakabihis mukhang may pupuntahan. Pasakay na sana siya sa sasakyan nila ng agaran akong lumabas sa taxi at pumunta papunta sakanya. "Bakit hingal na hingal ka?" Tanong nito sa akin. Agaran din namang lumapit si Mea sa akin at kumapit sa braso ko. "Levon, nakita ko 'yong girlfriend mo kanina habang nasa coffee shop kami. May mga narinig ako na hindi maganda," Nakita ko agad ang pagbabago ng ekspresyon ni Levon. "What is it?" Seryosong tanong niya sa akin. Lumingon muna ako kay Mea at sumenyas na 'wag siyang mag salita at hayaan lang ako sa mga sasabihin ko. "Narinig ko iyong kaibigan niya na tinatanong kung kailan makikipag break sa'yo si Tiffany. At narinig ko namang sinabi ni Tiffany na nakita niya daw si Vince. I think ex niya 'yon. Narinig ko din silang sinasabi 'yon lahat," Seryosong sabi ko at huminga muna ng malalim bago nagsalita. "Levon, tingin ko pinagtritripan ka lang ni Tiffany." "Where did you saw them again?" Tanong nito. "Coffee shop," Inilabas nito ang cellphone niya at mariin na ihinirap sa akin ito. Nakita ko ang picture ni Tiffany at mga kaibigan niya na nasa mall. "This was sent by Tiffany 20 minutes ago," Walang reaksyong sabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Mea. "Totoo ang nakita ko! Totoong narinig kong sinasabi nila 'yon sa'yo? Hanggang kailan ka magpapalaro sa babaeng 'yon?" "Just leave, Evanie." "Ha?" "Didn't you hear me? I said leave. I don't like how you ruined my girlfriend's image to me. Gusto mo ba kami mag break? Ayaw muna kita makita sa ngayon. Stop fooling me with your blunt lies, Evanie." Usal niya na ikinagulat ko. Ibang-iba ang Levan na nasa harapan ko. Ang hindi ko ineexpect na sasabihin niya at sinabi niya sa akin ngayon ng harap-harapan. Gusto ko pa sanang sumagot ngunit hinila na ako ni Mea papaalis doon. Hinila niya na ako papunta sa taxi. Hindi ko alam kung bakit nag hihintay pa din ung taxi sa'min o baka sinabi ni Mea na hintayin niya kami dahil alam niyang posibleng mangyari 'yon. Narandaman ko ang pag-iinit ng mata ko na siyang sunod-sunod na pag tulo ng luha ko. Sa ginawa ko ay ako pa ang nag mukhang mali at masama. Tama nga ang pakirandam ko noon pa lang. Na hindi ako nararapat na makialam sa relasyon nila dahil ako pa ang mag mumukhang masama at naninira. Hindi naman dahil sa gusto ko siya may intensyon na akong sirain sila. Concern lang ako sakanya bilang kaibigan niya, hindi ko lang ineexpect na magiging ganon ang reaksyon niya. "Birthday mo pa naman bukas. 'Yon ba ang sinasabi niyang birthday gift? Ang ganonin ka? Grabe years kayong mag kaibigan, hindi ba niya naisip na hindi mo naman ugali manira?" Si mea. "Hayaan mo na," Tanging naisagot ko. Kung ganon nga talaga ay wala na akong magagawa at mananahimik na lang. Wala na rin naman akong pake kung birthday ko man bukas. Isa lang din 'yang araw na dadaan. "Wala na akong planong mag celebrate bukas. Huwag ka na rin mag punta sa bahay namin kung may binabalak ka. Itrato na lang natin bilang normal na araw," Alam kong nakarandam siya dahil sa himig ng lamig sa boses ko, kaya hindi na siya nag salita muli. Mas mabuti na din 'yon dahil walang wala ako sa sarili para kausapin pa siya o ano man. "Tara sa bahay niyo. Gusto kong uminom," Salitang kusang lumabas sa bibig ko. Libre sa bahay nila dahil wala naman doon ang magulang niya kundi mga house maids. "Sige ba!" Natutuwang sabi niya. 19 na ako bukas. Malapit na mag bente palapit na nang palapit ang oras sa akin. Nang makarating kami sa bahay nila Mea ay agad kaming umakyat papunta sa kwarto niya. Umupo naman ako sa kama niya na malambot. Napakaganda talaga ng disenyo ng kuwarto niya. Green ang kulay ng gilid gilid ang ganda sa mata. Pumunta siya sa mini ref niya at nag labas doon ng beer. Mahilig siya dito. Siguro pwede naman na ako sa alak dahil 18 na ako hindi ba? Kinuha ko 'yon sa kamay niya at agad na ininom. Hindi ko na rin ininda ang mapait na lasa non. Basta narandaman ko na lang ang init na nararandaman sa lalamunan ko. Inabot kami ng ilang oras sa pag iinom. Hindi ko kasi agad agad na inuubos. Marami ring kwinekwento si Mea na pinapakinggan ko lang. Kwinekwento niya iyong mga school mates namin. Nabanggit niya nga rin si Tiffany na akala niya raw ay mala anghel. "Ang kapal niya ha? Magkaibigan kami ng ilang taon? Hindi man lang ba niya ginusto maniwala sa akin?" "Lasing ka na. Nakakailan ka na e," Sinagot lang ni Mea at kinuha ang beer sa kamay ko. "Uuwi na ako," Isinagot ko sakanya. Parang hindi nga siya nalasing. Isa lang kasi ang ininom niya. Puro kain ang ginagawa, hinahayaan niya lang ako sa ginagawa. Masaya akong naging kaibigan ko siya. Hindi ako nag-iisa. "Ihahatid na kita," Sagot niya. Inakay niya ako pababa sa bahay nila. Nag kusa na akong sumakay sa kotse at nag pabango pa para 'di gaano maamoy ang alak sa akin. Hindi ko gustong maamoy ni Lola ang alak sa akin. Baka isipin niya ay nag sasaya lang ang ginagawa ko at uuwi pa ako ng gabi na lasing. Hindi naman ako ganon nalasing. "Andito na tayo," Aniya ni Mea. "Ihatid paba kita papasok sa loob?" "Kaya ko. Salamat Mea," Tugon ko. Tinanguan lang ako nito at umalis na sa bahay namin. Lunes pa naman bukas at heto ako ngayon nakainom. Mukhang sinusulit ko ang linggo. Sana ay nag review na lang ako. Nang makarating na ako sa bahay ay napatingin ako sa pintuan namin. May sapatos ng lalaki doon. Kaya agaran akong pumasok, at bumungad sa akin si Lathan na pinag bubuksan ng orange si Lola. "Lathan?" "Oh you're here!" Sumilay ang ngiti sa mukha nito. Lumapit naman ito sa akin. Nagulat pa ako sa biglaang paglapit ng mukha niya sa tenga ko. "I smell alcohol in you. You should changed first," Saad niya. "Salamat," Isinagot ko na lang sakanya. "Lola, andito na po ako," Aniya ko kay Lola at nag mano muna bago mag palit. Mukhang aliw si Lola kay Lathan kaya hindi niya na ako naamoy. Pumasok ako sa kwarto at nag shower muna. Pagkatapos ay nagpalit kaagad ako. Tinignan ko ang sarili sa salamin at tinali ko na din ang buhok ko. At nag polbo para hindi gaano mahalata ang pagkaiba sa mukha ko ngayon. Nang makalabas na ako sa kwarto ay tinawag ko muna si Lathan para makausap. "Bakit ka nga pala nandito Lathan?" Tanong ko. "I'm here to say sorry on the behalf of Levon. Narinig ko kasi ang nangyari. I hope you forgive him, Evanie. Maski ako ay nagulat sakanya. Mahal niya lang siguro si Tiffany," Nakakatuwa naman ito. Imbis na si Levon ang nagsosorry ay siya ang nasa harap ko ngayon. Sobrang magkaiba talaga sila. Mukhang hindi na rin ako gusto ni Levon para sa kapatid dahil sa nagawa ko. "Ayos lang 'yon. Hindi mo kailangan pumunta dito para mag sorry," Sabi ko. "Dapat nga ako ang mag sorry dahil sa nagawa ko sa'yo nung nalasing ako." "It's okay. Huwag mo na masiyadong isipin 'yon," Nakangiting sabi ni Lathan. Ngumiti na lang ako pabalik. Mabuti naman at wala na sakanya 'yon. Hiyang-hiya ako sa nangyari pero parang ala lang iyon sa akin ngayon dahil siguro sa epekto ng alak. "Ako ba first kiss mo?" Tanong na kusa na lang lumabas sa bibig ko. "Actually, yes. Should i thank you for stealing my first kiss?" Nakangiti pang sabi niya. Paano niya nasasabi 'yon ng walang awkwardness? Siguro kung si Lathan lang ang nauna kong nakilala ay baka sakanya ako nag kagusto. Hindi siya mahirap magustuhan. Ngunit ngayon ay talagang 'di ko lang makita ang sarili ko na magkaroon ng kahit anong romantikong nararandaman sakanya. "Oo. You're welcome na rin," Sabay kaming natawa sa isinagot ko na 'yon sakanya. "Kanina ka pa ba dito?" Tanong ko. "Yes. Isang oras na ako dito. But it's fun to be with your grandma. She told me a lot of stories about you and Levon," "Ah," Tumango-tango na lang sabi ko. "Nalaman ko din na chuckie ang favorite mo. I should've gave you 100 pieces of chuckie bilang peace offering," Aniya. Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya o hindi pero sana ay nag bibiro na lang. Silang magkapatid pa naman ay seryoso kapag may sinabing bibilhin. "Uy! Sira! Ayos lang naman ako. Mag aabala ka pa sa gagawin mo," "It's not bothersome if its you, Evanie." Biglang seryosong sabi niya na ikinagulat ko Mabuti na lang talaga at tinawag siya ni Lola. Hindi ko siya makayanan. Gusto niya ba ako o sadyang friendly lang siyang tao? Mas magugustuhan ko pa kung friendly lang siya kesa sa gusto ako. Nanatili lang ako sa kinakatayuan ko. Tinitignan lang silang dalawa hanggang aa tinawag na din ako ni Lola papalapit doon. Iyon pala ay bibigyan niya ako ng orange. May mga mansanas din doon na nahiwa. Mukhang si Lathan ang naghiwa noon lahat. "Evanie apo, asan si Levan?" Tanong ni Lola. "Busy po siya Lola. Baka kapag hindi na 'yon busy ay pupunta rin iyon dito," Si Lathan ang sumagot. Hindi ko alam kung pupunta ba ulit si Levon dito. Sa ilang taon namin na pagkakaibigan ngayon lang kami nag away. Sinabi ko lang naman sakanya ang narinig ngunit sa hulig ako pa ang mali.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD