12

2008 Words
BIRTHDAY Birthday ko ngayon. Ngunit nasa school ako. Hindi ko alam kung ano ang plano ko mamaya, pero siguro, icecelebrate ko na lang kasama si Lola. Mas maganda pa iyon. Sa mga ganitong pagkakataon ay dapat hindi ko iniisip si Levon. Walang oras para isipin siya. Kung gusto niya akong huwag kausapin ay 'wag. Dahil kung point of view niya nga lang talaga ay sobrang mali ako. "Happy birthday!" Ngiting-ngiti na sabi ni Mea at inabot sa akin ang isang paper bag. Lunch time namin ngayon kaya nakakapag usap nanaman kami. Mamaya naman ay dalawang klase lang ang aattendan ko kaya makakauwi rin ako kaagad. "Tama na pagiging malungkot. Since ayaw mo naman ako papuntahin sa bahay niyo mamaya. Reregaluhan na lang kita," Niyakap ko siya ng mahigpit, "Salamat." Napatingin naman ako sa paparating ng marinig ko ang bulung-bulungan sa likod. Si lathan iyon. May hawak siya na dalawang paperbag. "Lathan!" Nakangiting bati ko at kumaway. "Here's my gift for you. Happy 19th birthday," Ngumiti naman ako at kinuha sakanya ang mga paper bag na hawak niya. Halatang kay Tita lonia iyong isa. Hindi niya talaga ako makakalimutan. Niyakap ko naman si Lathan. "Salamat!" "Boyfriend niya si Lathan?" Rinig kong sabi ng isang babae sa gilid namin. "You're welcome. Aalis na ako. I will come to your house later. I know Levon wouldn't be there," Bago pa ako makasalita ay naglakad na siya papalayo. "Oh? Since pupunta si Lathan mamaya. Syempre kasama na ako diba? Anong best friend ba naman ang hindi aayain ang kaniyang kaibigan sa birthday niya!?" "Bahala ka," Kahit papaano'y nakangiti na ako buong klase namin hanggang matapos. Pero nakakalungkot pa rin talaga na hindi kami magkaayos ni Levon at wala rin akong lakas ng loob humingi ng sorry sakanya. - Habang nag aabang ako ng trycicle ay nagulat ako ng nakita ko sa gilid ko si Tiffany at Levon. Mas lalo pa akong nataranta noong naglakad sila papalapit sa akin. Tinignan ko si Levon, ngunit tinignan niya lang ako na parang hindi niya ako kilala at nilagpasan lang din ako, na parang dumaan siya sa multo. Napabuntong hininga na lang ako at sumakay na sa trycicle. "Doon na lang po sa St. M***** Street Kuya," Nang makarating kami sa may kanto ay nag pababa na ako. Lalakarin ko na lang papunta sa bahay namin. Ibinigay ko na ang bayad ko at bumaba doon. Habang naglalakad ay napukaw ng atensyon ko ang magpapamilya na nag pipicture sa bahay nila. Buong-buo at halatang masaya. Ito ang pinakaunang pinangarap ko noong bata ako. Napakahirap talaga lumaking nangungulila sa pagmamahal na hindi mo alam kung saan mo hahanapin. Pero salamat pa rin at nandyan si lola sa tabi ko. At si Levon na ngayon ay halos parang hindi na ako kilala. Binuksan ko ang pinto namin at bumungad sa akin si lola na nakahawak sa tiyan niya at tila may iniindang sakit. Tumakbo ako papalapit kay Lola dahil sa sobrang pag-aalala. "Lola ano pong nangyayari?" Nag iba ang ekpresyon ng mukha niya ng makita ako. "Ah wala ito apo. Huwag mo na akong abalahin," "Sure po ba kayo? Gusto niyo po ba ay mag punta na tayo sa hospital?" "Gastos lang 'yan, apo. Birthday mo pa naman ngayon. Nilutuan na kita ng paborito mong pancit sa lamesa. Pupunta lang ako saglit sa banyo," Kahit alalang-alala na ako ay hinayaan ko na lang si lola na pumunta sa banyo. Baka nga wala lang talaga 'yon pero hindi ko na maiiwasang hindi mag alala sakanya. Dahil kitang-kita ko naman ang mga changes sakanya nitong mga nakaraan. Nagtungo na lang ako papunta sa kusina at nakita ko doon ang pancit na iniluto ni Lola. Ibinaba ko muna ang regalo ni Tita Lonia at Levon sa akin sa kwarto ko. Hindi ko pa iyon chinecheck pero kahit ano namang laman non ay tiyak na magiging espesyal sa akin ng sobra. Narinig ko namang may kumakatok sa labas kaya mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Iniluwa non si Lathan at Mea. May dala pa silang pinapasok ko na sila sa loob. "Happy birthday!" Aniya nila. Nakita ko ang ngiti sa mukha nilang dalawa. Nakita ko din si Mea na may hawak na paper bag na inabot sa akin. Kinuha ko naman 'yon sakanya at sandali siyang niyakap. "Salamat. Pasok kayo," nakangiting sabi ko. '"But I'm afraid that i can't stay here longer. I'm going to Tiffany's birthday later. Is that okay with you, Evanie?" Si Lathan. "Ah.. Oo naman? Bakit naman hindi magiging okay sa akin 'yon e, girlfriend 'yon ni Levon!' "Ako rin, Evanie. Alam mo namang may curfew na ako diba? Kapag hindi ako sumunod mafrefreeze ung credit card ko," Nakisingit si Mea. "Ayos lang. Walang problema 'yon," Isinagot ko na lang at inaya na sila sa kusina. Hindi ko alam kung bakit sila masiyadong worry. Wala lang naman sa akin 'yon. Ang mahalaga na lang ay nandito ang presence nila. Kumain lang kaming lahat ng sabay-sabay at nakasama na doon ang biruan. Napakadaming nasasabi ni Mea. Hindi sila close ni Lathan pero mukha naman silang nagkakaget along. "Napakabilis talaga ng oras! 6 nung pumunta kami dito tapos ngayon 8 na," Ungot ni Mea. "Aalis na lang ako mamayang 9," Dagdag niya. "Me too," Si lathan. Talagang 9 pa sila aalis? Maaga papalang alis 'yon? Pagkakaalala ko ay 9:30 ang curfew nitong si Mea. At si Lathan naman ay may pupuntahang birthday. Balak nila talagang samahan ako. Tinignan ko si Lola at masayang nakatingin ito sa amin. Parang masaya niya na ang apo niya ay may mga iba nang kaibigan ngayon na hindi lang si Levon. Hindi ko pa nga masabi sakanya na hindi kami ayos ni Levon. Hindi niya rin naman matanong kung bakit wala dito 'yon. At mas lalong ala rin akong maisasagot kapag tinanong niya. Mahirap magpalusot. Hindi ko rin kayang mag-sorry kay Levon gayong sinabe ko lang naman 'yon base sa narinig ko na sinabi ng nobya niya. Hindi naman ako ang tipong gagawa ng ganong bagay at magsisinungaling sakanya. Mas matatanggap ko pa kung ibang tao ang magdodoubt sa akin ngunit ang taong kilalang-kilala pa talaga ako. Ibang klase na talaga siya. "Mag-sstart na ang midterm nextweek. So sulitin nanatin ang buong weekend ng may saya, okay?" Nakangiting sabi ni Mea. "I can't. I have to study all week," Sagot ni Lathan. Nginusuan naman siya ni Mea. "Ang seryoso mo sa pag-aaral, ah? Iyong si Levon naman ay busy sa girlfriend. Pero balita ko ay matalino din 'yung si Levon?" "He's actually smarter than me. He can do things without trying," Sagot ni Lathan. Pansin ko nga 'yon. Iyon ang natatanging pagkakaiba nila. "Mas pogi ka naman e," Sambit ni Mea at hinawakan ang balikat niya. Kung titignan nga ngayon ay mas pogi siya. Pinagkaiba lang naman nila ay ang katawan. Parehas na parehas din ng mukha. Ibang klase rin talaga mang flutter si Mea minsan. Maski ako ay nagaganyan niya. "9 na," Saad ko. "Bilis ng oras!" Sabi ni Mea. Parang nalulungkot pa siyang aalis na siya "Alis na kayo. Kita-kita na lang bukas. Ingat!" Sambit ko sakanilang dalawa pagkatapos nilang magpaalam kay Lola. Sinundan ko lang sila papaalis sa pinto at muling nagpaalam bago isinara ang pinto ko. Nakakapanibago dahil wala si Levon pero dahil sakanila ay kahit papaano napasaya pa rin ang araw na 'to dahil sakanila. Kompleto pa rin kung sasabihin. Nawala ang ngiti ko sa labi ng makita ko si Lola na nakahawak sa tiyan niya at tila hindi na mainda ang sakit na nararandaman. Mabilisan akong lumapit kay lola at itinayo siya. Para akong mababaliw sa sitwasyon ngayon dahil kitang-kita ko ang sakit na nararandaman ni lola. Tumakbo ako papunta sa kabilang bahay at kumatok ng malakas. Nakatira rin doon ang trycicle driver na kakilala namin lola. "Oh evanie, naparito ka?" Nagtatakha pang sabi ni Mang Alberto. "S-si lola po. Kailangan niyang pumunta sa hospital," Mabilisan namang tumakbo si Mang alberto sa bahay namin inalalayan namin si Lola papasok sa trycicle. Maling-mali na inisip ko na wala lang iyong kanina. Mas lalo akong kinabahan ng inubo si Lola at nakita ko doon ang dugo. "L-lola?" Nauutal na sabi ko at sunod-sunod na ang naging agusan ng luha ko. "Wala lang ito apo. Huwag kang mag-alala," Saad niya kahit hirap na hirap nang mag salita. Parang naawa din si Manong Alberto kaya mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo hanggang sa makarating kami sa hospital. Agad namang tinulungan si Lola ng mga nurse. Naghihintay lang ako sa labas ng hospital room habang kinakabahan. Iba ang bigat ng dibdib na nararandaman ko. Nang makita ko na ang paglabas ng Doktor ay agad akong lumapit sakanya. "Kaano-ano ho sila ng pasyente?" "Apo niya po ako. Ako po ang nag-iisang pamilya niya ngayon," Napabuntong hininga na ito na siyang ikinakaba ko. "Miss, ang Lola mo ay merong gastric cancer stage 4. At mas nagiging worse na ang mga sintomas ng lola mo," Kaya ba nag sara na si Lola ng karinderya? At napapansin ko ang pang hihina niya dahil all this time may sakit siya? "Pero huwag kang mag-alala. Dahil madadala pa sa dignosis at treatment ang sakit na ito. Excuse me," Iyon lang ang sinabi ng Doktor at umalis na sa harap ko. Pumasok ako sa hospital room at doon ko nakita si lola. Ibang-iba nanga talaga siya. Hindi ko alam na tinitiis niya lang. At hindi ko alam ba posibleng alam niya ng may sakit siya ngunit pinili niya lang na hindi pansinin iyon. Agad akong lumapit kay Lola na nakangitin lang sa akin. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya at nagsalita. "Lola, magpatreatment po kayo ha? Ako po ang bahala sa mga gastusin. Kahit gaano pa 'yan kamahal." "Apo, pasensya ka na. Ayoko na mag pagamot pa.." Bumagsak ang balikat ko sa narinig kong 'yon. Sunod-sunod ang naging pag-luha ko at mas lalo ko pang hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Lola, alam niyo naman po kayo lang ang kasama ko dito hindi ba? Huwag niyo naman po akong iwan dito," "Apo, wala na rin tayong pera. Pasenya ka na kung ayoko na. Gusto ko ng mag pahinga sa taas. Gusto ko nang makita ang mama mo at ang Lolo mo," Mas lalo akong napahagulgol sa sinabi ni Lola 'yon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung wala si Lola. Wala na akong pamilya sa mundo. Hindi ko inaasahang maski ang nag-iisa kong pamilya ay balak na rin akong iwan mag-isa dito. Narandaman ko na lang ang paghagod ni Lola sa buhok ko. "Ikaw ang pinakamamahal ko sa mundong ito, Evanie. Nagpapasalamat ako dahil umabot ako hanggang sa mag kolehiyo ka na. Sana'y maipangako mong kahit wala na ako sa mundong 'to, huwag kang titigil sa pangarap mo at gawin mo ang makakapag pasaya sa iyo," Wala na akong nagawa sa sinabing 'yon ni Lola. Hindi ko na alam kung paano ko siya mapipilit na magpagamot at huwag akong iwanan. Ngunit mas nirerespeto ko ang desisyon ni Lola kung ayaw niya nang magpatuloy. Hindi ko inaasahan na sa araw pa ng kaarawan ko mangyayari ang bagay na 'to. Ibang-iba ang klase ng bigat sa dibdib na narandaman ko. Kahit sa ilang taon na si Lola at Levon lang ang meron ako. Ngayon ko lang narandaman ang pagiging mag-isa. Ang pakirandam na maiiwan ka ng mag-isa. At para rin akong mababaliw sa sitwasyon na 'to dahil pinapanood ko ang mahal ko sa buhay na sumusuko na sa buhay. At hindi ko alam ang gagawin ko para matulungan sila, dahil kahit anong gawin ko ngayon. Ang tanging magagawa ko lang ay manood at maiiwan nanaman akong walang choice sa bagay na kahit gusto kong mangyari ay hindi mangyayari. Pinanood ko na lang si Lola at ihiniga ang ulo ko sa gilid ng kama niya. Nararandaman ko ang paghagod ng buhok ko nito sa akin. Matagal-tagal na simula ng ginawa ito ni lola para sa akin, pero ito ang bagay na nakakapag bigay sa akin ng comfort sa lahat ng bagay. Dahil ang Lola ko ang pinakaespesyal na tao sa buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD