Trigger warning : Abused// s****l harrasment.
HELPLESS
Nandito kami ngayon sa province dahil dito hiniling ni Lola pumunta. Nandito ang ibang relatives namin. Andito ang dalawa niyang anak na Tita ko na rin. Ngayon lang ako nagkaroon chance makita sila.
Umiyak din sila Tita sa nalaman tungkol kay Lola. Kaya ngayon naman ay todo asikaso sila kay lola. Kaya lang bawat araw ay pahina siya nang pahina. Wala na din ako sa school. Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik doon. Midterm pa naman sana namin ngayon.
Masakit din sa akin na hindi ako makakaattend sa school at posibleng hindi ko matapos ang first year ngunit mas pipiliin ko pa rin ngayon na makasama si lola kesa mawawala na siya ay wala ako
At ang isa rin sa ikinalulungkot ko ay wala na akong uuwian doon. Ipinasangla ko na ang bahay namin. Naging kapos din ako dahil sa hospital bills ni lola doon at ang pamasahe namin dito. Napakadami kong problemang haharapin. Ngunit ang natitira kong choice ngayon ay magpakatatag.
"Mama, si Lola hindi na humihinga!" Rinig kong sigaw ng anak ni Tita selly.
Parang gumuho ang mundo ko sa narinig at agad na tumakbo papalapit sakanila. Hinawakan ko sila at chineck kung may pulso pa ito ngunit wala na. Wala na akong nagawa kundi umiyak na lang habang tinitignan si lola. Hanggang sa huli ay niyakap ko siya ng mahigpit. Naririnig ko pa ang iyak nila Tita selly na syang ikinadurog din ng puso ko. Ngayon na nga lang nila makikita ang magulang nila kung kailan patay na. At ngayon naman ang tuluyan na pagkawala ng pinakamamahal ko sa buhay.
-
Nandito ako ngayon sa burol ni Lola. Ako na lang ang naiwan dito. Umalis na ang ibang nakalibing habang ako ay nagpaiwan. Hindi ako makaiyak at hindi ko na marandaman ang iba pang bagay.
Ang lungkot sa pagkawala ni Lola at ang lungkot dahil baka mahirapan na akong tuparin ang pangarap ko. Dahil iniwan ko na ang buhay ko sa manila.
"Susubukan ko pa rin pong mabuhay kahit wala na kayo,"
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang 'yon ay umalis na ako sa burol ni Lola.
Nagpatrycicle na ako kaagad pauwi at naninibago talaga ako dito. Hindi ko rin alam kung paano ko kakayaning mag stay kila Tita selly gayong ngayon lang naman kami nagkita-kita.
"Evanie, mag hugas ka ng pinggan at maglinis ka dito sa bahay. Wala ako hanggang mamaya. Ikaw na din ang bahala sa mga anak ko,"
Pag uwing pag uwi ko ay iyon agad ang sinabi ni Tita selly sa akin. Hindi na lang ako nagreklamo at umu-oo na lang sakanya.
Nag-umpisa na akong gawin ang mga inutos ni Tita. Habang ginagawa ko ang mga gawaing bahay ay hindi ko talaga maiwasan hindi mahiya dito. Baka nga ganito na talaga ang maging buhay ko dito araw-araw. At paano rin kung mastuck na ako sa ganitong buhay dahil wala na si Lola at hindi na makapag-aral?
Napabuntong hininga na lang ako at lumapit sa mga pinsan ko. Mga bata pa ang mga 'to.
"Ate Evanie, nag sschool ka pa po ba? Hindi na kami nag sschool e," Saad ng isa sa anak ni Tita selly na si Genie.
"Sa ngayon hindi na, pero baka mag-aral din ako. Kailangan ko lang ng pahinga," Nakangising sabi ko at hinaplos ang bata sa buhok.
"Gusto ko rin po mag school. Ate puwede ko bang sabihin kay mama na gusto ko mag school?" Inosenteng tanong niya sa akin.
Ngumisi ako sakanya at tumango. "Oo naman? Walang masama kung hihilingin mo 'yon. Maganda sa paaralan, makakakilala ka ng mga bagong tao na mamahalin ka,"
Sa sinabi kong 'yon sa bata ay biglang pumasok sa utak ko si Mea, Lathan at Levon na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakakaayos. Wala silang kaalam-alam ngayon sa nangyayari sa akin. Wala rin akong balak sabihin at guluhin sila. Hiyang hiya ako magpakita sa kanila ngayon. Ang tanging mahihiling ko na lang ay sana maayos sila at hindi katulad ko na kailangan magpanggap na masaya kahit iba ang dinadalang bigat sa dibdib. Kailangan kong mamuhay ng ganito, sa ngayon.
Pinanood ko lang ang dalawang bata at nang mag gabi na at wala pa si Tita ay ako na ang nag saing at bumili na rin ako ng pagkain sa pera ko. 3k na lang ang natitirang pera ko ngayon dahil ako ang gumastos sa burol ni Lola. Itatago ko na lang muna ang perang natitira ako para sa sarili ko. At baka isang araw ay kailangan ko ulit ito.
Nang makarating na si Tita ay binati ko muna siya ng magandang gabi at ihinihanda na ang mga pagkain. Dumiretso muna siya sa mga anak niya. Napapansin kong mahal na mahal niya ng mga 'to ng lubusan.
Nang mahanda ko na ang lahat ng pagkain ay nakita ko naman si Tita na pumunta sa kusina na galit ang mukha.
"Tita bakit po–"
Nanlaki ang mata ko ng bigla niya akong sinampal ng malakas.
"Anong karapatan mong sabihin sa anak ko na mag-aral?" Galit na galit na sabi niya at muli pa akong sinampal.
"Ikaw ba ang magpapaaral? Hindi mo alam na pinipilit kong alisin sa utak nila 'yon dahil hindi ko kaya! Letche ka!" Sigaw niya sa akin at muli akong pinagsasampal.
Halos mamula mula na ang pisngi ko sa ginagawa niya ngunit hindi niya ako tinigilan. Hindi ko na napigilang hindi maluha dahil sa ginagawa niya. Hindi pa siya nakontento at sinabunutan niya pa ako at itinulak ng malakas sa lamesa.
Doon niya lang ako tinigilan at umalis sa harapan ko. Umiyak lang ako nang umiyak habang nakatingin sa sahig. Hindi ko alam na ganitong buhay pala ang tatahakin ko.
Napalingon ako kay Tita na hawak hawak ang mga damit ko. "Lumayas ka dito! Hindi kita kamag-anak! Kaletchehan lang ang dadalin mo sa pamilya ko!"
Umiiyak na kinuha ko 'yon isa-isa at lumabas sa bahay na 'yon. Siguro nga ay wala na talaga akong pamilya. Mag-isa na lang ako ngayon.
Mag-isa akong naglalakad hindi ko alam kung saan ang papatunguhan. Nakita ko ang isang bahay na parang wala ng nakatira at doon ako umupo. Siguro ay walang mangyayari kung uupo muna ako dito. Bukas na lang ako maghahanap ng tutuluyan dahil gabi na ngayon.
Natulog muna ako habang iniinda ang bigat na nararandaman sa bigat sa dibdib. I couldn't stand it anymore but i had no other choice but to endure it. Iyan ang dapat ko tandaan. Wala ako ni kahit isang tao ngayon para sa akin. At ito na ang relayidad nang buhay sa akin.
Nagising ako sinag ng araw at sa boses ng mga tao na nakapaligid sa akin. Kitang-kita ko ang awa sa mukha nila.
"Kawawa naman. Hindi ba ito ung pamangkin ni Sally? Hindi na talaga naawa ang isang 'yon. Siguro ay nakatira nanaman kaya ganito ang ginawa sa pamangkin," Rinig kong bulong ng isang babae.
Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila at tumayo na ako kaagad papaalis don. Wala akong oras magpaawa sakanila. Pumunta ako sa palengke at naghanap ng public cr doon.
Nang makahanap ako ay inayos ko kaagad ang buhok ko at ang damit ko. Ang una kong gagawin ngayon ay maghanap ng matitirhan. Mabuti na lang ay matira pa sa aking pera dito.
Kung saan-saan ako naghanap ng matitirhan. Inabot na ako ng oras at sobrang pagapak na nang pawis ko. Naghahanap ako ng 2k lang kada buwan. Mahirap humanap non ngunit iyon lang ang afford ko ngayon.
Sa huli ay nakahanap din ako. Maliit lang ngunit ayos na para sa akin. Parang banyo lang ang liit ngunit sapat na ito para may matawag ako na tirahan. May sarili naman daw silang banyo dito ngunit kailangan lagi kang maaga para makaligo agad dahil laging mahaba ang pila.
Humiga ako at nagisip-isip ng bagay. Hinanap ko ang cellphone ko sa damit. Binuksan ko 'yon at lowbat pala. Wala rin akong nadalang charger. Bumuntong hininga na lang ako at itinago na lang ulit 'yon.
Lumabas muna ako para magpahangin at nakita ko ang babaeng nagparenta sa akin dito.
Binati ko naman 'to at nakita kong tumingin siya sa akin.
"Ikaw iyong pamangkin ni Sally hindi ba? Matagal ng ganon ang babaeng 'yon. Sinasabi nilang may sayad na 'yun sa utak simula ng iwan siya ng asawa niya. Nakakaawa ang mga anak niya. Palaging gutom," Kwento nito sa akin.
Tumango na lang ako. Napansin ko ang pasa na idinulot sa akin ng pagtulak niya ng malakas sa likod ko. Baka nga ang dahilan talaga ay 'yon. Wala na rin akong balak isipin pa sila. Patay na si Lola, ang kaisa-isa kong pamilya.
"At ikaw. Subukan mong mabuhay. Nabalitaan ko ay namatay na ang lola mo. Hindi mo rin alam kung saan titira ngayon hindi ba? Sana ay makasurvive ka sa hirap ng buhay na haharapin mo ngayon,"
Tinanguan ko ito at nagpasalamat.
"Naiintindihan ko po maraming salamat po,"
-
Matagal na simula ng nangyari ang ginawa sa akin ni tita, at nagkaroon na rin ako ng mas maayos nirerentahan na kwarto. Masasabi kong walang nagbago sa nararandaman at buhay ko miserable pa rin, ngunit kahit papaano ngayon kaya ko nang tustusan ang sarili ko.
Mahigit isang taon na. Marami na akong pinagdaan sa isang taon ngunit napunta pa ako ngayon sa sitwasyon na kahit sino'y hindi gugustuhin mapunta. Nagkaroon ako ng kaibigan dito. Dahil nagkaroon ako ng trabaho sa fast food chain. Pero hindi ko alam na ang gagawin niya sa akin ay ipinagkatiwala niya ako sa lalaking may balak na masama sa akin. Hindi ko alam na ganito pala ang balak niya. Hindi ko alam na ang babaeng itinuturing ko na kaibigan ay ipupunta ako sa ganitong sitwasyon.
"Bitawan mo ako!" Umiiyak na sabi ko.
"Bakit? Sinabi na sa akin ni marie na libre akong gawin lahat ng gusto kong gawin sa'yo? Bakit ngayon ay pumapalag ka?" Mas lalo akong nangilabot sa sinabi ng lalaking 'to sa akin.
Parang gusto kong masuka sa sarili ko ng niyakap niya ako ng mahigpit at narandaman ako ang ari niya sa likuran ko. I was hopeless. Randam na randam ko ang mariin niyang hawak sa bewang ko.
"Hindi kita gusto! At wala rin akong intensyon magkagusto sa'yo!" Galit na sigaw ko at pilit ba bumibitaw ngunit mas lalo niyang Idiniin ang sarili sa akin.
Wala na akong nagawa ng hinila niya ang buhok ko. Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pa maging ganito kahina. At sa oras na ito, hinihiling ko na sana hindi na lang 'to nangyayari.
Napapikit ako sa kabang nararandaman. Sobrang nangingibabaw ang kabang nararandaman ko. Napaiyak na ako ng marandaman ko ang kamay niyang paakyat na sana sa dibdib ko ngunit nang dumilat ako ay may pulis na tumatakbo papalapit sa amin.
Napabuntong hininga ako dahil sa relief na nararandaman. Kung wala ang mga pulis na 'to ay baka kung ano na ang nangyari sa akin.
"Miss ayos ka lang?" Tanong ng isang pulis sa akin, habang hawak hawak ang lalaki.
"Ayos lang po ako. Maraming salamat po," Saad ko at pinunasan ang luha. Inayos ko ang buhok ko. At pinulot ang bag ko sa sahig.
Simula ngayon ay hinding-hindi na ako makikipag kaibigan sa kahit kanino at mag titiwala. Hinanapan ako ng masasakyan ng mga pulis. Sobrang nagpapasalamat ako sakanila.
Habang nakasakay sa trycicle ay hindi ko maiwasang hindi maisip si Mea at Levon. Wala ni isang salita akong sinabi sakanila bago umalis. At hindi rin kami ayos ni Levon. Sila lang tanging kaibigan na mapagkakatiwalaan ko. At ang naging kaibigan ko dito. Naniwala pa talaga ako na hindi na ako ulit magiging mag-isa ngunit sa huli pala talaga ay sarili ko na lang talaga ang meron ako. And i'm so tired of being helpless all the time.
"Mahirap ang buhay. Pero malalagpasan mo rin 'yan.. Hindi talaga mawawala sa buhay ang ganyang pagsubok. Basta lagi ka lang magpakatatag at makakamit mo rin ang saya na hinahanap mo,"
Mas lalo akong naluha sa sinabi ng trycicle driver na iyon sa akin. Sobrang tagal na simula ng may magsabi sa akin ng ganong salita. Sobrang tagal na simula ng may taong nag sabi sa akin na may katapusan din ang paghihirap na nararandaman ko.