Pitong taon na ang lumipas simula ng mangyari sa buhay ko ang mga bagay na 'di ko inaasahang mangyari. At sa buong 7 years, sarili ko lang ang meron ako. Walang naging kaibigan, walang kahit ano. Ako lang.
26 years old na ako ngayon at matagal-tagal na rin simula ng nakagraduate ako. Masiyado nga talaga akong maraming pinagdaanan no'ng teenage years ko.
Pero, wala na iyon dahil nag-uumpisa na ulit ako ng bagong buhay. At ngayon, nakatanggap din ako ng trabaho sa Manila. Babalik na ako kung saan ako lumaki. At kung saan nagkaroon ako ng mga taong naging mahalaga sa akin, at memories ko kay Lola.
Nasa labas ako ngayon at hinihintay ang Secretary nung CEO na lumabas. Ayon kasi sa sekretarya niya ay gusto niya raw ako personally mameet. First day ko pa naman ngayon dito. At ngayon ko lang din makikita ang CEO sa kompanya na 'to. Isa rin daw 'to sa malaking kompanya sa pilipinas. Kaya swinerte talaga ako.
"Come with me po," Untag ng sekretarya.
Sumunod naman ako sakanya sa opisina nung CEO. Nakatalikod ito.
"Sir, andito na po siya."
"You may go out na," Tugon ng Ceo sa sekretarya niya.
Nagulat ako sa pamilyar na boses nito. Tinignan ko ang table niya at nagulat ako sa nakalagay na name. 'Lathan Solivar'
Si Lathan ba ito? Ganito ba talaga kaliit ang mundo at ang papasukan ko pang kompanya ngayon ay siya ang CEO?
Nang humarap ito sa akin ay parang namuo agad ang kaba sa dibdib ko. Dahil 7 years na ang nakalipas mas lalong andaming nag-iba. Mas lalo siyang tumangkad at mas lalo ring pumogi. Kung dati ay mukhang binata ngayon ay masasabi mong hindi na siya mukhang binata. Mas naging strong ang features niya. Ibang-iba na ang kagwapuhan niya ngayon kumpara noon.
Ngayon ko lang din napansin ang makapal na kilay nito at ang magandang hugis na mata na meron siya. Monolid ang shape ng mata niya. Matagal na akong nagagandahan sa mata niya. Karamihan sa nakikita kong guwapo ay hooded eyes ngunit ibang-iba talaga ang pagiging gwapo ni Lathan. Manipis din ang labi niya, at ang ilong na kinaiinggitan ko sakanya.
Sobrang pumogi siya. At hindi ko na rin tuloy hindi maiwasang macurious kung ano ang itsura ni Levon ngayon, o naging engineering na ba siya.
"Why are you just standing there, looking at me like that?"
"Hinihintay ko po kayong mag-salita, Sir." Sagot ko.
"Long time no see, Evanie. Have you been well?"
Ngumiti ako. Ilang taon na simula ng may nag tanong non sa akin. Ngayon lang ulit may nacurious kung kumusta na ang buhay ko.
"Maayos po ang buhay ko ngayon, Sir." Pormal na sagot ko.
"Why did you just dissapear without saying goodbye to us, Evanie?" Tanong niya na ikinawala ng ngiti ko.
Ayoko ng balikan ang nakaraan. Ngunit dahil kinakailangan ko pa rin mag-sabi ng rason ay magsasabi na lang ako.
"Namatay ang lola ko. Pumunta kami sa province. That's the only information i can say,"
"I'm sorry. I didn't know. But, okay. I respect your decision." Ngumiti lang ako isinagot sa akin ni Lathan.
"It's okay. Aalis na po ako. I should leave a good impression to my co-workers. Because it's my first day. Excuse me," Tanging isinagot ko na lang.
Akmang aalis na ako ng muli siyang nag-salita.
"Mea is architect now. Levon owns a Engineering firm now. And now, you're working here. I guess we all became succesfull in life,"
Lumingon lang ako sakanya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti lang ako at umalis na sa opisina niya. Hindi ko na naachieve ang pangarap ko na maging arkitekto. Pero ang mahalaga ay maayos na ang buhay ko ngayon. Hindi na mahalaga ang noon sa ngayon. Wala na rin akong masasabi kay Mea at Levon. Masaya na lang ako para sakanila ngunit hindi ko na sila matatawag bilang kaibigan ko, dahil ito na ang bagong simula ng buhay ko.
Pumunta na ako sa office namin. Tinignan ko ang mga katrabaho ko at dalawang babae 'yon at isang lalaki.
"Hello. I'm Evanie. I'm new here," Pagpapakilala ko sakanila.
Sabay-sabay naman itong bumati sa akin. Mukha namang sa mabait na co-workers ako napunta kaya ligtas ako. Mabuti na lang talaga.
"Hi, I'm Lea." Pagpapakilala sa akin ng babaeng nakasalamin. Ngitian ko naman siya at nakipag shake-hands.
Tinanguan ko lang 'to at inopen na ang PC para makapagtrabaho na ako. I've keep a long distance to people long ago. Masiyado na akong nag set ng boundaries sa sarili ko. And i can get along with my co-workers but hindi ako makikisama sama sa kanila.
Tumutok lang ako sa computer at nag-umpisang mag trabaho. Kitang-kita ko ang mga katrabaho ko na nag-usap usap pa pero masiyado lang akong focus sa ginagawa.
Nakita ko pa silang nagsitayuan na. Inaya pa ako ni Lea at nung dalawa na mag-lunch na ngunit tinanguan ko lang sila.
"Sure ka? Hindi ka sasama sa labas mag lunch? Mas gaganahan ka mag work kapag may laman ang tiyan?" Si Lea.
"Ayos lang ako. Kain na kayo," Nakangiting sabi ko sakanila.
I only eat once a day and it feel likes nasanay na ako sa ganong set-up. Simula noon hanggang ngayon ganon na ako. Kaya siguro sobrang payat ko na rin. Kahit ano namang gawin ko na unhealthy ay ako lang makakaalam. Because I am living alone. I'm all just by myself.
Napaangat ako ng tingin sa nagbukas ng pinto at nakita kong si Lathan 'yon. Tumayo ako at agad siyang binati.
"You're not going to eat lunch?" Tanong niya.
Hanggang noon mula ngayon mabait pa rin siya.
"No sir. I'm not hungry,"
"Don't spend your 1 hour break to work. Let's eat lunch outside," Sambit niya at itinuro pa ang labas.
Nakakahiya tumanggi kaya tumayo na lang ako at sumama sakanya sa labas.
"It's been 7 years since we've met. It's not bad to talk about each other life? Because we're friends before, right?"
"Ah oo naman, Sir." Nahihiyang sagot ko na lang.
Binilasan ko na lang maglakad habang hawak ang tray ng pagkain ko. Pinagtitinginan kasi kami. Nagtatakha siguro sila kung bakit ko kasama ang CEO e baguhan lang ako.
"How are you? Do you have a boyfriend now?" Tanong niya.
"Wala pa, Sir. Single ako since birth. How about you po?" Tanong ko at sumubo ng pagkain.
And now, ito rin ang first time na kakain ako nang may kasama.
"I'm getting married," Nakangiting sabi niya.
Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niyang 'yon. Nakakagulat talaga dahil hindi ko rin inaasahan na darating ang araw na 'to. Nacucurious tuloy ako kung sino ang maswerteng bride.
"Wow! Advance congratulations!" Nakangiting tugon ko sakanya.
"There's no invitation yet. Pero I'll give you one if meron na. You should be there in my wedding. Mea and Levon will be there,"
Tumango ako. Hindi ko alam kung handa ba ako ulit makita sila. Sa dami ng pinagbago parang nahihiya ako na sa amin, ako lang ang hindi nagawa ang pangarap ko talaga. I ended up choosing practicality for my own good.
"Only if you want to meet them. Just be in my wedding, okay?" Napansin niya ata ang pag iiba ng epkresyon sa mukha ko kaya niya nasabi 'yon.
"Yes, thank you. Pupunta ako,"
"How is it living alone? It must have been hard for you to continue living after your grandma died. Seeing how you're working here now. You're strong, Evanie." Untag niya. Parang may mangha at lungkot pa sa pagsasalita niya.
"Mas nasanay na akong mag-isa. And i've kept a good distance to myself in people to all those years. I'm good now." Sagot ko.
"You became even prettier. I'm proud of you, Evanie."
At buong buhay ko. Ngayon ko lang narinig 'yon. I guess, masaya pa rin talagang mameet ang old friend. And seeing this old friend make me feel somehow good. Hindi naman siguro masama na makipag-usap sakanya. I'll just be glad that i met one of my old friend.
"Thank you. Masaya rin ako na nagtratrabaho ako sa kompanya mo. You're succesful now huh? At may asawa pa. Siguro maganda ang asawa mo!" Natutuwang sabi ko.
Nakita ko namang natuwa rin siya at nilabas ang cellphone niya. In-on niya 'yon at lumabas ang babaeng mestiza doon na mahaba ang buhok. Maganda nga ito. Sweet din 'tong si Lathan dahil wallpaper niya talaga ang magiging asawa.
Hindi ko tuloy maiwasang hindi macurious kung si Levon ba ay ikakasal na rin o hanggang ngayon ay sila pa rin ni Tiffany. Okaya naman ay baka may iba na siya. Sure ako na he is still chubby. Dahil lagi kong nireremind sakanya na mahalin ang sarili. And i'm also curious kung ano na ang ugali niya. He's also succesful now.
I'm doing good than i was before, pero nafefeel ko na parang napag-iwanan ako.
"Yeah, she's the prettiest." Napangiti na lang ako sa sinagot na 'yon ni Lathan.
Sandali pa kaming nag usap hanggang sa matapos na ang lunch break at kanyang-kanyang balik na ulit.
Mabilis nanamang lumipas ang oras at nag gabi na. Halos sabay-sabay rin kaming nagsioff sa work. Kaya magkakasabay kaming apat ngayon papalabas. Nahihiya rin ako sumabay ngunit sila na ang nagkusang sumabay sa akin.
"Mukhang close ka kay Sir Lathan ah?" Nakikiusyong sabi ni Lea. Nakita nga pala nila kami kanina.
"Ah? Oo. Magkakilala kami no'ng college," Tanging isinagot ko.
"Kaya pala. Alam mo ba 'yang si Sir may kambal 'yan e. Fling nga 'yon ni–"
Hindi ko na narinig ang nahuling sinabi niya. Ang narinig ko na lang ay may kambal daw si Lathan na alam ko naman, dahil ang officemate ko na lalaki ay biglang nag abot ng water sa akin kaya natahimik din si Lea.
"Vince. Hindi ako nakipagkilala sa'yo kanina," Nakangiting sabi niya sa akin.
May itsura ang isang 'to. Ngumiti naman ako pabalik at nakipag hand shake.
"Pia," Doon lang nag-salita iyong isang babae. Tinignan ko ito taas baba. Nakapencil skirt siya at longsleeve polo na white. Maganda ang pangangatawan niya at siya rin. Napunta ako sa mga goodlooking na workmates.
Ngitian ko lang silang dalawa at hindi na muli nag-salita. Hindi ko rin naman alam kung ano ang isasagot ko.
"Ikaw talaga, Vince! Lahat na lang ng bago dito lagi kang interesado," Suway ni Lea sa lalaki.
"Hindi ko siya pinopormahan. She looks young. Tingin mo sa akin babaero?" Sagot naman nito kay Lea nang nakasimangot.
"Ilan taon ka na ba, Evanie?" Tanong ni Lea.
"26," Sagot ko.
Kita ko naman ang gulat sa mga mata nila.
"Kami nila Pia 28 years old pa lang. Pero huwag mo na kaming tawaging ate or what ha? Nakakatanda e," Natawa lang ako sa sinabing 'yon ni Lea.
Sa paraan ng pag-uusap nila. Sobrang halata ko na baka taon na rin silang nag tratrabaho dito.
"Dito na ako," Paalam ko sakanila ng may tumigil ng Taxi sa harapan ko. Nagsipaalam na rin sila sa akin at tanging ag isinagot ko na lang ay ngiti.
Muling pumasok sa isip ko ang usapan namin ni Lathan. Ikakasal na siya at Ceo pa. Si Levon ay engineer na, Si mea ay Architect na. Sobrang proud ako sakanila. Matagal-tagal panahon na ang nakalipas. At hindi ko alam kung kaya ko pa rin bang humarap sakanila. Sa tagal na panahon na lumipas. Hindi na ako ang dating evanie na kilala nila. I'd build my walls higher that no can even climb on it, that no one can even take down it. At lahat ng 'yon ay dahil sa past. It's because on how hurt and lonely I am for the past years.