15

2108 Words
Dumaan ang mga araw at sa wakas ay weekend na. Linggo ngayon at wala akong trabaho. Nakakapagod pala ang nag-trabaho dahil araw-araw akong overtime dahil nga sa baguhan ako. Nakakahiya kung mauuna ako mag-ooff sa mga mas mataas sa'kin. At isa pa ay bago lang ako sa team. Isa pa ay mataas nga ang kompanyang napasukan ko. They have a lot of products na nakita ko na suot ng mga tao. I even bought one of their perfumes. Luxury brands kumbaga. And that's the reason why i think I'm lucky to work sa company na 'yon. The company was called SLVR. Lahat ng product nila ay may tatak non. SLVR store was everywhere. Workers are seperated syempre. Some works in stores and me? I work in their company. Tumigil ako sa ginagawa ng marinig kong may kumakatok. I was reading about the company brand in many sites. Sikat nga talaga. "Saglit," Aniya ko. Mabilisan akong pumunta sa pinto at binuksan 'yon. Bumungad sa akin ang pabango sa unang pagbukas pa lang. Ambango, hindi matapang sa ilong. Amoy refreshing lang. Tinignan ko siya pataas pababa. May hawak pa siyang Invitation. I already assumed that it was Lathan. Kahit pa na ibang-iba ang aura nito, mas poging tignan. Siguro ay dahil malapit na siyang ikasal. Nagpapogi na, ngunit nakakatakha namang iba ang build ng katawan. He's wearing a glasses, and he's not even smiling. Nakatingin lang siya sa'kin. I don't want to keep it that way kaya nauna na'kong magsalita. "Pasok ka, Lathan." I smiled and opened the door for him. Walang imik 'tong pumasok. Pinagkatitigan ko pa 'to at iba talaga ang aura niya. Ang ganda ng style niya and the hairstyle was even different. Bagay na bagay sakanya ang glasses dahil sa matangos na ilong nito. Kulang ang salitang pogi para banggitin siya. Tinignan ko ang relo niya at ibang brand 'yon ngunit halatang luxury. I can assumed that this is Levon, but malabo. Hindi ganito ang personality ni Levon, at chubby siya. Inabot niya lang sa'kin ang invitation, wala pa rin siyang imik. "Thank you, kailan ang wedding mo? Kailangan ko rin bumili ng wedding gift and damit syempre. Sure naman ako na para mayayaman ang andon," "You can look the date in the Invitation," Malamig na sabi nito. "Aalis na'ko." Napatango na lang ako sa ginawa nitong pag sagot. Si Lathan ba talaga 'to? The Lathan i know won't act this way. Pero malabong si Levon. Baka may bad day lang siya kaya ganito umakto. Hinintay ko na lang siyang makalabas at muling nagpaalam. Ngunit wala pa rin ako nakuhang response mula sakanya. Napakibit-balikat nalang ako. Binuksan ko ang Invitation at nagulat ako nang makita ko ang date ng wedding. BUKAS NA? ngunit bakit ngayon lang ako nakatanggap ng invitation? Hindi manlang ako ready. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Lathan ngunit nauna na siyang nag text sa'kin. Sir Lathan : Hey, pumunta ka sa wedding ko bukas okay? Baka hindi magwork ang invitation e. I'll invite you myself through text na rin para hindi ka makatanggi. Naweirduhan ako sa text na 'yon. Nandito nga lang siya kanina pero may patext-text pa siyang nalalaman. Napapanick tuloy ako. Daglian akong pumasok sa banyo para maligo. Bakit naman kasi ngayon lang ako nakatanggap ng invitation? Day before wedding lang? Usually week before wedding dapat ang invitation e. Parang sinasadya ata 'to ng mundo. Nang makaligo at makabihis ako ay sumakay ako papunta sa mall. Gusto ko maghanap ng ireregalo para sakanila. Pumasok ako sa department store. Wala akong maisip na iregalo dahil nga sa mayaman sila at meron naman na sila lahat. Pumasok bigla sa isip ko ang paintings. Walang nakakaalam kundi ako lang. I have a painting store through online. Hindi sapat ang budget para magpatayo. Dahil sa naisip kong 'yon ay ganon na lang ang ireregalo ko. Hindi naman ako makaisip ng ireregalo ko sakanila dahil kaya naman na nilang bilhin lahat ng bagay. Damit na lang ang hinanap ko. Nakahanap ako ng pleated v-neck white dress. Maganda 'yon at sa tingin ko ay babagay na 'yon sa kasal. Hindi na rin naman dapat masiyadong magarbo ang suot ko dahil hindi naman ako ang ikakasal. Nang makauwi ako ay chineck ko ang online stores ko. Kakaship ko lang sa mga orders nila. Sa ngayon ay wala pa akong orders which is good. Hindi ganon kafamous ang store ko pero kumikita naman ako dahil dito. Tinignan ko ang mga paintings ko. Tinignan ko ang painting ko na nakatago. It's a painting about a man and women loving each other. Ang painting ko na hindi for sale. Nag-iisa lang 'to. And I guess perfect itong ipang regalo. Binalot ko 'yon at nilagay sa paper bag na nabili ko. Ibibigay ko na lang mismo kay Lathan. I'm sure he will appreciate it. The original painting was about me and Levon. I hate to admit it but it was my dream painting. Ang mga painting ko ay about my dreams, Sadness, anger, loneliness. I painted my biggest dream before. And that is being loved by him. Hindi for sale ang painting na 'yon dahil sa dahilan na 'yon. Pero ngayon ibibigay ko pa as a gift. Dahil noon lang. I don't think i still love him. Because all of me has changed now. - - On the way sa kasal ni Lathan. Simple lang ang itsura ko. Nag suot lang ako ng light makeup so i cannot look that plain. At simpleng jewelries. At ang tanging dala lang ay ang purse at ang gift. Nang makababa ako mula sa sasakyan ay nakita ko agad ang mga sasakyan na nakaparada. Agad akong pumunta sa loob at tinignan ang mga bisita. They're all wearing expensive dresses. Nag-kibit balikat lang ako, I'm not here to impress anyone. Nakita ko si lathan at agad akong lumapit sakanya. "Congratulations," Nakangiting sabi ko. Mamaya ko na iaabot ang gift after the wedding ceremony. "Thank you. You'll meet my wife later, Evanie. At sakto lang din ang dating mo," Ngumiti lang ako sakanya. "Sige lang. I'm sure naman that your wife is the prettiest among all the women here," Pang-aalaska ko sakanya. "Levon is not here. Baka mamaya pa siya sa reception makikita. That guy is super busy. Napakaraming pinagkakaabahalan," Tumango lang ako sakanya. Sumenyas ako na uupo na'ko, dahil ang ibang bisita ay nakatingin sa'min. Ngayon lang siguro nila ako nakita. I can even see Tita Lonia and Tito Luxon looking at us. I'm sure they're wondering kung sino ako. Lumingon ako sakanila at nagbitaw ng ngiti. I can see the shocked in Tita's Lonia face. Mukhang naging mali ang desisyon ko na ngumiti pa dahil tumayo siya sa kinauupuan at mabilis na lumapit sa akin para yakapin. "It's been a long time, Evanie." Aniya habang nakayakap sa akin. Doon ko lang din namalayan na kasama niya si Tito Luxon na nakalapit na rin. "How are you? What happened? Wala ni-isa kaming alam tungkol sa buhay mo for the past 7 years," Tanong ni Tita Lonia. Tinignan ko si Tito Luxon, nag aabang rin ng isasagot ko. "Namatay po si Lola. Nasa province po kami that time. I'm also struggling financially that time so i chose to cut all of my contacts here. At naging independent na rin po sa buhay," Sagot ko. Nasabi ko na ang nangyari. Hindi naman ako pwede hindi mag-salita sakanila. They're like a parents to me before. "It must've been hard for you, hija. But you know that you can asked for our help that right time? Hindi mo iyon dapat hinarap mag-isa." Saad ni Tita Lonia. Hindi na lang ako sumagot at tipis na lang na ngumiti. Hindi ko alam ang dapat na sasabihin. Nangyari na ang nangyari. At wala akong regrets sa nangyari sa loob ng 7 years. Mag-isa nga ako ngunit nasurvive naman. But i'd never felt the feeling of happiness since then. Iniwan ko na silang dalawa ron. I can't stand to talk to them, and even answer the question they might ask. Masiyado na talaga akong naging mailap sa tao. Wala na akong planong mapalapit muli. Nakaupo ako ngayon sa pinakalikod where no one can see me. Malapit na matapos ang wedding ceremony. It was the best thing that i saw. I somehow appreciate their vows into each other. Although hindi ko pa nakikita dito si Levon. Sa reception pa daw siya sa hotel makakapunta. Busy daw ang isang 'yon. Kahit sa kasal ng kapatid niya ay wala siya. At nakita ko rin si Mea. Ibang-iba na ang itsura niya. She became more beautiful and elegant now. Hindi ko siya binati dahil hindi rin 'yon kakayanin ng pride ko. Kaya I stayed in the back where no one could see me. Natapos nanga ang seremonya ng kasal. At umpisa na ang kainan. Nasa reception na kaming lahat. All of them was congratulating the couple. I was the last to congratulates them. Binigay ko ang paper bag na regalo ko sakanila. "Painting 'yan," Saad ko kay Lathan at ang asawa niya. "I'm Evanie. Lathan's Old friend. Ngayon mo lang siguro ako makikita," Nakangiting sabi ko sa babae. Pilit ang ngiti na isinukli nito sa'kin. Nakita ko ang mariin na paghawak ni Lathan sa kamay nito kaya ang ngiti nito ay biglang nabuhay. "I'm Tanya," Nakangiting tugon nito sa'kin. Inabot ko naman ang kamay niya at nakipag-shake hands na lang. I knew something was off because she was surprised to see me. But that's too irrelevant to think of of. "Speaking of Levon. Ayan na pala siya," Si tanya. Lumingon naman ako sa likod ko at nakita ko ang lalaking papalapit sa'min. He's wearing a glasses. Ayos na ayos ang buhok. At pormadong-pormado nanaman. At malayo pa lang amoy na ang pabango. And i was surprised too because, ngayon ko lang din narealized na hindi si Lathan ang pumunta sa bahay ko kung hindi siya. Parang gusto ko tuloy tumakbo papalayo dahil sa katangahan. But still, pinapangunahan ako ng kabang nararandaman. Ang daming nagbago sakanya. Mas pumogi, at sumeryoso. It feels like he's not the Levon i know anymore. Mukha siyang model na naglalakad papalapit sa'min. "Mas pumopogi na sa'yo ang kambal mo," Rinig kong pang-aasar ni Tanya sa asawa. Narinig ko lang ang mahinang singhal ng asawa sakanya. "Pupunta na nga lang ay ung sobrang gwapo pa. He really want to steal my spotlight even at my wedding huh?" Si Lathan, na kinatawa lang ni Tanya. "Congratulations on your wedding, Lathan and Tanya. I'm sorry for being late. You know, too busy with my projects." I was too stunned to speak or even moved. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Parang wala nga manlang ako sa harap niya dahil hindi niya ako tinitignan at deretso lang kay Tanya at Lathan. Nagpaalam na lang ako kay Tanya at Lathan dahil don. I cannot stand being around him. Sobrang uncomfortable. Pero sa kamalasan nga ay napaupo pa ako sa Table kung nasaan meron si Mea at Levon. My workmate Lea ask me to sit here. Nawalan na ako ng choice. Parang sobrang awkward. Levon was just sitting there casually. Busy siya sa phone niya, maybe he's texting his girlfriend? hindi siya mawala-wala don. And Mea. She's looking at me like i owe her a thousand explanations. I don't know what to do. Hindi rin ako makakain. Nakakauncomfortable ang sitwasyon na 'to. Parang gusto ko na agad umuwi. "Excuse me," Saad ko na lang. Hindi ko na makaya kaya lumabas na ako. Doon ko lang narandaman ang hangin. At doon lang ako nakahinga. At hindi ko rin napansin na si Mea ay nasa likod ko pala. I saw her teary eyes. Hindi niya na napigilan ang mabilis na pagyakap sa'kin ng mahigpit. At nagulat ako sa paghagulgol niya habang mahigpit ang yakap sa'kin. "I missed you! Hindi mo ba alam kung gaano kami nag-alala sa'yo? Even Levon.. Our classmates. Akala namin may nangyaring masama sa'yo. It's been 7 years. How you could you not even contact your best friend?" Aniya habang umiiyak. "Me and Levon know your grandma's died. Sinabi 'yon sa amin ni Lathan. Kay Lathan lang kami nakakapa ng impormasyon. You don't know how much worried I am," Wala akong naisagot at niyakap na lang din siya ng payakap. So this is how it felt to have someone who's worried at you? Pero mukhang siya lang ang nakakarandam nito. And it seems like Levon doesn't even give a ton of care. "I'm sorry. Kung ginusto ko mag-isa at isurvive ang buhay na mag-isa. I should've thought that i had you. But i just can't ask for help. And I'm still living in darkness until now."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD