Ilang linggo na ang nakalipas simula ng kasal ni Lathan. I'm now connecting with Mea. It's really awkward because she's spoiling me so much. Tuwing weekend ang dalaw sa bahay. Parang hindi busy. At minsan kapag inaaya niya ako ay meron si Levon and their other friends. Hindi ako makatanggi dahil good friend siya sa akin.
At hindi lang doon. Maski ngayon. I'm sitting awkwardly behind Mea. Nakaupo sa harap namin si Levon and Vienne.
"Sinabi ko naman sa'yo na itigil mo na akong iinvite kung meron siya. It''ll never be the same for us," Bulong ko kay mea.
"I can hear you whispering," Usal ni Levon.
Tignan ko lang siya at tanging sama ng tingin na lang ang nagawa. Gusto ko siyang sapakin o ano man. Pero hindi ko rin magawa. Parang hindi manlang nag-matured nakakainis.
"Engineer Solivar, aren't you too busy with many things?" malambing na sabi sakanya ni Vienne.
Tinawag pa talaga niya na Engineer Solivar. Pwede naman sa name, napakaarte. Nakakainis lang makita at marinig silang dalawa sa harap ko.
"I'm free. My engineering firm is going fine. Wala pang masiyadong project, pinasa ko na mga co-workers ang projects."
"First time ata maging free ang schedule mo ah? For sure bukas, busy ka ulit," Nakangusong sabi pa nito.
Kung mag-usap sila ay para sila lang ang tao dito. Parang kung mag-usap ay parang mag jowa na naglalambingan. Seeing and hearing is making my blood boil.
Tinignan lang siya ni Levon na parang walang pakialam. Doon ko lang din napansin na nakatitig siya sa'kin kaya agad akong umiwas ng tingin sakanila.
"Kailan kapa naging free Levon? Lagi ka ngang busy. I heared na may project ka sa C***?" Sabat ni Mea sa usapan.
"You're right. I'll be there next week para tignan na rin. Matagal-tagal ako don," Sagot ni Levon sakanya.
Kamalas-malasan nga naman. Nagkataon pang sa lugar na 'yon kami may business trip. We are there to meet some few important clients. And of course to convince them to collaborate with us. I heared from Lathan that it's a big deal.
"Goodluck then!" Nakangiting sagot sakanya ni Mea.
Inanyayahan ako ni Mea na umorder ng food para sa aming apat. Hindi ko nga kaya kausapin ang mga 'yon ay kumain pa kaya sa harap nila. Wala naman akong choice dahil bumabawi rin ako kay Mea.
"She's just one of Levon's bitches. Kung tingin mo ay 'yan pa ung good boy na kilala mo noon? You're wrong. Mas marami nang experience 'yan kesa sa'yo," Aniya ni Mea habang nakapila kami sa counter.
Wala lang akong imik. Halata naman na hindi na siya ganon kainosente. Gaano kaya kadami ang babaeng natikman niya na? 'one of bitches' ? So meaning marami? Ibang-iba na talaga siya sa Levon na nakilala ko. Naunahan pa siya ni Lathan ikasal. Wala ata 'yon sa plano niya. Ang plano niya lang ata ay maging babaero.
Parang mas nag-init pa ang ulo ko nang makita ko siyang hinalikan ang babae sa gilid ng tenga nito. It's annoying to see and realized that he's not the same anymore. At nakakainis because i low-key feel jealous when i know to myself that I shouldn't. Ang feelings na 'yon ay dapat pang puppy love lang. Bakit hanggang ngayon naglalast?
"Levon is just like that. Masanay ka na, hindi na talaga tulad ng dati," Bulong sa'kin ni Mea nang mapansin niyang nakatitig ako sa dalawa. Hindi ko na rin napansin na nakaorder na pala siya.
"I'll be at c*** too. Gusto ko makita iyong magiging project mo don," Malanding sabi niya kay Levon.
"Architect Cañete will be there. I don't think it's an good idea," Sagot sakanya ni Levon na ikinasama ng mukha nito.
"That Grazia Cañete again? I think she likes you! Nakakainis." Iritadong sabi ng babae.
"Parehas lang naman kayong may gusto sakanya at walang karapatan sakanya. At nag-pauto naman kayo sa kaibigan kong 'to? He's just enjoying playing the both of you," Sabat ni Mea.
"Mea," Si Levon, nagtatangkang pigilan siya.
Halata sa mukha ni Vienne ang Inis. Hindi lang siya makapatol. Sa halip ay nag walk out na lang ito. Nanatili lang ako walang kibo na nakaupo sa tabi niya.
"Its not like you care," Saad ni Mea.
"Yeah, I don't care. Just don't be mean around her. But thanks, she might not contact me again because of you," Nakangiting sabi pa nito. Totoo ngang gago siya.
Biglang nag-ring ang cellphone ko kaya napatingin silang dalawa sa akin. Tinignan ko kung sino ang tumatawag at si Vince 'yon. Bakit naman kaya siya napatawag e linggo ngayon?
"Busy ka ba ngayon evanie?" Aniya sa telepeno.
"Hindi naman, nasa labas lang. Kumakain kasama kaibigan ko. Bakit ka napatawag?"
"Wala naman. Bukas kasi sana, kain tayo sa labas nila Pia tapos Lea after natin mag off sa work,"
"Sure sige. Basta treat mo ha?" Nagbibirong sabi ko.
"Sige, basta ikaw." Sagot niya.
Pagkatapos nang usapan na 'yon ay nag-paalam na kami sa isa't-isa. Kailan kaya ako masasanay na may mga kasama ulit? Ganito lang naman. I can't let them enter in my life. Hanggang dito lang. Gawain lang 'to ng isang normal na tao, to have a communication na rin.
"Sino 'yon? Inaaya ka makipag date?" Tanong ni Mea. Tumingin naman ako kay Levon, he's also looking at me. Parang nag tatanong rin ang mga mata niya.
"Co-worker marami kami don."
Tumango lang si Mea pero parang hindi siya sangayon sa sinagot ko. Bahala na siya dyan. Wala pa nga ako naging nobyo kahit isa. May mga sumubok manligaw pero sadyang hindi ko pa kayang magpapasok ng tao sa buhay ko.
Nagkwentuhan lang kami. Pero madalas ay kasali si Levon at hindi. Pero ang nangyayari lang, ang nag-uusap ay si Mea at ako. At ako naman at si Mea. Talagang hindi na kami ata muli magkakasundo. Mas maganda pa. I can't be friends with anymore. Wala na 'yon sa plano ko. Mukha rin naman siyang walang pakialam sa'kin o kaya naman ay mukhang hindi niya rin ako namiss o nagkaroon manlang nang pakialam nung nawala ako. He's too busy loving tiffany, his ex.
"Yes, Grazia. Why did you call?" Sabay kaming napatingin sakanya ni Mea ng may sinagot siya.
"Yeah, I miss you too. Maaga ako next week sa C***. Alam mo namang kailangan ko na tignan 'yong project don, at umpisahan na rin. And luckily, you'll do the designing again." Nakangiting sabi niya pa kahit nasa telepeno ang kausap.
Kahit pa ilang taon na ay, masakit pa rin. Masakit pa rin na hanggang kaibigan niya lang ako and now strangers. We're adults now but it feels like the pain of teenager me is coming back again. Bakit ba ang hirap niya hindi na lang mahalin? Niloko ko lang ba talaga ang sarili ko nung sinabi kong hindi ko na siya mahal?
"Aalis na ako, Mea. Nag-text yung workmate ko. May ibibigay daw siya sa akin sa labas," Paalam ko kay Mea. Hindi na ako nag-intay pa ng isasagot niya at lumabas na agad.
Dinama ko ang hangin. At naglakad papalayo sa fast food chain na 'yon. Ang yayaman nila pero nandoon sila nang dahil sa akin.
Umuwi na lang din ako ng bahay dahil wala naman na akong pupuntahan. Wala pa akong umagahan, tanghalian. Dahil kakain namin kami sa labas. At ngayon hapunan na wala pa ring laman ang tiyan ko.
Nakakatamad nga naman talaga maghanda pa nang makakakain. Nasanay na ako sa routine na 'to malabo nang mabago pa ulit.
Inayos ko na ang higaan ko at umupo don. Chineck ko ang cellphone ko para isearch sa sss ung kausap niya na architecture kanina. Meztiza na mahaba ang buhok. Sobrang sopistikada niyang tignan at maganda pa ang pangangatawan. Halata rin dito na may katangkaran at mayaman. Bukod don ay Architecture pa. Mga ganitong babae pala ang napapalapit sakanya. Kahit hindi kami magkaibigan or ano pa man, wala pa rin akong chance. Sobrang layo ko sa mga babae niya, at hindi rin naman ako nanghihingi ng chance.
-
Gabing-gabi ay nagising ako dahil may kumakatok sa pintuan ng apartment ko nang malakas. Sino naman kayang siraulo ang mambubulabog ng ganitong oras? Kakatingin ko lang kasi sa oras at alas-dose na nang gabi.
Dahan-dahan akong nagpunta papunta sa labasan na pinto. May hawak pa ako na kutsilyo sa kanang kamay para ligtas. Binuksan ko ang pinto at iniluwa non si Levon. He looks hell, nakasalampak siya sa sahig ng pintuan ko at nakapikit pa. Akmang kakatok ulit siya ngunit hangin na lang ang nakatok niya dahil nandon na ako sa harapan niya.
"Oh you're here? What are you doing in my house?" Pipikit-pikit pang sabi niya. Amoy na amoy ko ang alak sakanya. Halatang sobrang nagpakalasing.
"Bahay ko po ito. Mr Solivar. Gusto niyo po bang tawagan ko si Sir Lathan?" Tanong ko. Hindi ko alam ang gagawin ko sakanya.
"That guy is still in honeymoon. Are you really gonna disturb him?" Aniya at tumayo. Hindi pa ako nakakasagot siya na mismo ang pumasok. Iika-ika pa 'tong naglalakad.
Hindi ako makapaniwalang si Levon talaga ang lalaking 'to. He's freaking so georgous and hot as hell. Mula sakanyang may kasingkitan na mata, matangos na ilong, and his defined jaw, lalo na ang labi nito na kahit sino siguro ay gustong mahalikan. Kahit sinong babae talaga ay gusto siya. Madali lang talaga sakanya magpaikot at makuha ang kung sino mang babaeng nanaisin. Parang hindi na siya ung lalaking kasama ko lumaki hanggang kolehiyo. It's been 7 years, what am i expecting?
"My house looks so small right now," Rinig ko pang sabi nito.
"Eh kasi nga hindi mo 'to bahay. What are you doing here? Bakit dito ka napadpad?" May iritasyon na sa boses ko. Uminom kaya siya kasama si Attorney Grazia? He reeks alcohol.
Buti sana kung sobrang close pa rin namin, e hindi na. Kaya nangingibabaw na sa akin ngayon ang kahihiyan. Kung close lang kami ay baka binuhusan ko na siya ng malamig na tubig.
Hindi ko na siya napigilan dahil nahiga na ito sa sofa ko. Napakaliit ng sofa na 'yon at napatangkad niya. Saktong-sakto lang sa akin, kapag siya naman ay lagpas. Nawalan ako ng choice kundi kumuha ng unan at nilagay 'yon sa ulunan niya. Kahit naman naiirita ako sakanya ay may pakialam pa rin naman ako at hindi masama.
Kumuha ako ng towel at tubig sa planggana. Maligam-gam ang tubig na inilagay ko don, gusto ko sana lagyan ng malamig para magising siya ngunit hindi pa naman ako ganon kasama.
Dahan-dahan kong idinampi ang kamay ko na may hawak na towel sa leeg niya. Pinunasan ko lang 'yon at ang buong mukha niya. Sapagkat amoy na amoy ko ang alak sakanya. Nagulat ako ng hawakan niya bigla ang kamay ko at hinila ako papalapit sakanya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya hindi ko na namalayan na nasa ibabaw niya na ako. Ganon kabilis!?
"So you still cared for me?" Amoy na amoy ko ang alak sa bibig niya dahil sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin.
Sinubukan kong mag pumiglas para itulak siya ngunit nahuli ng isa niyang kamay ang dalawa kong kamay, sapat na para mawalan ako ng laban. Nilabanan ko ang tingin niya sa akin. Tingin niya pa lang ay nakukuha na ako. Kahit sinong lalaki ay mahuhumaling sa lalaking 'to. But this is just so awkward as hell. Ano bang ginagawa niya sa akin? Pinaglalaruan niya ba ako?
Napapikit ako ng marandaman ko ang labi niya sa labi ko. Pinilit kong itikom ang labi ko ngunit mas malikot ang kanya kaya nabuka at nabuka pa rin 'yon. Pinilit kong magpumiglas ngunit mas malakas siya sa akin.
Paulit-ulit ang paggalaw ng labi niya sa labi ko. Napapikit pa ako nang mariin nang marandaman ko ang mariin niyan sinipsip ang labi ko, wala akong ginagawa at nakasteady lang. But how can he be a good kisser when I'm not even doing anything? Naisip ko bigla kung gaano karami ang babaeng nahalikan niya at sinubukan ulit manlaban pero muli nanaman akong natalo ng marandaman ko ang bumababa niyang halik. And, i can already feel his lips under my neck. Para akong nababaliw sa ginagawa niya. Walang bakas ng hindi pagsangayon na hindi nangyayari sa akin! I'm liking it, at hindi ko 'yon gusto. Hindi ko matanggap na nagugustuhan ko ang ginagawa niya sa akin kahit alam kong gawa ito ng kalasingan niya.
"You look like you're liking it," Mahinang pag-tawa niya nang tumigil sa ginagawa sa akin.
Buong pwersa ko siyang tinulak dahil sa hiyang nararandaman. I didn't even stop myself from making a sound. Nagmukhang gusto ko! Gusto ko naman talaga but it's still an unacceptable na magmukhang ganon. I'm being fallen under his fingers again. Ilang taon, kahit magkaibigan lang kami. Sobrang bilis niya pa rin akong kunin.
Humiga siya sa sofa at natatawa pa rin. Natutuwa ba siya sa ginagawa niya sa akin? Ano bang tingin niya sa akin isa sa mga babae niya?
"Alam kong lasing ka lang pero huwag mo ako itulad na parang isa sa mga babae mo," Iritadong sabi ko at nilayasan siya.
Pumunta ako sa kwarto ko at inilock pa 'yon. Muli akong napapikit ng marandaman ko nanaman ang halik niya sa akin. Bakit ko 'yon nagustuhan? bakit ako nagpapadala sa ganito niya?